SONA

|

Sa Lunes na ang SONA ng Pang[g]ulong GMA. Sa gitna ng malawakang kagutuman at kahirapan, ng naglipanang kaguluhan, at mainit na atmospera sa buhay pampulitika sa bansa, sumagi lang sa isip ko, ano kaya ang iniisip, o mas mahalaga, ang balak gawin, ng mga FilipinoWriter?

Undecided


Pmel's picture

As a member of the Filipino Writer,

I can only lend an ear to hear what GMA has to say. Other than that, I have no intention to take action and do silly things like boycotting or ruining the Sona. That's not gonna help anyone. It will only make matters worse.

And, I don't think it's GMA's fault that the oil prices, rice and jeepney fare increased. It's affecting the whole world and it's-- well, it's... man, I'd hate to point fingers but it's so tempting?

Yeah so... Mmmhmm... yep.

oo, pero ang pakikinig lang

oo, pero ang pakikinig lang ba ay makakatulong?

Pmel's picture

I'm still a minor.

So... yeah. Pakikinig lamang ang kaya kong gawin, sa ngayon.

ah, ganun ba? pero kahit

ah, ganun ba? pero kahit naman minor may karapatang makialam, iyon ay, kung may alam tayo ayon kay orthochild. ang magpahayag ay karapatang nating lahat.

Pmel's picture

Correct me if I am wrong.

Are you suggesting that we do some hold ups and take hostages like what some infamous senators had done some past months ago? Cause if that is the case, that's just lame.

Unless you come up with an ingenious plan and strong will to actually murder people, be my guest. Make a fool of yourselves. I'll just be sitting back and shaking my head as I watch you do it on the news.

You'll only end up in jail, ruin several buildings that are actually doing our country a favor, and feel the shame and guilt of being stupid.

Cause really, you can't do anything as of the NOW. I know we all want to do something for our country, but as Pauline said to me, "It's not impossible." Just be quite, listen and move on with life until the RIGHT TIME COMES.

orthochild's picture

SONA?

Malamang maraming magraraly sa Monday! kasi ganyan naman talaga sa pilipinas e, maraming gusto kumontra para maging sikat... Magpasikat at maging IN. Papam-pam talaga karamihan ng pinoy... imbes na magtulungan ayun! nakikisali sa rally, wala na nga makain sasama pa dun di nalang magtrabaho.. at yung iba ginagawang trabaho ang pagsama sa rally kahit wala naman silang alam sa politika...

Lahat ng presidente ng pilipinas makakaranas ng ibat-ibang batikos sa ibat-ibang grupo ng raliyista... bakit di nalang yung mga pinuno nila ang tumakbo sa politika para mabago nila ang gusto nilang baguhin? hindi kaya tuta rin sila kaya ayaw nilang subukan sumali/magbakasakali sa politika? kaya ang gusto nalang nila e manggulo at magpuna ng mga kamalian?

Bilang isang pinoy, simulan natin ang pagbabago sa sarili natin... wag na tayo makialam pa sa mga problemang yan lalo na kung wala naman tayong alam....

hindi sa ipinagtatanggol ko

hindi sa ipinagtatanggol ko ang mga magrarali sa Lunes, pero ang tinatanong ko ay kung ano ang iniisip mo o balak gawin, at hindi ang kung ano sa tingin mo ang nasa isip ng ibang tao. sa sagot mo, mukha namang marami kang alam, bakit hindi iyon ang ibahagi mo.

isa pa, sa sinabi mong huwag nang makialam sa problema laluna kung wala naman tayong alam, hindi mo ba naisip na baka nga naman sila nakikialam ay dahil may alam sila; at hindi ka nakikialam dahil wala kang alam tungkol sa problema?

dyeppri's picture

ayos ka ah!

ayos ka datuh ah!!! ayos ang sagot mo at pwede ka talagang tawaging isang Datuh....Laughing

mamaya at pag-iisipan ko muna mabuti sasagot ko ha....takot ako eh! 

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

hehehe! iyon talaga ang

hehehe! iyon talaga ang gusto kong gawin dito, ang guluhin ang mga utak nating lahat. guluhin sa isang bagay na may katuturan naman.

Laughing

orthochild's picture

Anong balak gawin?

Anong balak gawin? yan ang tanong mo diba?

Wala walang dapat gawin kundi magsimula sa sarili... baguhin mo ang sarili mo. kung dati nagtatapon ka ng basura sa kalsada (balat ng kendi, papel etc) wag mo na gawin. kung di ka bumibili ng produktong pinoy, tangkilikin mo na ngayon... kung mahilig ka pumapel sa politika na wala ka naman alam sa puno't dulo nito wag ka na lang umepal.

kasi karamihan sa ganyang tao e, kumukuha lang ng opinyon sa ibang tao tulad ng newscaster, radiobroadcaster... tapos di naman alam ang punot dulo makikigulo lang.

wow! napakalalim pala ng

wow! napakalalim pala ng pagsusuri mo sa mga pambansang usapin ngayon. lalo mo akong nakukumbinsing tama ang huling pahayag mo sa unang sagot mo. nawa'y dumami pa ang katulad mo, milyun-milyon pa, para naman malinis ang lahat ng balat ng kendi na iyan.

Pmel's picture

Yep...

That's what this is all about. To trap a helpless butterfly into a spider's nest. Nice move.

Have a nice day Datuh! ^^b

mr. datuh wag naman maging

mr. datuh wag naman maging marahas sa pananalita may kanya kanya tyong laban... hindi kayo lang na nagrarally sa kalye ang nagmamahal sa bayan at gumagamit ng utak sa pagpipilit na paunlarin ang bayan na ito... kung gaano ka siguro ka-determinado na mabago ang sistema at mga lider ganoon din kami ang pagkakaiba natin tahimik kaming gumagawa at kumikilos at hindi namin ipanangangalandakan sa lahat ang bawat kilos na ginagawa namin... hindi ako nakikipagtalo o nakikipag-away, tulad mo pagbabago ang gusto ko pero iba tayo ng paraan at hindi mo pwedeng matawaran na mas mabuti kang pilipino dahil maingay ka... maging patas ka sa pananalita at maging magalang... hindi porke tahimik ay walang alam ganun din na hindi porke maingay ay madaming alam... hindi ito patalinuhan o pagalingan mag-ingay... dala na kami sa ingay na walang bunga... baka kung kikilos imbes magbunganga ay mas madaming magawa! si GMA dapat talagang mawala pero kaya mo ba syang buhatin paalis ng malakanyang sa pisikal mong lakas lamang? maging si Rizal ay hindi pumunta sa kalye at hinamon ang mga kastila sa mano manong labanan pero mas higit ang nagawa nyang pagbabago dahil sa isip at puso ang itinatak nya sa bawat pilipino, magaling kang magsulat  at halatang marami kang nalalamang makabuluhan hinahangaan kita mr. datuh gamitin mo ang galing mo sa laban mo... nagyon kung may super power ka na resistant sa bala at tangke sige punta ka sa kalye pero tandaan mo mas madaming magagawa ang buhay na nag-iisip at kumikilos. Ngayon yung tanong nyo kung ano ang gagawin ko sa araw ng SONA, eh ano nga ba ang dapat gawin sa araw na to kundi ituloy ang laban ng buhay. Yun lang po at konting ingat sa pananalita!

point well taken, ms.

point well taken, ms. pauline. and i'll admit to that fault. sana nga lang an mga sinagot ko dito ay kasinggalang mo ring sumagot. sila naman kasi ang unang nagmaliit sa mga nagrarali na wala umanong alam. hindi ko sinabing ako lang ang may alam dahil maingay ako at ang tahimik ay walang alam; wala akong sinabing ganoon. at hindi ko kailanman sasabihin iyon. at ipinagtatanggol ko lang ay ang mga nagrarali na walang batayang sinasabihang walang alam. but still, be assured that your point is well taken. salamat po.

LOL! yes, i'll correct you.

LOL! yes, i'll correct you, Pmel. saan mo naman nabasa ang lahat ng iyan sa mga sinulat ko. o baka naman iyan talaga ang nasa isip mo, ang balak mo. kung ganoon, igagalang ko iyan. ang sa akin, hindi ako ang nagsabi niyan. kung mapapansin mo, wala naman akong sinabi na plano ko, ako kasi ang nagtatanong. ang sinabi ko lang sa itaas ay kung ano ang kalagayan ng ating bansa ngayon, at hindi ang ginawa ko sa bansang ito. diba? kool ka lang.

Pmel's picture

Well thank goodness for that!

Not at all Sir Datu. I just remembered that when that incident happened, I was in the van for almost 3 hours due to traffic. And because of that, I was so hungry for lack of food that when nothing drastic happened, like a movie gone sour by the end of the climax, I was more than disappointed.

I was literally screaming in the van, "YOU STARVED ME FOR NOTHING? YOU MOTHERFUCKING ASSHOLES! GIVE ME MY GAS MONEY BACK!" I was so mad!

Those senators didn't live up to what they've started out to do, which was a total waste of time, energy, and money considering the amount needed to restore the Peninsula Hotel! So stupid!

Thank you for correcting me. I needed that.

ah, kaya pala. well, now i

ah, kaya pala. well, now i completely understand why you feel that way about Trillanes. nakakatrauma pala ang karanasan mo.

sa opinyon ko, mali nga ang ginawa nila noon. pero ireserba na lang natin ito sa ibang diskusyon. gusto ko lang ilinaw na tungkol sa SONA ang tinatanong ko. pero salamat na rin sa paglahok mo.

Smile

Pmel's picture

Mang Datuh

Alam niyo ba, masmaigi para sa akin kung sabihin ninyo nang tuwid na, "Hindi ko maintindihan ang Ingles Pmel" at ta-Tagalugin ko kayo. Okay?

 

Eh to: Ang tanong ninyo, ano ang plano kong gawin sa SONA.

Sabi ko: Wala kung hindi, makinig lamang. Dahil dalaga pa ako.
 
Sabi ninyo uli: Pero miski na ang minor, may magagawa parin ako para MAKIALAM.

Dahil sa salitang, MAKIALAM, napagisipan ko tuloy na gusto ninyong, mang-gulo, mag-rally, o kaya gumawa ng ka-tangahan tulad ng ginawa nila Trillianes.

At tama ako. Iyan gusto ninyo-- mang-gulo. Ano ba naman kayo? Tao ba kayo? Matino'ng ginoo ba kayo? Hay naku!

Naku! Kunyari pa kayo. Eh to, marunong akong mag-Tagalog. sabihin niyo lang no. Walang problema don. 

alam mo, naintindihan ko na

alam mo, naintindihan ko na nga kung bakit ganoon na lang ang galit mo kay Trillanes kaya p[ara kang bombang sumabog sa sagot mo. ngayon, hindi ko na naman maintindihan kung saan mo nahinuha ang lahat ng ito.

una, sinong nagsabing hindi ako nakakaintindi ng Ingles. hindi porke hindi ako nag-iingles sa mga sagot ko ay hindi na ako nakakaintindi nito. malinaw na malinaw ko pong naiintindihan ang sinasabi nyo, po. kung hindi, makakasagot ba naman ako?

pangalawa, ang paggamit ko ng salitang MAKIALAM ay bilang paggamit ng mga salita ni orthochild. ngayon, hindi ko na maintindihan kung saan mo hinugot ang kongklusyon mo sa kung ano ang gusto kong ipakahulugan. iyan ata ang tawag sa maling akala.

pangatlo, at panghuli, ang paglilinaw ko sa paksa ng diskusyong ito sa huling sinabi ko ay dahil bigla mo na lang naisingit si Trillanes, na hindi ko naintindihan, hindi dahil Ingles ang salita mo, kundi dahil hindi ko naintindihan ang sirkunstansya kung bakit mo nabulalas ito. pero gaya nang nabanggit ko na, naintindihan ko na nga sa mga sagot mo. isa pa, hindi lang para sa iyo ang pahayag na iyon kundi sa lahat ng gustong lumahok dito para mailinaw ang paksang pinag-uusapan.

pahabol pa pala. OPO. tao po ako (at least, iyon ang sabi ng nanay ko). at hindi, gaya ng sinabi ko na noong una, hindi ako nagpapanukala ng panggugulo, lalung-lalo na ang panggugulong binabanggit mo. at mali ata ang salin mo ng dalaga sa minor.

salamat po, aleng pmel. Smile

Pmel's picture

Ang galing!

Sige. Mali ulit ako. Aaminin ko po. Mali ako. At tama kayo. Ang galing ninyo mang-gulo ng isip ng tao. Pero hindi po ako humahanga.

Wala na akong ibang masasabi Mang Datuh. Dahil tama kayo. Subalit, hindi po ako ganon ka tanda na kailangan ninyong tawagin ako na "Aling Pmel." Salamat sa inyo, Mang Datuh.

-Pmel

ikaw naman, masyadong mainit

ikaw naman, masyadong mainit ang ulo mo. sinusuklian ko lang naman ang paggalang mo sa pagtawag sa akin ng Mang Datuh, kahit na hindi rin naman ako matanda para tawagin nang ganoon.

pero gayunman, salamat pa rin sa pakikipagpalitan mo ng kuro-kuro.

Pmel's picture

Ah ha ha ha!

Pasensya na. Eh, para naman kasi kayong mai-edad kaya natawagan ko kayo ng, "Mang Datuh." Sige. Hindi ko na gagawin iyon.

Datuh nalang. ^^b

-Pmel

spike_west's picture

Mainit ang topic

Masyadong mainit ang topic ah!! Okay ang tingin ko kahit siguro si Jesus Christ pa ang pangulo natin tyak, marami pa rin ang magrarali at magrereklamo. Mukhang bahagi na ata ng kultura natin ito eh. Para sa akin kanya kanya tayo ng pamamaraan ng pagpapahyag ng ating saloobin sa Gobyerno, siguro sa kanila pagrarali, sa akin sa pagsusulat. Ngayon kung naisip naman ng iba na manggulo na lang, eh hindi sila nakakatulong bagkus nakakasama pa sa atin.  At nandadamay pa sila ng mga inosenteng mamayan.

Sa akin kung tatanungin mo ako kung may nagawa na ba ako, sasabihin ko OO, kasi bahagi ako ng Milyon milyon OFW na tumutulong sa ikakaganda ng ekonnomiya, bagamat may nagagawa kami para sa ekonomiya, wala naman kaming nakukuha mula sa gobyerno. Kung nakakaranas kami ng ganito mas lalo na siguro kung wala kang naitutulong sa ekonomiya eh di mas lalong wag ng mag-intay o umasa ng tulong mula sa Gobyerno. Naalala ko yung isang interview sa isang tiga squatter. Galit na galit yung isang lalaki kasi mahirap daw ang buhay nila, hindi na raw sila kumakain, at si Gloria ang sinisisi nya sa nararanasang kahirapan. Tinanong ng reporter kung may trabaho sya, sabi nung lalaki WALA, may plano ba kayong maghanap ng trabaho, sabi nya tumataya na lang daw sya ng Lotto. Tapos tinanong kung ilan ang anak nya, sabi nya 8 at sunod sunod ang edad. Hay buhay, ngayon galit na galit sya sa gobyerno at dadaanin lang daw nya ito sa inuman. (patay tayo dyan)

Balik uli tayo, ngayon payo ko wag ka na lang manood ng Sona, tutal yung sasabihin lang naman ni Gloria dun ay di mo rin magugustuhan kasi puro naman kasinungalingan. Kung gusto mong manood pa rin, eh wag ka na lang magexpect sa mga pangako ng Gobyerno. Tutal may SONA o wala eh ganun pa rin naman ang buhay natin. Humanap ka na lang ng paraan para guminhawa ang buhay natin then yung ekonomiya "to follow"na yun. Di ba?

Eh ako hanggang sa pagsusulat na lang tungkol sa Gobyerno ang ginagawa ko, kung mapansin eh di salamat, pero kung hindi okay lang naipahayag ko naman yung saloobin ko at napaunlad ko pa ang pagsusulat ko. Nagyon kung sa tingin mo nakakatulong sa iyo ang pagrarali at makaktulong din sa ekonomiya natin eh good luck na lang talaga.

Yun po, inuulit ko ,wag manonood para hindi high bloodin kasi parang replay lang din naman ang sasabihin nya, manood na lang ng balita mamaya. Pangalawa, wag ng magexpect kasi kung mageexpeect ka eh ikaw lang ang mahihirapan.At tyak ganun pa rin ang buhay natin.

Sige po ang maraming salamat,

SPIKE

hay salamat, sa mga sumagot

hay salamat, sa mga sumagot dito, mukhang ikaw palang ang may malinaw na sagot. at least, malinaw para sa sarili mo at alam mo ang iyong gagawin.

ilang paglilinaw lang, ayon sa aking opinyon. una, tungkol kay kay Hesus, una, malayung-malayo namang mangyari iyon. pangalawa, malayung-malayo rin si Hesus kahit pagsamasamahin pa lahat ng namuno dito sa ating bansa; kaya sa tingin ko hindi uulanin ng protesta. kung mayroon man, hindi ko na lang talaga alam kung anong nangyayari sa mundo. ngayon, tungkol naman sa mga bisyo: inom, sugal, atbp., iyan ang bahagi na ng ating kultura. iyan kasi ang itinuro sa atin ng mga Espanyol noon. at hanggang sa mga Amerikano, hanggang sa kasalukuyan hindi naitatama iyan. pansinin mo kahit sa probinsya, kahit gaano kahirap ang buhay, pagdating ng mga pista o kasal o anumang okasyong mahalaga sa kanila, gagastos at gagastos ang mga tao. laluna sa Batangas, pataasan ng i*i dyan kapag kasalan.

at sa kabilang banda naman, minamaliit mo rin ang mga nagrarali. katulad ni orthochild, pero sa kaso mo malamang di sadya, ipinagpapalagay mo na walang alam ang mga nagrarali. nagrarali lang sila for the sake of makapagrali. ang lahat ng bagay o pangyayari ay dapat tinitingnan natin ng kongkreto at masinsin para masuri natin nang wasto. at isa pa, hindi rin ito bahagi ng atig kultura. bahagi ito ng ating buhay pampulitika. at kahit sa ibang bansa, malaking bahagi ito ng buhay pampulitika. kung hindi man ganito, nahuhulog ka naman sa persepsyon ng marami na nagtutumbas sa rali sa gulo. muli, hindi ako pumapanig sa mga nagrarali, pero lubos ko ring iginagalang ang kagustuhan nila; karapatan nila iyon eh. kaya hindi ko rin bulag na ipinupukol sa kanila ang sisi ng panggugulo. kung tutuusin nga, napakapayapa pa ng ginagawa nila dito. pansinin ninyo sa ibang mga bansa, matalo lang sa soccer ang bansa o team nila, kahit nga manalo at magkampyon sa torneo, nauuwi na hindi sa rali, kundi riot; ang iba sumasaklaw pa sa buong lunsod. sa iba naman, sa loob mismo ng parlamento, ang mga kinatawan mismo ang nagsusuntukan.

dyeppri's picture

Hindi po...

Hindi po pwe-pwede pare-pareho ng persepsyon at laman ng utak ang bawat tao... Iba ikaw, iba ako at iba tayo...dahil magkakaiba ang mga naranasan natin kaya huwag mong ipilit ('dba pmel?!) ang gusto mo mangyari datuh. Nagtanong ka at sinagot nila ito pero parang alalaungbaga eh may inaantay kang sagot na gusto mo iyon lang(Iyon lang! sa pakiwari ko at sa tono mo...) ang maririnig mo! Huwag ganyan datuh! Hindi iisa ang laman ng utak namin o sino pa man (kasama ng mga tao sa kalsada/rally) dito. Hindi ako/kami wedeng magpadikta kanino pa man! Salamat po but no thanks din sayo...Sealed walang pupuntahan ang inihain mo dahil 1 sided ka!!! wala ng magaling na sagot para sa'yo...tapusin na lamang itong usapin n'yo.         ... Yell  ...

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...

orthochild's picture

The End

Ayan tinapos na ni kuya Dyeppri, wala na magrereply huh after nito kung hindi mababaog!

 

And they lived happily ever after.......

 

tama ka, magkakaiba ang

tama ka, magkakaiba ang iniisip ng mga tao. tama ka rin na 1 sided ako.

sa una, iyon nga ang dahilan kung bakit ko sinagot si orthochild. tumalon kaagad siya sa kongklusyon na walang alam ang mga nagrarali nang wala namang anumang ebidensya o patunay na kakabit. tungkol kay Pmel, sabi ko nga, naintindihan ko naman na siya, nabigla lang rin kasi ako sa sinagot niya. hindi ko kaagad naikunek.

sa pangalawa, talagang 1 sided ako. pwede ba namang 2 ang panig mo sa isang diskusyon. kaya natural lang rin na ipagtatanggol ko ang side ko. ano namang masama roon. hindi naman ako ang huhusga ng kung ano ang tama o mali; at walang sinumang may karapatan na gawin ito, kahit na ako na nagpasimula ng thread na ito. dahil karapatan ng sinumang gustong magkomento dito na ipahayag ang kanyang opinyon. karapatan mong isulat ang gusto; karapatan ko ring magpahayag ng sa akin. bastat siguraduhin mo lang na handa kang ipagtanggol ang ilalabas mo dito. kung hindi, talaga ngang magiging 1 sided na ang thread na ito mismo at hindi magiging malusog ang diskusyon.

hindi rin totoo na wala nang magaling na sagot sa akin. tingnan mo na lang ang pangatlong nagkomento dito. hindi ako sang-ayon sa lahat ng opinyon niya, pero lubos kong kinikilala ang sagot niya na kauna-unahang sumagot nang malinaw.

rose's picture

Magandang Topic Ito Gusto Ko Ito...

Aba magandang topic ito gusto ko ito... usapang pampolitika... Kung nasa pinas ako ang gagawin ko sasama ako sa rally...... kapag sumali ka sa rally hindi naman nangangahulugan na umeepal ka lang, may karapatan po tayo na ipahayag at isigaw ang ating nasa sa loobin. Karamihan sa atin ay nag bubulag bulagan lang naman sa totoong pangyayari sa ating bansa, marami rin sa atin ang walang pakiaalam sa mga pangyayari sa atin.

Sasabihin na hindi natin alam ang puno't dulo ng lahat... hindi naman siguro tayo bulag at pipi para hindi malaman kung saan nanggagaling ang puno't dulo ng kahirapan ng ating bansa. Kaya sa mga taong walang pakiaalam better na itikom nalang ninyo ang mga bibig ninyo, huwag na kayo mag bigay ng mga komento kung labag naman sa kalooban ninyo . Pero malaya tayo sumigaw at ipaglaban ang karapatan ng bawat pilipino. At naniniwala ako na ang mga taong nag rarally sa ating bansa alam nila ang kanilang pinag-lalaban hindi mga bobo ang mga taong yan para sumigaw sa kalye na hindi naman nila alam kung ano ang kanilang pinag-lalaban. Hindi ninyo ba nakikita na yung ibang mga nag rarally mga galing pa sa magagandang skwelahan , yung iba ay galing sa may mga kayang pamilya. so ano sa tingin ninyo ang kanilang pinaglalaban.???

Kaya para sa mga pilipinong ipinaglalaban ang katotohanan at walang takot na humaharang at nakikipag laban saludo po ako sa inyo....   Dahil siguro po kung maganda ang pamamalakad ng ating pamahalaan walang mga tao sa kalye na sumisigaw, hindi siguro masyado naghihirap ang ating bansa. Kaya kahit anong pagsisikap ang gawin natin ay ganun at ganun ang nagiging takbo ng buhay. Gumising na tayo sa katotohanan na ang bansang pilipinas ay palubog na ng palubog dahil sa mga halimaw at mga higanting politiko na nakaupo na puro pansarili lang nila ang mga iniiisip nila. Kailangan pa tayo magigising kapag naging isang 100 per kilo na ang bigas, sabi nga ni kapatid ni spike kapag naging pambasang pagkain na ang chicharon.       

rose's picture

13. At ito ang

13. At ito ang pinakamatindi, budget/expenses sa Malacanang Palace every month:

Marcos administration - P750,000 -- dollar to peso that time P13

Corazon Aquino administration -- P1.5 million -- peso-dollar rate P24:$1

Fidel Ramos administration -- P2.0 million -- peso-dollar rate- P30:$1

Joseph Estrada administration -- P3.0 million -- peso-dollar rate P55:$1

Gloria Macapagal Arroyo administration -- P6 million -- peso-dollar rate - P40:$1

Ang naglabas ng statistical records na ito ay taga-Malacanang na media man. bigla na lang nawala (dinukot, kawawa naman)

Ano ang masasabi ni Juan dela Cruz dito? Tatahimik ka na lang ba? How about tayong mga bagong bayani kung tawagin? Hahahaha. Pinaganda lang ang tawag sa atin pero ang trato sa atin ng kasalukuyang gobyernong Arroyo ay parang basahan rin, tulad ng iba.

Magising na nga kayo! Walang mangyayari sa pakiusap sa gobyerno. Ang kailangan natin ay pwersa/lakas na patalsikin s'ya.

Para sa kaalaman ng lahat, maaari pong pakipasa na lang sa iba.

Ngmamahal,
OFW - Juan Pasan Co Ang Cruz a.k.a. Juan dela Cruz

finally, orthochild at

finally, orthochild at dyeppri. ito na ang pagkakataon ninyo na sagutin ang isang malamang na ralyista kung naririto lamang siya sa panahon ng SONA. at salamat rose, sa wakas, mayroon nang nagsasalitang ralyista para sa sarili niya. para kasing lumalabas na ipinagtatanggol ko ang pagrarali, kaya nagiging biased ako. kinailangan ko lang kasi gawin iyon sa itaas dahil sa walang batayang akusasyong ipinupukol sa mga ralyista, at malamang na raliyista sa kaso ni rose.

ang hindi ko lang maintindihan sa dalawa, bakit ba inaakala nila na ipinapanukala ko na magrali ang mga tao hanggang sa umabot pa sila sa katawa-tawang kongklusyon na gusto kong manggulo lang. hayy....

rose's picture

Bawat isa po sa atin ay may

Bawat isa po sa atin ay may kanya kanyang paniniwala, may mga iba't ibang komento at suhistiyun. Kaya nirerespeto ko ang mga komento ng bawat isa sa atin dito sa site na ito. May mga iba't iba rin tayong karanasan at paniniwala, kanya kanyang saloobin na malaya po nating maibulalas o isulat Dito sa site na ito at wala sino man sa atin ang pwedeng magsabi kung ano ang dapat nating gawin, kahit sino po sa atin ay hindi pwedeng sumaklaw sa ating paniniwala.

Pero hindi po natin dapat husgahan ang mga kababayan natin na nag-titiis na naglalakad sa kainitan ng araw, nagsisigaw sa daan, mga raliyista na ipinaglalaban ang ating karapatan bilang pilipino. Hindi po natin dapat husgahan sila na gusto lang nila umepal or gusto lang nila sumikat kaya nila ginagawa ito, at hindi rin naman nangangahulugan na nanggugulo sila.

Kaya nga freedom country tayo, malayang malaya po tayo na ipabatid at isigaw ang katotohanang pangyayari sa ating bansa. Kaya dapat ay irespeto natin sila, kung wala tayong magawa para sa ating bayan ay dapat manahimik nalang tayo, huwag na tayo magsalita ng kung ano ano patungkol sa mga kababayan natin nakikipag laban sa ikapagpapabago ng ating bansa.

Na minsan kung iisipin natin na kahit anong gawin nating sigaw or rally hanggat nandiyan ang mga halimaw na dambuhalang mga magnanakaw ay hindi pa rin magbabago ang kahirapan ng ating bansa. 

Subukan ninyo pong basahin ang sinulat ng may ari ng site na ito na si Sir Noid " WALK FOR THRUTH " minsan na rin siyang naging bahagi sa pag-lalakad sa lansangan para sa katotohanan.

" Ansarap talagang makibahagi sa mga ganitong pagkilos. Iba ang pakiramdam pag alam mong para sa bayan ang ginagawa mo. Dahil summer ay mainit ngunit tila nakalimutan ko ito. "  yan ang kanyang tinuran.

Kaya huwag nating sabihin na ang mga nag rarally na yan ay hindi nila alam ang puno't dulo at hindi nila alam ang kanilang pinaglalaban. Kaya kung ikaw ang taong walang alam at manhid sa mga pangyayari sa atin ITIKOM MO NALANG ANG BIBIG MO, HUWAG KANA LANG MANGHUSGA NG KAPWA MO.

At tama rin ang sinabi ni kapatid na spike na huwag nalang tayo maniwala sa mga matatamis na salita ni arroyo at sa kanyang mga matatamis na pangako. Kaya sana sa susunod na botohan ay maging matalino tayo sa pag-halal , huwag tayo magpapasilaw sa maliit na barya lang at huwag tayo agad maniniwala sa mga matatamis na salita at pangako. O kaya para wala tayong pagsisihan huwag nalang tayo bomoto.

Kaya respeto lang po... dahil kung magtagumpay man sila sa kanilang mga pinaglalaban , tagumpay rin ng lahat ng mga pilipino iyun.

Innocent Kaya para sa lahat isama po natin sa ating mga dasal ang mga kababayan nating hanggan ngayun ay nakikipaglaban para sa sambayanang pilipino, ito lang po ang pwede nating gawin ang ipag dasal ang ating bansa at ang mga taong nasa lansangan na sumisigaw ng katotohanan.   

orthochild's picture

Hindi naman lahat...

Hindi ko naman nilalahat... pero kung magpupunta ka at magoobserba marami rin ang walang alam kung bakit sila nandun, dahil hakot lang sila. isa pa may napapala ba tayo sa pagrarali na yan? sa pagtatalo na yan? may nangyayari ba? kung gusto talaga ng pagbabago simulan sa sarili maging tapat at disiplinado tayo....

dito palang nakikitang di na tayo disiplinado dahil sinabi na tapos na ang diskusyon pero may kumabit parin para palawakin ang diskusyon db?

Hindi nga tayo disiplinadong mamamayan!!!!!

kung gusto talaga ng pagbabago bakit di tumakbo sa politika yung mga leader ng kung ano-anong grupo na nagrarali? subukan nilang tumakbo senador, gobernador, o presidente kung talagang may pagpapahalaga sila sa politika o sa bayan.... e parang wala akong nakikita na leader ng mga grupong nagrarali na nagbalak pumasok sa pagka-presidente? gusto lang ba nila mamuna, manita, magrali?

 

 

 

Ang problema ng bayan TAYO MISMO!!! (sama na ko! peace)

Rally to oust GMA? yes count

SONA by GMA as usual, nothing but LIES!!! now if there's a rally here in Davao City to oust GMA? yes count me in... I'm seventeen... and it's my future as well as as the future of the million other filipino youth under the age of eighteen and can't vote are at stake here... I am a good student with good grades, a working student even, I'm not one of those "sosyalerang konyita" of the higher social strata who do not earn a single centavo of the money they spend on their fastfood junks, branded apparels and the hi-tech accessories, Oh I have those too [not the branded clothes though] but I work my butt off for those things grilling burgers and mopping floors. my Father's not even a filipino by birth but he taught us to love this country, care for it and be responsible for it, fight if there's a need to keep it from the people like GMA and her alipores... I believe that no matter how good my grades are and no matter how good a student I continue to be, if I just sit and do nothing all my efforts as a good student will be for naught so If I have go in the streets, leave my class for a day and be called all sorts of derogatory names by the others who are so comfortable in their posh, airconditioned classrooms, Fine with me I'll be in the streets anytime my country needs me!

Teka lang, orthochild. sino

Teka lang, orthochild. sino ba ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihan na putulin ang diskusyong ito? sasabihin niyong 1 sided ako, tapos ikaw naman itong ayaw makinig ng kabilang panig.

pero ngayon, sasagutin ko ng mas seryoso ang argumento mo, dahil mukha namang mas seryoso na rin ang sagot mo.

unang-una na, ang punto mo sa pagtakbo sa pagpkapresidente. iyon ang mismong punto na hindi mo ata ma intindihan. hindi naman sila nagrarali dahil gusto nilang maging pangulo ng Pilipinas. gusto nilang maging pangulo, mag-aaksaya pa ba ng panahon ang mga iyan sa lansangan? ngayon, susubukan kong himay-himayin ang mga taong magrarali mamaya sa abot ng aking makakaya para mas maintindihan mo ang mga nangyayari sa lipunan natin ngayon at hindi lamang ang sarili mo ang naiintindihan mo.

sa mga magrarali, kabilang iyan sa dalawang grupo; natural, ang pro-Gloria at anti-Gloria. ang dalawa ay binubuo ng iba't ibang grupo. sa nauna, bagamat hindi ako gaanong pamilyar sa kanila, kalakhan sa mga grupong iyan ang mga grupong binuo ng Malacanang noon para tumakbo sa partylist. noong nakaraang taon, ang marami silang kasama ay mga artista para aliwin ang mga tao at makahatak pa ng pansin. sa mga pulitiko, malamang kaunti na lang iyan, dahil bakit naman sila magtitiyaga pa sa labas, samantalang pwede naman sila sa KAmara mismo manood kung saan kailangan sila bilang tagapalakpak ng pangulo. at ang malaking bulto na bumubuo sa grupong ito ay ang mga hakot na sinasabi mo. sa pulitika kasi, sa rali, kapag sinabi mong hakot hindi lang yan walang alam sa ipinunta nila doon, kundi mas mahalaga may kapalit na bayad ang pagdalo nila. at hindi mo masisisi ang mahihirap kung maging biktima sila nito. sa hirap ng buhay ngayon na kapit-patalim na sila, kahit na sinong mag-abot sa kanila ng kamay ay siguradong tatanggapin nila.

para naman sa ikalawang grupo. binubuo rin ito ng iba't ibang grupo, pero kaiba sa una, mas malawak ang pinagmulan ng mga grupong ito. may mga manggagawa, magsasaka, estudyante, kababaihan, mula sa komunidad, simbahan, sektoral, OFW (katulad ni rose na gusto sanang sumama), manunulat (katulad ni jenny na gusto ring sumama), atbp., at oo, may mga politiko rin. pero sa mga politiko, dapat ding maging mapanuri, tulad nga ng sinabi mo; huwag lalahatin. mayroon talagang may pagmamahal sa bayan kaya sila kasali at ginagawa na nila ito kahit bago pa man sila maging politiko. mayroon ding nakikisakay lang para bumango ang pangalan para sa susunod na eleksyon. pero ang punto, wala namang pwedeng humusga kung sinu-sino ang mga ito, kayang walang pwedeng magbawal kahit na kanino. ngayon pansinin mo ang kakatwang bagay, marami sa mga iyan magkakaiba-iba ng opinyon pero sa punto ng pagtuligsa kay GMA, nagkakaisa sila. iyan ba ay ibubunga ng mga taong walang alam sa usapin? pero ang kalakhan sa ikalwang grupo ang magpupunta mamaya, hindi dahil gusto nilang maging presidente, kundi sa simpleng walang laman ang kanilang sikmura, wala rin silang mailuto sa kanilang kaldero; sila ang mga magtatrabaho nang buong araw, ngunit uuwi pa ring wala, ang iba nga wala talagang trabaho; sila ang mga marangal na nagtitinda sa tabi ng kalsada na araw-araw nakikipaghabulan sa MMDA; sila ang mga magsasaka na hanap lang naman ay kanilang lupa; sila ang mga pamilya ng biktima ng political killings; sila ang mga taong sawang-sawa na sa pangungurakot habang pagsasawalang-bahala ng mga namumuno sa atin sa kalagayan ng taumbayan; sa madaling sabi, sila ang mga taong nag-iisip hindi lang tungkol sa kanilang sarili kundi mas mahalaga sa kanila ang kapakanan ng buong bayan na bahagi rin naman sila.

ang sinubukan ko pa lang ay sagutin ang tanong na ano at sino. hindi ko pa sinama ang tanong na BAKIT, baka kasi hindi mo naman na gustong marinig sa akin.

huwag mong isipin na mali ang sinasabi mo tungkol sa pagbabago sa sarili. napakahalaga niyan. at iyan ang simula; pero simula lamang. kung titigil na doon, mawawalan din ng saysay. pero opinyon mo iyan kaya wala naman talaga akong magagawa hindi ba? at kung mapatunayan mong tama ka, huwag kang mag-alala, ako mismo sasama sa iyo. pero sa ngayon, dito na nga lang sa thread na ito, mas maraming naibigay na makabuluhang punto ang mga pabor magrali kalakip pa ang pahapyaw na ebidensya at paliwanag, kaya sa kanila ako sasama.

ang problema tayong lahat mismo? tama ka BAHAGI TAYONG LAHAT SA PROBLEM, KAYA DAPAT MAGING BAHAGI RIN TAYONG LAHAT SA SOLUSYON.

orthochild's picture

solusyon ba ang tawag mo sa gagawin mo?

solusyon ba ang tawag mo sa gagawin mo?

kelan naging solusyon ang ganyang bagay?

kung talagang may malasakit sila sa bansa bakit nga hindi sila tumakbong presidente? puros batikos

hindi naman sila nagrarali dahil gusto nilang maging pangulo ng Pilipinas. gusto nilang maging pangulo, mag-aaksaya pa ba ng panahon ang mga iyan sa lansangan?

eh ano gusto nila pagbabago? sino ang maaring solusyon? di rin ba sila? magluluklok sila ng bagong presidente at di kalaunan e makakalabang din nila... kung may tiwala ka sa sarili mo kaw mismo ang mamuno.

wala ba silang tiwala sa sarili nila o kurakot din ang lider ng mga grupo na yan?

kesa mag-aksaya ka sa lansangan na di mo alam ang patutunguhan bakit di mo pag-aksayahan ang pagiging lider ng bansa para ikaw mismo ang gumawa ng gusto mong mangyari sa bansa?

nakakatakot kasi maging ang ibang lider ng mga grupong ito e kurakot din at may maiitim din na budhi (hindi ko nilalahat)

oo, iyon ang sa tingin kong

oo, iyon ang sa tingin kong solusyon. kung ikaw, sa tingin mo pagtakbo sa pagkapangulo ang solusyon, edi tumakbo ka sa pagkapangulo. ako, sa tingin ko bahagi ng solusyon ang pagpunta sa rali, kaya gagawin ko. hindi ko rin magagawa ang gusto mong ipagawa, ang tumakbo. sigurado ako sa sarili ko na hindi ako kurakot at tiwali; pero wala rin sa akin ang katangian ng isang pangulo. ngayon iyon ang hindi natin nakikita sa usapin kay GMA. kurakot na nga at tiwali ay wala rin namang katangian -- talino at husay -- para mamuno sa ating bansa, kaya siya gustong paalisin, kaya siya dapat paalisin.

orthochild's picture

Yan ang inaantay ko

Yan ang inaantay kong sagot mo, ang wala kang katagian ng isang pangulo..... hanggang dyan ka nalang ba sa pambabatikos? eh yung pinuno ng mga ralliyista? wala rin ba silang katangian na mamuno ng bansa?

ako kaya di ako sumasali sa mga ralli na yan kasi di ako naniniwala na yan ang solusyon. hindi ako tatakbong pangulo ng bansa kasi nga dko kaya mamuno at wala akong alam sa mga usaping pang-politika... 

sino ang gusto mong ipalit kay GMA? sure knb dun sa ipapalit mo? o  baka makalipas ang ilang araw nsa kalsada k nanaman...

c"..)

Ok so you feel good now orthochild? you must be feeling so accomplished now? you just love to blabber on as if there's no tomorrow eh? save some for later ok? 'til then... stay away from gas inducing food... you've been spewing bad gas enough to pollute the entire site... I'm getting personal I KNOW!!! no excuse, just my bad attitude showing uh-oh pareho lang tayo bai! nice day to you!

oh, ano naman ang problema

oh, ano naman ang problema kung hindi ako karapat-dapat maging pangulo? ibig sabihin ba hindi na rin ako pwedeng bumatikos? tungkol sa mga lider ng mga raliyista, bakit hindi ikaw ang kumilatas sa kanila at ikaw ang humusga kung karapat-dapat sila? tutal, ikaw naman ang nagsasabi na ang pagtakbo sa pagkapangulo ang solusyon.

given na nga na hindi ka sasama sa mga rali, matagal mo na iyang nasabi. pero bakit hindi mo isulong ang pinapaniwalaan mong solusyon. kung ayaw mong tumakbo, edi gumawa ka ng kampanya para mahanap ang karapat-dapat na pangulo ng Pilipinas. tapos suportahan mo siya sa pagtakbo niya. bibigyan na kita ng tip; unahin mo sina Villar, Legarda, Mar, Jamby, Bayani, Miriam.

panghuli, tinatanong mo na kung sinong gustong ipalit kay GMA, hindi ka pa kumbinsido kung bakit siya dapat palitan at paano? ilang beses ko na ring narinig ang tanong na iyan, nanggaling na rin iyan sa Malacanang mismo.

sa halos 90 milyong Pilipino ngayon, sa tingin mo ba wala tayong makikita na mas mahusay na tao na pwedeng ipalit sa kanya?

and now we come to the end.

and now we come to the end. not the fat lady, but the lady with the mole had already sung. salamat sa lahat ng nag-abalang magbasa dito (o naligaw lang ba dito). at sabi nga ni orthochild sa isang thread, at lubos kong sinasang-ayunan, walang personalan. peace mga kapatid! balik ulit tayo sa paglikha, pagbabasa at pagkokomento sa iba pang mga akda dito bilang mga manunulat. natutuwa ako at marami ang nagbasa. ibig sabihin, marami, sa katunayan lahat ng nagbasa at nagkomento dito anuman ang kanilang paniniwala, ang nagmamalasakit sa mga nangyayari sa ating bayan ngayon. hindi kataka-taka, talaga namang mainit na usapin ngayon ang kalagayan ng ating bansa.

kanina nga lang, natutuwa akong nakikinig sa mga bata sa kapitbahay namin. sa tuwing may dadaan na helikopter, sasabihin nila: "Ayun o, si Gloria." bida naman ng isa, "Kanina nga nakita ko magkasama si Gloria at Erap e." biruin mo, mga musmos pa lang alam na na nagaganap ngayong araw ang SONA ni GMA. samantalang noong bata ako, napapanood ko ang Edsa 1 nang live sa telebisyon pero walang kamalay-malay na aktwal pa lang nagaganap iyon noon. akala ko pelikula lang.

salamat ulit sa marami. sana hindi ganoon karami ang naging kaaway ko na matapos ito. PEACE!