sorry!

|

maaari nyo akong batuhin ng bato, pero hindi pa rin ako iiyak. Maaaring mapaisip ako bakit ganoon...marahil, may nagawa ako na hindi ninyo nagustuhan. Maaaring nasaktan ko kayo, one way or another. Pero isang tiyak, malaking bahagi noon ay hindi ko sinadya. I won't make excuses like, "tao lang ako, hindi ako perpekto." Gasgas na ang ganitong mga katwiran, at sa pelikula na lamang ito uso.

Hindi ako bato. Pero sinadya ko na huwag mag-invest ng too much emotions sa mga nangyayari sa buhay ko. Lipas na ako sa panahon na maaari pa akong magpakalunod sa sama ng loob. Dumaan na ako sa ganitong yugto ng buhay. Hindi ko na maaaring balikan. Hindi na ako maaaring manghiram ng mga ganitong sandali't pagkakataon.

Sa mga nagawa ko, ipag-paumanhin sana ninyo.

 


hmm

mukhang napaka bigat ng nagawa mo.

magdasal ka. at isipin mo mapapatawad ka nila.

kung ang diyos nga nagpapatawad e.

jealousy29's picture

tama ang sinabi ni ms.

tama ang sinabi ni ms. Karlaloo... kung ang diyos nga ay nagpapatawad tayo pa kayang mga tao...

kung gano man kabigat ang iyong nagawang kasalanan... hintayin mo lang ang tamang panahon para mapatawad ka nila... alam naman nating lahat hindi pa rin ganun kadaling magpatawad... kaya kinakailangan ito ng ilang panahon... lalo na kung napakabigat talaga ng iyong naging kasalanan... 

malaking tulong ang paghingi mo ng paumanhin...  

sana mapatawad ka nila sa iyong mga naging pagkakalamali...

 

god bless...

 

ngat.....Smile

...

;)

maayos din ang lahat.

jealousy29's picture

sana nga ay maayos niya din

sana nga ay maayos niya din ang lahat....