tagsibol

talulot's picture

awit ng balayong (2x)

nahimlay ako saglit sa ilalim ng iyong lilim
at sa aking pag-idlip
nalaman ko ang iyong lihim

at ang yong mga sanga'y sumasayaw
sa init ng araw
at mga talulot mo sa'yong galak sumisigaw

salamat salamat

sa puno mong perlas
sa puso ko'y ika'y hiyas
may tagsibol at may taglagas
mas mahalaga'y ang iyong bukas..

bulaklak mong anong lambing
napapawing mga suliranin
isang prinsesa, isang mutya
tunay na mamahalin

at ang yong mga sanga'y sumasayaw
sa pag-ibig
at mga talulot mo sa'yong lumilipad na sa himig

salamat salamat

sa puno mong perlas
sa puso ko'y ika'y hiyas
may tagsibol at may taglagas
mas mahalaga'y ang iyong bukas..

tono/titik/tinig: talulot

areglo ng musika: ace cruz

unang gitara: ace cruz

pangalawang gitara: mark maringit

baho: jojo datanagan

drums: alfred sabas

pangalawang tinig: melanie maringit-sabas

areglo ng boses: talulot

balayong: means Palawan cherry blossoms tree

ang istilo: pangahas lang akong hiniling kay master ace (PMel siya din ang gumawa ng sa panaginip lang) na kung pupwede pagsamahin ang rock at jazz..... ito ang resulta

para po sa inyong pakikinig: http://soundclick.com/share?songid=6597349

Please do support. we are a young group of songwriters  and musicians in Palawan who are trying to make a difference in the music scene in our province. we want palawan musicians to step up... and take risks.

we would like to develop young composers and discipline the young bands here making  their passion, professionalism and improvement in their own genre as their purpose in creating their own, not only doing covers....

 Kiss enjoy

 

 



Humahanga ako

Ito ang tunay na tunog ng sining  at pagsusulong ng Isang makabuluhang adhikain. Mabuhay ka Talulot at ang iyong musika.

talulot's picture

mabuhay fernando luna

ang ganda naman ng pangalan mo, pinagsamang alagad ng sining si amorsolo at juan.

salamat sa paniniwala, nanghihikayat pa talaga kami ng marami. para mas maging creative sila sa pagsulat...gaya ng pagsayawin nila ang mga sanga ng kanilang isip at lagyan ng musika...

tuloy ka sa aking lundayan ng diwa. malaya kang mag-iwan ng iyong marka.

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

Pmel's picture

I love this!!!!

Are you guys selling cds at all? I want a copy. T^T

This song is uplifting, for lack of a better word. I can only dream of becoming such a wonderful singer like yourself. As many of us members here would agree, your style is very unique, far from what we tend to hear from MTV. Thank you so much for coming to these parts. I'm so glad I get to hear such great music.

talulot's picture

salamat Pmel

 

im glad it did uplift you PMel. i hope you're alright now. 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

daimustlive's picture

mahusay kapatid! *bow*  ang

mahusay kapatid! *bow*

 ang ganda ng boses mo. neatly done.

drums: ayos, medyo may part lang na parang nabibitin o nasosobrahan sa palo o naiiwan, di ko sure, pero magaling. 

guitars.- inlove ako sa lead.  superb!!! neat.neat.neat.

bass- jazz na jazz..  napapasayaw ako.

 ganda ng blending ng boses nyo ng backup.

parang old mojofly.  

galing,  jazz/rock style!!! 

 

looking forward to more music from you guys! mabuhay! ^^ 

talulot's picture

salamat ha.

ako din daimustlive-- in love sa lead guitar hehehe

siya din ang arranger.

at tama ka, mjo nag-alangan ang drummer hehehe

salamat.

 

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

daimustlive's picture

i forgot! the message.. is

i forgot! the message.. is love!!!!

talulot's picture

  sa lahat ikaw lang ang

 

sa lahat ikaw lang ang nakabasa ng underneath message nito..

hindi lang ito tungkol sa balayong heheheh

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

daimustlive's picture

hehe.. no prob. ganda talaga

hehe.. no prob. ganda talaga ng song, and the rhythm. medyo konting ayos pa talaga yung drums, kase ilang beses ko sya pinakinggan, parang something's not right. then inisa-isa ko, drums, lead, bass, and drums, madalas nahihiwalay yung tunog ng drums lalo na sa  chorus part, syncopated pa naman.

 

don't get me wrong,  di ako music critic and super konti lang din and alam ko  sa music, try to ask or consult a music pro. i just love this song.

 

 more music please. ^^ thanks! 

talulot's picture

yup!!

don't worry alam din iyan ng mixe ko,  di na kasi namin ma-aregluhan hehehe next ime if i'll record the song again ehehe..

oo napansin ko din iyan, actually ang bass at ang bass drum ang di magsabay... hehehehe.

na-check mo na ba ang site ko sa soundclick?

try mo din ang ibang gawa ni master ace

soundclic.com/iloveyouruby

at soundclick.com/pusakal99

 

enjoy!!!

 

 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

Ang ganda Idol...

Ang ganda Idol... napakinggan ko na rin ang ibang kanta tulad ng pampang at kung maari lang...

Nag enjoy talaga ako... Smile

Jonsdmur

talulot's picture

ang pampang.

uy narinig mo na ang pampang? paborito ko iyan.. sarap iperform hehe. lam mo ba na dahil sa kantang iyan (nabansagan akong rakista heheh), natupad ang pangarap ko dito sa palawan, na mapabilang sa mga hilera ng songwriting champions ( ang mga nakalaban ko dyan eh mga idol ko noon pa pagdating sa songwriting, mga batikan dito, tipong di pa ako pinapanganak sila na iyon may pangalan na) at ang maisama ang gawa ko sa isang album. hehe kahit commemorative lang. nagbunga din kapangahasan ko hehehe.

para iyan sa aking ama... at sa opisinang aking pinapasukan. 

"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."

jonsdmur's picture

wow ang galing naman...

wow ang galing naman... maganda ung pampang... isa un sa gusto ko.. una sa lahat ung tugon... maganda ang pampang sarap pakinggan...

Ipagpatuloy ang pagbigay ng aliw.. sa pamamagitan ng iyong musika...

Salamat... jonsdmur

PS.. parang gusto kong gawing mp3 ang kanta at ilagay sa aking cp.... Smile