Tagapagligtas
Naramdaman niyang muli ang matigas na ari nito sa kanyang likuran. Mainit. Mahapdi. Namumuhi siya at nasusuklam dito tuwing ginagawan nito ang gayong pambababoy sa kanya. Naramdaman niyang lumatay ang dila nito sa kanyang likuran, kasabay ng pagtakip ng isang kamay nito sa kanyang bibig. Ilang beses na ba itong nangyari? Panatlo? Sinasamantala nitong walang tao sa kanila saka nito iyon gagawin. Nakahawak siya sa barandilya ng kanilang hagdanan at malumanay na isinasampay ang tuwalyang ginamit niya sa paliligo ng bigla niyang naramdaman ang presensiya nito sa kanyang likuran. Ilang taon na ba siya? Sampu? Labing - isa? May panggigigil na itinaas nito ang suot niyang bestida at padakot na sinapo ang kaniyang harapan. Walang luhang pumapatak sa kanya ngayon, pansin niya. Hindi katulad noong una at pangalawa nitong gawin iyon. Naalala pa niya kung paanong ubos lakas niyang pigilan ito kasabay ng mga masasamang salita niya rito at panaghoy. Napadiing bigla ang hawak niya sa barandilya ng kanilang hagdan ng pilitin siya nitong humarap sa kaniya. "Huwag ka ng lumaban, ilang bese na natin itong ginagawa. 'Di na "to masakit", pahingal na bulong nito. may ilang - ilang butil ng pawis mula sa kanyang noo ang mabagal na bumabaybay papunta sa gilid ng kaniyang tainga. Hindi niya alm kung paanong nagpapawis siya gayong ang kalooban niya'y naninigas sa lamig. Unti - unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa barandilya ng kainlang hagdanan. Tuminigin siya sumandali sa ibabang palapag ng kanilang kabahayan... dadating ang nanay niya at tutulungan siya nito... hindi.. tatay niya ang dadating, tapos ay magagalit ito at sa sobrang galit ay papatayin nito ang kuya niya. Inalis nito ang pagkakatakip ng kamay sa kaniyang bibig at mabilis na itinulak siya pahiga sa sahig. paharap na lumuhod ito sa kanya. Ang kanang kamay nito ay abala sa pag - alis ng panloob niya, habang ang kakiwang kamay nito ay hindi magkatuto sa paghimas sa naghuhumindig na ari nito. Anong oras na ba? Siguro'y nasa ibaba na ang ate niya at papanhik ito at tiyak na makikita nito ang ginagawang kahayupan nito sa kanya. Katulad ng nanay at tatay niya magagalit din ito. Tapos non, tulong - tulong sila sa pagapatay sa kuya niya. Wala itong inaksayang sandali at mabilis na ipinasok ang ri sapwerta niya. Mainit. Masakit. mahapdi. nadidinig niya ang mabagal na pagmumura nito. Wala siyang pakialam kung kanino nito sinasabi iyon... at wala siyang pakialam... wala... wala... wala....
Hinihingal na nagising siya mula sa nakakakilabot na panaginip niyang iyon. Labing - isang taon na ang nakakaraan ngunit higit na mas matalas ang pagyurak sa kanya ng mga gunita. Labing - isang taon ng matahimik na pakikipaglaban. Buong pag - uubaya niyang ibinigay sa panahon ang paglimot dito - sa panahong binigyan niya ng tiwala, subalit marka at sugat na hindi maghilom ang ibinalik nito sa kanya. Dahang - dahang pinikit niya ang mata. Habang muling hinihila ng antok ay nakikita niya ang masayang mangyayari bbukas... Si Aron, magkasama silang dalawa at tutulungan siya nito. ipagtatangggol... Aalagaan... bibigyan ng seguridad. Hindi nito hahayaang masaktan siyang muli... Mahal siya nito at nagtitiwala siya... Masaya siya at patuloy na magiging masaya.
Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan pagkadinig sa pangalan niyang matinis na isinisigaw ng may - ari ng bahay na inuupahan niya. Mabilis siyang bumaba at nakangiting lumabas upsng harapin ang sundo niya. Ang pinag - alayan niya ng buong pagkatao niya. Ang kulit talaga ng lalaking ito, ilang beses na niyang sinabi rito na huwag ng mag - abalang sunduin siya pero mapilit talaga ito. mahigit pitong uwan na ang relasyon nila at patuloy ang paniniwala niyang magtatagal ito. Magtatapos na'to ng abogasya at siya naman ay nasa unang taon pa lamang ng magkakilala sila ng minsang mapili siya bilang representatib sa paaralang pinapasukan niya at gayon din ito at katulad ng maraming istorya ng pag - ibig simula iyon ng pag -usbong hanggang sa lumago. Gusto niya ang buong pagkatao nito. Isang malaking kasiyahan sa kanyang pasakop dito at ang makulong sa seguridad nito. Pagkasama niya ito - wala na siyang mahihiling pa. Oo nga't isang malaking bangungot ang nakaraan niya, pero hindi na ngayon, mapapalitan na ang bangungot na iyon ng pagmamahalan nila. Kung dati'y wala siyang tagapagligtas, ngayo'y naniniwala siyang wala nang sinomang makakasakit sa kanya. may mapapagsumbungan na siya, may magtatanggol na sa kaniya sa anumang oras. Anak pa rin siya ng Diyos, naisip niya. mahalaga pa rin siya dito kahit papaano. Tinungo nila ang sasakyan nito at masayang sumakay. Sembreak kaya naisipan nitong magbakasyon at isama siya. Bago nito patakbuhin ang sasakyan ay bigla pa siyang hinalikan nito at saya siya nginitian. Hindi niya alam ang mararamdaman, madalas siyang umiiwas pagganito na ang sinaryo na gusto nitong ipadama sa kanya. kahit gusto niyang tumugon sa mga yakap at halik nito'y hindi niya magawa. Alam niya at nararamdaman niya ang pagtatampo nito pag ganoon. Gusto niyang kagalitan ang sarili kapag nangyayari ang ganoon. Gusto niyang itimo sa isip niyang hindi ito katulad noon na hindi ganoon si Aron.
Katanghalian na ng sila'y makarating sa bahay nito. Nagulat pa siya pagkakita sa mga kabarkada nito na kapwa mga nagsisilaro ng bilyar. kapagdakay nagpasensiya ito sa kanya dahil hindi nito nasabi sa kanya na kasama ang mga ito. Minabuti niya na mamahinga na lamang sa silid na ibinigay nito sa kanya. Tingin niya'y mas kailangan niya ito dahil tiyak na kukulitin siya nito mamaya para gumimik. Kung para din lamang sa kanya ay ayaw talaga niyang makihalubilo sa mga ito. Aywan niya, pero hindi maganda ang nararamdamn niya sa mga ito.
Nagising siya dahil sa maingay at nakaliliyong amoy na nararamdaman niyang inilalagay sa ilong. Nakatulog pala siya sa sobrang pagod sa byahe. Pinilit niyang buksan ang kanyang mata. Lakas - loob siyang tumayo ngunit naramdaman niya ang mabibigat na palad ng mga ito sa braso't binti niya. kahit nahihilo at nanlalabo ang paningin ay nakatimong mabuti sa isip niya ang nangyayari sa kanya ngayon. Naramdaman niya ang kamay ng mga ito na gumagapang sa bawat himaymay ng laman niya. Mayroong madiin, mayroong nananadyang manakit at mayroon din namang malumanay na akala mo bay sa gayong paghawak sa kanya ay magiging maayos ang lagay niya. Larawan sa mukha ng mga ito angkasiyahan - nakita na niya ang kasiyahang ito minsan... lamang nga lamang at mas madami ang mga ito ngayon. naramdamn niya ang pagbitiw ng mga kamay sa kanyang katawan, nakaharap sa kanya ngayon ang kanyang "Tagapagligtas", hinalikan siya nito sa noo, sa mata, sa bibig at pababa sa dibdib niya. Dama niya ang katawan nitong unti - unting dumadagan sa kanya at pahilang itinaas nito ang dalawang hita niya. Ganito din noon ang pag -inog na nangyayari sa kanya. Mabagal hanggang sa bumilis ng bumilis. Hindi na niya naiisip ang kanyang mga tagapagligtas - Sino nga ba? Mayroon ba? Unti - unting humiwalay ang mabigat na katawan nito sa kanya. At sila naman. Nag - uunahan pa ang mga ito sa pagsakay sa kanya. wala na siyang aramdaman, o mas tamang piliin na lamng niya na walang maramdaman. Ganito din noon... Ganito din noon....
Sana'y may magbigay ng kritiko. Salamat.



Abay...
Abay magdadalawang taon na ito at halos limang daan na ang bumasa ay wala man lamang sumagot sa kahilingan ng may akda na "sanay may magbigay ng kritiko!"
sayang at baka nainip na siya...---> maganda ang istorya at puno ng emosyon. Tumayo nga ang balahibo ko dahil may kakilala akong nalapastangan sa sariling pamamahay... Ayaw ko na ngang balikan ang pangyayari noong una niyang kinuwento sa akin ang pagkabata niya. 18 taon siyang ginagawan ng ganoon simula sa hindi pa niya maalala. Marahil ay sanggol pa lamang ay binaaboy na siya. Bakit kaya may ganoong mga tao?! Grabe talaga... Kapag bumabalik sa akin ang ganitong alaala ay nais ko silang durugin mula kaliit-liitang mga buto nila at ipakain sa buwaya hanggang maubos ang laman. Napakagandang pagtatangka nitong ginawa mo lalo't babae ka/ ang may akda. Ayos sa akin ito (nkikita ko lang na kulang sa pagkaareglo pero ayos talaga marahil ay sa ganda ng tema nadala!) at sanay may iba pang ganito. Thanks...Pasensya na at ngayon ko lang nabasa ito. natupad din after 2 years!
............................................................................................................
"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."