SOCO

dyeppri's picture

Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

 

 

 

SOCO

Nagkalat ang mga basyo ng bala,

Mga sigarilyong hindi nasindihan,

Mga bote ng beer na meron pang laman,

Mga patay na dahon ng makahiya,

Mga bakas ng sapatos ng mga meron,

Mga tsismis sa mga nag-uumpukan,

Mga balat ng kendi mula sa mga naiinip,

Mga langgam na nagpipiyesta,

Mga lumang dyaryo na inupuan,

Mga basag na bubog mula sa salamin,

Mga putol-putol na lubid,

Mga nagbabanggang kilay ng natrapik,

Mga nagtitinda ng samalamig,

Mga dugong umagos sa damuhan,

Mga bulung-bulungan ng mga takot,

Mga asong gala na nagambala,

Mga matang paikot-ikot sa malayo,

Mga mandurukot na nanamantala,

Mga nagpapapicture na nakikiraan,

Mga nakayuniporme na nagkakamustahan,

 

Halina kayo…pose-pose!!! Say cheese…..klik-klik :)


Adlesirc's picture

   haha..dyep, bawat linya

 

 haha..dyep, bawat linya binasa ko with feelings katulad ng pagkakasabi ni Ogie Diaz pag ini spoof nya yung show. di ko mapigilan mag smile sa mga linya..hahaha.. funny!

 

 

adlesirctavas.blogspot.com

rose's picture

Ha Ha Ha!

Hello Kuya dyippre! naku napaganda nitong isinulat mo. akala ko naman kung anong SOCO na .. he he he! marami ka pang nakalimutan.

Mga Garapatang, nagiging sanhi ng galis ng ASO.

Mga Kutong , nagiging sanhi ng Pagkapanot. he he he

Mga Surot, na nagiging sanhi ng Ensomya.

Mga Anay , na nagiging sanhi ng pagkabulok ng Kahoy.

Mga Kalawang, na nagiging sanhi ng pag ropok ng Bakal.

He he he.. wala lang , wala maisulat eh.

 

Ingat ingat and stay alive.Cool

chicka24's picture

gusto ko yung ganitong mga

gusto ko yung ganitong mga banat:

 

Mga nagtitinda ng samalamig,

Mga dugong umagos sa damuhan,

 

- parang parallel world ang dating, mababaw yung unang linya, chilling yung pangalawa... galing!!!

pangarap kp din maging ganito ka vivid magsulat..hehe marami pa kong kakaining bigas! ^_^

 

<clap clap clap!!> 

"no permanent address si chicka."

dyeppri's picture

:)

thanks...

 

 

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."