sisidlan ng ngiti mong mahiwaga
Sisidlan
Bigyan mo ako ng angkop na sisidlan
Ng iyong ngiting hinihigitan
Ang buwan sa rikit sa gabing madilim ---
Sa ilalim ng langit, sa iyong piling.
Nais kong himay-himayin, intindihin
Ang bawat hibla ng aking damdamin,
At dahil sa iyo, akin ring magagapi
Ang katapangan kong mapagkunwari.
Pagkat, walang tutunguhin kung tatalikdan ka,
At natunaw na rin ang hangaring magkubli sa madla;
Kung mamarapatin mong ipahiram sandali
Ang iyong ngiti, isusuot ko sa aking labi.
Kung ika’y aalis matapos kong isiwalat
Ang pag-ibig kong hindi kailanman masusukat...
Isabit mo na lamang sa kisame ng kalangitan
Ang iyong ngiti, huwag mong tatakpan!
Pagkat buhay ang kapalit kapag ito’y nawala
Sa aking paningin, sa aking diwa; at
Kung ihahandog mo rin lang sa iba ---
Maari bang hintayin munang ako’y mawala?
Kunsabagay ang langit ay sapat nang lalagyan
Ng pag-ibig kong lagi kang babantayan,
At sa pisngi ng mga ulap, isabit mo siya ---
Ang ngiti mong mahiwaga.
*ang title ay suhestyon ni Ginoong Kislap Alitaptap. Rakenrol!
narul boril gongayo? jebal... :) hmm... jajjungna!!!
hmm, okay din yun...
medyo mahaba, pero okay rin yung ganung title. pag-iisipan ko muna. emo kasi yung poem. actually parang leron, leron sinta ito eh, pati yung (tragic) ending. dun ko rin nakuha yung word na sisidlan...
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Kapag kinanta ba ito
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
parang tono ng leron leron sinta? Sana marinig namin ang boses mo....
Enjoy kong basahin ito...
Godbless!
jons
Salamat Jons.
hindi jons, ibang tono, hehehe...
salamat sa pagbasa.
btw, ano bang request mo? hehe, para isend ko na lang sa iyo. di pa ako makarecord ngayon, dating rason. nagsend na ako dati kay yolak, nabulabog siya nang husto heehee.
God bless Jons.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
ayos!
maganda yung title at nilalaman. =)
thanks for sharing!
Salamat Anne! Oo,
Salamat Anne! Oo, masyadong madrama na naman ang kinalabasan, heehee. Yung title galing kay Kislap --- Salamat Kislap!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
...
Ate Ruthie,
pinatulan mo pala yung mungkahi kong pamagat.
rakenrol!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
heeeey, rakenrol!
hahaha, oo naman! san na nga pala yung mga libro mo... :) pero mas okay yan, kasama mo uli si manong. sige!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Ang gaganda ng mga tula
Ang gaganda ng mga tula mo. Panahon nang isaaklat!
Ang gaganda ng mga tula
Ang gaganda ng mga tula mo. Panahon nang isaaklat!
.
Salamat sa pagbasa! Natutuwa naman ako sa comment mo. Yikes, Dagrit/J.Luna?
Nakup, paanong...
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Salamat Po sa
Salamat Po sa pagbabasa. Nakakataba ng puso.
Teka, kayo po ni J.Luna ay kambal? Magkamukha na kasi kayo. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
May isa riyan, sinadyang
May isa riyan, sinadyang magpaaksidente: Nagpasagasa sa trak ng Pepsi, at ipinaopera ang mukha para maging kamukha ko.
May isa riyan, sinadyang
May isa riyan, sinadyang magpaaksidente: Nagpasagasa sa trak ng Pepsi, at ipinaopera ang mukha para maging kamukha ko.
Ikaw yata ang drayber
Ikaw yata ang drayber noon. At magkakuntsaba pa kayo.
Hoy, kayong dalawa ang
Hoy, kayong dalawa ang magkakuntsaba. Wala ako sa eksena nang mangyari ang pananagasaan mo sa kanya!
Hoy, kayong dalawa ang
Hoy, kayong dalawa ang magkakuntsaba. Wala ako sa eksena nang mangyari ang pananagasaan mo sa kanya!
pishit di ba? not
pishit di ba? not "pishat"?
Business articles and financial views
http://www.technoconvergingzone.com/
...
Ikaw yata ang drayber noon.
Ikaw yata ang drayber noon. At magkakuntsaba pa kayo.
pareng J,Luna ampangit mo
pareng J,Luna ampangit mo hehe mukha kang bading! bakit mo pinagupit ang dreads mo? at nag glutathione ka pa! siguro idol mo si champ ano?
kagaling galing
may mga tula na sa sobrang ganda, mapapamura ka...
...at ito ay kasama sa mga iyon.
parang katol na kapag nasinghot mo, (hahaha) mapapa-english ka. hehehe.
maganda.pramis..
salamat.
salamat sa pagbasa! masaya ako at nagustuhan mo ang simpleng tulang ito.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
ibang level ka na, ruthie!
Hmm...
salamat sa panahon, Patrick, at salamat sa iyong komento.
impromptu itong naisulat sa Mc Do, noong ika-__ ng Pebrero, 2009, Biyernes yon, yung araw bago ang Street Parade sa Panagbenga Festival. Kasama ko noon ang isang kaibigan na makata, at nagpalitan kami ng tula. Humingi pa nga ako ng paumanhin dahil puro tulang emo na lang ang naisusulat ko noon.
sulat lang nang sulat, baka makatama! Ganyan naman tayong mga naghahangad na mapabuti ang kakayahan! Sige!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
buti ka pa...
ako, ilang buwan nang may writer's block sa pagsulat ng tula. naubusan na ata ako ng energy, hehe. may nasulat na rin kasi akong 150+ poems in 10 years kaya medyo lay low muna, plus i focus more sa pagsulat ng mga kwento. this poem is a big step for you. keep it up! sana ako rin makapagsulat uli ng tula soon.
I'd love to turn you on...
wow! ibang level na itong tula mo...
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
muli ko siyang binasa... sana nga maisalibro mo ito... at sana marinig na rin namin ang boses mo na inaawit ito...
sulat pa nang sulat... Godbless!
jons
Naku, Jons, kung
Naku, Jons, kung lalapatan man ito ng musika, hindi ang buong tula, kasi mahirap yun, hehe. Libro? Naku, sana nga diba, pero hindi pa napapanahon sa tingin ko. Hilaw pa... Sabi nga ni Ginoong Roberto Anonuevo - "nasa tamang pagsasanay ang susi sa tagumpay..." Kailangan pa talaga nating magsanay!
Yaan mo't may tula akong ginawa kong kanta. Ipopost ko dito soon.
Salamat Jons.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
bihasang makata!
Hi, ruthie. Nagbabalik ako sa tula mong ito para kilatisin ang tugmaan nito. Paborito ko kasing gawin iyan ngayon.
Magkatugma ang sisidlán at hinihigitán dahil parehong mahina ang tunog. Pareho ring mabilis ang bigkas. Pareho ring nagtatapos sa patinig-katinig na an. At pareho ring i ang patinig sa penultima ng mga ito. Sa gayon, ang mga taludtod na ito ay nasa antas ng tugmang dalisay, ang pinakamataas na antas ng tugma.
Magkatugma ang madilím at pilíng dahil parehong i ang dulong patinig at pareho mahina ang tunog. Pareho ring mabilis ang bigkas ng mga ito.
Kung pareho ang tunog at ang bigkas ng dalawa o higit pang magkasunod na taludtod, ang mga taludtod na iyon ay nasa antas ng tugmang tudlikan.
Aba! Ruthie, nakagagawa ka na pala noon pa ng higit na mataas na antas ng tugma. Bihasang makata ka na pala noon pa!
Pero medyo hindi naging konsistent sa iba pang mga saknong.
Magkatugma ang intindihín at damdámin dahil parehong nagtatapos sa patinig na i at parehong mahina ang tunog, pero magkaiba ang bigkas: mabilis, malumay.
Magkatugma ang magagapî at mapagkunwarì dahil parehong nagtatapos sa patinig na i at parehong may impit ang tunog, pero magkaiba na ang bigkas: maragsa, malumi.
Dahil tunog lamang ang magkakapareho sa mga taludtod na ito, nasa antas ng tugmang karaniwan ang mga ito.
Hindi magkatugma ang ka (dahil walang impit ang tunog) at madlâ (dahil may impit ang tunog). Ang mga bigkas: malumay, maragsa.
Magkatugma ang sandalî at labì dahil parehong nagtatapos sa patinig na i at parehong may impit ang tunog. Ang mga bigkas: maragsa, malumi.
Magkatugma ang isiwálat at masusúkat dahil parehong malakas ang tunog. Pareho ring malumay ang bigkas. At parehong nagtatapos sa patinig-katinig na at. Ang mga ito ay nasa antas ng tugmang pantigan, ang pangalawang pinakamatas na antas ng tugma.
Magkatugma ang kalangítan at tatakpán dahil parehong a ang dulong patinig at parehong mahina ang tunog. Mga bigkas: malumay, mabilis.
Walang tugma sa nawalâ at at.
Hindi magkatugma ang ibá (dahil walang impit ang tunog) at mawalâ (dahil may impit ang tunog). Mga bigkas: mabilis, maragsa.
Magkatugma ang lalagyán at babantayán dahil parehong mahina ang tunog. Pareho ring mabilis ang bigkas. Pareho ring nagtatapos sa patinig-katinig na an. At pareho ring a ang patinig sa penultima ng mga ito. Ang mga taludtod na ito ay nasa antas ng tugmang dalisay.
Hindi magkatugma ang siyá (dahil walang impit ang tunog) at mahiwagà (may impit ang tunog). Mga bigkas: mabilis, malumi.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
Salamat sa iyong puna.
Yup, isa ang tulang ito sa mga naisulat ko bago ako nakadalo sa panayam ni G. Michael Coroza. Gaya mo, naniniwala akong isang matinding disiplina ang pagtutula. Mahalaga na ang tula ay may mensaheng ipinapahayag, ngunit mahalaga rin na ito'y nailalahad gamit ang piling-piling salita na nakapaloob sa angkop na porma.
Nang ipinanganak ko ang tulang ito, wala pa akong kaalaman noon tungkol sa mga antas ng tugmaan. Masaya ako at nabigyan mo ng panahon ang tulang ito. Hayaan mo't pagsisikapan ko siyang ayusin para pumasa ako sa Lira. Hehe.
Salamat muli.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Hi, ruthie
Wala akong masamang sinabi, ha? Panay paghanga ang mga sinasabi ko sa iyo. Sabi ko nga, noon pa pala nakagagawa ka na ng mga tulang makapagsasabi na isa kang bihasang makata.
Nakagagawa ka na noon pa ng mga taludtod na nasa antas ng tugmang tudlikan, pantigan, at dalisay.
Iilan na ba ang nakagagawa niyan dito?
Noon pa, isa ka na sa mga hinahangaan kong makata. Kaya kung may ibang nagkokomento riyan na parang minamasama ang sinasabi ko, utak pulpol iyon.
Ang mga pulpol ay iyong mga nagmamarunong pero kapos naman ang nalalaman sa tula. Wala naman silang naibabahagi tungkol sa tula na maaaring pakinabangan din ng ibang tao, pero ang gagaling umasta, mga feeling sorbang matatalino.
Hindi ko naman sinasabi na kapag walang alam ang isang tao tungkol sa tula, pulpol na siya. Ang pulpol ay iyong sobra kung umastang magaling pero kapos naman sa nalalaman.
Wala akong balak makipag-away kaninuman. Sila ang nangunguna, hindi ko naman inaano. Wala rin akong balak makipagsagutan sa kanila.
At lalong wala akong balak makipag-contest kung mas magaling ba ako o hindi.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
Ang mga pulpol ay iyong mga
Ang mga pulpol ay iyong mga nagmamarunong pero kapos naman ang nalalaman sa tula. Wala naman silang naibabahagi tungkol sa tula na maaaring pakinabangan din ng ibang tao, pero ang gagaling umasta, mga feeling sorbang matatalino.
Hindi ko naman sinasabi na kapag walang alam ang isang tao tungkol sa tula, pulpol na siya. Ang pulpol ay iyong sobra kung umastang magaling pero kapos naman sa nalalaman.
- Pulpol ka nga.
gawa ka rin kasi ng tulang maganda kung talagang magaling ka. puro ka pamumuna e, hindi ka naman makagawa ng kahit isang tula man lang.
I'd love to turn you on...
posted tula
Kung tungkol sa published na tula, ayokong mag-post dito ng published na tula ko. Ayoko lang e.
Ang mga pupol ay iyong mga taong nagmamarunong tungkol sa tula, pero wala namang gaanong nalalaman tungkol sa tula. Pinagtatawanan at himahamak nila si Balagtas, ang mga Balagtasista, at ang tradisyonal na tula dahil hindi sila makagawa ng mga tradisyonal na tula.
Kahit wala pa akong naipo-post na tula rito, may mga naibahagi naman na ako tungkol sa tradisyonal na tula: tungkol sa antas ng tugmaan, sukat, sesura, at iba pang mga bagay-bagay kung paano maging bihasang makata.
Iyan ay mga bagay na hindi mo dati alam. Kung alam mo ang mga iyan, aba, e di nakitaan na sana ng mga ganyan ang mga tula mo. O kaya naman ay nakapagkomento ka na sa ibang mga tula tungkol sa tugma at sukat.
Kaso, hindi mo dati alam ang mga iyan. At magpahanggang ngayon, hindi ka pa rin makapagbigay ng mga komento tungkol sa tradisyonal na tula.
Iyan ang mga pulpol: Mga nagmamarunong masyado tungkol sa tula, pero ni wastong sesura ay hindi magawa sa sarili nilang mga tula.
Ang hirap sa iyo, sundot ka nang sundot sa akin, wala naman akong ginagawa sa iyo.
Gumawa ka na lang ng sarili mong mga komento. Huwag mo na akong pakialaman dahil ayaw kong makialam sa iyo.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
olats
wala ka lang ma-post na tula e, andami mo pang palusot. hindi ko kailangan ng mga leksyon mo. wala kang karapatang pakialaman ang kung papaanong gumawa ng wastong tula ang kahit sinuman. f*ck your traditional tula sh*t.
I'd love to turn you on...
Huling sagot
Huling sagot ko na ito sa iyo. Dahil nakahihiya na sa may-ari ng post na ito.
Una, hindi ako nakikialam sa iyo. Tapos, sabat ka nang sabat diyan.
Pangalawa, hindi ako gumagamit ng mga masasakit na salita. Ikaw, mura ka nang mura riyan. Parang hindi mo ginagamit ang pinag-aralan mo.
Hindi lang ako ang nagkokomento sa mga tula rito. Marami ang mga users na gumagawa niyan. Marami ring users dito ang hindi makata o hindi pa nakakapag-post ng tula, pero nagbibigay ng mga komento sa mga tula ng iba.
Bakit sila, hindi mo sabihan ng "Satsat kayo nang satsat e"? Bakit ako lang ang sinasabihan mo?
Huwag mong sabihing dahil nagmamarunong ako. Dahil ba sa blog ko tungkol sa tradisyonal na tula? Hindi naman ako ang mga maysabi ng mga bagay-bagay na nakapaloob doon. Malinaw ko namang sinasabi kung sino-sino ang mga awtor na pinagkunan ko ng mga nakasaad doon.
Hindi ako nagmamarunong dahil hindi ako ang maysabi ng mga iyon. Ibinabahagi ko lang ang mga iyon dito.
Hindi ko rin pinakikialaman ang iba kung paano gumawa ng wastong tula kasi hindi naman ako ang nagtakda ng gayong mga pamantayan sa tradisyonal na tula. Ibinabahagi ko lamang ang lahat ng iyon dito.
Huwag mo ring sabihin na nagmamarunong ako dahil nagkokomento ako tungkol sa tugma at sukat.
Pagmamarunong ba ang ganoon? Komento lamang ang mga iyon. Mga payak na komento lamang.
Kung tutuusin, laro-laro lamang ang mga iyon dahil tungkol lamang sa tunog at bigkas ng mga salita. Ang sinumang may alam tungkol sa tradisyonal na tula ay parang laro lamang ang ganoon.
Hindi pagmamarunong ang ganoon, kundi simpleng pagtukoy lamang sa mga tunog at bigkas ng mga salita.
Dati, kung nagkokomento ako sa tula ay tungkol sa talinghaga at mensahe ng tula. Ngayon, nag-iba na ako ng istilo ng pagkokomento. Ang tugma at sukat na ang pinapansin ko. Laro-laro lamang ang mga iyan. Masarap paglaruan ang mga salita, lalo na para sa isang nagnanais maging mahusay na makata.
Kung ayaw mong maniwala na may mga tula ako, at ayaw kong i-post dito, bahala ka. Kaligayahan mo iyan.
Inuulit ko, wala akong ginagawa sa iyo. Hindi kita pinakikialaman. Kaya, tigilan mo na ang kasasabat sa akin.
Pero kung hindi ka mapipigilan, bahala ka.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
thanks again, Captain Obvious...
you and your lecture notes again. get a life.
at huwag mong sasabihan ng "Aba! Ruthie, nakagagawa ka na pala noon pa ng higit na mataas na antas ng tugma. Bihasang makata ka na pala noon pa!" dahil matagal na siyang magaling na manunulat at mas magaling siya di hamak sa iyo. puro pamumuna lang alam mo. gumawa ka rin ng tula para you walk the walk as well. puro ka satsat e.
(pasensya na ruthie sa comment na ito. hindi ko lang masikmura ang pamumuna sa iyo nitong mamumunang pulpol na ito...)
I'd love to turn you on...
!!!
Sa tingin ko, hindi na dapat dugtungan ang anumang mga masasakit na salitang nasabi sa thread na ito. This is my post, at hiling ko lang sa inyo na kung maaari ay maging mahinahon tayo.
Simpleng kaso lang ito ng misunderstanding na sana palampasin na ninyo at kalimutan.
Magsulat na lang tayo --- tula man, o prosa --- at itigil na lang ang away.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Pasensiya na, ruthie
Gusto ko lang ipaalam na hindi ako ang nag-umpisa nito at hindi rin ako gumagamit ng mga masasakit na salita. Kung gumamit man ako ng pulpol, ibinabalik ko lang iyon.
Ayoko na nga sanang sagutin pa itong si Patrick kasi nakahihiya naman sa iyo. Post mo ito, at dito pa kami nagsasagutan. Kaso, sabat nang sabat sa akin, wala naman akong ginagawa sa kanya.
Ang ginawa ko lang naman kasi ay ang magbigay ng papuri. Nakatutuwa talagang makabasa ng mga tulang nasa higit na mataas na antas ng tugmaan. Nagawa ko rin iyan sa mga tula ni Rhea Stone.
Pasensiya na talaga. Pero hindi talaga ako ang nag-umpisa nito.
Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino
binasa ko ulit
Mga Obra ni Jonsdmur
Balarila - Wastong Gamit ng Salita
at nagagandahan pa rin ako.. na miss ko na ang mga tulang likha mo.....
Godbless Ruthie
thanks Jons. Junimun
thanks Jons.
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
http://atmaramipangiba.wordpress.com












kung ako lang...
...ang ipapangaln ko sa tula na ito ay:
Sisidlan ng ngiti mong mahiwaga
sulat lang ng sulat!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
www.upalphasigma.org