Singaw Na Paraiso

raquellaa's picture

SINGAW NA PARAISO

Bawat nilalang sa mundo ay may paraiso hindi man magkakaugnay pilit pa din binubou ng isang mundo.  Taglay ang bawat kakayahan at dahilan isa lang naman ang pinag mulan,  sa ating Diyos na lumalang ng lahat.  Iba’t ibang mukha ng  larawan,kuwento, at paninindigan  ngunit maaring pag bukludin ng pag ibig. Landas na walang direksiyon at pakikipagsapalaran upang mithi ay makamtan. Hindi nagpapalupig sa kalaban at patuloy na nakikipag digma para sa kalayaan’t kapayapaan.  Paraiso na taglay ang sari saring hugis, kulay at paligid  ngunit adhikain ay mundong  sagana sa  lahat ng bagay .  Kulang ang talino, yaman, kagandahan at kapangyarihan ng tao upang ag paraisong perpekto na hinahangad ay makamtam.  Isa lamang na singaw ang paraiso itong kinalalagyan na maaring  maglaho na parang bula sa anumang oras na gustuhin ng ating Panginoong Diyos. Kaya lagi nating tatandaan na hindi ito ang mundo para sa ating mga tao kundi sa Bayang Banal na nakalaan sa atin kaya habang tayo ay abala sa mga bagay sa mundong ito huwag naman natin kalimutan ang pananampalataya at paglilingkod sa “Ama” na makapangyarihan sa lahat.

 


Starblaze's picture

this world is temporary

Is this world really a paradise? maybe yes maybe not..yes para sa mga meron sa buhay at no para sa mga naghihikahos..

Ang paraiso ay nasa isip lang ng tao 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/