Siya
Naaalala mo pa ba
Nung araw na binaybay natin
ang kahabaan ng Ayala?
Habang kinukwento mo sya
Iniintindi naman kita.
Tumutulo ang luha mo
Nagdurugo ang puso ko.
Naalala mo rin ba?
Habang tinititigan kita
Mahimbing ang iyong pagtulog
Nang ang cellphone mo
ay biglang tumunog?
Sinagot ko ang tawag niya
Kahit alam kong magagalit ka.
Naalala mo ba
Nung oras na pinapili kita?
Hindi ko naman gusto
na isuko ka
Ang akin lang naman,
Mas importante
Kung kanino ka
magiging maligaya.
Natatandaan ko
maliwanag pa sa sikat ng
galit na galit na araw
Ako
Ako ang pinili mo.
Pero bakit ngayon
siya pa rin ang iniiyak
at laging bukang bibig mo?
Marahil
namali ka ng sagot.
fRiction lang ito
fRiction lang ito Jane.. hehe. walang magawa :) salamat sa pagtyagang basahin ang basurang ito hehe
<a href="http://adlesirctavas.blogspot.com">adlesirctavas.blogspot.com</a>
like it much.. nice one..
like it much..
nice one..
Siya...
Naalala mo ba nung nagkaharap kayong dalawa...
Tinatawag kita, ngunit ang nabanggit ko
Ay pangalan niya...
http://wattuduyanie.blogspot.com/
madalas
madalas yung mga ganitong istilo ng tula (yung may dating na confrontation), malutong ito sa dibdib, parang sumasabay sa tibok ng puso yung mga pantig. Kapag nagawa talaga ng makata na iparamdam ang kaba at salita nya sa nagbasa... nagiging matagumpay ang komunikasyon ng dalawa.
Kaya kahit di mayadong nabigyan ng kaukulang arte, nagiging maganda ang tula sa bandang huli.
Galing!
Mahusay ang tula Anne! Na miss ko na rin ang mga tulang likha mo...
Ramdam ko ang nilalaman ng tula...
Best Regards!
Jons
Ang galing, puwedeng gawin
Ang galing, puwedeng gawin musika. = )
ano kaya maganda tema para rito, boto ako sa mala alternative rock stuff. Hehe
"Mas mainam ng mag tanga-tangahan minsan,
kaysa sa mga nagmamarunong 'diyansa may kanto."
magaan yung gma salita
magaan yung gma salita na ginamit, pero malalim yung ibig sabihin, relate na relate ako. gustong gusto ko yung impact sa kin na habang binabasa ko sa utak ko, may flashback na nangyayari... :)
ang galing talaga.
"no permanent address si chicka."
Maganda ang daloy ng iyong paglalahad.
Maganda ang daloy ng iyong paglalahad.
Pero,
'Natatandaan ko
maliwanag pa sa sikat ng
galit na galit na araw'
Dito parang di ko masyado gusto kasi parang nag-iba ang tone ng iyong tula. Nakaramdam ka na ng galit na parang contrast sa kabuuan.











hmmm
parang gustong mag init ng ulo ko ha. buti na lang fiction yan. fiction nga ba anne?
http://dollysbaby.blog.friendster.com/