Siya ay si Paala
Siya ay si Paala
At ang saya-saya
Parateng nakatawa
Walang problema.
Damit nya ay de-kwelyo,
Trip niya ang katabi ko,
Ang ngalan ay Rosio,
Tinutukso nyang kabayo.
Ang pagtuturo nya ng history,
Parateng happy.
Ang hiling ko Mr. Paala Jr., Alberto T.
a poem for my professor, Mr. Alberto T. Paala
JACK....
masnakakatawa naman ang komento mo kesa sa sumulat nito.nyahahahaha!!! LOL
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
Epektib ba ang pagpapatawa ko?
Kasi nakabasa ako ng nakakatawang tula kaya ganun ang comment ko. Epektib ba ang pagpapatawa ko? Lol.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
hindi ko alam kung bakit
hindi ko alam kung bakit trip na trip mo ako pagtawanan.... hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo gawa ko....
sobra ka lang nakakinsulto....
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~
You should have a thick skin
Nasa sa 'yo yun kung harapin o tanggapin lahat ng sinasabi at komento ko sa mga akda mo. Hindi ako ipokritong tao. At mas maganda nga na dito lang tayo sa net nagkakaroon ng pagkakataong may interaksiyon sa bawat isa. Baka kung sa personal ay maririnig mo ang aking halakhak hak hak hak! Tapos kung nasa workshop tayo, isang malaking ekis ang ilalagay ko sa akda mo.
You should have a thick skin. Kung di ka agree sa sinabi ko, just say 'keber'. Chaka naman kung purihin at magustuhan ko ang iyong akda (dahil di mo naman pala hiniling). Baguhan rin ako kaya wag kang magimbal. Basta go lang sa pagsusulat. Marami pang mangyayari sa atin dito.
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
nagsusulat pa din ako kahit
nagsusulat pa din ako kahit mejo nilalait mo...
nagbabakasakali makascore ako ng ten sa mataas na panlasa mo...
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~
gurl, mas maganda kung
gurl, mas maganda kung magsusulat ka na walang isinasaalang-alang na kritiko kundi ang sarili mo. dapat mas masatisfy mo muna ang sarili mo sa mga sinusulat mo bago ka mag ambisyon na i-satisfy ang iba.
bago mo pakawalan ang obra mo siguraduhin mong papasa ito sa panlasa mo, ikaw muna ang unang lumait dito--kung kuntento ka na pakawalan mo na. sa gayon, kahit anong panlalait na makuha mo (madalas ay meron) ay hindi ka masasaktan kasi nga, alam mo sa loob mo na ginawa mo ang makakaya mo for the moment at panatag ang loob mo na kaya mong ipagtanggol ang gawa mo.
parang anak yan, wag mong pakakawalan sa outside world ang anak mo kung alam mo na hindi pa nya kayang tumayo sa sarili niyang paa.
salamat po... tatandaan ko
salamat po... tatandaan ko po yan....
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~
Jeazelle
Ang batas sa pag po-post ng gawa mo sa internet na dapat mong unawain at pagkaisipin ay ito, dapat alam mong ipagtanggol ang gawa mo na labas sa personal mong damdamin. Ang pangingritiko ay walang personalan, dapat matibay ka, at syempre, huwag mo kaagad isusuko ang gawa mo, hanggat kaya mong ipagtanggol ang gawa mo (iyon ay kung sapat ang mga dahilang nakikita mo upang panghawakan ang iyong katha) ay ipagtanggol mo ito...
Kapag may nagsabing pangit, huwag mo kaagad sasang ayunan sila at sasabihing, "oo nga po, ang pangit ng gawa ko..." huwag ganoon, kasi kung ganyan ang attitude ng mga baguhang writer na katulad natin, wala ng mangyayari sa atin, magmumukha lang tayong kaawa awa, bagkus, ang gawin mo'y makipagpalitan ka ng talakayan sa mga nag ko-komento at nag bigay ng kritiko sa gawa mo (sa maayos na paraan) at tsaka mo i-edit ang post mo. (may edit button naman dito)
Sabi nga ni Kuya rom, huwag mo agad pakakawalan kung hindi pa kayang tumayo sa sariling paa. Ang una kasing dapat mag proofread ng gawa natin ay tayong mismong sumulat nito.
Kung gusto mong magsulat at matutunan ang mabisang pagsusulat, ang una mong dapat gawin ay magbasa basa at pag-aralang paganahin ang iyong subconscious at palawakin ang iyong pagkamulat sa buhay buhay, sarili mo mang buhay o buhay ng mga tao sa paligid mo.
...
Good luck sa iyo.
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...
Tumapk...
Napakaganda ng binahagi mong ito sinta....sana makuha niyang lahat iyan.
https://dyeppri.wordpress.com/
"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."
:-)
Nagbago ang paniniwala ko sa pagsusulat nang mabasa ko ang comment ni Sinta. Malimit kasi na nagpopost din ako ng madaliaan gawa dito sa site, ayo ko kasing pinapatagal pagkakababad sa utak ko ang isang ada, parang napapanis, parang maslalo akong walang maisip. Basta nailabas ko na ang mga nakatagong damdamin ayos na sa akin. at kung maykakulangan man ay magsisilbing palamuti nalang sa utak ng ng babasa.
Pero mali pala ako, sadyang kailangang isaalang-alang ang pakiramdam ng babasa. Kailangang isipan at pag-aralan kung paano makakakunekta ng maayos na walang kumusyon sa panlasa nila. Kailangan hindi para sa sarili o sa iilang indibidual lamang ang akda.
jeazelle, Kahit di man umulan ng papuri ang akda mo, bumabaha naman ng magagandang suwestyon tungkol sa pagsusulat. kaya isa itong positibo para sa akin :)
maraming salamat po... sana
maraming salamat po...
sana nga maging malakas ang loob ko sa paninindigan sa mga gawa ko...
sa totoo lang kasi... mejo madali ako maintimidate o masiraan ng loob...
pero lalakasan ko loob ko syempre...
~♥~ Hindi mararamdaman ang tunay na kaligayahan kung hindi natin alam kung paano masaktan ~♥~
hello jeazelle
dalawang bahagi lagi ang ating mga iniaakda, anuman yun: ang bahagi ng sumulat, at ang bahagi ng bumasa.
sa ganang una, inihahayag mo ang gusto mong sabihin sa paraang gusto mo. walang ibang impluwensiya sa ginawa mo maliban sa iyo. kung sa tingin mo ay sapat na ang ginawa mo para ihayag ang gusto mo, bastante na iyon anuman ang sabihin ng iba.
sa ganang ikalawa, ang pagbibigay-kahulugan niya sa kanyang binasa (na akda mo) ay batay naman sa kanyang sarili: karanasan, utak, pinag-aralan, pananaw sa mundo. samakatuwid, maaaring hindi kayo magkatugma, sa paglalahad at sa pagpapakahulugan. sabi nga ni confucius, 'what you think you said may not be what i think i heard.'
sa ganang akin, ihayag mo ang gusto mo, kesehoda ang babasa. me magkakagusto, meron ding hindi. hindi mo pwedeng mapasaya ang lahat, kaya pasayahin mo ang sarili mo. alalaong baga, 'express', not 'impress'.
at, huwag ulit ng ulit ng akda. ayon ke francisco balagtas na kababayan ko, sa pabungad niya sa florante at laura, wika niya'y, '...at kay segismundo ay huwag matulad, na sa kababago ang tula'y umalat.'
banat lang, 'day. with feelings, ha?
'poets say so many words to state a simple thing
they put the words to rhyme to make a poem sing...'
Para sayo
Natuwa ako nung nabasa ko ang tulang ginawa mo, salat man sa tamang timpla, pero ang laman ng saloobin mo pa rin ang mas nangibabaw habang binasa ko ito. Sa sobrang saya mo siguro habang ginagawa eto, hindi mo na alam kung paano ito isusulat, basta masabi mo lang ang nararamdaman mo. Huwag ka pang hinaan ng loob, ang PUNA sa bawat sinusulat natin ay may malaking kontribusyon para sa ikagaganda ng susunod nating gagawin. Magpasalamat tayo sa mga taong nagbibigay ng oras para punahin ang mali nating gawain, nang sa ganoon, mas maganda ang malilikha nating obra sa mga susunod pa.
goodluck sau.. godbless
._.+'emopencil'+._.
Grabeh
Nagcomment talaga 'yun dalawang iniidolo ko dito sa FW si sinta at si tbdtbd. Mas lalo kung naintindihan ngayon ang pagsusulat. Para sa mga idol ko sana gumawa pa kayo ng mga kwento dito nakaka inspire kase mga gawa nyo. At kay jeazelle nice work.
Keep Kicking.
to all the newbies like
to all the newbies like me..im brnging this out (especially the comments) para sa atingl ahat na mga baguhan sa larangang ito..this wud help believe me
Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)
Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)











Hindi dahil nakakatawa ang laman ng akda
Some poems are funny. Hindi dahil nakakatawa ang laman kundi mismo ang pagkakasulat ng tula. Nag-attempt ng rhyming pero walang namang kabuluhan ang kabuuang akda. Nakakatawang basahin ang mga ganitong tula na hindi ko mahanapan ng 'art'. So chaka.
http://jackofspades01.multiply.com/