Sinasamba kita
Mahal, minsan iniisip ko kung pumupunit ba sa iyong isipan ang sakit ng ating nakaraan, katulad ng ginagawa nitong pagwasak sa aking puso tuwing hahawakan ko ang iyong kamay. Napakalamig ng iyong kamay mahal. Wala ka na namang imik, nasasaktan ako sa iyong katahimikan, ngunit anong magagawa ko? Masakit isipin na parang napakalayo mo gayong narito ka lamang sa aking tabi. Naririnig ko ang iyong paghinga, ngunit hindi ang iyong tinig, nararamdaman ko ang mumunti mong pag galaw ngunit hindi ang iyong pag-ibig.
Mahal, haplusin mo ang aking mukha, tatanggapin ito ng aking pisngi kahit na ba napakalamig pa ng iyong palad. Wala akong pakialam, ganoon ang nagmamahal hindi ba? Katulad nang lagi mong sinasabi sa akin noon, kapag mahal mo ang isang tao, tatanggapin mo siya ng walang alinlangan, katulad nang pagtanggap ko sa iyo.
Aalagaan kita, babantayan, lilinisin ko ang mga bahid ng putik na iniwang bakas ng malupit mong tadhana sa iyong balat. Iniibig kita ng labis Victoria, pipilitin kong pagalingin ang mga sugat sa iyong kaluluwa, ipaparamdam ko sa iyo ang marubdob na init ng aking pag ibig…
Maingat kitang inihiga sa malambot na kama. Hinubad ko ang iyong damit pang itaas. Wala ka paring katinag-tinag. Hinagkan ko ang iyong tiyan, nilaro ng aking dila ang maliit na butas ng iyong pusod, hinaplos ko ang iyong tagiliran, pataas sa iyong mayamang dibdib, dahan dahan kong tinanggal ang iyong damit at ang aking paghinga’y lumalim nang masilayan ko ang bundok ng iyong katawan. Ang dalawang bundok na inakala kong hindi ko na maaakyat kahit kalian. Mahal kita Victoria, at patutunayan ko iyon ngayon, ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi.
Kinintalan ko ng halik ang iyong dibdib, nilasahan ko ang ating walang hanggang pagtitinginan, matagal kong pinagpahinga ang aking labi sa mamintog mong mga suso, pagkatapos ay hinagkan ko ang iyong balikat. Ang malapad mong balikat na palagi kong kinakapitan noon tuwing naliligo tayo sa dagat, ang balikat mong naging sandalan ng aking kahinaan. Ang ligaya ng ating pagniniig ay hindi naparam, hindi napingasan, hindi kailanman naglaho. Dahil ikaw Victoria, ikaw lamang ang nag-iisang babae para sa akin.
Hinagkan kita sa labi. Hindi ka gumanti ng halik. Masasaktan ba ako? Dapat ba akong masaktan? Dapat ba akong magdamdam sa iyo? Hindi, hindi mo ito kasalanan. Wala kang kasalanan.
Ilang beses ko na bang natikman ang iyong halik? Ilang pagkakataon na ba na pinayapa ng iyong mga labi ang kabalisaan ng aking isipan? Hindi ko na mabilang…
Iyon ang mga sandaling hinanap hanap ko noong mga panahong nawalay ka sa aking piling, iyon ang mga sandaling inakala kong hindi na mauulit, hindi na muling magaganap. Alam mo ba kung gaano nito pinanghina ang aking puso? Kung pa’no ako nagmistulang isang hibang na hinahanap ang bakas ng iyong mukha sa bawat sulok ng daigdig na aking ginalawan?
…ako at ang dilim ay iisa. Kapag nakita mo ang dilim, para mo na ring tinititigan ang aking mga mata. Kapag naramdaman mo ang kadilima’y ako ang iyong nadarama, kapag binalot ka ng dilim, para mo na ring nararamdaman ang aking mga yakap, at umasa ka Hasmin, na sa dilim hindi ka kailanman mag- iisa, dahil habang buhay mo akong kasama…
Iyon ang mga katagang binibigkas mo sa akin noon Victoria, naaalala mo pa ba? Iyon ang iyong pangako tuwing nakadarama ako ng takot kapag naiisip ko na tayo’y magkakalayo.
Inilayo ka sa akin ng kapalaran, ngunit muli tayong pinagtagpo ng ating pag-ibig.
Victoria…
Interesado ka ba sa kwento? click mo ang link, may background music pa. hanep!
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/2009/11/21/sinasamba-kita/
bawal sa mga taong makitid ang utak at pulpol ang kakayahang manghusga.
...
Salamat kuya ng marami...
Malaking pabor 'yung ginawa mong pag-edit, alam ko kasi na napaka busy mong tao pero pinansin mo pa din ako. :)
Thanks talaga.
Oo nga pala kuya, nilagay ko 'yung link ng karikatuura mo sa blogsite ko, pati na ang link ng FW.
Godbless!
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/





sinta
nabasa ko na ito, maganda ang pagkakahabi cinematic ang dating.
ito ba yung pina edit mo sa akin? wala naman akong masyadong ginalaw dito bukod sa iilang capitalization ng letra at ilang pangungusap maganda na ang pagkakagawa.