Sundalo..... Maging sino ka man

Sundalo

Hawak lagi ay baril,
pamilya ay iiwan
tindig ay tuwid
sa Bayan maninindigan.
kaligtasan ng sinilangan
laban sa kamalian.

sa dilim ay may lagim,
sa pagbilang ay may pait.
sa kasalanan ay nakapiit
ngunit sa Diyos kakapit.

Buhay laging nakasalang
sa oras ng digmaan,
saan man, alin man, maging sino ka man
na sa anumang oras
pamilya maiiwanan,

Sandata ay hindi lang Baril,
kundi  pati na din dasal
nasa bawat pagsulong ay iuusal
na sana sa pag-usad ng mga araw
ay mayron pa ding makakapag-almusal.

araw, buwan, taon , Dekada man iyong
itatagal
pangamba at takot ng pamilya laging
sa kanila ay gigimbal.

sa bawat hindi pagkakaunawaan
kapag ang muhi na ang
pinang sasangkapan.
hindi lamang mga inosente ang nadadamay
kundi pati na din ang
nakikiramay.
oh,maging sa pag damay mayroon
pa din palang kapamahakan!

sa mga laban,
Sa iyong pag-kaligtas lamang masasabi
ang pagkatagumpay
nasa pag-kampay ng mga kamay
alam mo na ikaw ay buhay.
habang iba ay nangamatay
kakampi man o kaaway
alam mo sa kanila'y
mayroon pa din dadamay.

ano ba ipinaglalaban?
laban sa kalaban?
kung ang iyong pinatatamaan
ay sariling
kababayan?

lupain man o kapangyarihan
ranggo man o sa libingan
yan lamang ang maaring
kabayaran
mula sa iyong paninilbihan.
ngunit tanging sa
taon-taon na kaarawan
na iyong kaligtasan
ang mula naman sa may gawa
ng iyong kaligtasan.

Pagpupunyagi at pagdadalamhati
dalawang mukha
dalawang partido
dalawang paniniwala at dahil doon
daan-daang buhay
ang napipinsala.

Sa iyong pagtanda, sa muling
pagtahan sa iyong tahanan
iyo ng kakalimutan ang kaguluhan
na sa haba ng panahon
sa iyo ay nangupahan.
sa pagkalubot ng mga balat
sa bawat peklat
sa bawat buhay
sa bawat nahimlay
kaaway man o kaagapay
nawa sa iyong huling
pagpikit nawa hindi
mo wala kang itinuring na kaaway

Ang buhay ng pagiging
sundalo ay tulad ng pisi
na bagamat magkakakapit
samahan ay may dulo din
ngunit kapayapaan
ay walang hangganan,
limang daan man
ang iyong katandaan
sana sa Lumikha
pa din ang iyong kahantungan
nasa muling pag silay sa
umaga ay nawa tunay na kapayapaan na.

 


aldrin t garcia's picture

...

 nung binasa ko to,

ang tapang ng persona...

is it?

 

...minsan ang panulat ay mas nakakasugat kaysa sa tabak!!!