Sinturong Pangkaligtasan

Patrickman's picture
| | |

Sinturong Pangkaligtasan

Bago ka sumulong sa daan
At magpunta sa kung saan
Parating tandaan:
Isuot ang sinturong pangkaligtasan

Delikado sa daan
Baka ma-taymingan
Baka mag-crash ang sasakyan
Isuot ang sinturong pangkaligtasan

Masalimuot ang kalye
Mistulang isang palengke
Andami-daming kotse
Iba-iba ang byahe

Huwag ipikit ang mga mata
Huwag aanga-anga
Mabuti nang may kasiguraduhan
Isuot ang sinturong pangkaligtasan

Patayin ang celfone
May intertropical convergence zone
Para sa katiwasayan
Isuot ang sinturong pangkaligtasan

Delikado sa kalye
Masahol pa sa palengke
Andami-daming kotse
Ngunit wala namang pambili

 

29 May 2005

Patrick Orquia

ika-apat na tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.

somehow inspired ng isang track sa album na Natin99 ng Eraserheads na may parehong pamagat. nabighani ako sa pamagat dahil sa tila napakalalim na tagalog. kaya naisipan kong gumawa ng tula na gamit ang pahayag na ito at nilayon ko rin na paalalahanan ang mga tao na parating magsuot ng sinturong pangkaligtasan kapag nakasakay sa isang sasakyan. btw, ang sinturong pangkaligtasan ay safety belt sa ingles.

Iba pang tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:

Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai

http://patrickman.blogdrive.com

http://walruscreativeworks.blogdrive.com


Similar entries