SMILE KA LANG...para OK's

 

Kapag Desyembre syemprey di mawawala ang cake sa handaan.

Araw iyon ng sabado, kinabukasan na ang araw ng pasko. Ang daming tao sa mall, si ate ang siyang naka tokang mag grocery at mamili ng kakailanganin sa handaan.

Nasa isang bakery sa loob ng mall na si ate, nang mapadako ang tingin niya sa isang babae, nang maulinigan niya ang hinihingi nito sa isang babaeng nakatoka roon.

BABAE:  Miss asan yong Mapeynz?

MISS:      Ho? Ano po?

BABAE:  Mapeynz.

Saka na pa bunghalit ng tawa ang ate ko ng idinuro ng babaeng bumibili iyong hinahanap nito.

BABAE:   Ito pala ‘yong MapeynZ, e. (Muffins pala ‘yon. Ayyy,... ganon)

Si ate naman ang siyang nag tanong sa babae, nang di mahagilap sa naka display roon iyong hinahanap nito.

ATE:         Miss meron kayong Chiffon........Chiffon Kick ( Awwtttttttssssss!!! Mas                       malala !!)

 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

 

Grabe na ‘yong pamumuroblema ko sa sapatos ko, syempre'y ala na naman akong susuutin sa P.E namin kinabukasan, nakangisi kasi ang unahan ‘non, sabi ng mama ko ipatahi ko raw dun sa may kanto dahil raw ma tumatahi ‘ron ng sapatos, tinatamad naman ako lagi naman kasi'y wala akong nadadatnang tao ‘ron na nag tatahi ng sapatos.

Ira-rugby ko na sana ‘yong bahaging ‘yon ng sapatos ko na nakangisi nang may bigla akong narinig. Isang malakas na sigaw ng isang matandang Lalaki.

Agad kong tinawag ‘yong Mama, ‘yon iyong binging naglilibot libot sa bahaging iyon ng lugar namin para sa mumunting business nito, sabi ko:

BB(Ako): Manong magkano?... (Sabay sipat sa kahong metal na bitbit nito)

Mama: Treinta Y singko. ( Saka ako napatango-tango)

BB(Ako): Sige antay po,,,......( Ilang minuto pay nakabalik na ako, saka ini-abot sa kanya     ‘yong    sapatos ko.)

Nag dilim naman ang mukha ni Manong.

BB(Ako): B-baakit po?

Dahil sa bingi ang Mama'y di nito alam na sumisigaw pala ito, at nabigla ako sa lakas ng boses niyang  ‘yon.

Mama: Bingi ka ba?!!!! Sigaw ko.....heto, heto't mabilisang  gupit!!!

(Awtttss, di pala si manong iyong sumisigaw ng...Repair,..repair,..sapatos tahi!!!)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ 

Siguro ‘yong nag pa-follow up ng drivers license ang siyang makaka relate dito.

Araw iyon ng myerkules nang pilitin akong sumama ni Papa kay Allan, dahil nga sa siya raw ‘yon tutulong sa akin para maasikaso kong mabuti ‘yong drivers License ko.

Andun na kami sa loob ng LTO, ang daming pumipila, nagkakahiyaan kami ni Allan kung kayat sa mga taong nakapila nakatuon ‘yong atensyon naming dalawa, maraming dapat pag daanan, na riyang pipiktyuran, tatawagin , pa pipilahin ka at papipirmahin ka.

May isang Mama ang tinawag ng lalaking naka toka sa loob ng Opisina.

LALAKI:  (sa mic) OK, Joselito Kalan Barubal !!!...Pirma!!! (Ang sabi pa ng Lalaki)

Saka lumapit iyong Mamang tinawag. Di ito mapakali,...may pag ka masungit kasi iyong nakatuka sa loob, utos pa nito na:

LALAKI: Pirma!!!! ( Sabay nguso nito sa isang Parang Plastic na may na ka connect na            ballpen)

Di siguro alam ng Mama na Hi-tech ‘yong bagay na ‘yon sa kanyang harapan na siya niyang pipirmahan, kung kayat makailang beses niyang pinindot-pindot iyong ulo ng ballpen na hawak niya sa pag asang lalabas iyong parang pinakametal sa dulo ng ballpen, na iinis na iwinaksi pa nito ‘yon ng di parin sumulat, saka nang hiram ng ballpen sa kasunod nitong naka pila.

Muntikan ko nang malulon ‘yong bubble Gum kong nginunguya ng mapansin iyon, si Allan nama'y napa bunghalit ng tawa sa nakita,......kasi sadyang di talaga sumusulat iyong ballpen  na naka connect doon, dahil nga ang purpose ng ballpen na ‘yon ay pam bakat lang ng pirma na siyang mag a-appear sa mismong computer sa loob na siyang mina-manipulate ng Lalaking nakatoka sa Loob ng Opisina)....saka naman napagalitan ‘yong pobreng mama, at kami namay di napigilan ang sariling matawa, kakamot-kamot at nakangiting bumalik sa upuan naman iyong mamang napagalitan.

 

 

 

 

Pinxu_Tongue out


jonsdmur's picture

naaliw naman ako

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

sa kwento mo.

nakakatuwa ang ilang eksena....

sulat pa....

jons

funny

Cool