Tagal
Ang tagal ko na palang walang nasusulat.
Actually hindi pala. Sulat ako ng sulat. Nasa advertising kasi ako.
Sulat para bumenta. Sell-out. I sold out my talents. For commercial use only.
Malungkot. Mahirap lumangoy kalaban ang agos ng perang dumadaloy downstream, paikot, paikot-ikot hanggang sa inidoro, sa tubo, sa imburnal.
Kailangan kumita. At kapag hindi ka best-seller, ang pagsusulat ay isang pagmamahal, isang kawang-gawa, minsan perwisyo kung walang talento.
Puro plano, ang mga tauhan ng aking kwentong samu't-sari ay nababagot na sa utak ko, sawa na raw sila sa daanang retikulado, palikaw-likaw, wala namang patutunguhan, walang exit, kahit ctrl alt del wala.
Ang dami ko ng nasulat. Tungkol sa tamang paggamit ng whitening cream. Papano mapapasayaw ang mga tao sa saliw ng shampoo. Script sa isang show sa baranggay. Mga ganon. Pang Manny Villar. Pang sell-out.
Naghahanap ako ng damdamin, ng paglalagyan ng damdamin sa pagiging commercial writer ko. Pero wala sigurong puwang, at hindi compatible ang damdamin sa hanap-pera.
Minsan bumubisita ang mga tau-tauhan ng kwento ko sa aking puso. Tumatambay. Naglalabas ng sama ng loob. Bakit ko na raw sila pinabayaan. Di ko na sila binlikan. Mainam nalang raw yung di kagandahan ang pagkakasulat kesa naman maiwan at maburo sa limbo.
I have nothing to show for being a creative writer mula sa isang state university. Hindi ko ginagamit ang aking napag-aralan sa pagpapadighay ng lipunang busog sa pangako at uhaw sa katotohanan, sa pagpapautot ng kalikasang bulok at mamamatay na. Wala. Ang suma tutal, wala akong nasulat, wala akong nagawa.
Ang tagal na. Sa bawat araw may nabubulok na ideya. May nabubuong isang puno ng pag-asa, hanggang sa makita niya ang pila papalabas ng aking isip. Ang haba. Ang tagal. Walang light at the end of the tunnel.
Isang mahabang panahon lang ng paikot-ikot na paglikom at pag-gasta. Karuwagan ang pumipigil sa akin at wala ng iba. Duwag ako at takot na mawalan ng mga bagay na binebenta nila sa akin.
Pano ako susulat ng nobela kung hindi ako naka-Mac? Puro dahilan. Hindi ko kakayanin ang freelance lang. Puro takot. Baka malugi ang negosyo, baka walang bumili ng libro. Puro...
Teka. Tagal mo nang nagbabasa. Sulat na.
Tagal????
super nakakarelate ako sa gawa mo, madame narin nabulok na ideya sa utak ko na di ko alam kun panu ilabas. dahil unang-una wala akong background sa pagsusulat o edukasyon tungkol dito. Pero alam ko sa sarili ko na makakapagsulat din ang mga kamay ko na magpapasabik, magpapaluha at magpapakilig sa mga mambabasa.
@ ramtes08
sa totoo lang, nung bata-bata pa ako mas nakakasulat ako
nung nag-aral ako ng pagsusulat
nabuhay ang internal editor ko
at strikto siya
maraming ayaw, maraming bawal
maraming jargon na nalalaman
kaya ayon, iilan nalang ang salitang dumadaloy mula utak hanggang daliri
karamihan nagsikuta na sa utak ko
sayang
kaya ikaw, magsulat ka muna ng magsulat
kapag wala ka ng mapiga
saka ka mag-aral
kumbaga pa, pagkatapos mong maging writer
saka ka magpaka-editor
Mr. Mavicity
kung sakali pung may mga nagawa akong kwento, eh pede bang ikaw ang maging editor ko. Advice lang naman :D kung pwede lan naman po..
Mr. Mavicity
anung name ng company nyo sir,
Babae po ako
At least last time I looked babae pa naman ako.
Sure ako diyan dahil hindi nagpapamanyak ang mga gay friends ko sa akin.
Takot lang nila.
Tungkol naman sa pag-eedit, ok lang, masaya naman yon. I-post mo din yung gawa mo dito para maworkshop ng mga batikan.
Masarap ang pakiramdam na kinakatay ang trabaho mo, ibig sabihin binasa nila ng buo at pinagisipan. Kung "it's nice" lang ang comment, naku malamang eh hindi na umabot sa dulo ng kwento mo ang nagreview, benign na at di nakakasakit ng ego pero di rin naman nakatulong.
Kaya go, sulat at post ng post. Wag kang matakot, di ka mauubusan ng masusulat.
isang kubo sa lupang iyo



hello, buti a5t nagawi ka
hello, buti a5t nagawi ka dito sa filipinowriter, mukhang naluunod ka satrabaho, kaya hinahanaphanap mo narin ang tunay na nagpapaligaya sayo..
buliway