SINO ANG BALIW?

ilyana's picture
| |

karaokeSINO ANG BALIW?

Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang

Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan,

May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan

 Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman

Sinasambit ng baliw awit na walang laman

 Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal

May isang hindi baliw, iba ang awit na alam

Buong araw kung magdasal,

sinungaling rin naman

 

 Napakaganda ng awiting na ito na kinanta ni Kuh Ledesma. Madalas ko itong kantahin noon. Hindi ko alam kung sino ang original na nagsulat ng kantang ito, pero maganda ang pagkakasulat at kung nanamnamin ang bawat salita, me maganda itong ibig sabihin.

Nakaka relate ito sa ating buhay, sa mga araw-araw na engkwentro natin sa mga tao. Me mayabang, nagbabait-baitan, nag-ba banal-banalan, at nagdu dunong-dunungan.

 Parang dito rin sa FW marami ring ganitong klase ng tao. Me mga taong gustong manira lamang, me mga taong me utak talangka, at walang ibang magawa kundi mamintas at makasakit ng damdamin.

Me mga taong iba iba ang identity, dual personality, minsan triple pa. Ang tanong ko sa sarili, dapat ba akong mainis? Dapat ko ba silang husgahan? Dapat ba akong magalit sa kanila?

Ang sagot ng aking budhi ay….Hindi!

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit

Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit

May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas

Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat

Maraming tao ang mapagkunwari, maraming taong mapanlinlang dito sa ginagalawan nating mundo, minsan hindi mo na alam kung sino ba talaga ang totoo, Sino ang paniniwalaan mo, sino ang iboboto mong kandidato, ang mga taong gusgusin o yung nakabalot ng mga diamante ang katawan? Kaya ang sabi nga ng mga akda dito, hindi importante ang panlabas na anyo. Mas importante ang pag-uugali. (tama nga naman iyon)

 Sinong dakila Sino ang tunay na baliw

Sinong mapalad, Sinong tumatawag ng habag

Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay di lubos

 O husto ang isip, ngunit sa pag-ibig ay kapos

Siguro nga ang mga taong hindi sapat ang pag-iisip imbes na hatulan at pagtawanan, dapat nalang kaawaan at intindihin. Dito sa UK, maraming ganyan, me mga tinatawag na bipolar disorder, kadalasan na mi misinterpret yung mga attitude nila, one minute okay sila, the next minute, nang-aaway nalang basta. parang yung mga Autistic, kung titingnan ang panlabas na anyo, parang normal, pero me kakulangan pala sa pag-iisip. Ganun din yung mga ADHD, sa atin dahil hindi na diagnosed ng husto ang mga taong ganun, ang tawag natin sa kanila me tililing at mga baliw. Pero nakakalimutan natin na tayo pala ang na normal ang takbo ng utak ang dapat na me malawak na pang-intindi sa ganoong klaseng tao.

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw

 Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw

Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay

Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal

Me na encounter akong isang tao dito na akala ko sadyang matalino sya, pero bilang isang ordinaryong human being, sya ay hinusgahan ko, binasa ko ang kanyang mga old post, tunay na matalino naman talaga sya, saludo ako, hindi ko lang alam kung bakit kailangan pa nyang mag-papansin, dahil mukhang husto naman ang pag-iisip, at maganda ang panlabas na anyo. Pero ang pagkakamali ko, sa isip ko, hinusgahan ko sya. Sa sarili ko tinawag ko syang baliw, pero hindi ako dapat mainis sa taong ito, datapwat dapat ko siyang kaawaan dahil hindi siya magkakaganyan kung sya ay walang malaking problema sa buhay. Naiisip ko tuloy na baka kulang sya sa pag-ibig at pag-aruga noong bata pa sya. Hmmmnnn, ako ay napag-isip lamang. Andami ko talagang natututunan dito.

of the song Sino ang baliw: Mon Del Rosario...

 

Nagustuhan ko lang ang kantang ito ni Kuh Ledesma , na madalas kong kantahin noon, at ngayon ko lang na i relate sa daily encounters sa buhay ng mga tao. Ito lang napatunayan ko .......na isa pala akong baliw...


AttachmentSize
tunay na baliw.jpg14.42 KB
Miss Pajama's picture

mahirap talagang

Mahirap talagang magkaron ng bipolar disorder.

Ito nalang, baka iba yung dating sa ibang makakabasa.

ilyana's picture

Ty

Salamat sa pag-daan Miss Pajama, bat mo naman dinelete yung iba mong post? di ko tuloy nabasa...

♥♥-ILyaNah-♥♥

Miss Pajama's picture

Naku pasensiya ka na ha,

Naku pasensiya ka na ha, minsan kasi bigla nalang akong tinotopak eh. Hehe. At saka hayaan mo na yon, wala namang mababasang may saysay sa mga sinulat ko.

 

 

Huhulihin ko ang buntot ng cold front...

Francheska's picture

Hi mam

Oo nga mam ilyansky sakto na naman ang mga sinabi nyo, pero mahirap din ata makisalamuha sa mga matitino pero nagpapakabaliw para lang masabi ng iba na naiiba ka. Oh db?

Hehehe.

ilyana's picture

Ha?????

Malalim di ko na gets Fran...hehehhe, ako kasi matino, pero minsan, me pagkabaliw...heheheh

Crazy girl tawag sakin dito eh...

♥♥-ILyaNah-♥♥

Francheska's picture

Hehehehe

Ako nga mam ilyang tawag sakin ng mga kaaway ko sa st.Paul eh crazy bitch. Hahaha, takte.

Oks lan na may pagkabaliw tyo minsan, lahat naman ng tao me sapak eh, kanya kanya lang yan hehehehe, yun ang nagbibigay ng spice sa buhay nating mga kyuti pay. Hahahaha.

Ailem23's picture

....

Nice post po, miss ilyana. may punto po kayo!

Ingatski,

Melay 

***** 

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

ilyana's picture

Salamat Melay Na curious ako

Salamat Melay

Na curious ako dun sa akda mong ninakaw? Pwede pa pahingi ng link? Galing mo siguro, kaya ninanakaw mga akda mo...

TC

♥♥-ILyaNah-♥♥

jonsdmur's picture

galing!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

ganda ng pagkakasulat mo.... sana ipagpatuloy mo yan....

sulat pa!

jons

ilyana's picture

Kuya Boy (Jonsdmur)

Salamat sa yong pagiging diplomatic...hehehe...marami ng hits yung SWN mo ah? dapat gawa kapa ng maraming scoop, Every Sunday, aabangan ko yan ha?

♥♥-ILyaNah-♥♥

Sofia's picture

Ay! Agree ako sa mga sinulat

Ay! Agree ako sa mga sinulat mo..

Alam mo,  natutuwa akong basahin ang yong mga ginawa..:)

Napadaan lang..

ilyana's picture

Wow naman...

Salamat sa madalas mong pag-daan Sofia...at na eenjoy mong basahin mga kwento ko...feel ko from the bottom of my heart..

Naks..

Ingat ka lagi,

♥♥-ILyaNah-♥♥

Rom's picture

.

Nice post! naalala ko nung nagturo ako ng art lesson sa mga autistic 

 

KarikaTuura

ilyana's picture

Autistic

Actually karamihan sa mga autistic kids, mga gifted diba? Me mga artistic, me magaling sa music at super talino, yun nga lang me sarili silang mundong ginagalawan at ayaw makihalubilo sa mga tao, gaya din ng mga Aspergers. Nagtrabaho din ako sa Mainstream Schools dito, kaso bumigay ang katawan ko, dahil Physically exhausting, dahil yung iba talagang one-to-one attention (or one-on-one as I used to say it, at kinorek ako dito, Lols) at naka wheelchair pa, esp. the kids with multiple disabilities like cerebral palsy, down syndrome etc.

 

Yung iba Grade 5 lang, pero idad 13 na, at malalaki pa sakin, hindi sila potty trained, at naka wheelchair sila. Kaya pag uwi ko sa bahay, wala na akong energy sa mga anak ko..para na akong lantang gulay... But it's a very rewarding job, saludo ako sa mga parents ng mga special children.

 

♥♥-ILyaNah-♥♥

Rom's picture

.

 naku tama ka dyan, ganyan talaga magturo sa may mga down syndrome at ADHD. ako nga art at theater lang tinuturo ko sa kanila pero kailangan maki involve ka talaga. minsan may isang estudyante ako sumampa sa ibabaw ng cabinet si superman daw siya at di bumaba kung hindi ko sasaluhin at tatalon sya hehe...

nakakatuwa lang kasi nakikita mo agad na nasisiyahan sila kapag gusto nila ang lesson. 

 

KarikaTuura

paul h roquia's picture

KONTING KOREKSYON LANG, PO...

... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!

 

 ang SINO ANG BALIW ay composition ni Elizabeth Barcelona, at inawit ni Mon del Rosario sa isang METROPOP noong early 80s.  NAPASAMA ito sa album ni KUH LEDESMA na AKO AY PILIPINO ,sa pag-aareglo ni Ryan Cayabyab; at dahil sa galing ng boses at areglo, napagkamalang isinulat ito para kay Kuh. 

 

paul h roquia's picture

ISA PA ULING KOREKSYON...

... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!

 

Nagustuhan ko lang ang kantang ito ni Kuh Ledesma , na madalas kong kantahin noon, at ngayon ko lang na i relate sa daily encounters sa buhay ng mga tao. Ito lang napatunayan ko .......na isa pala akong baliw... 

 

'TE, kahit ano pang sabihin mo na isa kang baliw, walang maniniwala sa'yo; baka nagbabaliw-baliwan ka lang.  Technically speaking, wala pang baliw na umaming baliw siya.  Hindi rin tinatanggap sa korte ang pag-aming baliw ang isang tao kapag siya mismo ang nagsabi nito.  Masalimuot ang kabaliwan, at ang dapat nating pangalagaan sa araw-araw ay ma-maintain ang ating MENTAL HEALTH dahil ito lamang ang tanging makapagdudugtong sa atin sa ating panahon at sa mga taong malapit sa ating puso.  Ang kabaliwan kasing tinutumbok sa kanta ay ang point of view ng isang taong mayroong kamag-anak/karelasyon na nabaliw.  pag nabaliw ka kasi para ka na ring namatay, wala ka rito... wala ka pa rin doon... yun lang 'TE.

ilyana's picture

Hi Paul...

Thank u sa additional info...kaya inemphasize ko dun, na hindi ko tlaga alam kung sino ang nagsulat ng kantang ito...ngayon alam ko na...TY

Hindi naman tlaga ako literally baliw...ganun lang ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko...

Pero tanggap ko yun, dahil sa walang katotohanan...pero pag ako ay napikon pag tinawag akong Crazy..ibig sabihin....hmmnnnnn...(gaya ng puna mo) baliw nanga ako...heheheh

Salamat sa pagpuna..

♥♥-ILyaNah-♥♥