A Superhero Coloring Book
Pinilit kong 'di ilagpas
sa guhit bawat kulay
na nagbibigay hininga
sa'yo.
Isang direksyon
lamang ng linya
ang pagkulay sa imahe
mong sasagip sa mundo
nitong libro.
Sinunod ko ang mga ito
dahil sa takot
na sa 'di mo pagiging perpekto,
'di ka tanggapin
ng mundo mo.
Sinusunod ko ang mga ito
dahil sa takot
na sa 'di nito pagiging perpekto,
'di ako tanggapin
ng mundo ko.
Naisipang isulat matapos payuhan sa pagkukulay ang nakababatang pinsan. Hindi n'ya kailangang sundin ang itinanakda ng lipunan dahil gumagawa s'ya ng sarili n'yang katotohana't mundo. Hindi ko ito naisip.
Maraming Salamat!
Ground Break,
Maraming salamat sa panahong nailaan mo sa pagbabasa sa sinulat ko. Malamang mabago pa 'yan dahil hindi ko pa na-edit ng maayos.
Maraming Salamat ulit!
Steady.
PeaceLove&RockN'Roll



me likey
i like this poem... keep up the good work!