singaw

noelbarcelona's picture
|

singaw lamang tayo

na sumulpot sa dahon

sa umagang kaylamig

at sa pagsapit ng tanghali'y

matutuyo sa init...

kaya bago ang buhay

ay mapugto, mapatid

hayaang sa ibang singaw

ay ating isanib

sa buhol ng pising

kung tawagi'y pakikipagkapuwa,

pagmamahal, pag-ibig...