sino ang mas kawawa?
twenty-first century na pero ang kaisipan ng tao kagaya pa rin noong unang panahon. ang babae dapat nag-aasawa. as in lahat ng babae required mag-asawa regardless kung anong estado sa buhay o kung anong pananaw mo basta kapag pinanganak kang babae dapat mag-asawa ka at lalong dapat manganak ka, kung hindi mababa ang tingin ng mga tao sa iyo.
nakakalungkot isipin na mula noon hanggang ngayon ganun pa rin ang takbo ng isip natin. kawawa daw sabi ng mga tao ang mga babaeng tumatandang dalaga. wala daw mag-aalaga sa kanila. walang makakasama at makakatuwang sa buhay. tatandang mag-isa. aasa na lang sa mga pamangkin o apo sa pamangkin para kalingain at kupkupin. ilan na nga bang malulungkot at nakakaawang kwento ng mga matatandang dalaga ang narinig ko? hindi ko na mabilang. parang lahat na lang sila kawawa ang ending.
sabi pa nila nakakatakot ang tumandang dalaga dahil kapag na-inlove ito hindi mo mapipigilan. magdudulot daw ng katakot-takot na kahihiyan.
kung sa bagay totoo nga naman yun. kawawa ang mga babaeng tumatandang dalaga. madalas ko ngang naririnig na sinasabi nila na kung kelan daw sila tumanda saka pa daw maglalandi. bakit daw hindi noong bata pa ay nag-asawa na sila bakit daw hinintay pang tumandang dalaga saka daw magpapakasira. nakakahiya!
nakakatawa di ba? nakikita nila ang kahihiyan at kaawa-awang estado sa buhay ng mga matatandang dalaga pero ang kahihiyan at pobreng buhay ng mga de-pamilya hindi nila alintana. normal lang daw yun sabi nila. normal na bugbugin ng asawang lasinggero, normal lang sumala sa oras, normal lang mambabae ang mga mister, normal lang maraming pamilya ang padre de pamilya, normal lang may karelasyon ang ilaw ng tahanan, normal lang mag-addict ang mga anak, mapariwara ang buhay nila dahil sa kapabayaan ng mga magulang, normal lang ang sigawan, awayan, sumbatan sa loob ng tahanan. normal lang lahat yon. normal lang lahat iyon sa buhay may asawa. at least may asawa at anak ka kaysa naman sa wala. nakakatawa di ba?
maiintindihan ko ang kababawan ng mga isip ng mga kalalakihan tungkol sa issue ng pag-aasawa ng mga kababaihan. normal lang sa kanila ang pagtawanan ang mga babaeng walang nagkamaling magpakasal. para sa kanila kaawa-awa ang mga ganung babae, malamang masama ang ugali o sadyang hindi lang talaga kagandahan, malamang iyon ang tumatakbo sa isip nila. pero hindi ko maiintindihan na pati ang kapwa babae ay pinagtatawanan at kinaaawaan ang mga matatandang dalaga. hindi ba nila alam ang hirap ng buhay may asawa?
minsan tuloy naiisip ko siguro kaya naaawa sila sa matatandang dalaga dahil hindi nila nadadanas ang hirap ng pagiging isang asawa at ina. at ang tanging dahilan nila sa pag-aasawa ay ayaw nilang tumandang mag-isa. totoo nga naman yon. pero bakit may mga pamilyadong tao na inaabandona ng kanilang mga asawa at anak. o kung hindi naman ay hindi naman din sila kinakalinga. siguro naging masama silang ama o ina. kung ganun din pala eh wala palang assurance na kapag nag-asawa ka ay hindi ka na mag-iisa. kaya bakit hindi nila matanggap ang kalagayan ng mga matatandang dalaga? ano bang nakakaawa sa mga matatandang dalaga? kung pagmamasdan mo naman ang mga buhay nila kawawa din naman ang mga babaeng may asawa, mga babaeng may anak nga pero wala namang asawa o mga babaeng iniwan ng asawa. nakakatawa di ba?
twenty-first century na ngayon pero ang mentalidad ng mga tao ay gaya pa rin noong panahon nina eba at adan. wala pa ring kalayaang mamili kung anong buhay ang gusto mo. makapamili ka man nag-iiba naman ang tingin ng ibang tao sa yo. kahit gaano ka kayaman kapag hindi ka sumunod sa batas ng kalikasan mas mababa ang tingin nila sayo. wala ka pa ring kwenta.
hindi ko alam kung ano ang lamang ng mga taong may sariling pamilya sa mga taong pinili o napilitan lang mamuhay nang mag-isa. anak? asawa? siguro nga. sino ba naman ang gustong mag-isa? wala di ba? pero ang mga babae ay may kalayaang magdesisyon kung anong buhay ang tatahakin niya nang hindi siya kaaawaan o pagtatawanan. lahat naman ng tao ay kaawa-awa tanggapin man natin o hindi. lahat tayo may pasanin sa buhay. may asawa ka man o wala, kawawa ka pa rin dahil ang buhay natin ay puno ng pagsubok at problema, hindi ko nga lang alam kung ang pagkakaroon ba ng sariling pamilya ay nakakabawas o nakakadagdag sa hirap. o kung ang kawalan ng mga ito ang nagiging sanhi ng kalungkutan. hindi ko alam. at hindi mo rin yon alam, sigurado ako.
kaya bakit tayo natatawa o naaawa sa mga babaeng tumatandang dalaga? ano ba talagang alam natin sa buhay nila at sa mga pinagdadaanan nila? pinagtatawanan natin sila at kinaaawaan pero di ba sa bibliya sila raw ang maswerte? bakit sila maswerte? kailangan ko pa bang isulat ang araw-araw namang nakikita ng mga mata?
kahapon nakausap ko ang kaibigan ko, mas bata siya ng tatlong taon, dalawa na ang anak. lasing na naman daw ang asawa niya kagabi kaya hindi nakapasok sa trabaho. sinigawan daw siya at sinabihan ng tanga nang hindi niya agad nasagot ang tinatanong nito dahil nag-iiyakan ang mga anak niya habang naglalaba siya. maluha-luha siya habang nagkukwento sa akin, sana daw hindi na lang siya nag-asawa. habang nag-uusap kami dumaan si aling sheryl, kwarenta anyos mahigit, dalaga, galing sa opisina. ang ganda ng sapatos, ng bag, ng damit, naka-rebond ang buhok at may suot na mga alahas. nagngitian kami hanggang makalampas siya. sinundan namin siya ng tingin. nang wala na si aling sheryl humarap ako ulit sa kaibigan ko, hindi na niya nagawang suklayin ang mahabang buhok, maluwag ang kupas na damit. nawala na ang dating ganda at sigla dahil sa pasaway na asawa at makukulit na anak. naisip ko bigla, sino nga ba ang mas kawawa? si aling sheryl o ang kaibigan ko?
natutuwa ako sa mga nabasa
natutuwa ako sa mga nabasa ko (i so love it!) hindi lang dahil sa wala pa din akong asawa't anak kasi nga bata pa naman ako. pero tama yung mga sinabimo. may mga nag-aasawa na di happy ang ending. nakakaawa nga yung mga ganun. may tita din ako na 43 na yata nung mag-asawa(matandang dalaga sya dati at sobrang higpit samin lalo na sakin) pero nung makahanap ng kanyang partner ayun,di na bugnutin.Pero i doubt if magkaka-anak pa sila(wala na share ko lang) nung bata din ako ayoko mag-asawa. gusto ko lang magka-anak(kasi mahilig ako sa bata at dahil wala kasi akong kapatid kaya pangarap ko rin magkaanak) pero yung pag-aasawa,ewan ko lang. (kahit me boyfriend ako ngayon)ayoko kasi ng may biyenan.baka apihin lang ako baka masakal ko lang..(hehe)at ayoko ring paglabahin ako ng mga damit,paglutuin at kung anu-ano pa.siguro nasasabi ko pa lang un kasi bata pa ko.. pero dahil sa blog mo na yan, napaisip din tuloy ako kung mag-aasawa o papasok na lang ako ng kumbento. feeling ko kasi bawat isa satin may kanya kanyang definition ng kasiyahan..at bawat kasiyahan may kanya kanyang kalungkutan.. siguro masaya si sheryl kasi meron sya ng lahat ng gusto nya,pero for sure malungkot din sya kasi mag-isa sya.and for sure masaya yung kaibigan mo dahil sa mga anak nya pero nalulungkot sya kasi napabayaan nya na sarili nya.. anyway.. i really love this blog... apir! 
thanks...
salamat sa pagbasa ng sinulat ko... sang-ayon ako sa inyo. dapat talaga hindi lang ang pagkakaroon ng sariling pamilya ang goal ng isang babae at hindi rin katapusan ng mundo ang hindi pagkakaroon ng asawa at anak...

my soulmate is worth the wait...
komento ko...
well, nag-aagree ako sayo na hindi nga kailangan pagtawanan, kutyain, at kung anu-ano pang negative comments sa taong hindi nakapag-asawa. Kahit naman mga lalaki, ganon din ang kantiyaw, kapag naka reach ka ng 40 at hindi ka pag nag-asawa, iisipin nila, baka iba ang gusto mo (na homo ka), takot ka sa responsibilidad, pihikan ka, wala kang magustuhan, at kung anu-ano pa...
but then again, we should not really allow society or even others dictate our decisions. magkakaiba kasi tayo ng reason or paraan kung paano tayo magiging masaya. naalala ko ang isang Arabo, tinanong niya ako, paano ba magiging masaya ang isang tao? Sabi ko sa kanya, depende sa konsiyensa mo eh, pero sa akin, masaya ako kapag may peace ako bago matulog, excited akong harapin ang umaga, mahal ko ang mga nagmamahal (minsan, pati haters) sa akin, marunong akong magpasalamat kahit sa mumunting bagay, at mababaw ang kaligayahan ko kahit matanda na ako, etc. For as long as you learn to value the things that you think are right, and that doesn't affect other's growth and well-being, wla naman akong nakikitang rason kung bakit hindi ka magiging masaya.
i got married when I was 26. 30 na ako ngayon. I can't think of a time (whether single ako or married) na nawalan ako ng problema. Problems come, pero definitely, they go also, in time. I got married with someone I love, I respect, and willing to serve for the rest of my life. My promises to her (through my vow sa wedding) na ako ang magpoprovide sa kanya at sa mga magiging anak namin, still stand to this day. She deserves it, not because napipilitan ako, but because my love for her is beyond words. Pero I was never perfect, the same way as she was never perfect. Pero 'yung commitment namin to be better is still outstanding. I look at it as partnership. Pero I have always believed that I am complete na even when I was single. But I was more thankful when I married her because may mga bagay about her that I can't do and she does it excellently. Pero in terms of the things she value, like her biological family, yung mga gusto niyang bilhin, etc. etc., hindi ko pinapaki-alaman. Gusto ko, out of her work, she can buy what she wants without thinking na dapat para sa aming dalawa yon. Gusto ko kasi, when people see her, nakikita nila that she is more beautiful now, that she is proud of me, that she is thankful na ako ang napangasawa niya, and she feels good about herself. She can spend her money to whatever things she wants. She knows that, pero thankful pa rin ako kasi she is very frugal. Undoubtedly, yun ang isa sa mga characteristics niya that I liked.
What makes life easier lang when I got married is of course, may kasama ka sa pag-tulog, kakwentuhan ng mga kung anu-ano, katawanan ng mabababaw na jokes, nagkakantahan, kahawak mo ng kamay pag namamasyal, hinuhug ka dahil thankful siya sa ginawa mo or binigay mo, kinikiss ka pag umaalis at pag-uwi, sineserve ka out of willingness (hindi pinuwersa), at karamay, kapag nalulungkot or discouraged ka (which can also be given by anyone for that matter). Iba lang siguro yung support that my wife gives me, that is why pag-gising ko in the morning, I can face the world with excitement and enthusiasm.
Case to case basis kasi ito. May mga happily married, may mga miserable. Pero definitely, marriage or having a partner is not a requirement to be happy. Ang importante, happy ka- sa mata ng Diyos at sa sarili mo.
:(
sana winelcome mo muna ako bago mo ako inokray.
pero ayos lang, hindi naman tayo pusong mamon o balat sibuyas.
naka-auto bold and italicized ang reply ko pasensya na, hinahanap ko kung paano ko ididis-able.
salamat pa rin sa pag-aakalang sumisigaw ako pero para sagutin yang tanong mo, hindi naman. maayos naman ang rely ko at nagkukuwento lang. (yon ay kung nabasa mo dahil nga kamo, nasaktan ang mata mo)
hahaha
nakakaaliw kayo... nasa ibaba yung hinanap mo sa gray box, click mo lang para matanggal yung bold italic... hihihi...
my soulmate is worth the wait..
:)
pero ayos lang, hindi naman tayo pusong mamon o balat sibuyas.
ayaw ko maligo sa pool kung ang tubig ay hahanggang tuhod lang...
"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."
thank you sa comment
yung totoo, naiyak ako ng nabasa ko ang comment mo, kasalukuyan kasi akong nasasaktan ngayon dahil sa pag-ibig kaya nung nabasa ko na happy ka with your life lalo akong naiyak... sana ako din maging happy gaya mo...
sabi mo din marriage is not a requirement to be happy, tama nga, pero minsan nakakalungkot talaga mag-isa lalo kapag nagmamahal ng taong hindi ka naman nakikita... at malamang sasabihin mong humanap ako ng iba, yun nga ang gagawin ko pero sa ngayon gusto ko munang maramdaman nang husto yung pain para pag move on ko ay tuloy-tuloy at walang regrets...
nakakatawa kasi ako ang nagsulat nito pero parang hindi ko ma-apply sa sarili ko ngayon ahaha, siguro kailangan ko lang pagdaanan lahat ito baka may reason si god...
anyways, thank you sa comment at hmmm natutuwa ako kasi nagcocomment ka sa mga sinulat ko... napasmile mo ako kasi matagal-tagal na din akong sad...
thank you at sana sulat ka din... may sinulat ka na ba dito hahanapin ko nalang... di na kasi ako masyadong nakakapag-online lately...
thank you thank you thank you...
my soulmate is worth the wait..
welcome welcome welcome
sa una palang, nakita ko na that magugustuhan ko ung mga akda mo. you are a person i am willing to be with na walang dull moment sigurado. :) at kahit maghapon magdamag sigurong kuwentuhan, tawanan at iyakan. :D
natuwa ako sa mga sulat mo eh, parang you think out loud. galeng ng pagkaka lay down, though i feel nga sometimes ung emotions mo behind it, na masakit, masalimuot, etc etc, pero overall ALIW :)
buti ka nga, walang haters na nagcocomment, ako, grabe, unang post ko, kahit reply pa lang, may haters na :) parang laki ng problema. oo, matalino at magaling, pero nega agad. hindi hospitable (kung sakaling matagal-tagal na dito ha). filipino writers nga eh, hindi naman PERFECTIONISTS FORUM... or else, wag siya dapat sumali.
dapat, kung ayaw mo sa isang paksa, no comment ka na lang, kasi nga may kanya-kanya tayong dahilan when we write something, according to our style, hindi naman ito course sa college na dapat i-correct, unless gusto ng author icorrect ung grammar niya, spelling, punctuations, and so on.. akala ko graduate na ako sa ganon, biglang pati ba naman dito, may terror, pa-cool effect pa.. :D
hahaha
ganyan talaga ang buhay... sige ako nalang ang mag welcome sayo.. ahahaha... masanay ka na...
wow fan na ba kita? ahahaha... joke lang... 
welcome sa fw
my soulmate is worth the wait..






...
Hindi sa binibigyan ko ng excuse ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon wala pa akong asawa at anak at wala 'yun sa mga plano ko, pero tama ka, marami akong kilalang babae na tingin nila fulfilled na sila kasi may asawa sila at may anak, pero mostly sa kanila, 'pag tinanong mo kung masaya nga ba sila, ang sagot nila, "Masaya, kasi may anak na ako." pero alam mo na deep inside, hindi sila kuntento.
Naiinis ako sa mga babaeng parang 'yun lang ang pangarap, makapag asawa at magkaroon ng anak, tapos doon na iikot ang mundo nila. Hindi kasi doon ang hangganan ng pagiging isang babae. Hindi lang pagiging asawa at ina ang obligasyon mo sa mundo.
'yang mga ganyang paniniwala na ang babae kailangan magka asawa at anak para may matawag na pamilya ay isang ideolohiya ng mga konserbatibong stagnant, hindi makaagapay sa mabilis na pagbabago ng mundo at lipunan, sila ay ang mga konserbatibong nagpapaka intelektwal, mga konserbatibong kapag hinatak mo palabas sa apat na sulok ng mundong hinihingahan niya'y hindi na magagawa pang sumabay sa malikot na takbo ng buhay.
Salamat sa magandang blog.
S
http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/