TAKAS

CLOSET WRITER's picture

"masama ang panaginip ng mga taong nalulungkot."   -Rene Villanueva
   

     Kung may isa akong panaginip na nagsusumiksik sa pinakasulok-sulukang bahagi ng aking utak na kahit pa siguro lamunin ito ng matinding kaso ng Alzheimers disease...yon ay ang isang panaginip na parating umaangkin sa aking mahimbing na pagtulog noon. Nasa elementarya pa lang ako nang paulit-ulit ko itong nakakaulayaw sa gabi.
   
     Nagsisimula ang panaginip ko na tinatanaw ko ang aking sarili. Nakagayak ako ng matingkad na kulay pulang t-shirt. Ang totoo, hindi ko talaga sigurado kung may kulay nga ba iyong panaginip ko o panaginip lang din na akala ko may kulay ito.  Matuwid akong nakatayo sa silid ng aking mga magulang na nasa ikalawang palapag ng aming bahay. Mula doon sa bintana, nakadungaw ako sa ibaba, sa tapat ng hardin ng aming bakuran. Una kong sinusuyod ng pansin ang mga mayayabong na kulay berdeng mga halaman na nangingintab ang mga dahon sa tama ng sinag ng araw. Kasunod kong susuriin ang mga naggagandahang ibat-ibang uri ng mga namumukadkad na bulaklak. May mga malalapad na gumamelang pusyaw ang pagkapula, may dilaw, may puti. May apat na kulay ang matinik na bougainvillea. Purong puti ang mahalimuyak na rosal, palumpon ng mga dwarf santan at mga aristokratang orkidyas. Para ko ring nararamdaman ang pag-ugoy sa kanila ng malamyos na ihip ng hangin.

     Patuloy na lilibutin ng aking paningin ang kabuuan ng aming halamanan. Kapagdaka'y mapapatuon ang aking pansin sa kaisa-isang may di kalakihan at may katamtamang taas na puno ng bayabas na naroroon. Sa hindi ko mawaring dahilan, bigla akong mahihintakutan. Maliksi akong papanaog ng hagdan at lalabas sa likod ng bahay at tatalilis palayo. Tatalon ako sa aming bakod. Gagapang sa isang katabing bakanteng lote upang matakpan ako ng malalagong damong ligaw sa pangamba na baka akoy matanaw. Madadaanan ko ang isang paaralang malapit sa amin. Susuot ako sa matalas na talahiban. Tatawid sa maputik na palayan hanggang sa malalagpasan ko ang dalawang karatig bayan, na kung tutuusin, sa sobrang layo, hindi ko ito kayang takbuhin lamang.

     Walang humpay akong tatakbo hanggang sa datnan ako ng pagtatakip-silim. Aabutin ako ng matinding pagod. Titigil ako at hihingalin. Sa aking pagtigil, doon ko mapapansin na nakadapa ako't nakasiksik sa isang masukal, makitid at maputik na kanal na may kung ilang dipa lamang ang layo sa aming bahay. Hindi ko iyon ipagtataka. Ni hindi ko iisipin kung bakit hindi ako nakalayo sa kabila ng haba ng aking itinakbo. Ang alam ko, naroroon ako upang maikubli ang aking sarili sa isang bagay na hindi ko mawari. At sa puntong iyon ako maaalimpungatan na nanggigitata sa sarili kong pawis. Babangon akong uhaw na uhaw na para bang tumakbo nga talaga ako.

     Ganon lang ang aking panaginip. Kung tutuusin, wala naman talagang nakakatakot doon. Hindi ko nga malagyan ng mukha o maturol kung ano ang nakita ko at kumaripas ako ng ganon kalayo at parang nakaka-gagong hindi rin naman pala ako nakalayo. Ang ikinababagabag ng isip ko noon ay kung bakit paulit-ulit ko itong napapanaginipan ng sunod-sunod na gabi. Recurring dreams. Ganon at ganon, walang labis-walang kulang, walang pinag-iba. Para lang akong nanood ng isang pelikulang naka-repeat mode hanggang sa masaulado ko ang bawat detalye nito.

     Natigil ang pagbisita sa akin ng bangungot na yon nang nasa hayskul na ako. Ang umpisa nang mga panahong humuhubog na ako nang aking sariling buhay at bumubuo nang aking sariling pagkatao. Ganon pa man, madalas ko pa ring naaalala ang mga pangyayaring iyon sa loob ng aking panaginip. Na syang pilit ko namang binibigyang kahulugan at madalas, pilit kong hinahanapan ng kaugnayan sa aking buhay. Wala rin namang naitulong ang binili kong libro na "the meaning of your dreams". 

     Mas pinaniwalaan ko na lang ang mga ekspertong nagdudunong-dunungan. Sila na nagsasabing ang panaginip raw ay supling lamang ng ating malikot na imahinasyon bago maidlip. O ng sobrang  pagod o labis na pag-iisip o lakbay-diwa. Na itoy walang anumang kaugnayan sa gising na katotohanan. O wala nga kaya?

     Kagabi, makalipas ang humigit-kumulang na dalawang dekada, kung kailan halos hindi ko na ito binigyan ng pansin, muling nakipagniig sa akin ang matandang panaginip. Ganon na ganon pa rin. Walang labis-walang kulang. Walang pinag-iba. Balisa, bumangon ako't kumuha ng isang basong malamig na tubig upang maibsan ang parang nauuhaw na pakiramdam. Nang sumayad ang tubig sa aking labi, nabatid kong sa isip ko lang ako nauuhaw. Hindi ko na rin mahagilap ang antok dahil nagsimula nang magpakalohikal ang aking isipan. Pilit umapuhap ng kahulugan. Nang kasagutan...

     Nang kaugnayan. Dahil sa nakikita ko doon sa panaginip ang sarili ko sa itaas na nakadungaw sa may bintana, mangyaring ako nga rin ang nakatayo doon sa ilalim ng puno ng bayabas. At maaaring kaya hindi ko makita ang aking tinatakasan dahil ang tinatakasan ko ay walang iba kundi ang aking sarili mismo?

      Ang panaginip ko kayang iyon ay nagsilbing isang matalinhagang metaporya o pangitain sa kung anong magaganap sa aking hinaharap. O nagsimula nang maganap noon pa man ng hindi ko namamalayan. At ang muling pagsulpot ng naturang panaginip ay para muling ipaalala sa akin na tanawin ang sarili.  Kung pakasusuriing maigi, ang mga imaheng naroroon ay syang isinapamumuhay ko ngayon.

     OO nga naman...buong buhay ko, batid kong wala akong ginawa kundi ang TUMAKBO: palayo sa nakakatakot na mga multong ako rin ang may buo. MAGTAGO: sa madilim na bahagi ng aking pagkatao at masadlak sa masukal kong mundo. At TUMAKAS: sa mga kahinaan ko.

     Ngayon ko lubusang napagtanto...buong buhay ko, ginugol ko sa pagtakas mula sa pagkakabilanggo ko sa malungkot na selda ng aking sarili. Dahilan kung bakit hindi ako makalayo-layo. At tulad sa aking pabalik-balik na bangungot noon nagagawa ko na ang tumakbo palayo at pansamantalang nakakatakas kung gugustuhin ko. Hinihintay ko na lang kung kailan ako manlupaypay sa pagod at hingalin. Hapuin at magising. At babangon upang harapin at tanggapin na kahit anong iwas at pagpapakalayo ang aking gawin, babagsak at babalik pa rin ako sa kung saan ako nanggaling.   
 

     Kamatayan lang ang kapayapaan. Kamatayan din ang kalayaan mula sa katotohanang hindi ko kayang takasan.

 

 


hi

ako, at ito'y ako lamang naman, naniniwala na ang tao e makakatakas lang pag sinurrender nya lahat ng siya sa diyos.

ewan, kasi may parang personality disorder din ako e. kaya siguro naging bakla ako. kasi andami kong fears. tapos yung fears doesnt make me healthy kasi puro ako tago ng feelings. andami-dami kong defense mechanisms.wala akong makitang good sa kapwa ko, puro ako hatred. puro ako nakatingin sa pangit ng iba. lagi kong sinisisi yung paligid ko. gusto kong tumakas at pumunta sa place na sana hindi ko kinalalagyan ngayon.

lahat ng bagay ina-argue ko. feeling ko andami kong alam na hindi alam ng normal lang na tao. i don't even believe in god that time.

hanggang sa may nagsabi sa'kin. "Pagod ka na, lahat ng problema mo na yan i-surender mo kay God. Lahat ng hindi mo kaya", and that is my ate.

siya din, before, napakmiserable ng buhay niya.

 

alam ko wala akong right na magsalita para sa kung anong gagawin mo sa buahy mo. im saying this, kasi nakikita ko yung sarli ko before takbo din ako ng takbo.

 

hindi ako naniniwalang sa kamatayan lang matatagpuan ang kalayaan. kasi sa totoo lang, andami-daming magagandang pangyayari sa buahy ng tao habang nabubuhay siya.

i pray, na sana makalaya ka na sa kung anumang mga bagabag na meron dyan ngayon sa'yo..

CLOSET WRITER's picture

thoughts to ponder.

lahat naman tayo dysfunctional, regardless kung straight ka or gay. at lahat tayo, bilang tao, dumadaan sa panahon na hindi mo maintindihan kung ano ba ang buhay. kung bakit ganito ang buhay. kung bakit pa tayo nabubuhay.

marami kase akong nagawang pagkakamali na habang buhay kong dadalhin. mga pagkakamaling kahit sa sarili ko hindi ko kayang aminin. mga pagkakamaling mapatawad man ng dyos ay hindi ko maaring kalimutan kailanman. mga pagkakamaling sa kamatayan ko lang matatakasan.

mapalad ka at maaga mong natagpuan ang dyos. lahat ng bagay ngyayari sa tamang panahon. in god's time i'll be free.

salamat sa yong mabuting salita. salamat din sa prayer mo.

have a safe day :)

Lyds78's picture

alam kong hindi madali...

pero nakaka-relate ako sa sinasabi mo na marami tayong gustong takasan at takbuhan.  Pero pansin mo bang pag nagpapaka-nega tayo, lalong dumidilim ang mundo?

Pessimist din ako, since birth, hehe.  Kaya dinapuan tuloy ako ng depression pero dahil sa sakit na ito, na-realize ko na andaming nagmamahal at sumusuporta sa akin kahit ano pa ako.  Siyempre laging kulang ang pagtingin natin sa ating mga sarili pero kung magiging bahagi tayo ng mas malaking kabuuan, magiging kumpleto tayo, nag-uumapaw pa nga. :)

ayoko sanang gamitin ang quote na ito kasi nakikita ko siya sa mga ads pero ito ang mantra ko kapag nahaharap ako sa mga bagay na gusto kong atrasan o takbuhan.

"Face your fears, live your dreams"

Nasa atin ang susi ng ating paglaya.

CLOSET WRITER's picture

but...

but i am my own fear. and my own worst enemy too. i know, it will take a lot of self acceptance before i can achieve that elusive peace and freedom.

salamat sa pagbahagi ng inspirasyon. it helps knowing na may mga taong nakakarelate sa aking mga sentimyento. Dahil sa mga sinasabi nyo, nakikitaan ko ng hope ang aking sitwasyon.

"There is a gravity within that continually weighs on us and pulls us away from the light. Negativity is an addiction to the bleak shadow that lingers around every human form…"


Free Myspace Generators

Lyds78's picture

mahirap talaga kalaban ang sarili

pero useless na labanan mo ang sarili mo kasi iyun ka nga, you can only change so much.  May nakapagsabi din sa akin noon na "Acceptance is key".  Bago ka tanggapin ng ibang tao kelangang matanggap mo muna kung ano ka at kung ano pa ang kaya mong gawin sa buhay mo.

hindi kita sinesermunan kasi wala naman akong karapatang gawin iyon.  Gusto ko lang ibahagi sa iyo ang mga naging struggles ko noon sa sarili at kung paano ko siya patuloy na iniigpawan.  Life is a struggle pero its worth it in the long run.  

Salamat sa reply at sana'y mahanap mo na ang susi sa iyong paglaya.  Di man tayo magkakilala sa personal, gusto kitang tulungan, hehe, pasensya na senti talaga ako.:)

CLOSET WRITER's picture

(No subject)

we dont need to know each other personally, the fact na nagre-reach out ka at nagbabahagi ng iyong karanasan ay isang napakalaking tulong na. i really apreciate it when a total stranger listen to other peoples trouble. you are so sweet :)

i dont usually admit this but i never liked myself. kaya as ive always thought, theres hope in death. i wanted to be another person thats totally not me.

for me, life is just an illusion. pakiramdam ko, im wearing a mask with a fake smile all my life. but somehow, im getting used to all these madness.

crazy. but such life.

salamat lyds for sharing ur kindness.

Lyds78's picture

hehe, it's my job...

masarap makinig sa mga kwento ng ibang tao kasi lumalawak ang mundo mo, nakakaalis ka sa kahon na pinaglalagyan mo simula pa noong bata.

Lumaki akong nakakahon kaya ayokong mamatay na nakakahon pa rin.  First step, love yourself para makita mo kung anong magagawa mo.  Nobody's perfect pero I'm sure may mga talent ka at kakayahang makakatulong sa iba.  Kelangan mo lang mag-reach out.  Find a cause na pwede mong i-devote ang energies mo.  No one is a hopeless case, lahat tayo may purpose, dapat lang nating tuklasin kung ano ito.

Life may not be a bed of roses but you could always stop and smell the flowers, hehe...

CLOSET WRITER's picture

what job?

your job? u made me wonder. psychologist ka ba? masarap talaga pumasok sa kwento ng ibang tao. parang andami mo na ring kilala. mga imaginary friends hahaha.

i'm perfect. perfectly imperfect. un nga matagal ko ng hinahanap, ung purpose ko sa buhay. kailangan ba laging dakila ung purpose o purpose ding matatawag ung nagbabahagi ka ng kasamaan sa ibang tao? see im not making sense anymore.

Lyds78's picture

hinde a, pasyente, hehe

seriously, kailangang kilalanin mo lang kung ano ka, ano bang gusto mo sa buhay, anong gusto mong marating...imposible namang wala, di ba?

nasabi kong job ko ang pakikinig sa iba kasi kahit naman may depression ako, alam kong may maitutulong pa rin ako sa ibang tao.  Parang therapy ko na rin, pero di kita tinuturing na pasyente, ha?  tinuturing kitang friend kasi nakaka-relate ako sa mga angas mo kaya gusto kitang tulungan.  Mahirap talagang malunod sa mga hinanakit at sama ng loob, mahirap umahon.

wala akong pinipiling tulungan basta may maitutulong ako kasi dun ko nakikita na kahit imperfect ako, may nagagawa ako para sa iba.  Sabi nga ang isang ngit, kahit gaano pa ka-imperfect, ngiti pa rin - nakakapagpagaan ng loob ng reciever at giver.

Oi, hindi ako anghel ha, may pangil din ako pero pinipili ko kung sino ang kakagatin ko, hehe...

Basta, naniniwala ako sa iyo, kaya mo iyan :)

 

CLOSET WRITER's picture

thanks

pareho pala tayong pasyente, para tayong nasa ward ng mental hospital na nag-uusap :)

you have a very noble intention. and u helped me a lot already dahil nakakapagreflect ako sa mga sinasabi mo. despite the fact that ur also going through a lot of dificulties in life.

salamat. i found another friend in you.

Lyds78's picture

we are ninoy...

basta isipin mo lang hindi ka nag-iisa.  Sa ganito kalupit na mundo maraming tulad natin na nagsisikap na i-reconcile ang sarili sa mga nagaganap sa paligid natin.  Huwag lang susuko...kaya natin ito, wala namang problemang walang solusyon, kailangan lang sikapin nating hanapin ang solusyong iyon.

sinu-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayong mga pasyente, hehe...

smile, maganda pa ang buhay kahit pangit ang mga nangyayari sa paligid natin, wag mawawalan ng pag-asa.

Gud lak! :)

CLOSET WRITER's picture

salamat ninoy...

:) salamat uli. alam ko maganda pa ang mundo dahil s mga katulad mo na walang pasubali na tumulong sa kapwa.

ingat lagi. regards kay cory nyehehe...

pls keep in touch :)

Lyds78's picture

before I go...

baka kasi matagal na naman bago ako makadalaw sa site na ito.  Rock en roll ka ba?  Eto ang isang kanta ng "The Jerks", para ito sa mga taong tulad natin, naghahanap ng magagawa sa buhay, harhar!

RAGE

Children begging on the streets at night

Knocking on cars till the morning light

People standing in line for a kilo of rice

Welcome to the dark ages, the era of lies

Dreams and vision of progress gone mad

Mendiola's still drenched with innocent blood

Demolition men rumbles through Smokey Mountain homes

Darkness indeed, justice dressed in gloom

CHORUS:

But I'll go not gently into the night

Rage, against the dying of the light

Sing a song about this terrible sight

Rage, until the lightning strikes

Go not gently(3x)

and rage with me!

 

And the names and the faces of tyrants change

But poverty, pin and murder remains

And the voices of truth are locked up in chains

Darkness remains, freedom in flames

(Repeat Chorus)

 

- halaw ito sa tula ni Bob Dylan na "Do not go gently into the good night", gusto ko siya kasi nagsasabi siya na marami pang kelangang baguhin sa mundong ito kaya kailangang magtulong-tulong tayo.  Naghahanap ka ng noteworthy na cause, di ba? Hehe

Ito na lang muna, pakabait ka...

 

CLOSET WRITER's picture

WAG MATAGAL....

wag ka mawala ng matagal baka ma miss ka ng FW. hayaan mo, lagi ko iisipin yang mga words of advices mo. iisipin ko lang. i dont know the jerks have this song. pero si bob dylan favorite ko. blowing in the wind, the best.

ingat ka na lang. saan ka man paroroon at ano man ang iyong adhikain sa buhay.

subukan ko kung kakayanin ko magpakabait ha?

:)

Yiennarda's picture

I’m wishing for a swift

I’m wishing for a swift and quick escape

Now, now, I want that now…!

Not in dreams, not to hallucinate

Only 2 weeks, that’s what I vow

 

Hoping that upon my return

I’d stop running from my darkness

I’d stop being cold & grim

I’d stop being stupid & dim

 

I’d stop frowning, fretting, complaining

… crawling, creeping, crying

… and so on and so forth

 

       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

CLOSET WRITER's picture

you made me think...

is this another product of chardonnay last night? then u are making a lot more sense when ur drunk,hahaha.

really, this made me think and i feel guilty for complaining despite all the fun that i have in life.

thanks yien. for listening.

Yiennarda's picture

       Yeah you

       Yeah you should feel guilty... 

        and next time, wag kang mang-iinggit!

        and about chardonnay -

        sshhhh...  wag kang maingay...

 

later, brother!

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Yiennarda's picture

  

  

CLOSET WRITER's picture

(No subject)