t O k S i K

paul h roquia's picture
| |
ano pa't sumabay
sa hanging siberya at nanuot
pa mandin sa ngatal ng laman
ang dinededmang alaala
kung saa'y lulan ka
bagama't sa kupas na larawang
isinabit sa hanging bilanggo
nitong damdamin,
mistulang malayo't malupit
ang nakaraang tag-araw
ng ating pinagsaluhang lunggati
sa lilim ng lihis
at mapanghamong kinalalagyan!
 
heto't nanunundot ang radyo:
'andyan ka na naman , tinutukso-tukso ang aking puso'
pusong tinatakasan ng ilang pintig
habang pilit pa ring
itinataboy ang mga namuong eksenang
balot sa kalibugang pinatamis ng
pag-ibig...
sa'yo.
 
nakapagtatakang sa di mawaring dahila'y
magdamag kong sinarili ang kiliting di makanti
o maarok man lamang,
tatlo, apat, limang beses mang labasa'y
tuyo pa rin ang balon ng 
aking kahibangan na minsan ay
pinaaagos mo sa dantay pa lang ng 
matanglawin mong sinamba't tinangkang
pagkamalang banal!
 
sige na nga.  sige na.
sa huling sandali ng kahibangang ito
at sa pag-usli ng katinuang
upos lamang ako sa yosi mong
pinagtandaan,
aakayin ko saglit ang siphayo,
lulublob sa nalusaw na nakaraan
kung saan
ang ating pinaghalong tamod ang
tanging dahilan ng paulit-ulit na
pamamaalam
at nang di maparam sa bawa't
kahit, bakit at
diyos ko po...
diyos ko po???
minsan
ayoko nang maging bakla!