SOSI MO NAMAN!!!

spike_west's picture

Alam nyo bang bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagiging “SOSYAL” at “FEELING MAYAMAN”. Bakit?? Eh hindi nyo ba napapansin na halos ng lahat ng Filipino ( mga 70%) ay gustong maging sosyal at magmukhang mayaman. Hindi ko alam baka may kinalaman ito sa ating kasaysayan, dahil nga nasakop tayo ng mga Kastila, Amerikano at Hapon. Kaya hanggang ngayon mayroon tayong ganyan mentalidad.

Napansin ko lang na karamihan sa atin ,nabubuhay na lagpas sa kanyang katatayuan sa buhay. Kaya naman halos kahit magkanda baon-baon sa credit card at mangutang kung kani-kanino mabili lang ng mga gamit na pang- “SOSYAL”.

Bakit kapag may bagong gadget, hindi magpapahuli ang mga Filipino? Bakit punong puno ang mga kapehang pangmayaman tulad ng Starbucks? Bakit nauuso ang mga konyo o salitang pangmongoloid? Well dahil dyan sa kaisipang “SOSYAL” at “ FEELING MAYAMAN”.

Narito ang mga palatandaan ng mga taong nagpapa-SOSYAL

1. Namimili sa Mall na nakapamasko ang mga damit (pupunta langn sa mall para pumorma)

2. Laging nakashades kahit nasa loob naman sya ng isang mall o building (feeling artista ba, mas malaking shades mas mukhang sosyal)

3. English ng English (Kahit alam mong hirap na hirap na ang dila at sumasabog na ang ilong nya kakaenglish)

4. Ginagawang studio ang Starbucks at kung ano ano pang restaurant na mamahalin (syempre kailangang ipopost yun sa Facebook at Friendster na kumakain at umiinom sila ng mamahalin,ebidnesya yun)

5. Kailangan ipangalandakan ang kanyang ubod sa mahal na cellphone, ipod, laptop at kung ano ano pang gadget.

6. Kailangang alam na alam nya ang mga sikat na American TV shows at kabisado nya ang MTV. .
7. Kailangan may mga kaibigan din silang sosyal, sikat at mayaman.

8. Magsalita ng may MAKE saka pandiwa sa lahat ng sentence nya.

9. Conscious na conscious sa tatak ng kanilang damit, bag , sapatos at kung ano ano pa.

.
10. Pinagtatawanan ang mga jologs at baduy.

Pag mayaman ka talaga (yun tunay na mayaman) karamihan simple lang silang umasta. Tingnan nyo si Bill Gates, si Zobel de Ayala, si Gokengwei at si Danding Cojuangco. Simple lang sila at hindi sila masyado nagpapanggap na mayaman kasi mayaman talaga sila.

Aminin natin pag SOSYAL ka, parang tanggap ka ng lipunan. Pag sosyal ka sikat ka. Iniisip ko nga siguro kaya nauso ang pagpapasosyal ng mga Filipino dahil para tanggapin sya ng nakakararami, tumaas ang tingin sa kanya ng iba at magkaroon sya ng respeto dahil sa kanyang status sa buhay.

Pero marami din sa atin dahil sa kagustuhang maging sosyal, mas lalong silang nahihirapan. Nabubuhay sila malayo sa kanilang kakatayuan sa buhay. Marahil dala na rin siguro ito ng midya. Mga nakikita natin sa TV at magazine, at mga napapakinggan natin sa radyo. Pagpapakita na kapag sosyal ka, hinahangaan ka ng ibang tao. Kapag sosyal ka, kalevel mo na ang mga artista. Kapag sosyal ka, angat ka sa iba.

Siguro sa malaliman pang pagtingin, marahil ang kaisipang SOSYAL, ay dahil na rin sa mga “frustrations “natin bilang Filipino. Dahil pilit natin tinatakasan ang katotohanang naghihirap ang bansa natin. Pilit nating pinipikit ang mga mata sa mga nangyayari sa ating lipunan sa ngayon. Maari rin kayang likas sa ating mga Filipino ang pagiging “ingitero/ingetera” at “pagalingan (wala ka sa lolo ko)?”

Ako rin naman naging biktima ng kaisipang “SOSYAL” o "PAG-AASTANG MAYAMAN", marahil kayo din naman. Pero ngayon, pinipilit kong buksan ang mata ko sa katotohanan. Pinipilit ko ring maging praktikal at huwag mabuhay sa isang mababaw na pagtingin ng lipunan. Pero minsan napapasabay pa rin ako sa agos ng kaisipang ito, marahil ito'y sakit na matagal gamutin.

Ang sinulat ko na ito ay hindi pangungutya sa mga “SOSYAL” at NAGFEFEELING MAYAMAN dahil lahat naman tayo ay guilty dyan (ako din naman, weh). Pero ito’y isang pagtingin lamang at marahil paggising na rin sa iba na nabubuhay lagpas sa kanilang kakatayuan sa buhay.

Ikaw ,tatanungin kita sosyal ka ba?Bakit mo gustong maging sosyal? (Guilty naman ang lahat eh, kaya okay lang yan)

Ingat

SPIKE

P.S

Ano ang kinalaman ng picture ni Mystica sa post ko na ito?? Wala naman , pero di ba napakasosyal nyang tingnan! LOLS


Purple_Ink's picture

...

11. Walang ginawa kundi i-blog ang mga mamahaling gamit na meron sya kahit ang totoo naman eh, inutang lang sa 5-6.

12. Nangingibabaw ang amoy ng mamahaling pabango kahit masangsang at amoy alak.

Ang mga kilalang mayaman di kelangan umasta na mayaman at ipangalangdakan dahil takot ma-holdap o ma-kidnap dahil baka maubusan ng pera.

Ang mga paSosyal, lalo na kung single eh umaastang mayaman at bumabandera sa malls para makabingwit ng mayaman.

spike_west's picture

Congrats nga pala!

Sila yung mga tinatawag na Social Climber, pero sabi nga nila alam ng mayaman kung sino ang mayaman, at alam din nila kung sino ang nagmamayaman lang!

Sabi nga nila para silang mga tagak na nakatungtong sa kalabaw,

 

Ingat at congrats uli!
Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

ellise dominic's picture

ehem

sang ayon ako sayo spike west. ahahaha... kasi naman ang ibang tao pag nakitang simple ka pagtatawanan ka at sasabihing manang ka o di kaya naman eh can't afford.  kaya siguro sa facebook at friendster ang mga pix pagandahan... sayang di ako maganda... tsk. tsk. tsk.

my soulmate is worth the wait...

Luca's picture

huwaw

andito na kayo ulit.

 

awww... 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Luca's picture

like...

this is soooooo NOT TRUE...

meaning, your blog.

it's basura! i wasn't gonna make patol at first but then I realized I have to stand up for all the prada totin' folks out there.

ea you know why you think that? because you're jealous.

that is soooo third world...

coño girls unite! let's butcher this blasphemous (okay granted, he's slightly hot) silverback gorilla with our Manolo Blahnik peeptoe slingbacks.

Matalino naman ako, mabait, may hitsura—masuwerte daw ang lalaking makakatuluyan ko.

Masuwerte at imaginary.

spike_west's picture

Ikaw na luca

Hahahaha!

 Ang tagal na nga pala di ako napapalaot dito sa FW at namiss ko kayong lahat!

Teka Luca Slightly Hot lang ako! Di ba pwede HOT na lang! hahahah! 

Humanda kayo mag-jojoin forces kami ni Yanie sa pag-uwi namin! at riot itong umaatikabo!

Miss you all guys!

Ingat 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

neutron's picture

hahaha!

funny naman pagkakacomment mo dito! :) sobrang tawa ako ng tawa ngayon. hahaha.. nice! :)

 

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

yolak69's picture

wazzzzup dod! - wala lang sosyal diba?

nice to be back (again) musta na paren spike!?

- di yata't ang iyong tema'y patungkol sa epekto ng globalisasyon - ang pag-aastang sosyal. 

biktima lang tayo sa tingin ko. 

 

Men's Rights Now!

- www.diegosilangmovement.org

spike_west's picture

Kaloy!

namiss kita parekoy! Pakiss nga!hahaha

Sayang di ka nakapunta nung EB natin last December saya kaya nun parekoy!

At tama ka ito'y nagng isang uri ng depensa ng mga Pilipino ang bulagin ang saraili a tunay na kalalagayan ng bansa.

Ingat parekoy!

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dugz21's picture

  ouch!...este, aruy pala

 

ouch!...este, aruy pala para hindi feeling sosyal...hehehe

 

kaw talaga spike, nakakasakit ka na ha...;-)

spike_west's picture

Dugzz

Sorry naman!hehhe! Sige basta pagnagkita tayo libre mo akosa starbucks tapos magpapapicture tayo katabi ng basong may pangalan!hahaha

Ingat parekoy!

Spike 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Rom's picture

 materyalismo at

 materyalismo at globalisasyon ang ugat nito.

ang business kasi, ay hindi uunlad kung walang tatangkilik. magnenegosyo ka ng mamahaling pabango, e wala naman bibili dahil naghihirap ang bansa mo paano na? ayun kaya kailangang mamuhunan sa PR campaign at advertisements. maglalabas ng mga magazine--cosmo, vogue, etc at ilalabas sa TV, radio, newspaper ang sandamakmak na ads pang engganyo kahit kay inday na kakarampot lamang ang sweldo ay maeenganyo.

sasabihin ng ads na kailangan mo ito...kailangan mo ito...parang hipnotismo na bibihagin ka. tulad na lang ng isang commercial ng beer na hindi ka "real men" at babagsakan ka pa ng isang higanteng bote sa ulo kapag lelembot-lembot ka bilang lalaki. at dahil sa ayaw mong matawag na "hindi tunay na lalaki" sa susunod na iinom ka kasama ng barkada, Colt 45 na ang oorderin mo o di ba?

e nakita mong nag model si Tyra Banks at Cindy Crawford (tanda na yun) ng victoria secret na panty--"naku sa susunod yun na ang bibilhin kong panty kahit ka presyo sya ng isang buwang sweldo ko." ayan di ba?

lahat ng materyalismo ng mundong ito karamihan ay suggested sa atin sub conciously. pinaglalaruan ang isip nating mga pilipino. psychologically alam ng mga spin doctors at ad experts and tamang timpla ng campaign para ma entice ang mga karaniwang tao sa bitag nila--ang bumili ng bumili ng bumili at bumili pa kahit wala ka nang pambili. kung tutuusin pwede naman sa atin ang cellphone na 3310 o 3315 di ba? nakakatawag at nakakapag tex na yun pero kailangan pa nating pahirapan ang sarili natin na mag-ipon at mag tiis ng gutom makabili lang ng mamahaling iPhone.

hay buhay... 

 

KarikaTuura

Luca's picture

hindi ba dahil

natural lang naman talaga na gustuhin ng tao na iimprove ang sarili niyang buhay?

dahil totoo na pwede ka nga gumamit ng 3315 pero kung kaya mo naman ng iphone3G (or some other nice phone, sorry di ko magadget na person) why not?

at kung hindi mo afford, pwede namang i-fake.

ako sa totoo lang, pabor ako sa Globalisasyon. Pero mahalaga rin para sa akin ang individual identity.

hmmm bakit ko ba sinasabi 'to? inaantok na ko 

Matalino naman ako, mabait, may hitsura—masuwerte daw ang lalaking makakatuluyan ko.

Masuwerte at imaginary.

Rom's picture

 malawak na usapin ang

 malawak na usapin ang globalisasyon at masalimuot na topic pero isa lang ang tiyak--totoong isang uri ito ng pag-unlad in terms of technology and economy pero hindi maikakaila ang dulot nitong kabulukan sa environment, sa labor at sa foreign policy at sa relasyon mismo ng tao sa tao. ang main focus ng globalisasyon ay saluin ang papabagsak na state of capitalism kung saan napakaraming surplus at walang mapaglagyan. 

tungkol naman sa 3315, e yun nga andaming bagay dito sa mundo na ginawa na hindi naman talaga kailangan. meaning kinokomplika lang nito ang buhay natin. kailangan ba natin ng ga-higanteng mga malls? samantalang ilang milyong pilipino na namamatay na lang ni walang sariling bahay? ni hindi nakakita ng doktor o di nakapag aral? 

ako nga tubig lang sa gripo ang iniinom di naman ako nagkakasakit at ang pamilya ko, bakit kailangan pa ng purified, distilled at mineral water? syempre para pagsilbihan ang kapitalismo at globalisasyon

 

KarikaTuura

spike_west's picture

Hindi ako naniniwala na Globalisasyon ito

Sabi nila, ang karakter ni Dona Victorina sa Noli Me Tangere and El Fili ay pagpapasalarawan ni Dr. Jose Rizal sa baluktot na kaisipan ng mga Pilipino.

Ayon sa karamihan, ang pagpapasosyal ni Donya Victorina ay isang uri ng depensa para hindi sya maliitin ng mga kastila. Ginagawa nyang maskara ang kayamanan para pagtakpan ang pangit na pagtingin ng mga kastila sa kanya (bilang Filipino) . Nagsasalita ng balu baluktot na kastila (parang konyo ngayon) para sabihing isa rin syang matalinong babae. Naglalagay ng mga kolorete sa katawan para pagtakpan ang kanyang balat na kayumangin. Alam natin na mababa ang tingin sa mga Pilipino noon, Indyo nga tayo kung tawagin. Kaya para makaiwas sya sa mababang pagtingin nito, nag-aastang mayaman at nag-uutak kastila din sya. Sa huli, nangmamaliit na sya ng kapwa nya Pilipino.

Palatandaan na noong una pa man din may Social Climber na!

Ngayon, marami pa ring nag-aastang mga Donya Victorina sa panahon natin. Aminin natin na karamihan sa pagtingin ng ibang tao, na kapag mahirap ka, isa kang mababang uri. Isa kang magnanakaw, masamang loob at kung ano ano pa. At para madepensahan ang sarili, dyan lumalabas ang pag-aastang mayaman. Dahil para sa kanila, pag mayaman ka isa kang respetadong tao. At pag mayaman ka, hindi ka nila pagdududahan ng masama. Double standard ika nga! 

Ang pag-aastang sosyal at mayaman ay isang defense mechanism ng mga Filipino sa kahirapan. Yan ang pinaka-ugat nito. Kaya kung mapapansin mo boom na boom ang mga FAKE at mga IMITATION. At maraming Filipinong tumatangkilik nito. 

Ang globalisasyon at komeryalismo ay added factors lang sa dahilan kung bakit marami sa atin ang pasosyal. Ginagamit ng mga kapitalista ang ugat ng ating pag-aastang sosyal para kumita ng pera. Yun lang yun!

Ingat at maraming salamat sakomento

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

dugz21's picture

  very 90's ang isyung ito.

 

very 90's ang isyung ito. naalala ko nung nasa kolehiyo ako, usong-uso nun ang salitang konyo(pinasosyal na tawag sa mga feeling sosyal at social climber..hehe)

sa panahon ngayon, ewan ko lang ha, pero mukhang mas in na in ata ngayon ang mga pilipinong pumipila sa sandamukal na mga game shows(nalugi tuloy ang kapitbahay ko sa kanyang business venture na peryahan) sa paniniwalang yun ang makakapag-ahon sa kanilang naghihikahos na buhay. at si willie revillame ang tanging pag-asa nila. yun ang talagang hindi sosyal(ang pumila sa game shows) jologs pa nga sa pagtingin ng iba(anong pinagkaiba nun sa konyo?). aba e! ikaw ba naman ang kumalam ang sikmura ng tatlong araw, ewan ko naman kung maisip mo pang magpasosyal.

dahil sa panahon ngayon, mas nauuso sa bansa naten ang kahirapan, pagkasira ng kalikasan, malawakang pangingibang-bansa, krimen...yun sapol...krimen(yun nga lang, nakasuot ng fake na diesel pants si manong holdaper at HABAYANAS ang tatak ng tsinelas niya sabay takbo sabay liko sa kanto sabay pasok sa mcdo( oh di ba, kahit papano sumasabay pa rin si manong sa (pa)uso..hehe)

 dahil sa panahon natin ngayon, sa pandaigdigang sistema na umiiral(pinapairal ng iilan)...palaging ang third world ang talo sa labanan.

Luca's picture

dugie

mahal kita...

 

sweet no? 

Matalino naman ako, mabait, may hitsura—masuwerte daw ang lalaking makakatuluyan ko.

Masuwerte at imaginary.

Adlesirc's picture

huhuhu

oo na, Guilty ako sa #9.

 

Kailangan kasi yon para sa quality... para matagal gamitin, hindi madali masira, investment din iyon. at saka kawawa naman mga companies na gumagawa ng mga imported goods diba kundi natin tatangkilikin?

 

hahaha... magpaliwanag ba?