sitcoms

yolak69's picture

Kelan ka huling natawa sa mga sitcoms na palabas sa mga local channels? Ako siguro nung Abangan days pa. Nagsulat din ako sa telebisyon in particular sa isang sitcom sa Dos, at pati ako di natawa sa kinalabasan. At dahil ako ang nagsulat, at benta naman sa aking headwriter buo luob ko na maayos ang ginawa ko at nakakatawa, pero taping palang gusto ko na mag-amok.

Ang patuloy na pag-laganap ng mga reality shows ang pumapatay sa isang industriyang ikakayaman o at least ikakasikat ko bilang manunulat, ngayon parang pinagsisihan ko na lahat.

Sa paglutang ng mga artistang binibigyan ng palabas dahil sa kontrata, nawawala ang ningning ng mga bituin. Talento ba ang basehan o paunahan sa pag pose sa mga magazines?

Di mo ba namimiss yung tipong pag primetime eh aabangan mo ang mga shows na tulad ng John en Marsha, Abangan ang susunod na kabanata, Palibhasa Lalake? Sabi nga problema na lahat sa bansa pero ang patok pa din ay ang mga problema ng mga teleserye tulad ng 'sino ang anak ni sino' at "ano nya kaya si ano'?

Bawal ngayon ang satire, baka ipasara station mo. Pero di bawal bumili ng mga korean tele-novelas dahil bukod sa mura, mas nakaka akit ito ng mga koreano na manirahan sa Pilipinas. Tourism strategy kaya ito?

Bubble gang at Going Bulilit nalang ata nagpapatawa satin, pero iba pa din ang sitcom kesa sa mga sketches or gags. Kakalungkot isipin pero wala...wala na kong pag-asang sumikat.


Pmel's picture

Start small

Set up a show in your own town. And if you get popular, word will spread and bam! You're sikat na. That's how little shows become big. They start on their own with people sharing the same ambition. With you Yolak, I believe. Have faith my friend, you'll get there. ^_^

 

 

PS--- I saw the article you posted... if that articile is true, then we've been fooled. All of us. Maybe, just maybe, Marcos did see hope in Ninoy... maybe, just maybe, someone in the States saw another communist rival in Asia a threat. And maybe, just maybe, a member of Marcos' inner circle was mad that he was not chosen. So many possibilities.

But during those years, from 1970s towards the 80s, a lot of people were assasinated... people who believed in peace and no war... people who believed in equality. And they were silenced.

And war continues.  

 

yolak69's picture

thanks!

Pmel, i'm starting to believe that the article is true after watching this docu they just showed in ABS bout Ninoy

http://www.youtube.com/watch?v=BphcktBQGkM

hmmm, another myster eh? cool (i think we're on the wrong thread, but what the he**) if we can solve this Gordian knot, we might be famous. what do you think?

 

daimustlive, thanks again...nostalgic ha, i love the word - cheers sa mga batang 80's!

 

Pmel's picture

...

yolak69 wrote:

Pmel, i'm starting to believe that the article is true after watching this docu they just showed in ABS bout Ninoy

http://www.youtube.com/watch?v=BphcktBQGkM

hmmm, another myster eh? cool (i think we're on the wrong thread, but what the he**) if we can solve this Gordian knot, we might be famous. what do you think? 

If we do solve that mystery and we do get famous, you can have all the fame. I don't want a part in it.  

daimustlive's picture

iba ka, pramis. nostalgic

iba ka, pramis. nostalgic ako sa mga entries mo. haha! halata kung gano na tayo katanda ah.. haha!

jonsdmur's picture

Bata pa lamang ako dati

Bata pa lamang ako dati mahilig na ako manood ng mga sitcom.. wala pa mga teleserye sa TV dati kung meron man sa tanghali pinapalabas o sa hapon. Pagkatapos ng balita o TV Patrol ipapalabas na ang nga sitcom.. Halos araw araw ay may mga sitcom.

Ang naging paborito ko ung Okay ka fairy ko ni Vic Sotto.... Nung nagtagal mga sitcom ni Maricel Soriano.. nakakatawa at talagang inaabangan ko ang mga episode nila..

Ngayon nahilig na ako sa mga teleserye kasi magmula ng lumabas ang MUla sa puso ni Claudine barreto parang nawawala na ang mga sitcom... Pagkatapos ng balita teleserye na... ang mga sitcom sa gabi na pinapalabas.... Ngayon tuwing sabado na lang ang mga sitcom... kung meron man sa ibang araw gabi na pinapalabas...

Nakaka miss ang mga sitcom... miss ko na rin si Aiai delas alas sa isang sitcom... ngayon pinapasok na rin niya ang teleserye... si vic sotto kaya kailan gagawa ng teleserye?

Huwag mawalan ng pag-asa... sabi nga nila mawala man babalik at babalik ang uso.... nalaos na nga dati ang mga teleseryeng drama... kaso lumitaw naman ngayon ang mga fantaserye... ngayon comedy teleserye na naman ang pinapauso...

Malay mo muling dumami ang mga sitcom sa TV... nadyan pa naman si Aga Mulach para sa mga sitcom...

Ngayon di na ako masyadong natatawa sa mga sitcom.... kahit sa sitcom ng DOS... ewan ko lang kung bakit.... siguro nagamit na lahat ng mga comedy o sa mga artistang paulit ulit lang.... o telerserye na ang halos napapanood ko...

Have a nice day!

Jonsdmur

bubble gang whooo!!!

I love bubble gang the guys there are crazy I love Ogie Alcasid, Michael V  is medyo bastos and OA at times.

jonsdmur's picture

Uo nga pala... maka abs kasi

Uo nga pala... maka abs kasi ako.... pero minsan naging paborito ko ang bubble gang.. time na nadyan pa si ara mina....

Saka like ko ung sitcome dati nina vic sotto at rosanna rocess at aiai delas alas....

Maganda ang sitcom kasi nakakawala ng problema....

yolak69's picture

Thank you Jondsmur

Salamat sa komento, nakaka-miss talaga dati...di ko tuloy lam kung nagbago lang talaga panlasa natin dahil sa mga paglaganap ng cable o dahil malamya na talaga and industriyang pilit kong binubuhay?

 

dyeppri's picture

baba...

Babalik din 'yan...Buhay natin ay paikot-ikot lang.Cool

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

jonsdmur's picture

Walang anuman!

Walang anuman! Smile

mart_82004's picture

maliit lumaki

Tama po si idol pmel..mgstart ka po mgproduce sa lugar nio kz d2 smn sa calamba im not sure po ah kung d2 nga ba tlaga..maybe laguna na lang para malwak..kz me cable provider po d2 smn royal cable po cia...nakita ko po once me gumgawa pa rin ng mga sitcom..un nga lang mga artist nila di mga kilala pero nakita ko po ok nmn po ung mga gingawa nila kz nakakatawa din nmn po ung iba nilang ginawa e..me ibang sit'n nga lang na parang di ma-absorb na un na pla un..pero d po sia tulad ng jon en marsha kz un po every sitcom tumtagal lng ng mga 10-15min tpos next story namn ulit..parang me pagkatulad sa stage play pero ok din nmn po..kz ok nmn s tingin ko ung producer kz d nmn ganun ka palpak ung mga kagamitan nila e,..maganda ka labas sa tv..bg sbihn ok po ung camera na gamit nila..try u po bka meron po jan s inio..malay nio po jan mag boom ang career mo..start nga po muna dpt tayo sa maliit..parang pag tagal pagdating natin sa malaki practiced na natin ung mga nagiging problema nung una pa lang...

 

simpleng komento lang po...

 

mart

hello

Dati ka palang writer sa abscbn? I wonder what year baka nag-abot tayo I'm working elsewhere now it just occured to me that we might know each other or we might have bumped into one another in another lifetime who knows anything's possible right?

About sitcoms, I like Okidokidok the first Aga sitcom I was just a kid then. 

 

spike_west's picture

S atingin ko ang Philippine

S atingin ko ang Philippine entertainment ay sumasabay lang sa panlasa ng mga kapwa Pilipino natin. Hindi bawal ang mga mapulitkang sitcom ngayon, mas parang may laya pa nga tayo ngayon compare dati. Kaso alam natin na hindi na ito ang uso ngayon, hindi na gaanong mabenta sa tao. Eh ang plabas naman sa TV ay nababatay sa dami ng commercials eh, at ang pagdami ng commercial ay dahil na rin sa dami ng nanonood. Uso ang mga sitcom na may halong pulitka noon, pero ang uso ngayon ay mga pantaserye (tulad ng dyesebel o asero). Uso dati ang Koreanovela, uso dati ang Mexicanovela, uso dati ang anime, pero bakit ngayon din a sila gaanong uso.? Ganun lang yun bro, kung ano ang patok at uso yun muna, tutal iikot din naman yan eh. Sa Relity shows wala raw script, pero yung iba meron, kunwa-kunwarian lang Reality Shows lang pala.

Minsan ang pagiging manunulat ay hindi talaga pwedeng sabihing source ng income mo kasi hindi permanente yan. Passion yan bro, manunulat ka man sa TV, radio, komiks o kahit dito lang sa website na ito, tyak ang nais mo ay ipahayag ang damdamin kesa kumita, pero kung kumikita ka sa pagsusulat eh wag nating iisipin na pangmatagalan ito. ANg mahalga bro ay may marunong pa rin tayong sumulat at maghayag ng ideya natin, palaga ko sapat na yun.

Tungkol sa paborito kong sitcom siguro TROPANG TRUMPO saka Bubble Gang pa rin (good thing nandyan pa sila)

Sige salamat

Spike

orthochild's picture

ngeek

mahirap magpatawa kaya dapat habang ginagawa yung script mo e nagiisip ka pa at magsuggest on-the-spot. wag mo isipin na di ka na sisikat! think positive tiyaga lang

 

light is faster than sounds. kaya malamang sikat ka na bago ka pa marinig na sikat na... keep it up!

yolak69's picture

salamat sa lahat

To mart_82004 - salamat, pero sa ngayon nasa kalunsuran ako ng maynila
at walang kakayanan gumawa ng sariling palabas, pero kung
uuwi ako ng Bicol, gagawin ko kagad yan.

To Marga - I was under Ms. Phoebe, pero di ako naki-halubilo]
sa mga writers o mga nasa prod at that time, uwi kagad
ako, kaya siguro wala ko show ngayon. :(

To: Spike_west - tama ka, di bawal ang mapulitikang
sticom ngayon isipin o gawin, bawal lang i-air, yun
ang badtrip. Ilang beses na kami nag-try mag-pitch,
wala ngyari. Pero mas tama ka ng sinabi mong di dapat
gawing source of income ang panunulat, dahil sa totoo
it can't pay the bill.

To orthochild - maraming salamat! patuloy nating suportahan
ang pilipinong manunulat.

aireen's picture

Hi yolak! Masasabi kong

Hi yolak! Masasabi kong mapalad ka pa din at nagkaroon ka ng pagkakataong makapagsulat sa isang sitcom.. 'Wag kang mawalan ng pag-asa maaaring hindi pa ito ang tamang panahon para sa iyo...ngunit pasasaan ba't sisikat ka din...Believe in yourself!! Laughing

Lagi kong sinusubaybayan noon yung Palibhasa Lalaki paborito ko kasi yun.. bukod sa good looking na ang mga karakter. mahusay pa nilang naidedeliver ang mga dialogs.. at nakakaaliw talaga...

Sayang nga lang at hindi na tulad ng noon ang mga sitcoms  ngyon...

Hi Yolak!

Isa ka palang batikan eh!  Kaya pala.  Grabe, sana mabigyan ka pa ng lugar sa telebisyon.  Ngayon kasi, pinaiiral nila yung mekanismo ng txt votes, etc. para doble doble ang kita nila.  Kasama yun sa kalakaran, I guess, pero pano naman si Yolak at mga katulad pa niyang nabiyayaan ng talento sa pagpapatawa? Sabay na lang kasi tayo ng sabay sa bandwagon kaya eto, namamatay na ang kagustuhang lumikha at makapagpalaya.

Nakakaaliw nga naman ang mga koreanovelas, pero hindi na mga Pilipino ang pinapanood natin at pinapakilala sa mga kabataan.  Sa pagbubukas kaya ng pinto napagsasarhan na rin ang mga tradisyon na nakapaloob sa mga likhang likas Pilipino?  Baka dumating ang araw na mulat tayo sa labas pero nakalimutan na natin ang ating pagkatao bilang Pilipino.

Marahil napatawa mo na ako noon, kasi kapamilya ako buhat noon pa.  Salamat, bagamat huli na ito at wala ka na sa dating pamilyang kumupkop sa iyo at sa iyong talento.

Sana'y magbalik ka. :) Mabuhay ka.

Ruthie