tagulaylay
"nag-iisa sa gitna ng parang
wala na ngang singkaw
papalubog na ang araw
nag-iisa ang kalabaw"
(heber bartolome, tagulaylay)
kahulugan
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
ang sabi ang Tagulaylay ay malalim na salita para sa panaghoy o pangungulila.
dun sa kanta ni heber, dama mo ang tagulaylay ng magsasakang nag-iisa....
ok
Yun pala yun ano akala ko parang may nakalaylay, baglaylay or something madami na palang salitang filipino na hindi pamilyar sa ngayon siguro dapat talaga ay madami pa ang sumulat sa filipino para ma-educate naman ang mga katulad ko na sa TV natutuhang kopyahin at bigkasin ng unang salita.
tama ka dyan marga
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
malalim na tagalog kasi ito eh. akala ko dati bisaya kaya napunta sa filipino language. natutunan ko lang din sya sa awit ni heber.. nung binigkas ko ito dito sa opisina, nagsipagtawanan sila di nila alam katumbas pala nito ay luha.
sana makapaglimbag na muli ang mga eksperto sa filipino ng mga salitang nakakalimutan na (dati sa skul meron)... kahit pa sabihing baduy o di na bagay. mahalaga pa ring malaman iyon ng iba...
nabasa ko na ba to
nabasa ko na ba to somewhere?
"hinahangin ang talulot na
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
kay heber po yan ha.. hindi po sa akin.
aha! di ko kilala si heber,
aha! di ko kilala si heber, o baka di ko matandaan pero sigurado ako nabasa ko na to somewhere, baka sa libro nung elementary o highschool. magandang tagulaylay ito! salamat sa pagpapaalala..
FYI
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
kahilera niya sina florante (Handog), coritha (lolo jose), sampaguita(Tao), asin (masdan ang kapaligiran)
siya ang orihinal na kumanta ng "Tayo'y mga Pinoy (hindi mga kano wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango)" iyong nirap ni Francis M.
hehehe. wala pa kasi tayo nun sa mundo. sila ang mga musikerong may saysay ang mga inaawit at totoong kayamanan ng ating lahi.



?
Anong ibig sabihin ng tagulaylay?