Siyudad na Mahiwaga
Siyudad na Mahiwaga
Sa kapal ng usok, nawala ako, kaya’t
Ang mamang naka-asul, nilapitan ko
Di gaya ng karamihan, mahinahon ito
At tila anghel na sinalubong ako
Siya ay ngumiti at ako’y nahimasmasan
Naglaho kaagad ang agam-agam
Na dulot ng Maynila, at kahirapan
Nagliwanag ang buo kong kapaligiran
Sabi niya:
Tandaan mo, hindi ka ambulansiya
Kaya’t sa daloy, sumunod ka
Kung bagong salta, magbayad ka ng bente
Kahit kinse lang ang pamasahe
Kung sinabi ng boss, deadline ngayon
Dapat tapos mo na kahapon
Kung sabi niyang i-meet mo siya ng three
Maghintay ka hanggang gabi
Dito ‘wag kang babati sa mga matanda
Dahil baka ka pagkamalang nange-estafa,
'Wag kang tutulong sa kunwari’y nawawala
Dahil baka ang kaluluwa mo’y dekwatin bigla
Dito ang bangkay ay hanapbuhay
'Wag ka nang magtanong sa matagal nang nakahimlay
'Wag kang dadaan sa makipot na eskinitang
Pagawaan ng mga batang tinutulak ng magulang
Kalimutan mo lahat ng napag-aralan
Dito ang masama ay kinagigiliwan
Walang personalan, trabaho lang
Ang paniniwala ng mandurukot sa daan
'Wag mong pairalin ang puso dito
Baka tumilamsik ang iyong dugo
Lumakad kang parang manikin, robot
'Wag makialam at nang ‘di masangkot
Sa magarang siyudad na kinulapulan
Ng make-up, huwag dibdibin ang
kayamanan ng ilan
At upang ‘di matapos ang iyong kahangalan
Kailangan mong magbulag-bulagan
Dito ang kalayaa’y nakagapos
At ang mga bata’y 'di na musmos
Suma total, kapag one way, one way
Friendly reminder ng MMDA
Dahil sa simpleng tanong, akoy naguluhan
Sa maraming sagot, nabigyan ng kaalaman
Gusto kong magpasalamat sa mamang maalam
Ngunit naglaho siya bigla nang walang paalam
Tinamaan ako ng matinding takot
At hindi ko namalayang ako na’y nagpalibot-
Libot na parang baliw, walang dunong
Sana sa tao na lang ako nagtanong
"Wag ka nang magtanong sa matagal nang nakahimlay..."
Mahirap mabuhay nang mahirap dito.
Salamat sa panahon...
Salamat din sa pagbasa.
mas gusto kong isipin na isa itong kuwento, at ang pinagtanungan ay isang kaluluwang minalas sa pagtira niya sa Maynila at nagbigay ng mga babala sa isang bagong salta.
Kung sa iba kang lugar nakatira, marahil hindi mo ito maiintindihan. Siguro taga-Maynila ka, ano?
Sige po.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Kuwento pala ito. Patula
Kuwento pala ito. Patula nga lang. Nakakalito ka minsan.
Siguro nga, hindi ko masyadong maunawa ang gusto mong sabihin dito. Kasi, araw-araw ko nang nakikita ang Kamaynilaan. Normal na normal na sa akin ang daloy ng buhay dito.
Cge.
A matter of preference...
Tama ka naman talaga, tula siyang pakuwento, o gaya ng gusto kong isipin, kuwentong patula, hahaha, basta ganun na rin siguro iyon.
I agree. There's a certain degree of numbness that needs to be learned to survive the adverse conditions of the metropolis. Sabihin nating isa ako sa mga bagong salta (2 taon mahigit pa lang ako dito sa Maynila) at masasabi kong maraming bagay akong ikinagulat noong una. May mga kuwento akong narinig, at ang iba'y nasaksihan ko na rin mismo, at ang kinalabasan, itong tula/kuwentong ito. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Tula. You've been here in
Tula.
You've been here in MM for two years only, and how old are you? Why are you here? Where did you come from?
You're still studying or working already?
Your poem hits its theme: The ritual of fitting in, in a new place with a different culture. And you've carried it out successfully.
Whoa! :)
Grabe Mr. Dagrit, daig ko pa ang ipo-polygraph niyan, ah!
Check mo na lang yung "Greetings to the Filipino Writer Members" by unexpected, sa tingin ko may naisulat na ako dun tungkol sa aking sarili.
Salamat sa pagbasa.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Nakakatakot.
Nakakatakot tuloy tumira sa maynila.Jeje ok n qh d2 sa pangasinan. Wink.
.
.
sex, drugs, and rock n roll,
speed, weeds, and birthcontrol.
life sh*ts and then you die.
so f*ck the world and lets get high!
Hello TwentyOne...
i wish I were twentyOne... :)
Hmm wala sa intensyon ko ang manakot, hehe. Pero kadalasan, ang pagtira sa Maynila ay "out of necessity", kumbaga... Dito maraming opportunity eh. Basta, biglang lalabas mga super powers mo pag kinailangan mo nang dito makipagsiksikan.
Sana wag kang matakot sa Maynila. Kung ang isang iyakin at isip batang katulad ko ay nagawang mabuhay dito, ikaw pa! Sige.
Salamat sa pagbasa.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
Ruthie, pormal ka naman
Ruthie, pormal ka naman masyado. Tawagin mo na lang akong Alex.
Pinuntahan ko ang entry na sinabi mo. Nabasa ko ang tungkol sa iyo, kay Pmel, at sa iba pa.
Ang gagaling n'yo pala. Very talented. Filled with promises. And at the prime of your lives.
Ingat sa pag-aasawa. Baka ugok lang ang maging mister n'yo. Kawawa naman kayo. Sayang ang mga talent n'yo.
Kuya Alex, salamat.
Salamat po sa advice. Willing akong makinig sa mga babala at payo, lalo na pagdating sa mga bagay na ganyan. Paano nga ba pumili? Hirap kasing kumilatis, marami po kasing mapagkunwari.
Sige kuya, post ko mamaya yung tula kong "Pag-ibig na Dakila"... Siguro makikita mo dun kung ano ang pagtingin ko sa tunay na pag-ibig.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
magaling!
Isang tula na maganda ang kwento... ito na ba ang entry natin? sa tingin ko pasok na ito....
bilib ako sa'yo friend kahit english o tagalog ang galing mo...
Ako ay pinahanga mo na naman!

jons
Hay naku Jons...
heheh wag mong seryosohin masyado itong tulang ito, heehee. basta sulat lang ng sulat baka makapuwing.
good luck sa entry mo Jons!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
ruth
di lang siyudad ang mahiwaga dito sa kwentula mo ah..? pati na rin ang napagtanungan mo... akala ko sa probinsiya lang may mga nilalang na bigla nalang nawawala sa isang iglap.. hahaha!
akong laki dito sa manila... tuwang-tuwa ako pag nakakarating sa malalayong probinsiya... maganda ang tanawin, walang-wala ang matatayog na gusali sa malalawak na bukirin hehe. Picture adik pa naman ako..
nice kwentula! ;)
Hello Prettyfhe!
Hehe, salamat sa pagbasa mo at sa oras na ring nilaan.
Actually ako di ako laking Maynila at talaga ngang nakakamiss ang lugar kung saan ako lumaki. Gaya mo, nature lover din ako. Pero kahit paano, natutunan ko na ring mahalin ang Maynila. Gaya ng isang tao pag umibig, diba, kahit may kapintasan ang mahal niya, natututo niya itong tanggapin. Parang ganun lang din. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
maganda ang akdang ito
kapag nasanay ka na sa Maynila, di na ito nakakatakot.
sa gaya kong laking-Maynila, nami-miss ko ito ganitong malayo ako.
helo!
Yup... thanks sa pagbasa...
Nga pala, wish ko na makabalik ka somehow sa simbahan na naniniwala at isinasabuhay ito:
"Pure religion and undefiled before God and the Father is this, To visit the fatherless and widows in their affliction, and to keep himself unspotted from the world." - James 1:27
Ciao :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
don't worry, hindi naman
don't worry, hindi naman ako ligaw na tupa, kung iyan ang inyong iniisip.
sa pagbukas ng aking isip, nakita ko ang kakiputan ng relihiyon na kinagisnan ko. umalis ako dahil natuto ako; dahil lumawak ang unawa ko. sa pagkalas ko sa relihiyon, lumakas ang pananampalataya ko.
ironic, pero totoo. at hindi ako nag-iisa. marami na akong nakilala na hindi nagp-practice ng anumang religion pero mas matindi pa ang unawa at pananampalataya.
salamat po sa concern!
swak na swak 'yang verse na iyan!
hehe, wala ako sa
hehe, wala ako sa posisyon para sabihin iyon! ako'y tumatamasa rin lang ng biyaya gaya mo, at nangangailangan ng lingap niya sa araw-araw. actually, magkokoment sana ako, pero hindi tinanggap yun pala dinelete mo na. :)
wala kahit sinuman sa atin ang maaring magmalinis sa harap ng Diyos. at hindi nangangahulugan na ang nawawalang tupa ay masama dahil diba, kaya nga pumunta si Jesus dito sa lupa para hanapin ang mga nawawala? mahalaga sila sa Kaniya.
hehe, gi-noogle ko yun eh, hehe.
maganda ang mensahe ng iyong tula. dito maaaring maintindihan na hindi batayan ang simbahan na kinaroroonan mo upang masiguradong ligtas ka. Hindi namatay si Hesus para sa religion, o doktrina, o para sa isang gusali, pero namatay siya at nabuhay muli para sa mga tao.
sana makapagsulat ka pa ng tulad ng ganito. mabuti yung ineexpose yung mga kamalian hindi para maging self-righteous pero para tayo'y maliwanagan.
bye bye!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
salamat Ruthie. ay
salamat Ruthie.
ay pasensya, magko-komento ka pala sana. dinelete ko tapos ni-repost ko, dahil kay a.dagrit.
ok, bye bye.
...
ruthie, miss your voice girl, pinakikinggan ko pa din mga kanta mo sakin. medyo seryoso tema natin ah.
hirap na ko magbasa ngayon sa sched ko tho' i still log in almost everyday. i just can't read nor write seriously. Ngayon ko lang nahiram pc ng ofis at nagttyga ako sa 120kbps na gawa ng cp ko with smart. wala na si Dave wireless ko.
The poem you wrote gave me creeps as i read it. that's the same feeling i had when i first came here in the metropolis. well, life must go on and as they say, men are social animals..we must learn to adapt or perish!
cheers!
ei, yolak! :)
alarm mo pa rin yung soundfile ko? hehe, sana naman hindi pagkatuliro ang dala nito sa iyo. kumusta ka na? tagal mong nawala ah!
ay, yun pala si Dave, hindi ko kasi nagets dati yung post mo eh, hehe. buti naman at nagparamdam ka na ngayon! sana nasa mas mabuti ka nang kalagayan kesa dati.
true, life must go on, as we go, daming kailangang matutunan. as you said: adapt or perish!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
rhymes galore, yeah!
i like it! very humorous si mmda dude, hehe.
keep it up! Ü
I'd love to turn you on...
Thanks!
thanks for reading, and your time. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*








Sana sa tao na lang ako
Sana sa tao na lang ako nagtanong
Sa demonyo ka kasi nagtanong, hayun panay kademonyohan ang sinabi sa iyo.
Nakakatawa naman ang tula mo. Ang daming sinasabi sa mga saknong nito. Mabungang-mabunga.