Takot ka ba sa dilim?

kwekwento's picture
| |
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Kung takot ka, mas takot ako!

Nung bata pa ako, kapag nagbrown-out, lahat na ng klase ng multo,aswang at mga nakakatakot na nilalang ay nai-imagine ko sa dilim. Nawawala ako sa sarili, labasan lahat ng luha ko lalo na ang uhog sa sobrang takot. Ngawa ako ng ngawa kahit katabi ko pa ang nanay ko na nagsasabing "Anak, wala kang katabing pugot na bangkay diyan sa kanan mo kaya tumahan ka na..."
     Lumaki akong apple of the eye ng mga tiyuhin at tiyahin ko pagdating sa takutan. Kaya ang resulta paglaki ko, takuchi pa rin ako sa mumu hanggang ngayon kahit nasa edad na ako para magmacho dancer. E nakakatakot e! lalo na kapag mag-isa ako sa kwarto at nanonood ng cartoons. Kahit anong paglilibang na ang gawin ko, sumasalungat pa rin ang imagination ko sa pagpigil ko sa kanya na wag mag-imagine ng white lady, black lady o neon blue lady. Basta may lady ayoko! Tang-ina nauso pa kasi yang sadako na yan e! Kung di lang siya mumu ginahasa ko na yang beyotch na yan! Nauso pa kasi yang mga japanese o korean na horror movies, kaya lalo pang lumala phobia ko pagdating diyan.

Minsan isang araw, hindi ko alam kung ano pumasok sa kokote ko at naisipan kong pumunta sa Quiapo para bumili ng anting-anting o mga pangontra sa mga 'lady pakshit' na yan, kaya naglibot-libot ako sa mga agimat stands malapit sa simbahan. Ayos ang dami---ang dami nilang pakulo! Tumitingin pa lang ako hindi na sila magkandaugaga sa pagyaya at pag-salestalk sa akin. Keso yung bato daw ni Salome pangontra sa masamang espiritu, masamang engkanto, masamang amoy. Tapos yung daw Libag ni Hundra pampaailis daw ng malas sa bahay, pampaalis din daw ng swerte, basta sabihin lang ang magic words na "Umalis ka na lucky shooo!"

     Meron pa nga Pustiso ni Mang Berto, itatapat lang raw sa sinag ng araw ng tatlong oras. Pagkatapos nun ay isusubo mo (eew!) at may sasabihin ding magic words na "Tumayo ang testigo kay susan tayo!" Pangontra daw yun sa rabies ng aswang. Ayos ah, kung makontra man yung rabies ng aswang, mabuhay ka pa kaya matapos ka nitong lapain?
     Meron din Hanger ni Pasing, hindi ko alam kung nanggagago na lang yung isang tindero. "Hanger?" parang ninakaw lang sa kapit-bahay tapos kinulayan at nilagyan lang ng disenyo para magmukhang mystical. Ginagamit daw yun para hindi maligaw sa pupuntahan, isabit lang daw sa likod ng damit.
     At eto pa nakakawindang, yung isang binatilyo naman inalok ako ng hawak niyang bagay, nacurious ako. Sabi niya ang tawag daw dito ay: Etits ni Petro. Inulit ko pa sa kanya, "Etits? as in pututoy?" Oo daw yun nga, seryoso pa ang binatilo sa pagde-demonstrate sa akin ng sinasabing 'Etits' ni Petro kung ano ang bisa nito. Hindi ko maalala kung anong nasabi ko sa kanya pagkatapos kong malaman kung para saan ang hugis longganisang agimat na yon. Basta ang naalala ko lang kung paano siya lumandi at magladlad habang sinasabi niya ito:
     "Kuya...gamitin mo to kontra gerlaloong tikbalang..."

     PUTA KA!
     Ayun naalala ko na sinabi ko sa kanya! Ang alam ko may ginawa pa ako sa baklang binata na yon e. Ah! pinakain ko siya ng longganisa, tama yun nga.


S
a paglilibot ko sa paligid ng Quiapo, sari-sari ang na-encounter kong nag-alok sa akin ng mga charms, amulet, at kung ano-anong bato na halatang napulot lang sa palawan at binigyan ng nickname. Shit! Akala ko pinakamalala na yung Etits ni Petro. Meron pa pala, at hindi remedyo sa mga supernatural at mga engkanto. May aleng nag-alok sa akin ng I-pud shuffle.(hindi typo error yan) Yun ang tawag ng ale sa hawak niyang Ipod na grabe sa pudpod ng itsura. Kaya raw ito nagkaganoon dahil marami na raw itong napagdaanan. Ang unang pudpod nito ay nangyari nung nasagasaan ng kotse ang unang may-ari nito. Sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos, sumapi daw ang kaluluwa nung nasagasaan sa hawak nitong Ipod shuffle. (wow kala niya...hindi ako maniniwala) Ako naman tong si gago, libang na libang sa story telling ng ale. At sabi pa niya, ayon sa adik na witness, bobo daw kasi yung babaeng nasagasaan. Binusinahan na siya ng kotse pero hindi niya narinig dahil naka-earphone ito. Kaya yun sinagasaan na ng tuluyan nung driver, ayaw tumabi e.
Take note: base ito sa kwento ng adik na naka-witness kaya malamang, factual yun.

Hanggang sa nagpasalin-salin ang nasabing Ipod sa kamay ng ibat-ibang tao. Lahat sila patay na. Pero coincidence lang daw yon sabi ng ale dahil ang totoo suwerte daw ang Ipod na iyon.

Mga benefits na matatamo mula sa Ipud sabi ng aleng kamukha ni Jimmy Santos:

1. 300 pesos lang ito.

2. Kapag ginamit mo daw ito, hindi na kailangan i-charge dahil hindi nalo-lowbat.

3. Kapag pinakinggan mo ang 'the cursed song' doon kung saan nagsasalita ang babaeng nasagasaan. Hindi mo na kailangan ng shabu o katol para ma-high at makarating ng heaven. Cool!

4. Kapag pinindot mo ang next, magpe-play ang next song.

5. Ang next song ay kanta ni Souljaboy.

6. Ang memory nito ay 13 Gigabytes.

7. May libre ng headset.

8. May libre pang kiss kay Aleng Jimmy.

     Bibilin ko na sana yung astig na Ipod pero nung marinig ko yung no. 8, yung tinda na lang niyang bananacue ang binili ko. Binayad ko ang 200 na buo at sabi ko keep the change na lang. (Para hindi masayang yung kwento niya.) At umalis na ako sa lugar na yon dahil tumayo balahibo ko sa no. 8. Hindi dahil sa kwento niya.

Pagkauwi ko sa bahay, siyempre may nabili rin ako. Tamang-tama pangontra sa pinaka-kinatatakutan ko. Ang DILIM.

50 pesos lang ang flashlight, wala pang libreng kiss!
kwekwento

 <('(..)')>   -aling jimmy


Ailem23's picture

hehehe...

ang imagination mo lang ang tumatakot sa iyo. maswerte kayong hindi bukas ang third eye (katulad ko! huhu!) dahil pwede nyong pakiusapan ang imagination nyo na wag na kayong takutin...

para makaiwas matakot sa multo:

1. isipin mong kamukha ni pokwang si sadako.

2. o isipin mong ang 'lady' na nakikita mo ay exotic dancer. o acrobat performer kung un ang type mo.

3. wag manood ng horror.

4. wag magpaiwang nag-iisa. kumaladkad ka ng kasama lagi kahit sa CR. ("Pare, samahan mo naman akong mag-CR!" nyahaha)

5. pray ka na lang dude!

may experiences din ako sa multo.. kung gusto mo basahin, hanapin mo na lang ung blog ko... WaaaH Multo!

 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

kwekwento's picture

whoa hehe

 

asteg, gsto rin magkaroon ng third eye e

 

dati yung ka-office ko na, uhm, deds na ngaun e may third eye. sabi niya  sakin nung huli kami nagkita, mag-resign na daw ako sa firm namin kasi may spirit na laging bumubuntot sakin sa office, kaso hindi daw makalabas yung spirit sa building kaya di nia ako kaya sundan sa bahay. ang disturbing pa, yung spirit daw e laging dinidilaan yung kilay ko.

simula nun nagresign nako. tapos nabalitaan ko deds na ung officemate ko na may thirdeye na nagwarn skn. 

 

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Ailem23's picture

hehe.

 nagpasara na ako ng third eye last 2007. pero ngayon feeling ko nabubuksan ulit kaya sorry na lang sa akin.. hindi na siya masasarhan pa... haa.. wag mo na pangarapin ang third eye kapatid at pagsisisihan mo talaga yan.. haha... 

*****

"I don't need someone who makes my heart whole. Instead, i need someone who will never let me feel broken."

nasan.sy.has's picture

Hey

 

I have a third eye too, wat a coincdnce. Im used to see 'them' since i was i child. They aren't harmful anyway. ^^ 

 

 

 

Reading is my pleasure, writing is my frustration.. :(

jonsdmur's picture

talaga!

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

minsan nangarap akong magkaroon ng third eye... pero feeling ko meron ako kung masusubok ko lang.. malakas kasi pakiramdam ko....

 

kwekwento's picture

Yayks

 

mukhang lahat po kayo d2 sa FW e may sixth sense.

 

gsto ko rin talaga, naghahanap nga ako kung saan may nagbubukas ng third eye. Parang ang astig kasi e.

 

 

nabasa nio na po ba tong nobela ko? http://www.filipinowriter.com/kanta pakicomment nmn po para matuloy ko na. tnx

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

jonsdmur's picture

si Melay

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

marunong magbukas un... hindi lang siya nobelista.. taga bukas din ng 3rd eye.. hmm tama ba? sabi ko nga sa kanya noon buksan niya 3rd eye ko.... siguro sa kwento ko na lang gagawin un.... kaso common na ung 3rd eye sa mga horror stories....

sulat pa!

jons 

kwekwento's picture

There's something bothering me.

sabi ng mga nakakasalamuha kong may sixth sense (mostly mga artists) lapitin daw ako ng mga espiritu.

sabi naman ng mga nakakakita, mga pure black na entity ang madalas kumapit sakin. 

 

sabi naman nung albularyo dati samin nung bata pa'ko, (namaga kasi ang magkabilang kilay ko) may kaibigan raw akong itim na diwata. pero hindi ko nakikita. nakakausap ko lang raw sa panaginip.

kaya gusto ko mabuksan 3rd eye ko para matuklasan ko ang mga kasagutan ukol dito.

 

 

sir josdmur,  eto po yung link nung revision nung nabasa nyong luma kaya may mga mali>>>>

http://filipinowriter.com/kanta-nobelang-postmodern
pakisabi namn po ung mga lines na mali pa rin. salamat.

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

kwekwento's picture

haha

fiction lng naman to sinulat ko, actualy di naman aku takot sa mumu. Nag-aabang nga ako ng maligno sa bintana kapag nakaupo ako sa bowl. haha

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

kwekwento's picture

pabor nmn

mis melay, marunong ka raw magbukas ng 3rd eye, kung ok lng pabukas naman nung akin plss.... para makita ko yung black spirit na suitor ko.   

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Joven's picture

ahahaha

haha grabe sumakit tagiliran ko dito ah

 

lalo na dito... <('(..)')>

haha

laftrip lol

 

 

"sagrado ang mga sulatin"

kwekwento's picture

Hehe

punta ka quiapo me gamot sa sakit sa tagiliran dun. haha

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Rom's picture

.

 nagpunta ka pa ng Quipo e sana flashlight na lang binili mo pangontra sa dilim o para makamura ka kandila pwede na--ingat lang sa sunog, mas nakakatakot yun.

 

KarikaTuura

kwekwento's picture

Hehe

 Napadaan lang ako sa Quiapo nun. saka ko lang naisip bumili ng flashlight lol

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

nasan.sy.has's picture

lol

funny, i want 2 go 2 quiapo too. ^^  

 

 

 

Reading is my pleasure, writing is my frustration.. :(

kwekwento's picture

lolz

 

 

then go with me, i wil tour u der jus lyk having a date. haha

 

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Luca's picture

ayus

ang swabe mo tsong...

hahaha. gaya ng iyong malufet na pickup line above, naswabe-han din ako sa sinulat mong comedy.

gujab! 

wag kang pipikit...

kwekwento's picture

haha

 

tnx po, ang chix kasi ni nasan.sy.has e. kamuka nia yung solm8 ko sa panaginip. lol

 

nabasa nio na po ba tong nobela ko? http://www.filipinowriter.com/kanta paki comment nman po para ma2loy ko na. sana maswabehan din kayo hehe.

salamats 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

nasan.sy.has's picture

Naughty

 

if you can get me hir in states... ^^

 

 

 

Reading is my pleasure, writing is my frustration.. :(

jonsdmur's picture

Minsan na rin ako

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

umikot sa Quiapo para maghanap ng anting-anting pero di ako nakakabili.... pero meron akong Hubad na Sto. Nino... 

Mahilig din ako sa horror.. sa mga aswang, sa multo... gusto ko nga makakita... gusto ko maranasan ung may habulan, sigawan, at minsan ung konting patayan heheheeh... 

Nagsusulat nga ako ngayon ng horror... balik horror story ulit ako...

Welcome sa site...

JOnsdmur

kwekwento's picture

Horror

madalas po ako nung college days sa quiapo, bumibili ng anting-anting para gawing burloloy. nahawa kasi ako sa friend kong weird pero out of this world ang katalinuhan.

 

actually nung 1st year ako, ang unang nobelang ginawa ko ay horror. Hndi ko categorize kung fiction yun o true to life. About sa bloody incident sa campus ko na later on e may mga nangyayari ng kababalaghan.

 

hindi nga po ako nakpagpakilala d2 sa FW e, sna mgtgal aq d2 at mkpgcontrbute p ng mga storya ko.

thanks.  

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

kwekwento's picture

Horror

madalas po ako nung college days sa quiapo, bumibili ng anting-anting para gawing burloloy. nahawa kasi ako sa friend kong weird pero out of this world ang katalinuhan.

 

actually nung 1st year ako, ang unang nobelang ginawa ko ay horror. Hndi ko macategorize kung fiction yun o true to life. About sa bloody incident sa campus ko na later on e may mga nangyayari ng kababalaghan.

 

hindi nga po ako nakpagpakilala d2 sa FW e, sna mgtgal aq d2 at mkpgcontrbute p ng mga storya ko.

thanks.  

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

sobrang naaliw ako sa

sobrang naaliw ako sa kwentong ito, hehe. isa sa mga the best nakakatawang istoryang nabasa ko dito sa FW. at dahil diyan nasa listahan ko na ang kwentong ito, yey!

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

hehe

salamat mr. patrickman!

sana magustuhan niyo pa ang ibang istorya na ipopost ko soon!

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Patrickman's picture

try ko basahin yung iba mo

try ko basahin yung iba mo pang mga gawa. sana you'd do the same to my works, hehe.

 

aabangan ko yung mga iba mo pang gawa.

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

Yeh

nabasa ko na yung mga best works mo haha, nakakatawa na may lesson. hindi lang nakakapagcomment kasi ang dami na, popular pa.

 

medyo matatagalan muna iba post ko, abala kasi ako na entry sa palanca :) badtrip nga di ako nakaabot sa NCCA

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

Pahiram po

nakaktatawa at nakakatuwa naman po tong gawa mo. hihiramin ko lang po tong gawa mo para pang project namin  sa skul. hnd ko nmn po papalitan ung pangalan ng my akda. hehe. :D

 

nga pla. ung numbering mo sa benefits sa pag bili ng I-Pud mdyo may mali. :D

Patrickman's picture

while you're waiting for

while you're waiting for kwek's permission, please provide him the following:

Your full name

school

name of subject teacher

contact number

contact number of school

email address

 

para iwas plagiarism. 

 

suggestion lang naman, hehe. :D 

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

kwekwento's picture

salamat mr. pat!

ok lang skn may magplagiarize

feeling ko mas astig kapag may nagnanakaw ng gawa ko e haha

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

kwekwento's picture

haha oo nga mali

naku pasensya kung ngayon ko lang napansin. ayos lang hiramin mo haha. pang academe na pala to

 

 

 

 

Ang Pagbabasa ay Pag-intindi, hindi Pambabatikos

edenadeguia's picture

takot din ako sa dilim..

napatawa mo ko dito.. ang galing ng panulat mo. hahaha.

sa tingin ko mas nakakatakot kung flashlight ang gagamitin mo. dapat daw lagi kang may color red para matakot yung mga mumu sayo. sabi ng friend ko.. :D

new haircut's picture

mumu??

 

 uso pa bang mumu ngeun?? ahehe .. bat d niu try magtawg ng estpiritu?? haha

 

 --hopeless romatic