sound of love

| |

 I will be here....You can cry on my shoulder
When the mirror tells us we're older
I will hold you

And I will be here
To watch you grow in beauty
And tell you all the things you are to me
I will be here

I will be true
To the promise I have made
To you and to the
One who gave you to me…….I...I will be here
”, punung- puno ng emosyong inaawit ni Ashley ang kantang “I will be here”,  na pinasikat ni Gary V. habang sya’y gumagawa ng kastilyong buhangin sa tabi ng dalampasigan . Isa ito sa kanyang mga paboritong awitin, ito ang lagi nyang inaawit kapag sya’y nalulungkot o dili kaya’y pag naalala nya ang kanyang amang isang taon nang namayapa. Sumasayaw sa ihip ng hangin ang mahaba at alon-alon nitong buhok na natural ang pagka- blonde, mahahaba at malalantik ang mga pilik-mata, mabibilog at maiitim ang kanyang mga matang tila laging nangungusap, medyo may kaliitan ngunit tamang-tama ang hugis at taas ng kanyang ilong na bumagay sa maliit nyang mukha, natural ang pagkapula ng malarosas nyang labi, may pagka-morena ang kanyang kutis ngunit sadyang makinis at mamula-mula.. Tila ito isang prinsesang napadpad sa lugar na iyon kung sya’y titingnan. Bagamat lalabin-limang taon pa lamang ito ay mababanaag mo na ang angkin nitong kariktan…… 

 “Ayan, sa wakas nagawa ko ring matapos ang kastilyong to”, humahalakhak pang wika ni Ashley. Pumihit pa sya paharap sa dalampasigan at saka sumigaw “ Saaaa waaaakaaaaas nagawaaaa koooo riiiin! Yiiiippeeey, natapos qo rin…Itaaaaaayyyyyyy nagawa ko rin. Naririnig mo ba ako? Mahal na mahal poh kitaaaaa!!! Balang araw matutupad din ang pangarap natin. Magiging music teacher po ako. Pangaaaakooooooo yaaaaann! “, maluha-luhang sigaw ni Ashley… Nagulat pa sya ng paglingon nya’y sinisira na ng isang puting-puti at mabalahibong tuta ang kanyang pinaghirapang kastilyo. Sa takot na masira ng tuluyan ang kanyang pinaghirapan at pagkatakot na rin sa aso’y agad syang humagilap ng patpat at tinaboy ang tuta…..“Shewww, alis! Wag mong sirain yang ginawa ko! Shewwww!”, taboy nito habang hawak –hawak ang patpat.

“Hey, bakit moh pinapalo ang aso ko? Stoooppp that! Your hurting my pet!”, tinig iyon ng isang binatilyong lalaki.

 Biglang napalingon si Ashley at nabigla ng masalubong ang nanglilisik na mga mata nang galit na galit na binatilyo! Hindi nya alam ang gagawin nang humakbang ito papalapit sa kinaroroonan nya. Napapikit na lamang sya at kagat labing naghintay kung ano ang gagawin nito. Napadilat sya ng lumampas ito sa kinatatayuan nya. 

“Come here boy! Are you okay? Nasaktan ka ba?”, tanong nito sa malumanay na tinig habang kinakarga ang alagang tuta. Pagdaka’y hinarap ulit sya nito. “Ano bang problema mo? Bakit pinagpapalo mo ang isang walang labang tuta, huh?

“ Hello! Correction lang huh, ndi ko sya pinagpapalo. Tinataboy ko lang sya dahil sinisira nya ang ginawa kong kastilyo. Tingnan mo nga. Nagiba na tuloy.”,parang batang musmos na himutok ni Ashley!

 “Ano ka ba? Para sand castle lang pinagdiskitahan mo na ang alaga ko. Makakagawa ka ulit nyan. At saka tiyak na masisira lang rin yan ng alon…Nagkataon lang na nauna ang alaga ko!!”, sambit nito na wala ng bahid ng galit ang mga mata. Gwapo at napaka–simpatiko itong tingnan. Matatayang nasa labinlima hanggang labinpitong  taon ang edad nito.

 “Hindi ito masisira ng alon nang basta basta. Ndi sana ito masisira kung hindi dahil sa alaga mo. Bakit ba napakapabaya mo? Ndi ka ba natatakot na mawala o kaya’y baka malunod  yang asong yan?”,mariing saad ni Ashley. Ngunit biglang humampas ang malaking alon at tuluyan nitong sinira at nilinis ang ginawa nyang kastilyo. Nanlaki ang mga matang napatitig na lamang si Ashley sa lugar na pinagtayuan nya ng kastilyo at maya-maya’y napatingin sya sa gawi ng batang lalaki.

“See? Tama ako diba? Hindi lahat ng bagay ay nanatiling nandiyan at nakatayo.. May mga instances na ito’y naglalaho ‘t nawawala. Magkaganunpaman matuto kang tumayo ulit at wag magsawang sumubok at gumawa ulit ng panibago”, makahulugan nitong tinuran sabay talikod at ngsimulang humakbang papalayo. “Siyanga pla, narinig kitang kumakanta kanina. You had a golden voice. Nakakaantig.” Wika pa nito bago tuluyang umalis. 

Di pa rin makakilos sa kinatatayuan si Ashley, iniisip nya ang mga sinabi ng batang yon. Naaalala nya ang kanyang ama, ganun din ang sinasabi nito sa kanya sa tuwing sya’y nagkakamali. ”Ano kaya ang pangalan non?”,tanong nya sa sarili  habang naghahanda na pauwi. Bigla siyang napapikit ng masilaw sya ng kung anong bagay na tinamaan ng sikat ng araw. Lumapit siya at pinulot ang bagay na iyon. Isa pala itong silver na kwintas na ang pinakapendant ay dalawang singsing na napapalamutian ng mga ngkikislapang diamonds na may isang kulay berdeng bato sa gitna ng bawat isa. Napahanga siya sa ganda nito. Tingin nya’y genuine ang mga bato sa mga singsing. Naisip nya na baka nalaglag ito ng batang lalaki kanina, ibinulsa nya ito at winika sa sarili na isasauli nya ito pag nagkrus muli ang kanilang landas. “Nandito na po ako inay.” saad ni Ashley pagkapasok na pagkapasok pa lamang sa pintuan ng kanilang di-kalakihang tahanan, semi-concrete ang pagkakayari nito, up and down at bagamat may kalumaan na’y mapapahanga ka naman sa kalinisan nito mapasaloob man o sa labas. Hahanga ka rin sa iba’t ibang klaseng bulaklak na nkatanim sa kanilang maliit na hardin.

 “O, bat ngayon ka lang? Saan ka ba nagpunta? Nagmeryenda ka na ba? Teka at ipaghahain kita, tinirhan kita ng banana cue at buko juice.” turan ng kanyang inang si Aling Solidad, medyo may kapayatan na ito at bagamat may katandaan na ay mababakas mo pa rin ang angkin nitong kagandahan. Tinutupi na nito ang mga tinatahing damit, tulad ng dati nakaupo na naman ito sa harap ng makina. Nagtratrabaho ito sa patahian ni Aling Flor ngunit sa halip na magpahinga agad pagkagaling sa trabaho ay madalas na nag-uuwi pa ito ng tahiin at sa bahay na niya tinatapos..

“Sorry po Nay, nagpalipas lang po ako ng oras sa may dalampasigan. Syanga pala, eto po kinita ko sa pagtitinda ng bracelets. Alam nyo Nay, ang dami pong natutuwa don sa mga gawa ko, naubos nga po agad eh. Tuwang-tuwa nga rin po sina Aling Cora.” Tuwang-tuwang kwento ni Ashley sa ina habang inaabot ang P300 puro papel.

“Napaka-sipag mo talaga anak. Oh, sya, itabi mo nalang yang perang yan, may panggastos pa tayo dito. Ipunin mo nalang lahat ng kikitain mo simula ngayon. Gamitin mo nalang ngayong darating na pasukan. Ang bilis talaga ng oras, ano? Fourth year  high school ka na ngayong Hunyo, college ka na sa isang taon. Mag – aral kayong mabuti mga anak ha?

“Syempre naman po. Teka, bat nga pala wala pa si Junior? Baka  sumama na naman po yon sa mga mangingisda? Naku Nay, pagsabihan nyo yan, malakas po alon ngayon, baka po sya mapano….

“Anak, wag kang mag-alala sa kapatid mo. Mahusay syang lumangoy at di sya pababayaan ng mga mangingisda lalo na ni Mang Ambo. Alam mo namang magkasundo ang dalawang yon eh.” Malumanay na sagot ni Aling Solidad. Si Mang Ambo ay ang kapitbahay nilang nasa katanghalian na ng buhay at nag-iisa na sa buhay. Kamamatay lang ng asawa nito samantalang ang tatlo nilang anak na pawang mga babae ay may kanya-kanya ng buhay at waring nilimot na ang amang gumabay sa kanilang paglaki.

“Kahit na po, inay. Ayaw kong magaya sya kay itay. Kayo na lang po ang pamilya ko at hindi po ako papayag na mawala kayong dalawa.” Maluha-luhang sambit ni Ashley.

“Oh, anak , wag kang mag-isip ng ganyan. Hindi kami mawawala sa iyo. Kalimutan mo na lahat ng nangyari at tanggapin mo na nangyari sa tatay mo. Mahal na mahal ko kayo at hindi rin ako papayag na may mangyari sa inyo. Pangako yan.” Naiiyak na si Aling Solidad at buong suyong niyakap ang ina..

Madilim ang paligid, malakas ang pagaspas ng hangin ganun din ang paghampas ng malalaking alon sa dalampasigan. Marahang naglalakad sa dalampasigan si Ashley, nakapantulog lamang sya at nakalugay ang mahabang buhok, mataman rin nyang tinitigan ang bilog na bilog na buwan habang nagsasabog ito ng liwanag sa malawak na karagatan na kagyat na nagiging kulay pilak. Maya-maya’y biglang bumuhos ang malakas na ulan at wari’y galit na galit ang hari ng karagatan habang walang tigil sa paghampas ng nglalakihang alon. Wala ring tigil ang pagkulog at pagkidlat. Sa di kalayuan ay natanaw ni Ashley ang ama na lulan ng bangka, kumaway pa ito sa kanya ng bigla-biglang hinampas ito ng dambulang alon na naging dahilan ng pagtaob nito. Napasigaw si Ashley at sabay lusong sa tubig, nakikita pa niya ang mga kamay ng kanyang ama na nakikipag buno sa agos ng tubig. Lumangoy siya ng lumangoy patungo sa ama ngunit hindi pa sya nakakalayo’y bigla syang nakaramdam ng paninigas ng mga binti. Hindi na nya maigalaw ang kanyang mga paa at wari ring nawalan din ng lakas ang kanyang mga braso. Hindi na sya makahinga at di na rin nya alam kung gaano karaming tubig ang kanyang nainom hanggang sa tuluyan na syang lumubog sa kailaliman…hindi na rin nya mapigilan ang pagpikit ng mga talukap ng kanyang mata…ngunit patuloy pa rin nyang tinatawag ang kanyang ama. “Itay ko, nasan na po kayo, sasama po ako sa inyo.” ”Anak, makinig ka, hindi ka pwedeng sumama sa akin. Napakabata mo pa at madami pang nag-aantay sa iyo. Wag kang mag-alala nasa tabi mo lamang ako, hinding-hindi ko kayo pababayaan. Anak, alam ko na magtatagumpay ka kaya ipangako mo sa akin na magpapakatatag ka. Sundin mo tuwina ang binubulong ng iyong puso, tinitiyak ko sa iyo na hindi ka maliligaw. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayooo.Mahaaaaal na mahaaaaall koooo kaaaayoooooo.” Makahulugang turan ni Mang Gabriel habang unti-unti itong lumulubog sa kailaliman ng karagatan.“Itay,hintayin nyo po ako. Itay. Itay. Itaaaayyyyy…”, biglang napabalikwas si Ashley at tuluyang nagising. Napaiyak na naman sya ngunit ng maalala nya ang sinabi ng kanyang ama’y biglang napuno ng pag-asa ang kanyang puso at nangakong hinding-hindi ito bibiguin.

 “Ash, sumama ka na kasi sa akin. Doon tayo sa San Diego Resort mamasyal at saka tiyak ko na mauubos lahat ng mga accessories na gawa mo. Mas kikita ka pa. “, pamimilit ng kababata at matalik nyang kaibigan na si Diana.  Anak ito ni Aling Cora, may – ari ng tindahang pinaglalakuan nya rin ng mga gawa nyang accessories. May kalakihan rin ang tindahan nitong mga souvenir items and accessories, maganda rin lokasyon nito dahil nasa pagitan ito ng mga nglalakihang resorts. Ang totoo, dating dinadagsa ng tao ang resort na pag-aari ng pamilya nina Diana ngunit dahil na rin sa kompetisyon at pagsulputan ng mga bagong resorts ay tuluyan na itong nilimot ng madla. Ngayon, pinagtayuan nlang ito ng tindahan at dahil meron pa rin namang patuloy na tumatangkilik dito kayat hindi pa rin pinababayaan ang mga cottages at mga tanim na mga dwarf coconuts.

“Tigilan mo nga ako Diana. Alam mo namang puro mga mayayaman ang laging nandoon, eh.  Natitiyak ko na hindi tayo mag-eenjoy at saka baka makita pa tayo don ni Trixie.”

“Ano bang ikakatakot mo kay Trixie? As far as I’m concern, hindi sila ang nagmamay – ari ng buong San Diego Resort. Hellooo, anak lang naman sya ng caretaker nong bahay bakasyunan ng mga San Diego eh. Akala nya kasi kung sino sya kung makaasta. Hmp, kakagigil nga yang babaeng yon. Grrrrgrrr, kakaasar talaga. Lalo na pag naaalala ko yong panlalait niya sa iyo. Hindi kasi niya matanggap na mas matalino at mas maganda ka kaysa sa kanya."

“Tama na Yan, kalimutan mo na kaya lahat at saka wag kang magtatanim ng galit sa kapwa mo. Mabuti pa tulungan mo na lang akong gumawa ng mga bracelets habang wala pa masyadong customers. Ok…halika na para makarami tayo at ng marami tayong mapagbentahan sa San Diego.

“Ayaw ko….Hah? Anong sabi mo? Mapapagbentahan sa San Diego? Tama ba ang narinig ko? Tango lang ang itinugon ni Ashley at nangingiting pinagpatuloy ang gingagawa. “Yes! Hahahahah, ang bait talaga ng bestfriend ko. Tagal na kasi nating hindi nakakapunta don ei.”, waring nanalo sa lotto’ng reaksyon ni Diana.

Ang San Diego Resort ang pinakamalaki, pinakasikat at pinakamatandang resort sa bayan ng San Rafael. Dinadayo ito di lamang ng ibang bayan kundi pati na rin ng mga dayuhan dahil sa magaganda at modernong facilities nito at pati na rin sa mga diving sites ng lugar nila atbp. Linggo ng araw na iyon kaya’t tiyak na madaming mga guest. Tila mabibigat ang mga paang naglalakad si Ashley, waring inabot sya ng hiya pagkakita sa mga guest na nandoon sa dalampasigan. Kundi lang sya hila-hila ni Diana ay baka hindi na sya tumuloy. Open sa lahat ang baybayin ng San Diego kaya naman maraming taong namamasyal at nakiki usyoso dito…

“Ang ganda talaga dito no? Ang linis and in fairness daming cute na mga boys. Oh, Ash tingnan moh yong lalaking nag iisa sa banana boat, my gosh, he’s such a cutie and hotie.”, kinikilig na turo ni Diana.

“Sabi ko na nga ba at hindi pagtulong sa akin ang intension mo ei, hahahahahah, isusumbong kita kay Aling Cora.”, natatawang turan ni Asley habang binubusog ang mga mata sa magandang tanawin sa lugar na iyon.

“Nanay ko po, napaka KJ mo naman. Heheheheh, I ‘m not affected my dear friend kasi I know na di mo ako hahayaang magrounded at mapagalitan ng mahal kong ina. 

 “Oh, you think so? May pagka – conceited mo yata now. Teka, ‘Yan, humarap ka nga sa akin. Hmmmm, ang cute mo talaga”, malambing na wika ni Ashley sabay pisil sa pisngi nito at nag tatakbo na palayo sa nabigla at nasaktang kaibigan.

“Ouch! Ashley! Humanda ka sa akin. Hoyyyy, hintay! “, sigaw ni Diana. Naghahabulan at naghaharutan ang dalawa. Walang tigil ang tawanan nila nang biglang tamaan si Diana ng bola.“Aray! “, napatumba si Diana sa lakas ng pagkakatama ng bola sa kanyang balikat. “Sino kayang walang hiya ang may gawa nito. Tsk, pagkabastos naman. Nasira tuloy outfit ko now”, walang prenong sambit nito habang tumatayo at inaayos ang suot na damit.

“Ok ka lang ba best?”, tanong ni Ash habang inaalalayan nito ang kaibigan.“Tingin mo, best? Nasira na tuloy ang mood ko, kaylangan pa nating magtinda, di ba? Sino kayang walalang - hiyang may gawa nito?”, galit na winika ni Diana habang hinahanap ang nagmamay –ari ng bola.Napakurap naman si Ashley habang nakatingin sa isang binatilyong lalaking naglalakad sa may dalampasigan.

“Best, wait lang hah, may kakausapin lang ako.” Hindi na niya inantay ang sagot ng kaibigan dahil nagtatakbo na sya sa kinaroroonan ng binaltilyo.”                 

  “Saan ka ba pupunta? Teka, Ash.”, ngunit hindi na sya nilingon pa ng kaibigan. Sinundan na lang nya ito ng tanaw at napa-isip ng malalim. Napukaw lang ang kanyang diwa ng may nambato sa kanyang paanan. Paglingon nya’y, isang binatilyong lalaki ang kanyang nakita, nakasandal ito sa puno habang matamang nakatitig sa kanya. Bagaman natatakpan ng ilang hibla ng medyo may kahabaang buhok nito ang kanyang mukha ay kitang kita pa rin niya ang mga mata nitong tila kaylalim ng ibig ipahiwatig. Kulang ang pang – uring gwapo kung ito’y iyong ilalarawan. Sa unang pagkakataon ay tila nawala ang talas ng pananalita ni Diana, tila na-freeze ang kanyang utak at sa unang pagkakataon noon lang nya naramdaman ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

“Tititigan mo lang ba ako maghapon, Miss?  Pwede paabot naman ng bola ko. Salamat.” walang kangiti – ngiting utos ng binatilyo.            Waring nagising sa pagkaka-idlip si Diana at biglang uminit ang ulo sa narinig mula dito.

“Anong sabi mo, señorito?”, nakakunot noong tanong nito.           

 “Bingi ka ba? O, sadyang aanga-anga? Kanina, kung di kita binato ng seagulls hindi mo malalaman na tinatawag kita tapos ngayon simpleng instructions lang, hindi mo magawa?           

 “Aba, loko ka ah. Sino ka ba ha? Ang galing mo naman makapag-utos, alipin mo ba ako? Sa halip na makiusap ka at humingi ng tawad, ganito pa gagawin mo. Oh, my God, dapat pla hindi na ako nagyaya na pumunta dito. Puro kamalasan napapala ko.”, nanggagalaiti sa galit na turan ni Diana. Umiiral na naman ang temper at kasupladahan.           

 “Heloo? Tingin mo Miss Tapia, ako ang may kasalanan ng lahat ng kamalasan mo? Pwede tumingin ka sa paligid mo at sabihin mo sa akin kung kasalanan ko kung bakit ka natamaan ng bola?        

    Tinakasan ng kulay si Diana sa pagkapahiya ng awtomatikong napatingin siya sa paligid at napansin na may mini volleyball net malapit sa kanyang kinatatayuan. Ngunit ganun pa man pinilit pa rin nyang magpakahinahon.         

   “See? Now, wala ka ng lusot. You better give me back my ball and go to hell.”, pang-aasar nito at binigyan pa sya ng pilit na ngiti.     

       “Hmp, ngiting aso pero in fairness ang cute mo pala talaga lalo na pag nakangiti, nawawala pagkaarogante mo. Oh, my God, ang lakas na naman ng heart beat ko”, bulong ni Diana sa kanyang isipan. Nang mapansin na naman nya ang pagkunot noo nito habang nakatingin sa kanya’y pilit syang nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Alam nyang isa sa mga asset nya yon, even though she was known as the most aloof and short tempered girl in school, she has this mystic and angelic smile na naglalabas sa malalim na dimples sa magkabila nyang pisngi. Straight ang shoulder length nyang buhok na bumagay sa slim and Barbie outlined body of hers. Although madaming naampatikahan at nasusupladahan sa kanya at first, marami pa rin syang naging kaibigan because of her bubbly and jolly personality kapag iyo ng nakilala ng lubusan.          

  “Mr. Cute, pasensiya ka na ha? Hindi ko kasi napansin na may naglalaro pala dito. O, eto ng bola mo.”, malambing na winika ni Diana habang unti-unting lumalapit sa kinaroroonan ng binatilyo. “Humanda ka”, Huminto sya sa tapat ng lalaki, tumitig dito at saka ngumiti ulit ng pagkatamis. “Ahmm, sorry ulit ha? Sorry, Sorry, dahil hindi pa rin kita mapapatawad! Arogante!”, gigil na gigil na sigaw ni Diana at saka ubod lakas na ibinato ang bola sa mukha ng lalaki at mabilis na lumayo. “Ganyan ang nababagay sa mga tulad mong kung makaasta ay akala mo Dyos na dapat sambahin. Hmp. Tsk, masakit ba? Hahahaha, Behlat!”, pahabol na sigaw nito sabay dila dito bago sya nagtatakbo palayo ng tuluyan.            

Mabilis ang mga paang nagtatakbo si Ashley sa pag-asang mahahabol ang binatilyong nagmamay-ari nong puting tuta. Hindi sya maaaring magkamali, natitiyak nyang iyon nga yon. “Asan na ba sya? Kailangan ko syang makita?”, piping hiling ng kanyang isip.  Laglag ang balikat na lumiko na sya pabalik nang biglang namataan nya ang kanyang hinahanap.  It seems that her heart skips from beating. Nasa mga mata na naman niya ang labis na paghanga sa lalaki. Pinagmamasdan nyang mabuti ang lalaki, nakatalikod ito sa kanya at tahimik na nakatanaw sa mangasul-ngasul na karagatan.  “Ang cute talaga ng lalaking ito. Ang ganda ng mga mata at ang tangos ng ilong. Haaayy, pero bakit ganun? Mukhang ang lalim ng kanyang iniisip at ang kanyang mga mata, tila kay lungkot.” piping obserbasyon ni Ash. “Hey, ingat!” malakas na sigaw niya ng mapansin ang bolang papalapit dito.

 “Aray! Ok ka lang ba? Nasaktan ka ba?” punung puno ng pag-aalalang tanong ni Ashley sa binatilyo ngunit agad siyang pinamulahan ng mukha ng mapansin ang nakakunot na noo nito at titig na titig sa kanya. “Ooops, sorry. Hindi ko sinasadya,” nawika na lamang nya sabay tayo at tumalikod. Sa pag-aalala nya na matamaan ang binatilyo’y buong lakas nya itong itinulak subalit nawalan rin siya ng panimbang at kasama rin syang bumagsak sa buhanginan. “Nakakahiya ka Ashley. Ano bang naisip mo at ginawa mo iyon. Susme, pakialam mo kung matamaan man ito ng bola?         

   “You are so good and kind to do it. Tell me, ginagawa mo ba yan sa lahat ng tao o sinasadya mo lang gawin sa akin to awake my curiosity? Anyway, thanks.” Malamig at walang kangiti-ngiti nitong turan.           

 “Teka, you’re telling me na kaya ko ginawa yon ay dahil nagpapansin lang ako? Ok ka lang? Ganyan ka ba talaga magpasalamat?” humarap sya dito at sinalubong ang malamig na titig nito.         

   “Hindi nga ba? Well, thanks again but I have no time to chat with you. I have to go. Bye.” Wika nito sabay talikod at humakbang paalis.          

  “Teka lang!” hindi mapigilang sigaw niya. Normally, siya iyong tipong tahimik, pasensyosa at dinadaan lahat sa diplomasya ngunit ewan ba nya kung bakit ang bilis uminit ng ulo nya sa lalaking ito. Hinabol nya ito at humarang sa dinaaranan nito. Kunot-noo naman ang isinagot nito.          

  “Sa palagay mo ba ganun-ganon na lang yon? You have to pay me for saving you. Kung hindi dahil sa akin, siguradong wasak na yang pagmumukha mo. Bola yon ng soccer, remember?” puno ng kumpyansang turan ni Ash dito.       

     “What? Ibang klase ka rin no? Ano to? Sinabi ko bang iligtas mo ako?”          

  “Syempre hindi dahil una hindi mo ako kilala; pangalawa para kang tanga na nakatitig sa dagat at waring binubusisi kung anu-ano ang nasa ilalim non kaya hindi mo napapansin nangyayari sa paligid mo. Ganito talaga ako, tumutulong kung kinakailangan,for free siyempre, pero dahil napaka-arogante mo at hindi marunong mag-appreciate ng konteng tulong kaya kailangan mong magbayad.”           

“Hmmm, Ok ka rin ah! Napakabata mo pa at parang napakainosente para gawing raket ang tumulong kuno kunwari sa kapwa. Haay, buhay nga naman. Name your price. Bilisan mo na dahil may gagawin pa ako.” Pang-uuyam nito habang nilalabas ang wallet at tumingin ng derecho dito habang inaantay ang sagot niya.           

“You have to sell all of these accessories.” Tugon nya dito sabay abot ng kanyang backbag “I don’t want you to buy it. I want to see you selling my products. Actually, that’s my reason in coming here. Tingin ko kasi…”, hindi na nya natuloy ang sasabihin nang sumigaw ang lalaki.           

“What’s the heck? You want me to sell these girly stuffs? Are you out of your mind? Ayokong gawin yan, babayaran na lang kita. Name it.           

“You’re the one whose indebted to me, kaya wala kang karapatang mamili kung pano ako babayaran. Walang thrill kung babayaran mo agad ako. You have to sell it or else…           

“Or else, what? Are you threatening me? Dahil lang sa pagkakaligtas mo sa akin mula sa letseng soccer ball lang na iyon, gigipitin mo na ako? In your dreams, Miss. I got’ta go. I have no time in playing with you.” Galit na wika nito na tila nawawalan na ng pasensya sabay talikod ulit.          

  “What do you think is the reason behind why I had saved you? Palagay mo ba nagkataon lang? Sa dami ng pwede kong makita at pagkaabalahan sa beach na ito mapapansin ba agad kita? Actually, kanina pa kita hinahanap ng mapansin kitang naglalakad kanina.You know why?”           

“Bakit di mo pa ako deretsahin? What do you mean? Don’t tell me stalker kita?       

     “Hahahahah, sa ganda kong ito, magiging stalker mo lang. Che! Tsk, hindi mo ba ako natatandaan? Kumusta na yong cute mong puppy? Don’t tell me pinabayaan mo naman yon?        

    Napakunot-noo naman ito at tinitigan siyang mabuti. Nawala lang ang pagkakunot nito nang marecognized sya. “Ah, you’re the beach girl na parang batang gumagawa ng sand castle sa kabilang beach? So, what now? Any, relevance?          

  “Wala bang nawawala sa iyo? Any, thing na I believed na may sentimental value sa sinumang nagmamay-ari nito?”         

   “What do you mean?”                    

   “Sinundan kita para sana itanong at isauli kung ikaw ba ang nagmamay-ari ng isang necklace na ang pinakapendant ay….” Di na nya natapos ang sasabihin ng bigla itong lumapit sa kanya at mahigpit syang hinawakan sa braso.            

\ “Where it is? Where’s the necklace?” nanlilisik ang mga matang tanong nito sa kanya. “Ibigay mo na sa akin yon. Gagawin ko na lahat basta ibigay mo lang sa akin.”           

“Ano ba? Nasasaktan ako.” Bulong nya dito at waring ang lakas ng hatak ng emosyon nito sa kanya. Napatitig sya sa mga mata nito at tila nakaramdam sya ng urge to hug him and console him.         

    “What’s happening here, Zach?” tanong ng isang binatang nasa di kalayuan at papalapit sa kanila. Nagtatanong ang mga matang nakatitig ito sa kanila.             Tila natauhan si Zach at binitawan si Ashley. “Ikaw pala, Elijah. What are you doing here?”               “Ahmm, Grandpa was looking….        

    “Ashley!” malakas at patiling sigaw ni Diana habang patakbong lumalapit kay Ashley na ikinalingon naman ng dalawang lalaki. “Nandito ka lang palang babae ka. Anong ginagawa mo dito? Akala ko, umuwi ka na.” sunud-sunod na litanya nito kahit hinihingal nang makalapit na ito ngunit biglang nanlaki ang mga matang napatitig sa kasama ng kaibigan.       

     “Ikaw?”           

     “Ikaw?” sabay nilang nabanggit pareho ni Elijah. 
           

      “Magkakilala kayong dalawa?”         

      “Do you know her?” sabay ring tanong nina Ashley at Zach. Nagkatinginan ang apat na nilalang na tila pinagtagpo ng tadhana. Isang pagtatagpong hindi natin alam kung ano ang kahahantungan.            
shely

-hi,

i really dont know how to write a story.....actually theres so many ideas twirling 'round my head and i cannot come up with a good plot and flow of story...i want to improve thats why i post this one. Feel free to give me criticisms and advices. i admit M also not good in grammar...

 


jonsdmur's picture

Sa simula ng kwento masasabi

Sa simula ng kwento masasabi kong nagandahan ako. Napakilala mo ang unang tauhan at nagandahn ako sa mga eksena sa dagat lalo na ang unang paghaharap nila ng lalaki.. may kilig din akong naramdaman dahil nagandahahn ako sa eksenang ginawa mo. Sinamahan mo pa ito ng isang drama tungkol sa kanyang ama..

malawak ang imahinasyon mo kaya naniniwala akong darating ang araw lalo kang huhusay sa pagsulat ng mga kwento. Sa tingin ko kakayanin mong gumawa ng isang nobela balang araw.

gaya ng sabi mo hindi ka pa bihasa sa grammar.. kung tutuusin pareho lang tayo... hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nagaaral sa tamang pagsusulat. 

Madali lang naman pag-aralan ang grammar kahit mahirap sa simula.. pero kung disidido ka talaga agad mo itong matututunan... hanggang ngayon patuloy pa rin akong nag aaral sa balarila...

Ang mahalaga malawak mong naikwekwento ang nasa isipan mo... 

Sa kwento nagandahahn ako sa simula pero sa ending parang may kulang... parang nabitin ang love story.. parang may part 2 pa... 

Pero masasabi kong may kilig ang kwento... yun ang para sa akin... salamat sa iyong kwento.... 

 jonsdmur

Thanx

Thanx Jonsdmur!! Pinapalakas mo ang loob ko.....actually to be continued pa nga yong story!! Ahmmm,,i think ang weird ng mga ideas ko ei. To the fact na exagerated na..

Ang totoo la me talaga tyagang mg-aral pero gusto ko ang pagsusulat. Para bang its d only way to express myself na through it masasabi ko lahat ng feelings ko, dreams and also to share my experience to everyone..hmmmm.....Sipag at Tyaga lang solution. hehehe.

Thanx again...

 

jonsdmur's picture

Thnks din sayo... aabangan

Thnks din sayo... aabangan ko ang next chapter nito....

Tulad ko sa unang nobela ko marami din akong pagkakamali sa grammar... tulad mo din gusto ko lang i-express ang sarili ko at masabi o maisulat ko lahat ng nasaisipan ko...

may ilang copy ako sa balarila na bigay din ni Melay... pwede ko i-share sayo... hanggang ngayon patuloy pa rin ako sa pag-aaral...

Huwag kang mawalan ng pag-asa... sabagay kahit sa pagbasa ng ilang akda may makukuha ka ring aral...

Minsan nagbabasa ako ng mga komento dito... mga komentong nagtuturo sa mga pagkakamali... kahit doon lang may natututunan ako...

habang nagsusulat ka... unti-unting marami kang matututunan.. samahan mo pa nang pagbabasa... ako nga dati noong high school sulat lang nang sulat... pero ngayon kahit papaano pinag-aaralan ko na...  

Keep on writing...

 jonsdmur

dyeppri's picture

ayus!

okey naman po!Cool  

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Pmel's picture

Oh for Pete's sake!

This isn't okay to a degree. Wake up people! The aroma ain't coffee! It's garbage! And I know what's coming! A shock load of flamers ready to tear me apart as if I'm the devil. At this point, I'll try anything. One balot won't kill me.

*^_^*

I like your bitchy mood this morning Pmel... and I'll keep the hell outta your way... just a word of caution, Shely could be the guy's username among many others... that's why it's "ok" hahaha

Pmel's picture

Oh, no!

  Now I feel like a laughing stock!!! Oh i DO despise people if that is so. But I think this person is not. Just that.. well you know... ooofff! I feel miserable! Ahhh!!!