spongebob

panjo's picture
| |

'Mommyyy!' sigaw ng batang si Liz. Nanaginip na naman siya ng nakakatakot. Humaguhol ang bata ng makitang parating na ang mommy niya.

'Why baby?' niyakap ni Mrs. Jaime Tena ang kanyang anak. Hinagod ang likod nito at pinahid ang luha. 'Bad dream?'

'Yes mom.' Humihikbi pa din si Liz. 'Bakit po ba may bad dream pa?'

'Remember Monster Inc?' Sinusuklayan niya ang anak habang kinakausap. 'May mga monster na nanakot talaga kasi doon sila kumukuha ng lakas pero kung strong ang bata hindi matatakot. Kaya dapat strong ka para matalo mo ang bad dream.' paliwag ng ina.

'Bakit po minsan wala akong dream?' usisa ng bata.

Napangiti ang ina sa pagiging mausisa ng anak. Kaya dapat lagi siyang may handang sagot sa bawat tanong. 'Kapag kasi maaga ka matulog, strong ka. Bago pa pumasok ang monster, natalo mo na siya kaya wala kang bad dream. Kaya sleep early palagi anak.'

'Can I watch Monster Inc again?'

'Its not TV time yet, baby.' Hinawakan niya ang pisngi ng bata. Hinalikan.

'Mom?'

'Yes?'

'I want to play. Where's sponge bob?' malambing na wika ng bata.

'Here.' Pinulot niya si spongebob na nahulog pala sa kabilang parte ng kama. 'Hug spongebob para hindi mahulog sa kama.'

'Ayaw niya ba makipagplay sa akin Mommy? Lagi kasi siyang nawawala e.' sumimangot ang bata.

'No hija. Of course, he wants to play. Nakatago na siya kasi gusto niya makipaglaro ng hide and seek. Last time di ba naghide siya under your pillow?'

'Favorite niya ang hide and seek, Mommy? Gusto ko sana siyang maging baby ko siya this time tapos gagayahin kita kung paano mo ako inaalagaan. Napakaswerte ko mommy kasi ikaw ang mommy ko.' She grinned.

Tumaba ang puso ni Mrs. Tena sa narinig. She loves her daughter much and she's willing to do anything for her. 'Maswerte din ako kasi ikaw ang baby ko. Wala ka pa ngang ginagawa napapangiti mo na ako. I love you anak.'

'I love you too Mom. Mommy laro muna kami ni spongebob.'

'Sige. Enjoy Liz.' Masayang pinagmamasdan ni Jaime ang anak. Naging full-time mother na ang dating teacher na si Mrs. Tena simula nang mapagpasyahang mag-abroad ng kanyang asawa. Taas noo niyang sinasabi na siya ang 'Best Mom in the World' dahil napalaki niyang maayos si Liz.

Nilibang ni Jaime ang sarili. Ikinakapit niya sa personalized album ang mga bagong picture ni Liz. Bawat picture nilagyan niya ng caption. She can't stop smiling and at the same time she is frowning. Mabilis nga naman ang panahon, hindi habang buhay bata si Liz. Bibo ang kanyang anak. Matalinong bata. Puno ng sigla.

Isang oras din ang lumipas bago niya natapos ang album. Balak niyang ipakita ang lahat ng ito kapag nakauwi na ang kanyang asawa. Ilang buwan na din lang naman at matatapos na ang kontrata nito. Mabubuo na ulit ang kanilang pamilya.

'Mom?' mahinang tawag ni Liz.

'Yes, baby? I'm here.' sagot agad ni Mrs. Tena.

'I'm sleepy. Can I take a rest again?'

'Sure honey.'

'Mom?'

'Yes?'

'Pagkagising ko pwede na akong manood ng tv?'

'Sige anak. Sleep ka na. Alam ko pagod ka na.'

'M-mom?' pagal na boses ng bata.

'Baby?'

'Can you sing the song we used to sing?' Pumikit ang bata nang makitang tumango ang ina.

'Sure honey.' Pumatak ang luha ni Mrs. Tena. 'Ikaw ang aking Tanging Yaman. . N-aa di lubasang masumpungan..' Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng kanyang anak. Nagtatakbuhan ang mga nakaputing tao papunta sa kwarto ni Liz. 'Ang nilikha mong kariktan... Sulyap ng 'yong kagandahan'. Muling nahulog si spongebob sa kabilang parte ng kama. 'Ika'y hanap sa t'wina, Nitong pusong..' Seryoso ang mukha ng mga dumating. Inilagay ng breathing apparatus sa bibig at ilong ni Liz. Bangungot kay Jaime ang sumunod na pangyayari. Humagulhol ang nagmamahal na ina. Ang greatest mom sa mundo ay iniwan na ng mahal na anak. Bumagsak sa sahig ang nagpapanggap na malakas na ina. Lumabas sa aparatus ang tuwid na linya. Nakaririndi sa pandinig ang matinis na tunog ng aparato. 'Ikaw lamang ang saya.. Sa ganda ng umaga, Nangungulila..... sa'yo sinta.' Bumitaw na si Liz. Hindi na niya kaya.

Walang boses na kumawala sa ina. Subalit ang puso niya nagsusumigaw, puno ng hapis at pagdurusa. Kinuha niya ang album. Tinitigan ang nakangiting anak. Nabasa ng luha ang pahina. 'Ika'y hanap sa t'wina, Sa kapwa ko, Kita laging nadarama... Sa iyong mga likha, Hangad pa ring masdan Ang 'yong mukha'. Niyakap niya ang kanyang anak. Walang buhay.

Nurse : Died 11:47 am. heart complication.

----
Spongebob : What do you usually do when I’m gone?
Patrick : Wait for you to come back.
--Sponge bob square pants.

 

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

panjo

pabisita naman ng blog ko.


Cara Patricia Viernes's picture

:(

 how sad naman ng ending ng story mo. Pero nacu-curious ako bakit si spongebob ang napili mo madami namang iba dyan? favorite ko kasi si spongebob kaya nakuha niya atensyon ko.


panjo's picture

that's the idea. maraming

that's the idea. maraming may favorite sa kanya. kaya yun ang ginamit ko para catchy.

 

thanks sa pagbasa ate.

----

hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

 

nalungkot

nalungkot naman ako dun... anyway that's life ika nga.

 

 

http://siyetehan.blogspot.com

panjo's picture

 death is inevitable

 death is inevitable

--

hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

 

ramtes08's picture

Hi

Maganda ang gawa mo, at dahil jan " CONGRATULATION"....."PALAKAPAKAN".

 

Pwde bang tawagin flash fiction ang gawa mo.... astig kahit simple lang

 

'its ok to grow up, just as long as you don't gorw old'

panjo's picture

 hindi ko alam kung flash

 hindi ko alam kung flash fiction ang tawag dyan. haha

wala akong alam masyado sa mga ganun.

sulat lang ako ng sulat e.

thanks for reading.

--

hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

 

d-younker's picture

your story thumped

your story thumped me.

favorite ko din si spongebob kaya nakuha mo ang atensyon ko.

nice one kuya !

keep the good work ! :)

panjo's picture

buti nakuha ko atensyon mo

buti nakuha ko atensyon mo dahil sa title. thanks for reading. Hope nagustuhan mo ang kwento

 

--

hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

 

aww :( sad pala to. Sweet pa

aww :(
sad pala to. Sweet pa naman nung bata. di ko inaasahan ang ending :(
susubaybayan ko palagi ang gawa mo!

panjo's picture

 target ko talaga ang

 target ko talaga ang mahihilig ka spongebob kaya ginamit ko siya

--

hindi sapat ang talino at sipag sa pag-aaral para magkaroon ng magandang trabaho.

 

http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/

 

Luca's picture

naalala ko dito yung

napanood ko sa Maalala Mo Kaya

yung kumakanta yung bagets ng

"you are my sunshine, my only sunshine, you make me happy, when skies are gray."

 

pakshet, I love Patrick Starr! 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

grabe., ang galing ng

grabe., ang galing ng pagkakabali ng kuwento. hindi ko inakaala nung una na ganun kalungkot ang magiging katapusan ng storya. masasabi kong isang matalinong manunulat ang gumawa ng akdang ito. keep it up and god bless.

PinkCath's picture

nang-hahalungkat ako ng mga

nag-hahalungkat ako ng mga lumang post ng mabasa ko ito... Nice Story!

napa-iyak ako ni Sponge Bob!

 

"... in the middle of the color cartoon I started to cry. oh-oh-oh sa-a-a-d movies always make me cry"

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Starblaze's picture

napaghahalata ang edad mo sa

napaghahalata ang edad mo sa favorite music mo hehehe...peace!

 

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

PinkCath's picture

Me Ganun?

Naku! hindi sana ako mag la-login, basa mode lang ako today... pero sinagad mo ang aking limit, pinakialaman ang aking age... hahah4x

naalala ko lang ang lola ko, kaya ko na kanta yan... nasa collection nya kasi yan dati na malimit nyang patugtugin ng sya ay buhay pa, from plaka pina-cd ko pa un... hindi na kasi gumagana ang patugtugan ng plaka nya (round table ba un?) see! hindi ko alam ang tawag.. lol

 

 

simpleng pinkCath lang po!

Lemmor Setneuf's picture

At hindi talaga

At hindi talaga umamin!!!

 

Ate, ikaw ba yan? (kapayapaan) 

 

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

Starblaze's picture

ahahaha! defensive si ate

ahahaha! defensive si ate ohh.. pero ok lang nman yun eh..ako nga may collection ng "the betels" at mat monro at humperdick" eh..tama round table un ayon sa aking pag reresearch at meron pang tinatawag na "long playing" mga 8 yata ang laman sa isang plaka. sguro naaalala mo rin yung mga time na nag huhulog ka pa ng bente singko sa juke box noh?

ohhh saaaddd ahhh ad movies always make me cry...ohohhh sad movies make me cry hayy....(with rising intonation)

Starblaze, Bh.D. (Doctor of Broken Hearts)

Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/