STP at BHB

Dap-ay Sapata's picture

Normal 0 false false false st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

 

STP at BHB

 

ni Dap-ay Sapata

07 Pebrero 2008

 

Pritong tuyo sa umagang makulimlim

Paglipas ng yapos ng hamog at hangin

Kalulwa’y ginapos, sakal na taimtim

Ngayo’y lalasapin alat at sinaing.

 

Kumalat na patak, sanlibong lagapak

Sa hapag ng kalupaang tuyo’t bitak

Wari’y ginuhitan ng sanlibong yapak

Silang mga nilalang na hawak ay tabak.

 

Nakasabit sa ilalim ng arawan

Ang SERVE THE PEOPLE at BAGONG HUKBONG BAYAN

Sa nakatiwangwang na taling sampayan

Sa bakuran ng kawal na luntian.

 

Natuyong mga bakas ng pagbabalikwas

Tumutuklas sa mga sangkap ng paglakas

Ikaw, tayo, doon ating mamamalas

Ang samyo’t batas ng makulay na bukas.

 

Nabasang kasuota’t pawis sa bisig

Sinaid ng katawang laya ay ibig

MAKIBAKA! Ang kanilang bukambibig

Lipunan at tahanan ng mangingibig.

 

Kulay lupang dahon, humalik sa lupa

Kabataang alay sa pagkadakila

Bakit nga ba tayo hindi pinagpala?

Gayong mga kataga sa ati’y nagmula.

 

Panggatong sa kusina, buhay tinapa

Ano ang tungkulin sa pakikibaka?

Nang usok, apoy, liyab ng pagaalsa

Magliyab ka sana kung ako’y matumba.

 

Siklo ng panahon, bayang pumalaot

Tatak, panata sa sampaya’y bumalot

Nabasa, natuyo’t muling isusuot

Paglilingkod sa masa’y ‘di malilimot.#

 

 


bubuyog64's picture

The poem was great! Okay po!

The poem was great! Okay po!

rom26factolerin's picture

isang magandang halimbawa

 

 isa ito sa nais kong puntuhin sa pakikipagtalo sa kabilang thread ng diskusyon na matatagpuan dito: http://www.filipinowriter.com/ang-tunay-na-tula-bow?from=50&comments_per_page=50#comment

na ang tula ay di lamang nagsisilbi para sa pansariling kapakanan, bagkus nagiging mas lalong dakila ito kung ang tula ay napapatungkol sa pagsisilbi sa kapwa at bayan.

kung isasakatauhan ito magmimistulang Jose Garcia Villa sa isang banda at Amado V. Hernandez naman sa kabila. parehong magaling ngunit magkaiba ng layunin sa panulaan.

salamat sa ehemplong tula na ito. ngayon sinong magsasabing hindi tula ito?

maaring sabihin ni Villa na hindi ngunit sasabihin naman ni Ka Amado na oo. 

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com