Sino Ang Nasa Likod Ng Puting Tabing?
Sino Ang Nasa Likod ng Puting Tabing?
Isang umaga sa Kultura ng Sentro ng Pilipinas
Sa tanghalang Huseng Batute isang dula iyong mamamalas
Abala ang staff sa isang produksyon
Inihahanda ang entablado at mga pangunahing aktor.
Ilang sandali pa’y dumilim ang kapaligiran
Manonood ay sabik sa kanilang mga upuan
Curtain! Sigaw ng direktor
Bumukas ang puting tabing sabay tutok ng spotlight sa aktor.
Umusok ang paligid, unti-unting nauulinig ang musika
Sumasaliw na tugtugin, kasabay ang pag-arte at pagkanta
Animo’y nagtatalo ang lalaki at babae
Lalaking nanghaharana at nangungumbinse.
Sa pagbilis ng tugtuging instrumental
Ay pagbilis ng paggalaw at pag-indayog ng pagtatanghal
Isang sukol na pangyayari, pagniniig ng dalawa
Hingal at galak sa kanilang mga mata
Pagpapahiwatig ng isang maluwalhating kaganapan
Curtain! Sigaw ulit ng direktor
Masigabong palakpakan, habang sumasara ang telon.
Unti-unting nawawala ang ingay
Sa loob ng tanghalan, walang kabuhay-buhay
Tapos na ang pagtatanghal
Nilalamon ang paligid ng kadiliman.
Sa gitna ng kawalan, isang tinig
Tinig na nanunuot sa kaibuturan ng kaluluwa
Matinis na pagsasamo
Papalakas ng papalakas, nakakabingi!!
Tanging ang apat na sulok ng tanghalan ang piping saksi.
Lumiliwanag ang karimlan
Ugong galing sa entabladong tanghalan
Bumukas ang puting telon, tinig ay napalitan
Paghihikahos at lupit na daing!!!
Naglipana na kaluluwang nananahan
Paghihirap ay tila walang hanggan
Lalaki, babae, matanda at bata
Mga naiwang ligaw at walang mga mukha
Tanging palahaw at pagpapalaboy-laboy
Sisigaw, hahalakhak at mananaghoy!!
Liwanag ay unti-unting nilalamon
Palahaw, ay naglalaho
Puting tabing sumara ng dahan-dahan
Patunay ng pagtatapos ng isang lihim ng pagtatanghal.
Bukang liwayway
Panibagong dula ang ulit bibigyang buhay
Di alintana ang magdamag na nagdaan
Na may ibang namamahay at yun ang katotohanan.
Pagtatanghal na tunay na nakapanghihilakbot
Hindi maipaliwanag na damdamin sayo'y babalot
Sino ngayon ang totoong nasa likod ng tabing
Mga buhay na nagtatanghal o ang mga mistulang nakalibing.
its up to the reader
zap
well, depende po yan sa bumabasa. Ang totoo isa yan sa mga kwento na isinulat ko, ginawa ko lng tula. since kultura na natin ang kababalaghan, hindi kailan man ito nawala. salamat sa iyong panahon at pinag tuunan mo itong basahin.samat ulit...




Uso na!
Uso na ba ang kwentong kababalaghan?! Ano ba ito zap poem o short story o isang tanong?
...........................................................
ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...