sinO akO?

rEese's picture

Natatawa na lang ako kapag naalala ko ang nangyari noong nakaraang bakasyon. Naiyak kasi ako sa self-awareness namin. Bago kasi kami magduty sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong kailangan naming makilala ang mga sarili namin.

Akala ko na matagal na akong naka-get over sa mga past experiences ko. Pero hindi pala. Kasi bago pa man ako magsimulang magsalita sa harap ng mga colleauges ko tumulo na ang luha ko at hindi ko na alam ang sasabihin ko.Ayoko talagang pag-usapan ang tungkol sa sarili at sa pamilya ko.

Nakakahiya doon sa mga kasamahan ko,actually. Pero narealized ko din na dapat talaga nating i-let go ang nakaraan at hayaan na lang ang lahat dahil tapos na iyon.

Siguro masyado ko ring na-overanalyzed ang sitwasyon ko noon. Siguro masyado lang akong napakapit sa nakaraan. Siguro dahil hindi ko lang tanggap kung sino ako.Bago kasi makipagharap sa pasyente namin kailangan muna naming makilala kung sino at ano kami. Kung gaano pala kadaling makipagkilala sa isang tao siya namang kabaligtaran kung sarili mo ang kikilalanin mo mismo.

Mahirap talaga. Napansin ko lang kasi sa loob, masyadong malungkot kahit nakangiti kami. Parang nakakadurog ng puso na ang isang taong kausap mo, hidi alam kung sino siya at ano siya. Kahit pa araw-arawin mo ang orientation sa kanila.

Actually, sa igsi ng panahong nilagi namin sa loob marami akong natutunan. Hindi lang sa naging pasyente ko pati na rin sa sarili ko. Mas marami na akong alam tungkol sa sarili ko.


rom26factolerin's picture

outlet

 

tama ka dyan, ako nga malaking tulong sa akin ang site na ito, dito ko naibuhos lahat ng angst ko sa buhay hanggang sa unti-unti kong natanggap. kailangan talagang mailabas lang tsaka pwede sabihing mag move on na. isang magandang venue ito na bukod sa natututo ka magsulat outlet din at hingahan ng sama ng loob---at katuwaan din.

share lang ng share 

 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

callie's picture

you can ask your..

you can asked yourself ate reese ...

 

keep in touch..

paul h roquia's picture

tanong sa sagot...

kapag tinanong mo ang sagot sa harap ng salamin, malamang sa hindi, masasagot mo ang sagot ng isa pang tanong hanggang sa humupa ang lahat ng iyong mga katanungan... sabayan mo na rin ng taimtim na dasal! take care, ate!