tadtarin-tadtarin

dyeppri's picture
|

tadtarin-tadtarin!

ihanay hiwain tadtarin katayin

linisin lutuin kainin--

ihanay na ang mga bituka at atay

 balun-balunan puso at baga

tagain mo ng kay liit at pira-piraso

at hihiwain ko na ang rekado at sangkap nito

tadtarin-tadtarin ang bawat laman

kung matigas pa ay pakuluan muna

tsaka natin kakatayin

hugasang mabuti at linisin

bago ilagay sa hurno at lutuin

upang lumabas ang tunay na sarap

sa huli ay ang pagkain dito
 
kay sarap ng magiging pagsasalo...
dyeppri

"mas may tyansa kung itatago ang baraha"


rose's picture

WOW favorite ko yan!

naku kafatid na dyippri! napakasarap ang poborito ko yan " Bopis" sa pagkakabasa ko palang eh naglalaway na ako, lalong lalo na medyo maanghang anghang ang lasa. sarap i ulam at sa mga mahilig kumampay masarap na pulutan. he he he 

Naku mukhang iba na namang kahulugan ang nasabi ko sa sinulat mo. basta lagyan mo ng sangkap na medyo manamis namis at medyo maanghang anghang para masarap namnamin..

Keep on posting mga bro's

God bless philippinesInnocent 

spike_west's picture

Hihimayin ko

Sa aking interpretasyon, ay kailangan mo munang tingnan ang maliit na detalye para makita mo ang ganda o kabuuan ng isang bagay. Kailangan mo munang makita at malasap ang bawat rekado o detalye para manamnam mo ang kabuuan nito. Kung ihahantulad ko ito sa isang TULA. Kailangan mo munang maintindihan ang bawat letra at salita ng Tula, maanalisa ng mabuti ang bawat mensahe sa bawat pararila, panungusap at saknong ng tula bago tuluyang makita at malasap ang kabuuang mensahe pinahahatid nito. Himayin ang bawat sangkap at pag-isahin hanggang makita ang tunay na sarao nito. Ang tula ay parang buhay, minsan bago natin malasap ang tamis ng tagumpay, kailangang dumaan tayo mula sa maliit hanggang sa itoy yumabong at lumago.Sa pagkabigo kailangang himayin at mainitindihan ang bawat pagkakamali para lalong malasap ang sarap ng buhay.

Maganda ang nais mong maipahatid sa mambabasa bukod sa paggawa ng BOPIS (inuman na to) at sasabihin kong ikaw ay may mata sa Tula. Alam kong malapit sa puso mo ang mga tula kaya may kakayahan kang unawain ang mga matatlinghaga at malalim na Tula. at binabati kita dito.

Magaling at Aprub!! MABROUK SADIQ

SPIKE