siya'y Diyos na iyong kaibigan
sa mga panahong iyon, wala siyang karamay
naghihintay ng makakabalikat sa oras ng problema
Hindi man batid ng kanyang mga kaibigan,
siya'y nagdurusa sa sinapit niya sa kanyang unang pag-ibig
galak at ngiti ang matatanaw sa kanyang labi
ngunit sa kanyang mata'y matinding emosyon ng damdamin
Hindi man alam ng lahat, siya'y may puso din, marunong umibig
masaktan at mabigo
Muni-muni'y ginagawa sa oras ng gabi
palahaw niya'y dinig hanggang buwan
bituin sa langit siya lamang kasundo
pagmamalasakit ng kaniyang kaibigan di niya maramdaman
pinagkakaisahan ng mga problema
ninais kitilin ang buhay
nagbalak ibalik sa Poon ang hiram na buhay
ngunit naalala niya ang mga salita ng kanyang amang yumao
"sa mga araw na ika'y walang malalapitan, Diyos ang iyong harapin
sa mga pagsubok niyang maliliit na iyong inirereklamo, ika'y bibigyang solusyon kaagad.
Ang Diyos malawak ang isip, hindi gaya natin
tao lamang tayo, siya'y Diyos, mas marami siyang alam na maganda
kaysa sa ating lahat.
Ang Diyos, kung magbigay ng suliranin, tila ika'y mapabibitiw
Ngunit heto Siya, nagbibigay ng tulong nang hindi mo nalalaman. "


Tama ka.. sa panahon ngayon
Tama ka.. sa panahon ngayon ang diyos ang pinakamalapit na kaibigan natin.. siya ang magbibigay lunas sa bigat na ating pinapasan.