Simpleng Kahilingan Ngayong Pasko

spike_west's picture
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa Lotto, dahil di naman ako tumataya dyan. Ayaw ko ring magwish para sa ibang tao, dahil may mga wishes din naman sila, at tyak din na hindi naman nila ako isasali sa wish list nila!Hehhee!

Kaya siguro nararapat lang na magwish ako para sa sarili ko. Ito’y mga simpleng WISH LIST lamang ngayon PASKO.
.
WISH KO NA………………….
.
1.Sana may mangaroling sa tapat ng bahay ko dito sa Saudi, kahit bato at tansan lang ang dala nila at wala sila sa tono masaya na ako dun.
.
2. Sana maranasang ko ring makipagsiksikan sa mga mall dahil sa Christmas Rush at pumunta sa mga tyangge o bazzar at mamili ng regalo para sa mga kapamilya, kaanak at kaibigan ko.
.
3. Sana nahihirapan akong gumising tuwing umaga para magsimba tuwing Misa de Gallo, at piliting makumpleto ang siyam na umaga/gabi.
.
4. Sana makita ko sa personal ang naglalakihang Christmas Tree sa Cubao, o di kaya tumambay sa Greenhills para manood ng COD tuwing alas-syete ng gabi at panoorin ang naglalakihang parol ng Pampanga.
.
5. Sana makakain ako ng bibingkang maraming itlog na maalat sa ibabaw, uminom ng mainit na salabat at malasap ang puto bumbong na nag-uumapaw sa niyog.
.
6. Sana maka-attend ako sa mga Christmas Parties ng kumpanya o reunion naming magkakaibigan , kahit hindi na ako manalo sa mga raffle at sa mga parlor games.
.
7. Sana magkapagvideoke kaming magkakapatid kahit alam kong si Ate lang naman ang madalas kumuha ng mic at bumirit ng “You are my Song” ni Regine.
.
8. Sana biruin ako ni tatay na may regalo na daw si Santa Claus sa sinabit kong medyas sa bubong.
.
9. Sana gisingin ako ni nanay kasi Noche Buena na.
.
10. At Sana…… Sana….. SANA KASAMA KO SILANG NGAYONG PASKO.
.
Para sa maraming Pilipino ito’y isang wish list na hindi na dapat pangarapin, kahilingan hindi naman binibigyan ng napakalaking importansya. Pero sa tulad kong malayo sa pamilya at ninirahan sa bansang walang Pasko, isa itong kahilingan na alam kong hindi naman matutupad ngayon Pasko. SIMPLE lang naman ang aking mga hiling. SIMPLE lamang ang aking mga gusto . SIMPLE………………….. subalit tila napaka-imposibleng mangyari sa akin ngayong Pasko.
.
Mahirap magsabit ng parol sa bintana dito dahil baka mahuli pa ako ng mga pulis. Mahirap bumati ng “Merry Christmas” dahil hindi naman nila pinagdiriwang ang araw na iyo. Mahirap kumain mag-isa kapag Noche Buena dahil tila walang lasa ang mga pagkain dito. At lalong mahirap din isipin na pumapatak ang luha ko dahil sa pangulila at lungkot imbes na maging masya, dahil alam kong karamihan sa pamilyang Pilipino ay magkakasama sa napakasayang araw na ito.
.
Ang Pasko dito sa Saudi ay tila ordinaryong araw lamang, pero sa akin isa itong araw na mas nararamdaman kong NAG-IISA AKO.
.
Tama na nga yan, baka umagos pa ng luha dito sa computer ko!Hehehe!
.
Yan lang naman ang kahilingan ko ngayong Pasko at Maraming Salamat.
SPIKE

ohhnah's picture

^_^

 

 :)) wag ka na po malungkot.. sigurado namimiss ka den nila dito.. ^__^

ang galimg mu talga.. idol !!! 

 

 

 

 

 

spike_west's picture

ohhnah

Maraming salamat sa pagbasa nito, medyo tagal ko ring atang nawala dito sa FW! 

Alam ko namimiss din nila ako!Sigurado yun!heheh

 Ingat palagi!

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

 spikey! may pa 10 wishes

 spikey! may pa 10 wishes ka pa dyan. pwede mo namang i sum up sa isang wish lang

1. sana maka-uwi ako sa pilipinas ngayong pasko. ayun na! hehe

merry christmas sa iyo. naranasan ko rin yan noong nasa India ako. paskung-pasko nakatingin lang ako sa bintana, napaka stereo-typical ng setting. malamig pero tahimik ang malalim na gabi habang nakatanaw ako sa binta ng sixth floor ng hostel namin minamasdan ang nahihimbing na gabi. ni walang "hint" ng pasko o himig man lang.

pag bagong taon, nag count down kami ng mga kasama ko hanggang alas-dose habang nag-iinuman, tapos pagpitada ng alas-dose lahat tahimik. walang putukan kasi, lahat nakatanaw sa malayo sa bintana, lumuluha.

ilang milyon pa ba ang iipunin mo para makauwi ka na? 

 

KarikaTuura

spike_west's picture

heheheh!

Naku kung alam mo lang kuya gustong gusto ko talagang umuwi ngayon, kaso di talaga pwede eh! Pinilit ko pero wala eh, baka sa march kuya makauwi ako!hehehe

Eh sabi ko nga kung pwede lang bang dalhin ang Pasko sa saudi, eh di ginawa ko na rin! Kaso baka mabitay pa ako dito!hahaha!

Alam mo bang lalong nagiging emo ang mga OFW na kagaya ko tuwing ganitong panahon!hehehe

Miss ko na ang FW ah!

Ingat kuya at Merry Christmas

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dyeppri's picture

nabuhay ka repakols....

tama si kuya rom....umuwi ka na lamang sa pinas at ng masaya....ganda naman nitong wish list mo, kahit simple ay nakakaantigng puso kong bato.wahahaha! at para sayo ay ang wish ko lamang ay "huwag ka ng lalayo" dahil marami nakakamiss sa mga kalokohan mo.waaaaaah!

nice bro.maligayang pasko!Laughing 

 

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

spike_west's picture

Repakol

Namiss kita parekoy, pakiss nga!hahaha!

Pre buti pa dyan sa dubai, may spirit ng pasko kahit konti. Eh dito sa saudi alang ala, kahit paramdam ng spirit wala, di rin pwede!

Uuwi ka ba bro? Palagay ko emo ka rin kung hindi ka uuwi !hehehe

Miss ko na rin kayong lahat!

Ingat parekoy!

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

jonsdmur's picture

Hanep!

Galing naman ng mga wish mo. Namiss ko mga pahirip mo ah! Ako din naman ay may mga personal wish ngayong pasko... at tulad mo di ka kasama sa wish ko heheheehe!

Tagal mo yatang nawala.. saka akala ko uuwi ka ngayong December....

 

Keep on writing!

 

Jons 

spike_west's picture

Parekoy

Di na unang pasko mo ngayon dito sa Saudi, hehehe! Ano ang pakiramdam mo?hehehe

 

Ako yung unang pasko ko dito, talagang naiyak ako dun!kakalungkot eh!

 Ingat parekoy at merry christmas

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Jack A. Alvarez's picture

Merry X-mas, Spike!

San ka dito sa Saudi?

2 years na rin ako dito at dalawang pasko na rin ang dumaan...

Totoong nakakalungkot dito pero kailangan mag-stay.

 

God bless and Merry X-mas, Spike!

 

'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga

http://jackofspades01.multiply.com/

leigh13diwata's picture

buti na lang...

at uuwi ako ngayong pasko... (inggit mode) ... pinayagan ako bigla sa biro ko kung pwedeng umuwi ngayong chrismas season at isa jan sa wish list mo spikey ang binigay kung dahilan:

10. At Sana…… Sana….. SANA KASAMA KO SILANG NGAYONG PASKO.

dapat kasi eh sila ang pupunta d2 sa korea but bcoz of the tension here eh di natuloy yung plano namin. buti at pinayagan ako kahit kauuwi ko lang last september...

maligayang pasko na lang sa iyo jan sa KSA... mag-skype ka na lang at pakantahin mo sila ng "jingol bols" sa webcam para kunyari eh may nangangaroling sa iyo jan... hehehe

GOD Bless Spike!

 

... bata-batuta... malaki ang batuta...

redwanderer's picture

homesick ka kabayan???hindi

homesick ka kabayan???hindi ka nag-iisa... :( ...hayaan mo na isipin mo na lang lilipas din ang pasko at may susunod pa namang pasko..sana sa mga susunod na paskong iyon pare-pareho na tayong nasa pinas at kasama ang mga mahal natin sa buhay.

 

Merry Christmas!

 

 

 

..."To GOD be the Glory!"...