Tagalog
Guro ko...
huwag mo na po akong turuan,
ng ingles na wikang ayaw kong matutuhan,
ang lenguwaheng iya'y kinasusuklaman,
nitong aking dila't,mura kong isipan.
O! ang wikang iya'y gamit ng mayayaman,
ng mga palalo't,nag dudunong-dunungan.
alalaong baga'y,upang mapagsabihan,
na sila'y marurunong,at may pinag-aralan,
o! ingles na wikang kaysarap daw kung pakinggan,
a! sa aking tainga'y himig ng kataksilan.
Mula pa nu'ng pagkabata'y,tagalog ang pinanimula,
niyo'ng aking nanay,sa pagtuturo ng wika.
gamit ay ABAKADA'ng luma at sira-sira,
na siyang nag-panday sa baluktot kong dila.
sa aming kapit-bahay,na makain ma'y wala,
sa pakikipagtalastasan'y,tagalog ang s'yang salita.
sa aking kinalakhan'y,iisa ang winiwika,
at hindi nagpipilit,magsalita ng pa-isda,
na kaylaong malansa,lipas na at bilasa.
o bakit nga ba sa ngayo'y,ingles ang pinupunla?
a! iya'y maliwanag na sampal sa'king mukha.
O! aking guro,paumanhin,
kung hindi ko matanggap,
ang ingles na wika'ng hindi ko mapangarap.
sapat na ang sa amin'y,tagalog ang nalalasap;
ang wikang ginagamit naming lahat na mahirap.
kay'sa roon sa ingles,na wika ng mapag-pantas,
pikit-mata kung lumunok,balat-kayo kung gumanap.
Magalit man kayo,kung ayaw kong gamitin,
ang ingles na wika'ng,di ko man lamang masakim,
hanggang sa huling saknong,ay aking ididiin,
tagalog! ang winiwika,ng isang Pilipino'ng magaling.
Just like you Pmel... likas
Just like you Pmel... likas kang matalino para sa akin... You can speak and write both language... marunong ka pa sigurong mag japanese.... Saka magaling ka sa english kaya hanga ako sayo....
Nice day!
Hinggil sa pagtatalo-sira sa paggamit ng Filipino at Ingles
Kapatid ko -
Isang paalala:
Ang wika'y nilikha para magkatagpo ang diwa.
Huwag sisihin kung Ingles ang salita
Nilang intelektuwal at may paham sa dila.
Hindi sapat ang pagiging makabansa;
Na pakukupot ka sa iisang dila.
Hindi naman sinasabing kalimutan ang wika
Kundi ang isip, maging internasyunalista.
Dapat kang magalit sa nagsusulong
ng hegemonyang tunay na buhong.
Subalit dapat mo sanang maturol
Dapat ding makita, ang dako pa roon.
Paano kung ikaw'y mapadpad sa kanila
Na hindi alam ang kanilang wika?
Hindi mo nalalaman naipagbili ka na
Sa halagang sampu sampera!
Kaya nga, kapatid ko kunin ang habilin -
Pakamahalin ang wika natin.
Gayunman huwag pakalilimutin -
Ang nasa ibayo'y kapatid mo rin!
Ngunit kasuklaman ang mga sukaban
Na ibig patayin ang wika sa pagkasilang.
Turuan mo silang tunay na magmahal
Sa wikang sa Langit din naman sumilang, bumukal!
Isa pang habilin, kapatid ko't katoto -
Aralin din ang kasaysayan kung bakit ang dayo
Ang siyang nanaig sa bayang irog mo
at doon magsimula sa iyong pagkatuto!
Que sera, sera
Tagalog
Kung nais mo'ng ipakita
Ang pagmamahal sa ating wika
Matuto bago sumulat
ng isang tulang matapat
"A poem begins in delight and ends in wisdom." -Robert Frost
???
E, kung mayroon siyang internet, pwede naman siya magaral ng magisa tama? May dictionary online, grammar self-help, at iba pa. Kung kaya niya magsulat ng tula dito, ba't hindi? Bakit siya magagalit? At mayroon din mga instant translators online na pwede mong gamitin para maintindihan mo ang ibang lenguahe. Halimbawa, type mo yung "Babel Fish" sa search engine at makakaya mong matutu ng French o German.
May internet na tayo. Gamitin natin ito to its full potential. :/
Filipino po hindi tagalog
Filipino po ang pambansang wika natin hindi tagalog. Sa totoo lang ang pagsasalita ng ingles ay hindi indikasyon ng katalinuhan o kayamanan. Maaring sa iba OO pero hindi naman lahat. Marami sa atin naiinis sa wikang ingles, pero baka naiinsecure lang tayo kasi di natin kayang magsalita ng diretsong ingles. Wala namang akong kilalang mahusay sa ingles at filipino ang naiinis sa alin mang sa dalawang wika nabanggit. Pero merong naiinis sa Filipino na lenguwahe kasi hindi sila magaling dun, at merong naiinis sa ingles kasi hindi rin sila magaling dun.
Sa panahon na ito kailangan natin ang ingles sapagkat ito ang wika na naiintindihan ng lahat. Sa pag-aabroad kailangan natin ang wikang ingles para maintindihan ka ng ibang lahi. Ang mahalaga hindi natin nakakalimutan ang pagsasalita ng Filipino. Pag tinanong ka ng kapwa Pilipino mo sa wikang Filipino aba wag ka ng mag-ingles (kung magaling ka namang magsalita ng Filipino), dahil parang hindi akma. Sabi ni Rizal ang hindi magmahal sa sariling wika ay mabaho pa sa malansang isda. Hindi naman sinabi ni Rizal ang nagsasalita ng ibang wika ay mabaho pa sa malansang isda. Sabi lang ni Rizal ay mahalin natin ang wika natin at pagyamanin. Maging si Rizal marunong sa salitang kastila at ginagamit nya yun.
Basta Boy, pagyamanin mo na lang sa sarili mo ang wikang Filipino iyon ang mahalaga tutal kanya kanya yan, at itoy akin lang ding komento.
Ingat
Spike
likas na kahanga-hanga ang
likas na kahanga-hanga ang iyong pagmamahal sa wika. batid ko ang nais mong iparating.
ngunit ang alam ko ay wikang filipino ang pambansang wika, hindi ba?
ganun pa man, napakagandang tula. binabati kita. ^_^
ah opo,Filipino nga ang
ah opo,Filipino nga ang pambansang wika.
wla naman po akong cnabi na tagalog ang pambansang wika eh...
hehe,sabi dun "tagalog ang winiwika" .
para sa akin
Para sa akin po ang paggamit ng wikang ingles o ng kahit na anong banyagang wika ay hindi indikasyon na ipanagsasawalang bahala natin ang ating wikang filipino o kahit na ano pa man. Ito ay paraan lamang para tayo ay makasabay sa lakad ng panahon, (takbo na nga kung iisipin)ang paggamit ng wikang ingles ay kailangan ng nakakarami.
Ang wikang iyong ari
ay di mababali
sa paggamit ng ibang wika
na ngayo'y iyong nakapa.
try lang!
mart
hahaha,nagtagumpay ako.
hahaha,nagtagumpay ako.
Saan ka nagtagumpay???
Sa mga nagkomento ba? Ano ito laro?! (ka-asar?nyiks.ala red 2.)
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."
ay
yun din po ang tanong ko, tungkol saan ang tagumpay mo kung lalo naman kaming na-confuse? maganda pakinggan yung tula kasi maganda yung pagkagamit ng mga salita, simple lang yung theme nya at madaling maintindihan kahit di ako agree sa nilalaman at ipinapahayag ng iyong tula maganda sya sa pagkakagawa. pero parang ginu-goodtime mo naman kami nyan sa huling comment mo ha. sana paki-explain bakit ka nagsabi na nagtagumpay ka ha?
Sa tingin ko nagtagumpay
Sa tingin ko nagtagumpay siya kasi maraming nag-react sa tula niya.. inaasahan niya na maraming hindi sasang-ayon ihihihhihihi
Pero maganda ang tula.... ang pagkakasulat ay parang gawa ng isang tunay na makata...
"Sa tingin ko nagtagumpay
"Sa tingin ko nagtagumpay siya kasi maraming nag-react sa tula niya.. inaasahan niya na maraming hindi sasang-ayon ihihihhihihi"
Magaling...yaon nga ang aking layunin kya ko naisulat ang kathang iyan haha.
hays... gawa lang yan kamay ko,pero hindi talaga ako galit sa ingles,dahil nag iingles din ako kapag hinihingi ng pagkakataon,yun lang po,salamat.
Naku eh yun lang pala ang naisin mo sa tula mo
Akala ko pa naman ay ang pinakalayunin mo sa tula mo ay talagang maipahayag ang saloobin mo o pagtutol sa paggmit ng wikang ingles, yun pala para makakuha lang ng mga comment. Parang pakiramdam ko nauto at naloko mo ako dun ah!!
Sabihin natin nagtagumpay ka dahil nakuha mo yung gusto mong mangyari pero para sa akin nawalang saysay yung mga naikomento ko tungkol sa tula mo dahil hindi naman pala yun ang totoong layunin mo kung bakit mo isinulat ang tula mo.
Pero mabuti naman at nagtagumpay ka.
Ingat na lang tol
Spike
Un din ang nararamdaman
Un din ang nararamdaman ko... ung isinulat mo pero hindi ka naman talagang galit.. isang akda lang yan... sa madaling salita nagawa mo ung gusto mong mangyari...
Parang isang pelikula.. un bang gagawin mo ang lahat para maging magaling na kontrabida... kapag maraming nagalit sa kontrabida ibig sabihin maganda ang pagkakagawa sa karakter...
Sa tula mo nagawa mo ang ibig mo... ang layunin mo gumawa ng tula kung saan marami ang mag huhusga o mag rereact sa nilalaman ng tula... ibig sabihin maganda ang pagkakabuo mo ng tula kasi marami ang naka kuha ng attension o di sumang ayon....
hihihihi umiral lang ang aking pagiging manghuhula ko..... naramdaman ko kasi na di ka talaga totoong galit sa english
ahay,buti pa c kua Jonsdmur
ahay,buti pa c kua Jonsdmur marunong umunawa at umintindi.
tagalog
tamang pagyamanin ang ating sariling wika.
ngunit tama ring gumamit tayo ng ibang lengwahe.
tulad ng ingles na internasyonal naman ang pag gamit.
magagamit natin ito sa pakikipag komonikasyon sa ibang lahi.
hahaha tae jonas











Para sa akin huwag kalimutan
Para sa akin huwag kalimutan ang sariling wika.. pero saludo ako sa mga magagaling mag-english...
Para sa akin okay lang ang ibang wika ang gamit... advantage na rin un sa ating buhay kung marunong tayo sa english o sa ibang wika...
Likas sa mga matatalino ngayon ay marunong ng tagalog at english....