Squatter: Piniling Buhay o Kapalaran ng Buhay?
Kausap ko si Tito Jake noon, ama ng kaibigan ko at nabanggit niya sa akin ng minsang lumabas sila ng kanyang batang pamangkin galing states. Nakita ng bata ang isang squatter's area at naitanong nito sa kanya. "Uncle who are those people? and why are they living in that place? Are they poor?"
"Yes, but some of them just wants to live there because it is their choice" ang sagot ni Tito Jake.
Ng mabanggit niya ang mga katagang iyon ay nag-flash back sa isip ko ang mga nangyari sa buhay ko. Nung panahon na ako ay naninirahan kasama ng aking ama sa isang squatter's area. Hindi ko piniling tumira doon pero doon ako nakatira. At ng nasa dulo na ako ng naalala ko ay unti-unti ko uling pinatakbo sa isip ko ang naging buhay ko kasama ng aking ama.
"Boy! nasaan tatay mo?" bulaga sa akin ng isang maaskad na mukhang tao na noon ko lang nakita.
"Nasa trabaho po" magalang kong sagot kahit may kaba sa dibdib dahil di ko alam kung ano pakay ng lalaking ito sa aking ama.
Matagal ng hiwalay noon si Mommy at Daddy. Ayon sa kanilang napag-usapan noong una ay hati sa anak ang babae kay Mommy at lalaki, ako yon ay kay Daddy. Pero di pumayag si Daddy. Dalawa na nga lang daw kami ay maghihiwalay pa. Kaya doon muna kami kila Mommy noong una at matapos ang isang taong pag-aaral ay dito naman kami sa aking Daddy. Nung unang dating ko sa squatter’s ay talagang kinilabutan ako sa sitwasyon ng mga tao doon. Yun ang unang pagkakataon akong makatira sa ganoong klaseng lugar.
“Alex, saan kuya mo?” muling tanong ng mamang may maaskad na mukha ng makitang sumulpot ang aking tiyuhin sa likod ko.
“Sa trabaho, ano kailangan mo?” mahilis na sagot ni tito.
“Pengeng RP” sabay pasok ng di man lang tinatanggal ang kanyang tsinelas.
Pinagmasdan ko lang ang kinikilos niya. Sumunod siya sa tiyuhin ko sa kwarto at mayamaya pa ay nakita ko siyang lumabas na may hawak na maliit na puting papel. Masaya na ang kanyang hitsura sa hindi ko maipaliwag na kadahilanan. Umalis ito ng di man lang nagpapa-salamat.
Napag-alaman ko ng katagalan kung ano ang mga katagang kanilang binabanggit. RP pala ay rolling paper, pambalot ng marijuana. Oo, isa ang ama ko noon sa mga nagtutulak ng mga ganitong epektos. Bawal pero dagdag kita daw bukod sa kita niya sa trabaho.
Dumaan ang mga panahon at ang mga bago sa akin ay naging kaswal na bagay na lamang.
“Noel, pahingi nga ng RP” hiling ni Bong sa akin.
“RP na naman, kahihingi mo lang kanina. Ikaw talaga!” inis kong sabi. Kumuha ako sa lalagyan nito at nagulat na lang ako ng nasa likuran ko na siya pagkat sumunod pala siya sa akin at muli ay suot pa rin niya ang kanyang tsinelas. Pag-abot ko sa kanyang kamay ay tumalikod na ito sa akin at pumunta na sa pinto para umalis. Sumunod na lamang ako sa kanya.
“Noel, dalawa nga! O Bong! saan kayo nakatambay?” tanong ni Edgar sa papalabas na si Bong.
“Doon kami sa baba, sunod na lang kayo. Si Rey, Cooper at ng kuya mo nandoon. Tang-ina mo sina ka-duet mo at dalawa pa bibilhin mo ah” sagot ni Bong.
“May mga bebot sa bahay, gusto raw tumira kaya pasikat muna ako. Baka makaisa ko kahit isa lang doon, pero mas maganda kung lahat sila hehe! Pero sunod ako sa inyo mamaya” masayang pagpapahayag ni Edgar.
“Tang-ina ka nagso-solo ka. Akyat kami dito nila Rey puntahan ka namin. Teka sandali tawagin ko lang ang tropa”
“Huy! Tang-ina baka ma-purnada pa plano ko. Wag na kayo pumunta ako na lang susunod. Salamat” tugon ni Edgar habang kinukuha ang binigay kong dalawang supot ng marijuana na may kasamang apat na pirasong RP. Inabot sa akin ang beinte pesos at sabay akbay kay Bong.
Sampung piso lang ang marijuanang tinitinda ni Dad noon. Sa isang supot ay makaka-rolyo ka na ng dalawang yosi. Si Dad ang pinaka-pinuno nila doon.
“Tang-ina basta susumod na lang ako sa inyo. Sige ibibili kita ng isa pa mamaya kung gusto mo solohin mo. Sige na” patawang pagpa-paalam nito kay Bong.
“Tatagal kaya ako sa ganitong klase ng buhay” tanong ko sa aking sarili. Parang gusto kong umalis sa lugar na iyon pero saan ako tutungo?
ANG KARUGTONG...
Squatter 2: Puro ba hirap sa lugar na ito?
thank you idol
Thank you sa iyong comment. Talagang di ko close yung kwento kasi may kasunod pa iyan eh. Mga 3 parts kas, masyado mahaba pag-isang topic lang baka nakaka-antok ng basahin kaya pinutol ko.
Maraming salamat talaga.
RP? akala ko noon, Republika
RP? akala ko noon, Republika ng Pilipinas yun, hehehehe,
Hmmnnn, kaya pala big time kana ngayon, nagtitinda ka ng damo ha?
Sige, basahin ko muna ang Part 2.
♥♥-ILyaNah-♥♥




Hi Noel
maganda ang pasimula mo bro, kita ang kulay at dama ng kahirapan kahit na ang kasamaang nakapaloob dito. bitin nga lang. kasi sinimulan mo sa pakikipag-usap sa tito jake mo sana na end mo sa pakikipag usap din sa kanya para may pagsasara. anupaman magandang pasimula at paglalahad.
sulat ka pa bro.
sketchy. life. stories. on http://karikatuura.blogspot.com/