Sssshh...

Kinse's picture

i was’nt sure about it..pero it make me sick talaga..

it first happen when i was in highschool..(kung may classmate ako nung highschool na makakabasa nito,yari ako..this is one of my dark dark secret..)
i had a friend happened to be having a very lovely voice. 
i really like her pag kumakanta sya like…
this i promise you ba yun?… 
yeah..
you read it right “her“..
means babae sya…

bata pa lang ako malalapit na ako sa kanila…
sa mga babae i mean.. 
wala akong kapatid eh..
so balik na tayo dun sa friend ko..
gusto ko sya parating nakikita, 
tapos makatabi sa upuan..
nagkataon namang gala talaga ako sa room namin 
meaning wala akong permanent sit.
kung san trip umupu dun na..
kahit pa sabihing may mga permanent sit kami 
pag nagpapapalit palit ng subjects 
pero di pa rin yun nasusunod 
lalo na sa tulad kong madaldal (miss friendship) 
at di mapakali sa isang pwesto lang…

so ayun na nga..
i had lots of friends then pero iba talaga feelings ko sa kanya…
there’s something…
di ko mapaliwanag..
basta yun na yun..
alam ko kasi na kapag ganung age ….’teenage‘..
dumarating talaga yung ganung point.
yung tatanungin mo yung sarili mo if sino ka,if ano ka…
then na-get over ko sya.
yung feelings ko for her 
though may time na i get jealous 
with our other friends who go closer to her 
pero pinilit ko na lang i-ignore at wag i-entertain yung “feelings” na yun..

then nag-college na ko..
and the same thing happen…
and we bacame “on” naman..
wala trip trip lang..
trip trip lang na maging kami..
naintindihan ko yung feelings ko nung time na yun kasi alam kong normal lang maging curious sa mga ganung bagay.. 
a girl - to- girl relationship..
parang nasa stage ka ng pag-i-explore mo sa paligid mo..
you became curious sa lahat ng mga nangyayayari sa paligid mo at sa sarili mo..
so i therefore conclude na kaya ko yun ginawa,out of curiousity lang ..
a friend always remind me nung kami pa nung girl ’bout it..
halos araw araw ko atang naririnig yung saying nya na 
“wala namang masama dun..
pero may mali..
walang masama pero may mali..” 
paulit ulit yun… 
lagi nag-i-echo yun sa pandinig ko. 
saka sabi nila sakin,
pag na-hook ka sa ganun,
mahihirapan ka ng maka-recover..
so i quit.
and left her….

then i had a boyfriend ( boyfriend-boyfriend-an kasi wala man lang tumatagal kahit 1 buwan..)
nagkaka-crush ako sa opposite so alam ko na normal pa ako at hindi cross-dresser.
but i got attracted to girls too..
i find it amusing yet confusing.. 
inisip ko na lang na normal pa din yun kasi normal naman talaga sa babae yun.. 
kung baga you’re just appreciating the beauty of others that’s why you admire them..
that’s it…

then nung nagwowork na ko i met someone again..
tulad din nung dati i got atttracted to her.
we go out..
exchanging SMS..
exchanging stories..
we had so many things in common.. 
i dont like to elaborate pa kasi baka mabasa nya toh..
yeah, natatakot akong mabasa nya to kasi friend ko pa rin sya til now…
at wala syang idea ’bout what i feel.
magaling sya magdrawing, 
i had lots of it actually, mga bigay nya sakin… 
i am into her,
pero i had a boyfriend boyfriend-an din nung time na yun… 
and i dont like it, 
ayokong maging unfair sa isa eh..
so i broke up with my bf and enjoy the moment with my “friend“..

tapos kahit magkalayo na kami kasi im working na and she’s studying pa nung time na yun, 
we still have time parin kahit tawagan or text lang and minsan nagstay ako sa kanila,,..
at yun na yung last time na nagkasama kami kasi pareho na kaming busy sa sari-sarili naming buhay..

tapos nawalan na talaga kami ng time..
no more calls 
no more texts, 
no more hi’s or hello’s…
no more “her“..
for me that was the hardest part kasi kahit may mga nanliligaw sakin dun sa pinagtatrabahuhan ko i’m still into her..
iniyakan ko pa sya sa sobrang pagkamiss ko sa kanya…
hanggang sa napagod na rin ako at tinangggap na lang lahat ng nangyari… 
na talagang may mga dumarating sa buhay natin na mag-iiwan lang ng bakas…

at nalaman kong papasok na sya sa kumbento this May..
oo..
pareho namin balak pumasok sa kumbento noon..
nagkakilala nga kami sa isang search in
gusto ko talagang mag madre since i was 16
scholar kasi ako ng madre nung college
at masyado akong exposed sa environment nila
kaya naisip ko
gusto ko magmadre
naisip ko..
maraming nangangailangan sa maaring maitulong ko
sa mga batang kalye
sa mga taong nawalang ng tirahan..
sa mga lugar na nasalanta ng mga sakuna..
sa mga inabuso..
sa mga nagugutom..
sa mga naghihirap..
sa mga nangangailangan..
kaya lang my Father was against dun kasi nga solong anak ako..
yung "friend" ko naman solong babae sa kanila (patay na pag nabasa nya toh..hahaha)
at isa pang factor..
wala pa ako sa tamanag age
yung conregation kasi na gusto kong pasukin ay
23-33 yrs old ang tinatanggap
at nung time na yun ay very under age pa ako (at maging ngayon din kasi nga 21 lang ako)
pero sabi nga ng mga madre..
if yun yung calling mo.. (ang pagmamadre)
kahit sang lugar ka pa andun..
maririnig at maririnig mo yun (yung calling..)
kaso ayun..
mauuna na sya pumasok sa kumbento..(kasi mas ahead sya sakin)
napaisip nga ako..
calling ba talaga yung reason kung bat ako magmamadre o dahil sa kanya..
kasi nga gustong gusto nya magmadre..

then i had a boyfriend na..
we’re getting serious and kahit na mga bata pa we’re planning to get married na, anyway plan pa lang naman maaring mabago anumang oras, anumang araw, anumang segundo..

then i met a “girl“na naman..
we became friends again at hanggang ngayon magkaibigan kami.. 
i really like her in a sense na i like her too much.. 
simple lang sya, 
mas maganda pa nga raw ako sa kanya eh..
pero masaya ako pagnakikita ko sya..
super masaya indeed. 
simple talks lang i felt heaven na.
marinig ko lang boses nya,
marinig ko lang syang tumawa..
sobrang kakabaliw nga eh…
kaso nagresign na ko dun sa pinagtatrabahauhan naim at umalis na rin sa apartment na tinitirhan namin (yeah roomates kami)
tapos nawala pa yung cell ko kaya ayun..
tulad ng iba..
wala na din kaming communication
sobrang miss ko na nga sya eh..
sobrang sobra..
na-open ko toh dun sa isa kong friend na cross-dresser.
a lesbian.
kasi i know sya yung makakaintindi sakin at di ako nagkamali kasi marami syang napayo sakin..
yet nasa stage parin ako ng pagtataka..
only daughter ako at ni sa hinagap di ko inisip na maging ganito ako..

a bisexual…?!
mahirap aminin..
lakasan lang talaga ng loob..
maraming magiging kapalit nito eh,..
may magja-judge..
may makakaintindi..
may ‘no comment’ lang..
pero bawat tao may kanya kanyang takbo ng isip maaring naintindihan mo ko, pero yung katabi mo di makuha ang point ko..
that’s what i mean,pero sana respeto na lang…
i know somewhere out there may makakabasa nito at makakarelate.
just be true to your self.
the same way what i did.


lonely probinsyana's picture

pareho lang tayo..

....bi sexual tawag satin...pwede sa dalawalng kasarian...nalilito ako...ano ba talaga ako?eh may bf ako..at mahal na mahal ko sya...nakarelate ako...pangako..salamat kinse

Kinse's picture

nakarelate ka sakin promise?

nakarelate ka sakin promise? hehe tagalog na tagalog talaga eh, pangako... hahaha ganun talaga..mahirap isipin pero yun yung totoo heheh 

lonely probinsyana's picture

hmmmmp

salamat kasi nandyan ka

sinta isaac's picture

...kinse

 

I'm a lesbian. May girlfriend ako. I love my girl. We're happy. We're contented. Mag a-anim na taon na kami.

 

That's all I can say.

 

Mahirap maging les or bisexual or whatever, pero mas madudurog ka kung habangbuhay, indenial ka.

 

You have a boyfriend, right?

 

maganda dito kasi hindi ka nahihiyang aminin 'yung mga nararamdaman mo, pero in time darling, malalaman mo din kung saan ka pahugpong.

 

Godbless. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

http://leserotika.i.ph/blogs/leserotika/                                                              


jode_abbot_1988's picture

^^v

tama po kayo... wala namang masama kung mag-oout ka. Ang problema lang sa ganyang situation eh may mga tao talagang mahirap makaintindi. Nagtataas agad ng kilay at kasunod noon eh huhusgahan tayo. I really admit na may inadolize akong girl but hindi ko minsan inisip na mahulog ang loob ko sa kanya. Nang magkacollege ako may naging kaibigan akong girl. masasabi ko na kung minsan hindi kami magkasundo at as in inaasar ko siya at napipikon naman siya. Sensitive person kasi siya. Ako naman deadma to the max. Wala akong pake sa bagay na iyan basta natutuwa ako kapag inaasar ko siya. But I don't know to myself kung bakit evertime na ginagawa ko iyon, masaya ako. Masaya akong kasama siya. Panatag ang loob ko. Pero nalulungkot ako kapag hindi niya ako pinapansin. I mean yung mga panahon na iba ang kasama niya at hindi ako. I knew na jealousy iyon but hindi ko sure kung anong uri ng selos iyong nararamdaman ko. Sa ngayon no more communication kaming dalawa. Hindi ko siya tinetext at tinatawagan basta wala na. Marahil may bf na siya o baka may asawa na. Deep inside my heart gusto ko siyang makita.

Kinse's picture

 It happens to me also...

 It happens to me also... ngayon sobrang miss ko na yung friend ko.. nasa kumbento na sya ngayon.. Yun isa ko namang friend na super miss ko din.. nasa..ewan.. di ko alam kung nasan na sya. baka nga may bf na rin yun.. as in super miss ko na yun.... pag naalala ko nga mga ginagawa namin together nalulungkot ako eh.. haaaay..

 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v.

nalaman ko nga recently na nakapasa siya ng board and i am happy for her pero hindi ko siya binati ng congratulation. Ewan ko ba. mapride siguro akong tao kayat gusto ko siya munang unang magtetext at tumawag sa akin bago ako. One of my friend told me na baka bi-curious lang ako sa self ko pero I doubt it. Hindi naman po siguro masama kung mamimiss mo rin ang friend mo lalo na kung babae ito di po ba?

Kinse's picture

 Tama! hindi naman yun

 Tama! hindi naman yun masama... lalo na kung sisters turingan nyo..normal lang yun.. may mga magkakapatid nga na ganun eh di ba?..ako kasi sa case ko alam kong di ko lang sya miss..haha Im a lil bit jealous nga din kapag di ako ang kasama nya, like may iba syang kasam kasi busy ako lage..kaso ayun.. pero di ko sinbi chempre kung anu ba talaga totoong nararamdaman ko sa kanya.. kasi ayokong lumayo saya sakin.. pwede ka naman magmahal ng girl ng hindi kayo eh.. ng walang commitment..

 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

Tama nga naman^^v. Well to be honest kinakabahan ako sa kanya kapag kasama ko siya lalo na kapag kami lang dalawa sa isang room kayat ang ginagawa ko eh inaasar ko siya ng todo para naman hindi ko maramdaman iyon but i feel comfortable talaga kapag I am with her. Kapag nagugutom ako gusto ko siyang kasama kapag gusto kong kumain. One time tinanong niya ako kung tomboy ako hahahaha natawa ako noon. I really don't have bad intention kung bakit gusto ko siyang kasama parati but pagdating sa bahay i feel lonely kasi feeling ko parang tingin niya may iba akong intensyon kayat ginagawa ko iyon parati pero siguro gusto lang niya makasure. Ewan! siya nga rin minsan pinaghinalaan ko rin eh. Kasi kung kumapit siya sa akin para siyang linta.

Kinse's picture

 hahaha.. naaliw ako sa mga

 hahaha.. naaliw ako sa mga sinasabi mo naalala ko tuloy yung friend ko na nasa kumbento na.. lagi yun napapagkamalang tomboy.. super parang guy kasi mag-alaga.. pero malandi pa sakin yun.. lagi nya nga ako sinasabihang nababkla na daw ako sa kanya which is totoo naman talaga.. i am so into her..hahaha.. nagdidate nga kami nun. for me its a date, ewan ko lang sa kanya.. para ata sa kanya girly thing yung ganun..sakin i take on the other way.. yung kakain sa labas.. nunood ng movie together.. wan-to-sawang kwentuhan..sya gusto nya magdraw magaling yun na artist ako naman i am into singing..ginagawa nya kong radyo habang nagdodraw sya ..hahaha yun namang isa kong friend na dati kong katrabaho.. di yun makatulog pag di ako katabi kasi rooomate kami. siguro ngayun nakakatulog na sya.. super crush ko naman yun.. galing sumayaw and kumakanta rin..pag nagkakantahan kami wag ko daw siyang titingnan kasi naiinlove na daw sya..sira ulo kasi yun..di nya alam na ako yung nahuhulog sa kanya lalo na pag tumatawa sya.. baliw ako eh..hahaha

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

talaga? naku naalala ko tuloy yung panahon na kasama ko siya sa isang kwarto. May sakit ako noong panahon na iyon at siya ang nag-alaga sa akin. Hindi sinasadya na isa lang ang kama kayat no choice at isa pa hindi ko bahay iyon para magsi-arte pa ako. Nakitulog lang kami sa bahay ng classmate namin sa antipolo. Masyadong gabi na at wala na ring sasakyan pauwi. Aminado ako makulit akong matulog at hindi ko alam kung may nadadaganan na ako o wala. Kinabukasan nang maayos na ang pakiramdaman ko I confront her kung nadaganan ko siya. Ngumiti lang siya sa akin. Habang kumakain umamin siya na magkayap kaming natulog. Muntik na akong mabulunan. Ano! yan lang ang nasabi ko. Tapos nagtampo siya at sinabi niyang "para naman akong nandiri nang nalaman ko iyon". Para hindi siya magtampo humingi ako ng pasensya sa kanya at nagtapat na first time ko na ibang tao ang naging katabi ko. Mostly kasi kapatid kong babae o di kaya nanay ko.

Kinse's picture

 hahahaha.. nakakatawa

 hahahaha.. nakakatawa naman yun.. ako naman dati kapag tulog na yun ninakawan ko ng kiss hahaha smack lang naman.. ewan ko kung naramdaman baliw ako eh.. i really find it amusing to feel like this sa kapwa mo..yung tipong how does it feel to hug her kaya? yung mga ganun.. eh ako pa namn mantika talaga matulog at parang barko pa.. malakas humilik kahit payatot ako..pag gumigising ako lagi nya sinasabi nagahasa na raw nya akot lahat wala parin daw akong malay,sira din kasi yun.. life's so light kapag kasama ko yun..pero topakin ako..sya nman di lagi nawawala sa mood.. sabay mangpipisil pa ng ilong..yatot pa tawag nun sakin..badtrip namimiss ko tuloy sya ngayun..haaay... mah-gud-nes..!

 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

pasensya na kung pinapaalala ko sa'yo ang friend mo^^v. Ang ayaw ko lang sa kanya eh pa-flirt type siya. Ewan ko para talaga siyang linta kung dumikit sa iba... mapababae o mapalalake. Magkaganun man I like her. Siya lang ang ang kaisa isang taong nag-goodbye hug ako sa kanya pero hindi mahigpit. Tapos nun nagtext siya at nagreklamo na bakit naman hindi mahigpit ang pagkakayap ko sa kanya. I relied "idiot" then nagrespond siya ng smiling face^^v.

Kinse's picture

Ganun din yung friend ko..

Ganun din yung friend ko.. sweet masyado.. lalo na dati nung nasa work kami.. kung sinu-sino kausap may paghawak pa sa braso.. minsan nilalapitan ko tapos binubulungan ko ng.. "nagseselos na ko" sabay hahampasin lang ako nun... may ganun yata talagang mga tao.. sweet masyado.. ako pa naman mahina sa ganun hahaha... tapos masyado pa yun patawa.. yung tipong badtrip na badtrip ka na.. tapos biglang hihirit ng kung anu ano.. eh kung ganu ako kabilis mairita ganun din ako kabilis mapatawa.. nabasa mo ba yung kilala mo ba si bob ong ko? sya yung kasama ko nung bumili ako sa sm sta rosa ng tatlong book ni bob ong tapos nawala ko nung kumakain na kami gang sa paguwi ang sama sama talaga ng loob ko sabi nya if magkasama pa kami til dec bibigyan nya ko nun.. kaya lang november palang nagresign na ako.. naalala ko pa.. may kris kringle sa work. pagtuntong palang ng "ber" nagstart na magka xchange gift samin..tapos alam ko karamihan kung sinu nabunot ni ano at kung sino ang nakabunot kay anu. tapos sya ayaw nya sabihin kung sinu nabunot nya. eh mahilig ako sa baboy kahit anong stuff basta may baboy or mga color green sabi ko pag sya yung nakabunot sakin dapat baboy si MonoKuro Boo dapat or kahit ano basta baboy..or green thing....sabi nya di nga daw sya nakabunot sakin.. tapos nung kris kringle na wla ako narecieve na gift ,pag uwi ko...dun sa apartment namin....pag open ko ng dresser ko....andun yung gift nya sakin.. shirt na green.. na sobra pa dun sa budget na dapat yung gift ay worth 200 lang.. may note pa sa baba.. "Yatot,...mahal tong gift ko.. special ka kasi.." ay naku super kilig naman ako eh..hahahah

(napahaba na yung kuwento ko hehehe miss ko na tuloy sya.. ) 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

wow naman. ganda naman ng kwento ninyong magkaibigan. ok lang po iyon. Kung sa bagay sa akin sim na smart ang regalo niya. Request ko iyon sa kanya. Globe dati ako tapos siya smart. Malapit na bday ko noon kayat talagang sinabi ko sa kanya na kung may magreregalo sa akin sim na lang at nagkatotoo nga. Sa lahat ng regalong natanggap ko noong bday ko yong sim na iyon ang very special. May letter pa siyang binigay sa akin. Hanggang ngayon tintago ko pa rin ang letter niya at yung sim gamit ko pa rin more than years na.^^v

Kinse's picture

 hahaha.. yung balot nung

 hahaha.. yung balot nung gift..yung note... nakatabi pa rin..and favorite kong isuot yung shirt na gift nya sakin.. todo reklamo pa yun sakin after ung kris kringle..ako daw kasi yung tipo na mukhang mahirap regaluhan kung alam lang daw nya na sobra akong babaw sana namitas na lang sya ng dahon sa halamanan nung land lady namin..or bumili ng isang bigkis ng kangkong... sira ulo yun eh... haaaaay.. miss those moments... kaya pagnapapagawi ako ng sm sta rosa nalulungkot ako.. dun kami lagi pumupunta eh kahit wala pang tulog galing sa work kasi night shift kami parehas.. tapos kumakanta pa kami sa karaoke dun.. kinakanta nya pa yung Once in a lifetime saka You ni Basil Valdez.. kakatuwa.. putek namimiss ko na yung babaeng yun eh...

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

kung miss mo na siya try ninyo pong magkita sa sm sta rosa. Magkaroon kayo ng bonding moment sa isa't isa ulit. Sa kalagayan ko kasi taga batangas siya at hindi ko alam kung nasa manila ba siya ngayon o nagstay na siya forever sa probinsya niya. Gusto ko siyang makita talaga pero ayaw ko na ako ang unang magsasabi na gusto ko siyang makita^^v. Ewan ko sa sarili ko!

Kinse's picture

 How i wish magkita pa

 How i wish magkita pa kami.. baka masugod ko yun ng hug.. taga batangas ako neng... hehe.. San sya dito? :)

Nawala nga po phone ko kaya wala na ko communication sa kanya.. di ko naman alam if kung may FB sya.. di yun mahilig sa mga social Networking..yung FS nga ata nun kinakalawang na eh..

Huling balita ko base dun sa dati naming katrabaho na nakasalubong ko sa Walter.. nagresign na din daw sya,at may ipinagpalit na daw ako.. kasi bago sy magresign close daw sya maxado dun sa isa din naming workmate.. Roomates na rin daw sila eh.. kaya nalulungkot ako somehow..kung totoo man yun.. sana lang di nya ko nakakalimutan..

ito yung mahirap sa lahat.. to let go...kahit na memories lang pinapanghawakan nyo kasi di naman kayo eh..

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

taga lobo siya. hindi ko alam kung saan ang lugar na iyon.^^v. tama ka diyan. kapag magagandang memories mahirap i-let go tapos kapag naalala naman saka tayo iiyak na hindi natin alam kung bakit... memories lang naman iyon pero ito mismo ang nagpapalungkot sa atin.

Kinse's picture

naku malayo pala place nya

naku malayo pala place nya eh.. pero maganda dun.. tabing dagat..

And i really hate it... parang ang sarap batukan ang sarili...

Lecheng memories na yan.. 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

malayo pala at malapit sa tabing dagat. Kayat pala marunong lumangoy ang kumag na babae na iyon. Kayat nga ako pilit kong kinalilimutan ang happy memories pero hindi ko kaya. Tao nga naman ako na may puso na kumikirot kapag may naalalang magandang bagay sa buhay ko.

Kinse's picture

At yun yung pinagtataka ko

At yun yung pinagtataka ko ... kung bakit pag naaalala natin yung mga happy moments saka naman tayo nalulungkot... sana sila din naalala tau... hehe drama... 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

How i wish. Pero kung hindi man Ok lang. Hindi naman natin hawak ang isip nila para maalala tayo. Pero sana... kahit minsan di ba magawa tayong kamustahin ng mga tao na iyon.

Kinse's picture

hay..

Yeah,..sana man lang makamusta nila tayo.. yung kahit na tanungin man lang if humihinga pa ba tayo.. or kung namimiss ba natin sila..hehhe

naalala ko..natichismis kami dati sa work.. kasi matagal na kami nagkukulitan talaga pero di kami ganun kaclose dati. One time nagkarun ng Gimik sa kagustuhan ko ma experience na makasama sya, sumama ako.. kain sa resto tapos punta sa isang disco bar.. eh madaling araw na tapos nag offer sya dun na lang ako makitulog kasi nga malayu pa uuwian ko eh.. That was the first night na na confirm ko sa sarili ko na me gusto nga ko sa kanya.. hahaha.. tapos biglang kinaumagahan sabi ko.. Im looking for apartment nga na mejo malapit sa work namin At sabi nya open daw yung room nya for me..she's staying kasi dun sa Sta Rosa and work namin Cabuyao naman..  Ang nakakatawa naman sakin.. pumayag agad ako..hahaha.. without even thinking talaga.. di naman ako masyado halata no? tapos the next day, naglipat na ako.. kaya nachismis sa work namin.. we're living na daw together hahaha..

 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

Live in ba? joke^^v. Well magandang simula naman yun di ba para makilala mo ang tao na iyon. Noong college ako hindi pwede nagdorm ako o di kaya mangupaan. Strict masyado ang parents ko kayat hindi talaga pwede. Siya kasi dati sa libertad nangungupaan kasama ang pinsan niya. Ayaw niyang sabihin kung saan doon. Hindi ko na lang pinilit alamin pero naiinis ako kasi ayaw niyang sabihin kung saan. Hindi naman ako magnanakaw eh!^^v

Kinse's picture

hahaha..secretive pala yung

hahaha..

secretive pala yung batanguena na yun noh?

Ako ever since nagdodorm na ko kahit nung college tapos time to time ako dinadalaw nung madre kasi scholar nila ko..baka daw di makatapos eh..hahaha joke!.. 

Tapos sya.. di sya msyado nagkukwento sa past nya.. isa lang alam ko.. makinanay sya kasi bunso.. kaya sweet .. gnun daw pag bunso eh sweet.. hehe

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

Medyo. Kayat nga kung minsan po eh nagtatampo ako kung hindi siya nagsasabi ng kanyang problema o kung anuman ang tungkol sa kanya. Kung sa bagay hindi mo naman pwedeng pilitin ang isang tao na mag-open. Ang naalala ko lang nakwento niya sa aking ang dati niyang bf... Long distance relationship. Kapag nagkukwento ako todo Okray ako sa kanya pati sa bf niya. One time nagkita sila at nilibre lang siya sa isang stall ng ZAGU sa mall. Sympre ilang taon na silang hindi nagkikita tapos ganoon lang ang gagawin ng isang guy libre lang. iyon ang sinabi ko noong panahon na iyon. Kayat ayon nagtampo. Kayat siguro dahil doon hindi na siya nagopen up sa akin muli.

Kinse's picture

True! nakakapagtampo nga

True! nakakapagtampo nga yung ganun.. hay.. naalala ko na naman sya kanina habang papasok ako ng work.. dati tabi kami lagi sa shuttle tapos humihilig pa ko sa balikat nun.. tapos pag malapit na kami lagi ako niloloko nun na tulo laway daw ako.. wala naalala ko lang bigla.. magudnes..! Bakit kaya nakakmiss yung mga tao na kahit di mo masyado nakasama ng matagal pero ganun na lang kung magiwan ng footprints... 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

Grabe pero nakakatuwa noh nakakarelate ako sa kwento mo.^^v hehehe

Kinse's picture

Alam mo ba dito ko lang yan

Alam mo ba dito ko lang yan nasasabi?hehe di ko kayang gawan ng kuwento kasi di ako magaling gumawa ng eksena kaya nga more on blogs ako eh..hehehe naisip ko nga kung gagawan ko ng kwento naku wag na lang mamimiss ko n nmn yung tao.. 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

Kung sa bagay ako more on tula kaso magulo pa rin ang paggawa ko ng ganoon. Gumawa ako ng tulang B-B hehehe nakakatuwa pero yung iba hindi magets ang tema ng tulang iyon. Yung kapatid ko eh natawa nang nabasa iyon^^v

jode_abbot_1988's picture

^^v

Kung sa bagay ako more on tula kaso magulo pa rin ang paggawa ko ng ganoon. Gumawa ako ng tulang B-B hehehe nakakatuwa pero yung iba hindi magets ang tema ng tulang iyon. Yung kapatid ko eh natawa nang nabasa iyon^^v

jode_abbot_1988's picture

^^v

Kung sa bagay ako more on tula kaso magulo pa rin ang paggawa ko ng ganoon. Gumawa ako ng tulang B-B hehehe nakakatuwa pero yung iba hindi magets ang tema ng tulang iyon. Yung kapatid ko eh natawa nang nabasa iyon^^v

Kinse's picture

Nabasa ko yung B-B mo

Nabasa ko yung B-B mo hehehe.. bout pigil na love di ba?para sa kanya ba yun? hahaha joke! di ako magaling gumawa ng tula naiinis ako during filipino namin dati.. yung may pantig pantig.. di ako sumusunod..laging malayang taludturan yung ginagawa ko pero may rhyme naman hehehe.. isa lang tula yung ginawa ko na lumabas sa school pub namin kasi natuwa dun yung editor namin na bestfriend ko.. yung my hidden love hehe pinost ko yun dito natawa ako kasi halatang bata yung gumawa ng tula...

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

somehow^^v. Pero wild imagination iyon. Basta ang alam ko lang sa sarili ko eh kinakabahan ako sa kanya sa tuwing kasama ko siya. Same feeling kapag kasama ko eh guy pero walang romantic feeling na involve doon. Basta gusto ko lang siya sa paraan na hindi ko maiwasan^^v

Kinse's picture

Sa paraang kung paano sya

Sa paraang kung paano sya ngumiti sayo? Sa paraan kung paano mo sya gusto na lagi syang malapit sayo? Sa paraang iba yung nararamdaman mo kahit nakasandig lang sya sayo or nakahug lang pero parang kuntento na ganun na lang sana kayo lagi? hehehe.. tanong ko yan sa sarili ko hahaha... that's how i feel when im with her.. with the one who enter the convent and with the one na ex-workmate ko.. haaay.. i miss them.. sa ngayon..wala pa kong babaeng namimeet na makakapagbigay sakin ng mga ganyang feelings.. nasabi nga sakin ng BF ko..baka dw dumating yung time na ipagpalit ko sya sa babae haha selos na selos nga yun dun sa dati kong katrabaho eh,lagi ko kasi kinukwento..

 

 

" Love is like heaven, but it hurts like hell."

jode_abbot_1988's picture

^^v

fate lang po ang makakapagsabi niyan^^v

.........

Ganda ng mga love experiences n'yu ah....

Na miss ko tuloy 'yong crush kong gurl  noong hyskul, na miss ko yong kilig!!

jode_abbot_1988's picture

^^v

correction... hindi po love experience iyon sa akin^^v... it happened na nagkaroon ako ng lintang girl na kaibigan^^v