Paraan ng Paglilinis ng Inodoro

aireen's picture
|

Naging sanhi siya ng kasiyahan.
Nailabas na rin hinaing at pagsintang-
Matagal rin namang-
Pilit pinipigilan.

Ngunit sa bandang huli
Nagapi pa rin ng bugso ng damdamin
At ngayon
Linisin ng walang pag-aatubili.

Buhusan ng isang baldeng tubig.
Marahan-
Hayaang tangayin ang saya at sakit
ng tubig ang mga pagsinta.

Pagkatapos–
Lagyan ng muriatic acid-
Babaran ito hanggang sa kasuluksulakang parte ng kabuuan nito.
Upang matunaw ang mga bahaging-
Naging saksi sa ating mga pangako.

Patakan ng lysol.
Gumamit ng escoba.
Kuskusing mabuti-
Marahan ngunit mariin.
Hanggang sa lamunin ng mga bula ang dumi ng ating lihim na pagsinta.
Tiyaking walang bahid na maiiwan-
Na sanhi ng ating mga kasinungalingan.

Buhusan ng tubig.
Marahan.
Upang di matalsikan ng pangungulila-
At panghihinayang.

Ngayo’y–

Nalalanghap na bango ng kalinisan
Sana’y maabot ng kalinisang ito ang aking konsiyensiya.
Upang maaari na akong makapagpatuloy,
At di na muling lumingon pa.

‘Di nga lang nalinis
Hanggang sa kaibuturan
‘Di abot ng escobang ginamit nang kinuskusan.
Sana’y walang makakita–

aireen

” sa paglikha nito, naging inspirasyon ang  “Ang Pag-ibig Alinsunod Sa Pakete ng Tide Ultra” ni Gilbert M. Sape

 


i believe that's 'inidoro'.

i believe that's 'inidoro'. :)

aireen's picture

Salamat eksenadoratheex

Salamat eksenadoratheex ...(haist! ang hirap ng name mo.. hehehe)

cge po palitan ko... :)

 

cheers!

aireen

Hehe... Salamat sa pilyong tula!

Nung bata ako, pag

inuutusan kaming

maglinis sa bahay,

pinipili ko ang banyo. 

Ayoko sa kusina 

Ayoko sa sala

Ayoko sa veranda

Sa banyo ako'y nauuna

Masarap kasing maglaro

Ng tubig at bula

At magkunwaring papalaot na

Ang aking bangka.

Basahin ko nga yung gawa ni G. Gilbert M. Sape, at baka makasulat din ako ng gaya sa tula mo, hehe.

 

Ruthie

Junimun norul saranghe... ^ . ^*

http://atmaramipangiba.wordpress.com

http://courtofreverie.wordpress.com

aireen's picture

Basahin mo rin ate Ruth!

Basahin mo rin ate Ruth!

tiyak yan makakasulat ka rin ng ganitong tema... Laughing

Buti ka pa puede kang pumili ng gagawin sa gawaing bahay, kasi ako pagpupunas ng bintana ang nakaatang talaga sa akin.

Salamat po sa pagdaan!

cheers!

aireen

jonsdmur's picture

okay ang tula mo....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

nagustuhan ko... sa tingin ko din parang inidoro dapat... idol na idol mo talaga ang tide ultra ah.. di ba ikaw nag post nun dito dati....

salamat sa iyong tula.... nag enjoy akong basahin ito.....

jons

aireen's picture

hahahaha.. inidoro ba? cge

hahahaha.. inidoro ba?

cge palitan ko salamat...

oo ako nga ang nag-post nun.. ganda kasi eh...

thanks jon!

 

cheers!

aireen

jonsdmur's picture

mali rin pala....

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

Inodoro pala at ayon un kay Ms. Rhea hihihihihih ako kasi Inidoro nakasanayan ko...

Galing ng tula... galing mo.... bilib na me sayo

jons

Ang tula mo parang ka level na niya ang tide ultra..... happy ako sayo....

aireen's picture

ako din nalito me sa

ako din nalito sa anidoro?inidoro? inodoro? hehehe

Mabuti na lng at nandiyan si Ms. Rhea.. para itama ang mga pagkakamali... :)

Naku Jon! iba pa rin ang dating ng Tide Ultra noh.... syempre yun pa rin ang orihinal.Laughing

 

Salamat!

 

cheers!

aireen

 

Rhea Stone's picture

!

Ate Aireen,

Hindi na tayo nagkakatagpo sa Facebook...

Inodoro nga po ang tama: http://www.tagalog-dictionary.com/cgi-bin/search.pl?s=inodoro\

Ate,

Ilan lamang po ang mga ito na pwedeng ilakip ninyo sa inyong tula:

Naging sanhi siya ng kasiyahan.
Sa kanya nailabas ang hinaing at pagsintang-
Matagal rin namang-
Pilit na pinipigilan.

 

Ngunit sa bandang huli
Nagapi pa rin ng bugso ng damdamin
At ngayon nababahiran na ng dumi
Kaya’t linisin ito nang walang pag-aatubili.

 

Ibuhos ang isang baldeng tubig.
Marahan-
Hayaang tangayin ng tubig

ang saya at sakit na dinulot ng pagsinta.

 

Pagkatapos–
Lagyan ng muriatic acid-
Ibabad dito hanggang umabot sa gilid-gilid.
Nang matunaw ang mga bahaging-
Naging saksi sa ating lihim na pag-ibig.

 

Patakan ng lysol.
Gumamit ng escoba.
Kuskusing mabuti-
Marahan ngunit mariin.
Hanggang sa lamunin ng mga bula ang dumi ng itinagong pagsinta.
Tiyaking walang bahid na maiiwan-
Na sanhi ng ating mga kasinungalingan.

 

Buhusan ng tubig.
Marahan.
Upang di magtalsikan ang pangungulila-
At panghihinayang.

 

Ngayo’y–

 

Nalalanghap na ang bango ng kalinisan
Sana’y maabot ng kalinisang ito ang aking konsiyensiya.
Upang maaari na akong makapagpatuloy,
At di na muling lumingon pa.

 

‘Di nga lang nalinis
Hanggang sa kaibuturan
‘Di abot ng escobang ginamit nang kinuskusan.
Sana’y walang makakita sa mga naiwang karumihan

aireen's picture

:)

Astig! mS. Rhea..

Maganda ang mga naidagdag mo.. :)

kunsensiya? konsiyensiya? hehehehe baguhin ko na lang... Laughing

anidoro? inidoro?inodoro?aahhhh nlito ako..hehehe

Nasa facebook ako parati.. cge minsan online ako para makapag-chikahan tau ulit... Laughing

Salamat po ng marami.... Kiss

cheers!

aireen

CLOSET WRITER's picture

this is brilliant

kasing ganda rin ng "ang pag ibig alinsunod sa pakete ng tide ultra". sana mainspire din ako at makagawa ng ganitong klaseng tula.

nakakaaliw kc isipin na habang binabasa mo ang tula, there's something romantic and painful at the same time, but never kadiri. naoovercome ng emotion ung gross factor.

hat's off!

aireen's picture

wow!napangiti naman ako sa

wow!napangiti naman ako sa komento mo closet writer.. Laughing

salamat po...

cheers!

aireen