OKTUBRE

Adlesirc's picture
| |

Sabi nila, madali raw makikilala ang demonyo dahil ito daw ay may dalawang malaking sungay, may buntot, at laging may dalang higanteng tinidor... Pero malayo ang itsura nito sa mga demonyong kaharap ko ngayon.

 

 

 

 

 

 

 

Nasa impyerno ako ngayon.

May demonyong nakapatong sa nakahandusay at hubad kong katawan. Ang isang kamay nya ay nakasabunot sa aking buhok habang ang kanan nyang kamay ay may hawak na baril habang nakahawak sa aking kanang dibdib. Bawat pagpalag ng aking mga hita ay may kapalit na suntok o sampal. Nakabusal sa aking bibig ang underwear ko. Ang mga kamay ko ay pigil-pigil ng dalawang lalake pa na panay rin ang lamas sa maseselang parte ko. Nag-uunahan sila sa pagkapa ng mga bahagi na makakapag-patindi ng kanilang pagnanasa. Pati ang kanilang mga bibig ay naglalakbay din sa walang saplot kong katawan. Malayo ang itsura ng tatlong demonyong ito sa mga napapanood ko sa tv at nababasa sa mga libro pero sigurado akong nasa impyerno ako ngayon.

Nilalantakan na ako ng tatlong demonyo. Ito ba ang kapalit ng pangungupit ko ng pera kay Dad? Ito ba ang kabayaran sa mga kasinungalian ko kay mama kapag ginagabi ako ng uwi galing sa paglalakwatsa kasama ng tropa ko? Grabeng parusa to. Gusto ko na lang mamatay kesa ganito.
 

Halinhinan sila sa panggagahasa sakin. Para akong lechon na pinagpi-piyestahan. Parang wala silang balak tumigil. Hindi ko alam kung naka-ilang beses na silang nagsalit-salitan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga impit kong daing, at mga ungol nila habang sarap na sarap sila sa ginagawa nila sakin. Pati dugo ko yata ay mailuluha ko na sa tindi ng hirap na dinaranas ko.

 

Ganito pala ang impyerno. Isang matinding parusa. Isang bangungot. Wala ka nang hihilingin pa kundi ang mamatay na lang ulit at baka sakaling pagmulat ng mata mo ay napadpad ka na sa langit.

 

Natapos na naman yung isa at tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod sa aking harapan. May papalit na naman. Hindi ko na kaya ang kahayupan nila. Papatong na sya sa akin ngunit itinikom ko ang aking mga hita bilang pagprotesta. Isang bigwas sa aking panga ang iginanti nya. Namanhid ang buong mukha ko.

 

Nahilo ako at parang nabibingi. Umiikot ang aking paningin. Ilang segundo pa'y lalo nang nagdilim ang paligid.  Unti unting naglaho ang impyernong eskinitang iyon kasabay ng tatlong demonyong humahalay sa akin.

 

***********

 

1:37am na sa digital wristwatch ko.

Mahirap ang graduating student. Maraming projects at exams. Samahan pa ng thesis na pinaglamayan namin ngayon sa bahay ng classmate ko. Doon ako pinatutulog ng parents nya dahil alanganing oras na kaso may pasok pa kami bukas ng umaga kaya ipinasya ko na lamang umuwi.

 

Gustong gusto ko nang makauwi para ihimlay ang pagod kong katawan at utak sa malambot kong kama. Hindi na ako maghahapunan, bukas na lang. Naubos talaga ang lakas ko ngayong araw na ito. Sinimulan ba naman kasi ni Prof. Benitez ng isang mahabang "short" quiz tungkol sa C++ eh. Sino ba naman ang hindi mauubusan ng lakas.

 

Tatlong eskinita na lang ang tya-tyagain kong lakarin at mararating ko na ang terminal ng mga tricycle para makauwi sa amin. Lagi naman akong may kasabay na naglalakad sa kalyeng ito. Ngayon lang wala dahil masyado nang gabi kaya wala ng tao sa daan. Tanging isang itim na pusa ang nakasalubong ko sa daan. Tahimik na ang paligid. Waring tulog na ang kalye. Ang bilis ng paglakad ko. Nakakatakot pala sa lugar na ito kapag ganitong oras na.

 

Naulinigan kong may kasunod pala akong naglalakad sa makipot na eskinitang iyon. May yabag ng tsinelas sa likuran ko. Lumingon akong bigla at nakita ko ang dalawang lalaking nakatingin sa akin. Bigla akong kinilabutan sa takot. Diretso rin sila sa paglakad.

 

 

Malapit na ang susunod na eskinita, kakaliwa na ako. Sana ay may tao dun para mahingan ko ng tulong kung sakaling may balak na masama ang dalawang lalaking ito.

 

Pagliko kong pakaliwa ay natanaw kong may isang anino sa di kalayuan. Nakatayo lamang ito at nakatingin sa direksyon ko. Lumiko din ang dalawang lalaki sa likuranko. Pakiramdam ko ay mas malapit na sila ngayon sa akin. Halos patakbo na ako kung maglakad. Naguunahan ang aking mga paa at malalaki ang aking mga hakbang.

 

Nasa bandang gitna na ako ng eskinita nung habulin ako at akbayan nung dalawang lalaki. Holdap daw. Pinagitnaan nila ako. Wag daw akong papalag dahil papatayin daw nila ako. Halos bumaon sa aking tagiliran ang nguso ng baril na hawak nung isang lalaki. Amoy alak sila pero mukhang hindi naman masyadong lasing. Sa nanlalabong dilaw na ilaw ng poste na kinatatayuan namin ay pilit kong kinilala ang kanilang mga mukha. Namumula at nagdudumilat ang kanilang mga mata. Maya maya pay lumakad papalapit sa amin ang aninong nakatayo sa di kalayuan ng eskinita. Kasama pala nila ito. Look out.

 

Wala akong pera kundi ang natitirang ilang daan sa allowance ko at ang bagong cellphone na regalo ni Dad sa akin nung nakaraang pasko pero walang pagdadalawang isip na ibibigay ko sa kanila iyon para lang huwag nila akong saktan o patayin. Nagmamadaling iniabot ko ang bag ko sa lalaking may hawak ng baril. Bata pa ito. Kalbo at humpak ang mukha. Payat. matangkad lang sa akin ng kaunti. Kinapkapan pa ako ng mga kasama nya. Pinapalis ko ang mga kamay nila. May kamay na humipo sa aking puwet. Nagkatinginan sila. Lalong umigting ang aking kaba.

 

Tatakbo na ako. Aalis na ako dito ngayon din sabi ko sa sarili ko. Hahakbang na sana ako para tumakbo palayo pero hinawakan ako sa siko nung isang lalaki. Nanginginig ang aking katawan sa takot pero ipinalag ko ang aking braso at nabitawan nya ako. Pero hindi ko na nagawang tumakbo, hindi na ako pinakawalan nung dalawa pa.

 

Ikinasa ang baril at itinutok sa akin sabay sabing "hubad!" Lalo na akong nagimbal at hindi ko na napigilang umiyak. Hindi ako naghubad kayat ang dalawa pang kasabwat ang marahas na nagtanggal ng aking uniform. Tinangka kong manlaban pero sinikmuraan ako nung isa. Hindi ako nakahinga at napaupo ako sa sakit. Hinaltak nila ang blouse ko at hinubad ang palda ko.

 

Tanging panloob na lamang ang natitirang saplot ko. Inutusan nila akong lumakad. Dadamputin ko sana ang aking uniform nung may sumipa sa akin. Natumba ako at nasubsob sa paanan ng poste kayat nagdugo ang aking bibig. Sumigaw ako ng saklolo kayat nakatikim ako ng matinding sampal.

 

Pakaladkad nila akong dinala sa madilim na bahagi ng eskinitang iyon. Sa lugar na kinatatayuan kanina nung kasabwat nila na hindi nasisinagan ng kahit kaunting liwanag mula sa bombilya ng mga poste. Sa may tabi ng tapunan ng basura, kung saan ga-baywang na ang taas ng patong-patong na plastic ng basura at napaka baho ng amoy. Itinulak nila ako at sapilitang inihiga sa malamig at matigas na semento. Inalis nila ang natitirang saplot sa aking katawan at sinimulan akong halayin.

 

 

***********

 

May tumatapik sa aking pisngi. Malamig ang kanyang kamay. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa impyernong eskinita pa rin ako. Madilim-dilim pa rin ang paligid ngunit sisikat na ang araw maya-maya. Ikinilos ko ang aking kamay at tinanggal ko ang busal sa aking bibig. Isang matandang taong grasa ang gumising sa akin. Wala na ang tatlong demonyo.

 

Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala na rin ang relo ko o kung gaano ako katagal nawalan ng malay at kung ilang beses pa nilang inulit ang kahayupan nila sa akin.

 

Nakatingin lang sa akin ang taong grasa. Pinagmamasdan nya ako mula ulo hanggang paa. Waring alam nya kung anong dinanas ko. Hindi pa ako gaano makagalaw ngunit pilit kong itinukod ang aking mga siko upang makabangon. Pakiramdam ko ay nagka gutay gutay ang aking mga kalamnan. Kumilos sya at hinubad ang kanyang sira-sirang tshirt at iniabot sa akin.

 

***********

 

Muntik nang ma-stroke si Dad dahil sa matinding galit na naramdaman nya nang malaman nya ang sinapit ko. Kahit kailan ay hindi ko sya nakitang umiyak. Ngayon lang. Pati si mama na hindi ko gaanong ka-close ay nakitaan ko ng sobrang hinagpis.

 

Nung mahimasmasan si Dad ay inutusan nya si mama para kontakin ang ninong kong pulis. Pagkatapos nilang mag-usap ni ninong ay niyakap ako ni Dad. Sabi nya gagawin raw nila ni ninong ang lahat para managot ang mga hayop na lumapastangan sa akin. Lahat raw ng koneksyon ay gagamitin nila upang magbayad ang mga kriminal na iyon sa kahit na paanong paraan. Matinding kabayaran daw ang haharapin nung mga kriminal na iyon.

 

Hindi naman binigo ni ninong ang pamilya namin lalot higit si dad, apat na araw pa lang ang nakakaraan ay pinabalik na nya kami sa presinto upang kumpirmahin ang mga suspek na nahuli nya. Nahuli ang dalawa. Yung isa daw ay nakatakbo. Sabi ni ninong hindi raw lilipas ang linggong ito at mananagot din ang isa pang iyon. Magkakaron daw ng hustisya ang pangba-baboy na ginawa nila sa Unica Hija ng kumpare nya.

 

Tumupad si ninong sa pangako nya. Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa eskinita. May tama ito ng baril sa sentido. Isang bala lang ang tumapos sa buhay nito. Iniabot sa akin ni dad ang dyaryo upang ako mismo ang makabasa ng buong detalye. Malinis ang pagkakagawa at walang makapagsabi kung sino ang nasa likod ng pagpatay na ito.

 

Pinatay ni ninong ang pangatlong suspek na nang-rape sa akin. Sabi ni Dad, tinorture daw ni ninong ng todo ang dalawang kasamahan nito na naikulong na upang sabihin kung saan maaring magtago ang kasama nila. Naluha ako sa kinalabasan ng lahat pero hindi ako nakaramdam ng kahit kaunting awa. Tama lang sa kanila ang kanilang sinapit.

 

Mabilis kong nakamit ang hustisyang isinisigaw ng maraming babaeng kapwa ko biktima sa panghahalay. Pero kahit ganon may mga gabi pa ring napapanaginipan ko ang nangyari sa eskinitang iyon. Pakiramdam ko ay napakarumi ko. Nahihiya akong makihalubilo sa ibang tao.

 

Dalawang buwan na ang nakalilipas subalit lagi pa rin nila akong nakikitang tulala at parang wala sa sarili. Madalas akong nakaupo sa baitang ng hagdanan namin, nakapangalumbaba at nakatingin sa sahig na marmol. Naging madalang ang pagpasok ko sa eskwela. Lagi rin akong nagkukulong sa kwarto at nanonood lang ng mga pelikulang brutal at puro patayan. Humina rin ang aking pagkain at lagi akong walang kibo. Dinala ako ni mama sa doktor kahit tumututol ako.

 

Sabi ng doktor sa Oktubre daw ako manganganak.

 

 

 

 

 

==========

Open po ito sa mga suggestions para sa title at syempre open din sa lahat ng klaseng kritisismo na makakatulong. katayan na!

 

 

 

 

adlesirc 01/25/2009

DutchMill + Sprite + GSM Blue = extra strong formula against wb


anne, gusto ko ang

anne,

gusto ko ang panimula. gusto ko plot ng istorya mo.

siguro mas maganda ito kapag screenplay na ang format, nevertheless, napahanga mo ako.

 

babasahin ko ulit. 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Adlesirc's picture

sani

 

alanganin ako sa pagkakasunod sunod ng pangyayari e, baka hindi maintindihan ng mga babasa. alanganin din ako sa pagsasalarawan. ewan! alanganin ako sa buong gawa ko.hehehe

 

salamat sa pagbasa ha!

hehehe

aus partida alanganin pa. me pagkakataon pa naman ulitin at suriin ang ilang mga detalye. pero ung style gusto ko. mas maganda naman ang lumihis ng konti sa nakasanayan na di bah?

 

nga pala napost ko na ung lyrics dito. check mo na lang hehe. ung title niya anoher one from acecruzproject.

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Adlesirc's picture

nakakahiyang aminin pero

hanggang dito na lang yata ang kaya ng utak ko. huhuhu ilang edit na nga 'to e. nilagyan ko ng hustisya, panibagong pagsubok at konting twist. ewan! di ko na alam kung sinasabi ko. hehehe

 

 

basahin ko yung post mo. =)  salamat ulit!

jonsdmur's picture

Pinahanga mo ako!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Grabe! Ibang iba ka na... Entry mo na ba ito sa complilation? Ang galing ng opening.. nagustuhan ko ang mga pagsasalarawan mo...

Para sa akin okay na ang pamagat nito... Oktubre... oktubre niya ipapanganak ang anak ng demonyo hiihihhihi.... kaya okay na sa akin ang pamagat...

Pero ang galing mo talaga... mas gusto ko ito kaysa sa mga nauna mong kwento....

jons

Adlesirc's picture

aw

Jon, salamat sa appreciation. Gusto ko to isama as entry kaso hindi rin ata pasok to sa tema ng compilation natin e. ewan kung pwede.. bahala na.

 

salamat po ulet! hay....

jonsdmur's picture

pwede yan!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

yon nga lamang baka akala nila totoong buhay.. lagyan mo lang ng kathang isip lamang ito...

Maganda.. pwede na yan... sibol sa aspalto... sa tingin ko pwede na... yon ang buhay niya... kahit ganun ang pinagdaanan niya sisibol pa rin siya...

Magaling! binigla mo nga ako eh... galing mo ngayon...

jons

Adlesirc's picture

haha

yun nga e.. teka, pano kung totoong buhay talaga ito at ako ang ikinukwento ko?

 

haha joke. anu-ano mga entries mo?

jonsdmur's picture

Bravo!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Ako ang natutuwa sa mga komentong natatanggap mo... Masaya ako para sayo... Galing! Galing! Talagang laki ng improvement mo.... Writer ka na talaga!

jons

Entry ko? ewan ko ba... sana matapos... ipost ko rin yon dito... dalawa lang... ang isa di ko na ipost....

 

hello anne!

magaling! nagustuhan ko ito anne!  :)  masinop, madaling basahin, walang labis at walang kulang, no-nonsense style - na-justify mo sa iyong paglalahad yung tila ba kawalang pag-asa ng isang taong nilapastangan ng walang kalaban-laban.  naiimagine ko yung pagrerelate niya sa karanasan niya nang tulala.  ewan, basta naalala ko yung approach ni quijano de manila sa the house on zapote street - ayos! like that but not quite. basta, ok to. 

congrats! 

Ruthie

Adlesirc's picture

thanks 'te

for the warm comment. you surely made me smile =)

sana marami pa akong magawa. madami kasi akong "mga itutuloy" na kwento kaso pag may mga bagong idea, natatabunan na yung iba. puro simula lang ako, ngayon lang ata ako may natapos kasi talagang pinagpuyatan ko. hehehe

salamat ulit ng marami! =)

 

hanapin ko po yung house on zapote street para mabasa ko. 

Rom's picture

galing!

 hehe...sabi ko na nga ba oks itong gawa mo e. good! anlaki na ng improvement sa mga gawa mo sabi mo hindi ka manunulat? ayan o ito ang pruweba magaling ka magsulat.

ok sa akin ang unang bahagi na hindi na kinakailangan i suspense pa ang mga mambabasa kung ano ang mangyayari sa pagbabasa kasi marami ang naiinip kung hindi mo agad tutumbukin ang punto ng istorya iiwanan ka nila. kaya maganda ang tekinik na ginawa mo. siguro kaunting pagsasanay pa sa ganitong paggamit ng teknik at good to go na.

mas oks din siguro kung may isang segment ng mas may malalim na pag-iisa o parang self-realization at grief ang biktima. parang isang saglit ng grabeng lungkot at muntikan ng pagpapakamatay ang biktima para maramdaman ng reader ang tindi ng sinapit nya.

pero overall maganda ito ann. nagustuhan ko. babasahin ko ulit para sa dagdag na critic kung meron pa ha

salamat oks ito pang compilation. 

 

 

 

 

 

 

FWJ small

 

kislapalitaptap's picture

ate ann!

basahin ko muna.

hanggang sa muli! 

 

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

 

Adlesirc's picture

salamat kuya Rom

yung teknik na ginamit ko.. naalala ko kasi yung sabi noon ng isang speaker, na kapag 5 minutes ka nang nagsasalita sa harap ng audience at hindi mo pa rin nakukuha ang attention nila ibig sabihin hindi ka effective na speaker. so, inadopt ko lang sa pagsulat ko. alam ko kasi na magiging mahaba ang kwentong ito at maaaring mabored ang mga magbabasa kaya inilagay ko agad sa panimula yung highlights.

salamat sa appreciation kuya. natutuwa ako at nagustuhan ninyo =)

salamat din ng marami sa tips. tatandaan ko ang mga payo mo. ipapasa ko ito sa compilation kaso ie-edit ko na naman kasi lagpas 1500 words ito e. 

hanggang sa muli!

 

meanmissy's picture

hi anne!

ganda naman nito! umpisa pa lang nakuha mo na ang atensyon ko...ngayon ko nga lang nabasa ito kasi grabe dami work ngayon and pagod pag uwi sa house...sabi nga ni rom, mukhang magaganda ang malalagay sa book vol 1 e...keep up the good work!

 

teena

 

 

Business articles and financial views 

http://www.technoconvergingzone.com/

 

Adlesirc's picture

ate

salamat po sa pagbasa =)

natutuwa nga ako dahil maraming interesado at nagpupursigi talaga na makasali sa compilation natin. sana lahat tayo dito ay maging bahagi nito. =)

 

ako din lagi pagod. sobrang dami ng trabaho namin ngayon. hiring nga kami sa dept namin dahil hindi na namin kaya ang work load. hay...

good night 'te! =) thanks ulit

sinta isaac's picture

hanga ako

napaka payak ng title ng comment ko, hindi kasi ako makaisip ng tamang salita na aangkop sa iyong husay. naging hilig ko na ang pagbabasa ng mga akda dito sa FW, bilang sa daliri ang mga nabasa ko na na tinablan ako at tinaasan ako ng balahibo at pinagana ang imahinasyon ko...at ang iyong akda ang nangunguna sa short list ko,(nag uumpugan ang gawa inyo ni RJ sa taas) napaka ganda ng pagsasalarawan, kung isa kang artista at ang gawa mo ay ang iyong husay sa pag arte, maihahambing kita kay KIRSTEN DUNST. sosyal. iyong tipong, natural ang lahat, walang halong pa cute, walang halong arte, walang halong angas... iyong tipong hindi na iniisip kong mawawalan ba ng poise kapag ginawa ito o isinulat ito... napaka malaya. hangang hanga ako sa iyo.

isa kang magandang nilalang.

Adlesirc's picture

huy!

grabe ka naman.. kahit anong comment tatanggapin ko. hindi kailangan ng mahaba o maikling comment. isa lang naman ang gusto ko at iyon ay ang malaman kung may nakaka appreciate ba ng gawa ko. ay, gusto ko rin nga pala ng constructive critisicism para matutp ako. sobra naman yung papuri mo, hindi ko na yata kayang tanggapin. hehehe maraming magagaling dito at ako mismo ay may mga personal na paborito at iniidolo din. =)

salamat sa pagbasa at comment mo. sana marami pa akong magawa na magugustuhan nyo pa. kulang na kulang kasi ako sa oras.

"why are you pushing me away?" -remember that line?

 

you changed your avatar. i love wearing caps too =)

 

sinta isaac's picture

Lip service? No...

 

ganito kasi talaga ako, minsan lang kasi mangyari kaya ninamnam ko ang paghanga sa iyong kwento.

sinta isaac's picture

pahabol

subukan mong magbasa ng mga gawa ni tony perez, lalo na ang cubao pagsapit ng dilim,

kung nakamamatay lang ang pag hanga,

sagutin mo ang pang kape ko.

LOL

Adlesirc's picture

wow..

sige, salamat sa tip. isinulat ko na sa planner ko. sa totoo lang, wala akong ganong kilala or alam sa Filipino Lit. Ngayon pa lang ako nagbabasa-basa.

 

kung nakamamatay lang ang paghanga? -SUS, E DI DAPAT NAUNA NA 'KO NAMATAY DAHIL DUN SA POST MO NA TUNGKOL SA BAGUIO. LOL!

 

uy wag ka na ulit mawawala ah. nga pala, magsa-submit ka ba for compilation?

prettyfhe's picture

wow!

'lam mo ba habang binabasa ko ang gawa mo, natakot ako.. pramiz.. feeling ko ako yung nasa eksena.. buhay at totoo...

meaning maganda... kasi naipahatid mo yung kwento

 

ang negative lang sa akin.... parang natakot naman akong umuwi ng gabi! hahaha

moral lesson pa rin!

nice one! ;)

 

*by the way, i have ur cell number, remember na email mo sa akin hindi nga lang ako nakarating nung meeting*

Adlesirc's picture

hi fhe!

salamat sa pagbasa ha. salamat din at nagustuhan mo =) pero hindi ko intensyon manakot. hahaha

 

 

sana makarating ka na sa mga susunod na meeting =)

 

goodnight fhe

kislapalitaptap's picture

Ate Ann...

Ate Ann,

Sapul! Mahusay ang pagkakasulat ng kwento. Mapalad ka dahil naging mabilis ang pagtugon sayo ng katarungan.

Nais ko sanang imungkahing pamagat ito: Sisikat Pa Rin Kaya Ang Araw Sa Oktubre?

Sulat lang ng Sulat!

“Write in White Heat, Edit in Cold Blood.”

Kislap Alitaptap

29 Enero 2009

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

prettyfhe's picture

hehe

meaning epektibo ang kwento mo... ;)

para sa title.. suggestion ko.. "May anghel sa Impyerno"

wala lang.. yung "anghel" yung baby... kahit produckto siya ng impyerno gaya ng paglalarawan mo, gift from god parin ang baby.. hehehe

wala lang.... :D

weee!!!

 

 

Adlesirc's picture

uy..

salamat po sa pagbasa at sa mga suggestions for title. =)

 

thanks ulit =)

prettyfhe's picture

ahihihi

no problem... :D

Patrickman's picture

bravo!

ang galing ng pagkakagawa at malupit din ang title. napaka-vivid ng pagkakalarawan. keep up the good work! astig! :D 

 

I'd love to turn you on...

 

http://patrickman.blogdrive.com

Adlesirc's picture

uy

nabasa mo pala... salamat ha. ngayon ko lang nahalungkat ulet. hehehe

asteeg

 

Galing. a big round of applause!

Adlesirc's picture

hi!

 

salamat po sa pagbasa =)

Luca's picture

PUTANGINA!!!

 

 

 alam ko na ngayon... di na ko OP. hahahahaha...

 

ang fabulous nung last line. nakakaloka.

 

'sing sarap, 'di 'sing mahal...

Patrickman's picture

si anne pala nagsulat nito!

si anne pala nagsulat nito! naaalala ko yung title nito pero hindi yung author, hehe. but i do remember really enjoying this story nung first time na nabasa ko. and it's on my list, syempre! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

Adlesirc's picture

yeah

napansin ko ngang sinama mo to sa list mo nun =) thanks ulet!

manhater.xxiv's picture

Nice!

Ito na ang pinakamahusay na maikling kwento na nabasa ko mula nung high school pa ako.

Magaling. Wala akong masabi. :)

http://forcedengineer.wordpress.com

Patrickman's picture

mas maganda pa mga gawa ko

mas maganda pa mga gawa ko kesa dito. hehe, joke! :D

 

ibang level talaga ito. hanep sa olrayt! Ü

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

manhater.xxiv's picture

HAHA.

Sige pag nabasa ko na mga gawa mo malay mo, mag-iba comment ko. HAHA.

http://forcedengineer.wordpress.com

Adlesirc's picture

manhater

uy.. thanks sa pagbasa =)

 

Overwhelmed naman ako sa papuri mo. hehe

 

 

dugz21's picture

wow!

wow!

ang lupit ng opening

napahanga ako sa last line.

ang galing....wow!

Adlesirc's picture

dugz

maraming salamat sa oras na iginugol mo sa pagbasa nitong aking gawa <haha... trip ko magtagalog>

 

salamat ulit! =)

Pmel's picture

Hey, Adlesirc!

I am now ready to confront you, my friend! I would just like for you to know that I have never meant to hurt you or do you wrong. I was hurled in a scene that's quite dramatic and allowed myself to become your nemesis. I resent and regret having lost my good friendship with you over my anger with, well, you know who. I am not asking for forgiveness, only that you hear my words of apology. Your friendship is what I yearn for above all. 

 

 

 

I wish you a Merry Christmas and a Happy New Year! :)

 

 

Adlesirc's picture

Pmel

What happened taught us all different  lessons. I miss the talkings and short chats in fb.

 

 

Merry Christmas too.

aireen's picture

Bravo!!! Ngyon ko lang

Bravo!!!

Ngyon ko lang nabasa ito....

nagustuhan ko Anne!.. Wink

para sa maikling kwento mo...

CHEERS!!!!! Laughing