Tama na! Sobra na!
Pinakawalan ang pumatay kay Maureen Hultman
Clemency para sa pumatay kay Conchise at Beebom
Hindi maipakulong si Daniel Smith
Pinakawalan pa ang mga pumatay kay Ninoy
Bakubako ang mga kalsada
Kulang ang mga public school teacher at classroom
Mahirap asahan ang mga pulis
Pero makakaasa ka na may lulubog na ferry uli
Kurakot sa BIR
Kurakot sa Bureau of Customs
Kurakot sa DPWH
Kurakot sa Malacañan
Naglalayasan na ang mga Pilipino
Parang tumatalon mula sa isang barkong lumulubog
At para namang may kulang pa
Namatay pa si Francis Magalona!
Ano ba iyan?!
Kalokohan na ang ating bansa
Am I right, Mr. Chip Tsao?
Hindi ko alam minsan
kung sino ang mas nakakaawa
Ang mga nasa abroad ba
O ang mga naiwan
Published on La Nueva Liga Filipina
www.lanuevaligafilipina.wordpress.com
April 5, 2009
Antipolo, Philippines
Freelance journalist and writer. Former Manila Chronicle correspondent, former ABS-CBN news editor, former Philippine Star editor.
Hey there
Hi. Thank you very much for your compliment. I really appreciate it because it's the first poem that I've ever put out in public like this. I don't consider myself a poetry writer naman kasi. I only wrote this one because my sanity couldn't take the anger anymore. Cheers.
Sincerely,
Norm
"Hindi ko alam
"Hindi ko alam minsan
kung sino ang mas nakakaawa
Ang mga nasa abroad ba
O ang mga naiwan"
kapatid na norman,
sabi nila mas kawawa daw ang naiwan kasi iniwanan. pero sa tingin ko hindi. mas kawawa ang umalis kasi pinaalis.
ang iniwan, may hinihintay lagi o may dumadating lagi buwan buwan (sa western union). samantalang ang umalis/sapilitang pinaalis o umalis, nag-iisa at buwan buwan ay nabubuwang este nawawalan.
ganun pa man, parehas lang, umalis o naiwan, sabi nga ni kislap ay mga biktima lang ng %$#@&+!.
tungkol sa mga kuwento ng sapilitang umalis/pinaalis ay pakipasyal na lang sa:
http://www.filipinowriter.com/resisyon-sa-dubai
http://www.filipinowriter.com/bagyong-alikabok
http://www.filipinowriter.com/ang-pag-iyak-ng-puwet
- amos 
A poet must also learn how to lead an attact
- Ho Chi Mi
ang pag-alis ay kasing hirap rin ng maiwan...
ang pag-alis ay kasing hirap rin ng maiwanan. ang masaklap doon ay maraming nakakaalala sa umalis, ngunit sino at iilan lamang ang nakakaalala sa naiwan?
trivia: 1. alam ba
trivia:
1. alam ba ninyong mula sa pagkagising hanggang sa pagtulog ay inaalala lagi ng mga pinaalis ang mga naiwan. ang mga naiwan kasi ang dahilan kung bakit nasa malayo itong mga pinaalis o sapilitang umalis.
2. alam ba ninyong ang pakiramdam ng mga pinaalis o sapilitang umalis ay sa tuwing araw ng katapusan lang ng buwan o araw lang ng sahod sila naaalala ng mga naiwan. ang madalas na text nga ng mga naiwan ay: nkpgpdla knb? txt bk asap.
A poet must also learn how to lead an attact
- Ho Chi Mi
tama kau G.
tama kau G. amos...
naalala ko tuloy ang kaibigan ko....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
...
mas tama si kislap. parehong kawawa ang kalagayan ng mga ofw at pamilyang naiwan nila dito. huwag nating kakalimutan na marami ang lumalabas ng bansa dahil sa pangangailangan, dahil walang makitang trabaho dito, dahil sa pag-aakalang sa ibang bansa matatagpuan ang pag-angat sa kahirapan. at marami sa mga ito ang nabibiktima, nauuwi sa prostitusyon, o hindi na nga nakakaalis ng bansa at natangay na ang pera. pero kahit ang maituturing na nakakuha ng ligal na trabaho ay grabe pa rin ang pagsasamantala sa kanila. dahil sa mas mababang pagtingin sa mga pinoy, mas mababa ang ibinibigay na sahod o sweldo. habang ang pamilya naman ay walang ibang magawa kundi ang umasa dahil wala naman silang ibang magagawa dito sa bansa. kaya nga umalis ang isang kapamilya nila ay dahil wala na silang pag-asa dito. hindi naman nila kaya ang ipadala ang lahat ng pwede sa pamilya nila para magtrabaho. karamihan naman ng ofw ay mula sa mahihirap, na nagsasanla pa ng mga ari-arian para lang makabiyahe.
kaya sa kabuuan, biktima ang buong pamilya ng sistema.
*****
kaugnay ng mga pinapalayang kriminal, may isinulat ngayon si neal cruz na Why Arroyo is freeing criminals. ang isang hinala ko dito, pinapalaya niya ang mga kriminal para sa senaryo na wala na siya sa pwesto, meron siyang pwedeng tawagin at tipunin para sa kanyang suporta, kapag hulihin na siya at litisin sa kanyang mga kaso. Ika nga "Criminals of the world (o kahit sa Pilipinas lang) unite, we have nothing to lose but our cuffs, and the whole world to steal."





...
Norman,
ayos, panalo yung pagkakabuo ng tula. may mga sulat din ako na naisulat sa ganitong balangkas. mula sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa.
sabi mo..
Hindi ko alam minsan
kung sino ang mas nakakaawa
Ang mga nasa abroad ba
O ang mga naiwan.
ang sagot ko.
pareho silang kawawa. lahat sila ay biktima ng sistemang panlipunan, na itinuturing na kalakal ang lakas paggawa.
dahil kung mayroon lang sanang pambansang industriyalisasyon sa bansa,
di na kailangan pa na mangibang bansa ang marami at iwan ang kanilang mga pamilya.
eto pala yung ila sa tula ko na may ganyang tema...
http://www.filipinowriter.com/balita-ng-hinagpis-ii
http://www.filipinowriter.com/balita-ng-hinagpis
hanggang sa muli!
---ang tamaan: SAPUL!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
www.upalphasigma.org