"Sining ng Panitikan"

tessa's picture

Marahil hindi natin alam kung saan nagmula ang panitikan,masasabi nating ang panitikan ay matagal nang panahon na nagagamit. Ngunit hindi natin alam kung saan ito nagmula, talaga nga namang may mga manunulat ang tumanda na at lumipas na sa pag gamit ng panitikan. Maraming paksa ang panitikan hindi ito isang sermon na pwedeng bigkasin na lamang ng basta-basta. Subalit,kadalasan ay nagkakaroon ng pagtatalo kung ano nga bang wika ang dapat gamitin sa panitikan. Hindi ba dapat na mas isipin natin ay ang kung ano ang wika mismo bilang wika ng panitikan. May ilan naman na nagpatotoo na isang bagong konsepto lamang ang "panitikan" sa ating kasaysayan. Noon pa man ang "panitikan" daw ay isa lamang salitang likha. Mula ito sa ugat na "titik" o mas nangangahulugan lamang ng pagsulat.Nagsimula na rin gamitin ang "titik" katumbas ng "letra" sa alpabeto.Laganap na rin ang paggamit ng "panitikan" bilang pamalit sa salitang ginagamit na "literatura" mula sa Espanyol. Gumulo bigla sa isip ko na ibig bang sabihin nito ay hindi sa bansa natin nagmula ang panitikan? Marahil nagsimula ang panitikan sa karanasan ng mga Filipino noong panahon ng kolonyanismong Espanyol at hindi talaga orihinal na nagmula sa ating bansa. Sa panahon natin kase Oral o Pabigkas ang literaturang dinatnan ng mga dayuhang espanyol. Lumikha ang ating mga ninuno ng sari-saring alamat,kwento at tula ngunit hindi ito isinulat. Kung kaya sa katotohanan ay walang "panitikan" o nakasulat na malikhaing paraan ng pahayag,masasabi ko na sa simpleng kwentuhan ay mabubuo ang panitikan. Napaklarami nating panitikang bayan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nalilikom ng mga antropologist sa kadahilanang masagana tayo sa halimbawa ng panitikang pabigkas.Tulad ng tula,hindi ito binibigkas lamang ng basta-basta,ito ay may kasamang himig at tugtugin. Masasabing marami ngang uri ang panitikan,ang tula ay may himig at ang himig ay isang awit.Iba pang anyo ng panitikan ay ang tula at sanaysay.Ang sanaysay ay mula sa pinaikling sinulat ng isang"sanay sa pag sasalaysay" na ang katumbas ay "Essay". Samantalang ang tula naman ay binubuo ng prose. Maraming halimbawa ang pinag gagamitan ng tula,katulad ng komedya na unang pambansang teatro ng pistang kristiyano.Patula ang pag bigkas dito at may awit at tugtog sa mga tampok na tagpo.Maihahalintulad din na ang panitikan ay isang sining.Sining na katumbas ay mag isip.Hindi ito paglalaro at pag aliw lamang,ang sining ay ginagamitan ng matinding pag iisip.

Tunay nga na ang "Panitikan" ay maraming pinagmulan at halimbawa.Sa simpleng gawain natin sa araw-araw ay may katumbas na panitikan.Panitikan o Literatura,kahit san man nagmula,ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng Panitikan.


noelbarcelona's picture

Panitikan vs. Literatura

IBIG ko lamang makisabad sa inyong pagmumuni-muni, binibini. Ito ay kung inyong mamarapatin.

Hind totoong walang nasusulat na panitikan ang mga Pilipino. Ayon nga sa istoryador na si Tedoro A. Agoncillo, mayroong nagsusulat na panitikan nga lamang, ay ipinasunog ito ng mga paring Kastila sa paniniwalang sa demonyo ang mga ito (Cf. Agoncillo's History of the Filipino People, pp. 56 - 57). 

Maliban sa mahahabang mga alamat, maraming naisulat ang sinaunang mga Pilipino, gaya rin ng sinabi nina Panganiban, et al:

Ang panitikang Pilipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino (p. 3)

Kung susuriin din natin nang malapitan ang katuwirang walang nasusulat na panitikan ang mga Pilipino, ay ano pa ang silbi ng kanilang baybayin? 

Sabi nga ng isang radikal na librong pangkasaysayan na isinulat ni Amado Guerrero noong 1970:

There was a written literature which included epics, ballads, riddles and verse-sayings... (PDF copy, p. 4)

Saan ngayon nakuha ni G. Almario ang ganitong palagay?

Pero  nakatutuwa po ang inyong pagsusuri. Tama rin po ang inyong kongklusyon, at hayaan po ninyong sipiin ko sa pagtatapos ng munting kritisismong ito:

Tunay nga na ang "Panitikan" ay maraming pinagmulan at halimbawa. Sa simpleng gawain natin sa araw-araw ay may katumbas na panitikan.Panitikan o Literatura,kahit san man nagmula,ipagpatuloy natin ang mahusay na paggamit ng Panitikan.