"susi"
tangnang buhay'to...kilala niyo ba si maria?nakita ko siya nung 'sang hapon...bago ko siya makaharap...hindi pa ako isang balon...
kaarawan ko nung hunyo a'uno...a'tres ng hanapin ko siya...alas singko y media ng hapon ng makaharap ko si maria...si maria...ang susi ko sa kandado niya...
di naman ako adik..di naman ako laging bogsa...talagang malakas ang puwersa na pasayahin ang araw ng umaga....hanggang takipsilim...masilip lamang ang mukha niya...
masaya ang misteryo...ang inog ng mundo kausap ang sarili mo...sa utak at mga tanong ng mga kulisap...mga matang nakasubaybay..at malalayong pagtanaw...sino-sino kayo?
dala ko siya ngayon...nakaahon sa pagkatao ko ang pangalan niya...ang batang kinulong ng dalawang taon...sa samu't saring pag-aalala...habang kapiling ko ang mga kababayan ng isang propeta...
nandito tulad ko handang magpakabait...handang magsalita ng mga salita...handang magbigay aliw sa mga gunita...gusto niya lang namang sumigaw...nababagot sa mundo ng mga mortal...
ito ang paraan...mga letrang sumisigaw...salamat maria..
maligayang paglaya...unyo kulisap.

