Tamod

|

Minulat ko ang mga mata nang mabigat pa sa mabigat. Malamig ang paligid, at ang tunog ng pumupugak-pugak na aircon ay nagmistulang huni ng ibon na dumuduyan sakin, nang-aakit na matulog muli. Madilim ang kwarto, itim lang ang makikita. Nagsasayaw ang mga paru-paro, diwata, at engkanto kasabay ng The Entertainer sa utak kong puno parin ng kulay. Nagtalukbong ako't ibinaon ang aking ulo sa malambot na mga unang naghihintay.

Pero ako'y na-mindfuck. Ang lalaking nag-aabot sakin ng tulog ay mukhang di na darating ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng hanging humahalik sa aking katawan at kalambutan ng kamang sumasalo sa akin ay hindi makawala ang aking kaisipan sa mga traysikel at truck na nagbubusinahan sa labas.

Tumayo ako't pinatay ang naghihingalong aircon. Nagpasalamat siya't ibinigay sakin ang natitira niyang hininga. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa banyo para mag toothbrush.

Habang nilalagay ko ang toothpaste sa toothbrush, nagliliwaliw ang mga halos-totoong panaginip sa puting tiles. Naglalakad ang lalaki at binibigyan ako ng jam. Kinakausap ako ng isang kaibigan tungkol sa paglipad ng mga anghel sa kalawakan. Inisis ko ng mabuti ang ngipin ko at bibig na puno ng panis na laway.

 

Naglakad ako pa-labas at walang tao. Inay? Itay? Bunso? Sabi ko sa utak ko.

Biglang tumawag ang nanay ko. Ito ang sinabi niya:

"Anak, umalis ka na diyan at may magfufumigate. Malalason ka." sabay baba ng telepono.


"nagfufumigate"

"nagfufumigate"

di ko gets

di ko gets

Patrickman's picture

baka he means na may

baka he means na may nag-fufumigate, as in present tense, at mas naaayon sa context ng istorya mo kasi it seems na kasalukyan nang naha-high yung tauhan sa kwento, hehe.

anyway, natawa ako sa ending, parang sobrang seryoso ng umpisa tapos biglang twist sa dulo but you did it well, as usual.

 

keep it up! :D

 

I'd love to turn you on...

Videoke the Radio Star

haha, true to life story

haha, true to life story yan. di niya alam na nagfufumigate na

honestly, gusto ko yung

honestly, gusto ko yung istorya..tapos yung ikli nya, fit lang don sa mga readers na gaya ko na padaan daan lang sa site at walang masyadong oras para magbasa...yung parang gusto mo isang click lang, instant,naganapan ka na ng istorya... kesa yung mga ibang pagkahaba-haba, two paragraphs pa lang bumibitaw ka na..

yun e ako lang naman.. pero nung umpisa nito, im like ."... ..... ....."

tapos nung kumagat na yung linya ng nanay, im like "!!!! !!!" like it!

Anong nagustuhan mo? Dun sa

Anong nagustuhan mo? Dun sa mismong laman

honest?

nagustuhan ko? ahm... yung last part syempre.. actually fan ako ng mga ganitong story.. i mean, yung me twist, maliit man o malaki, fan ako ng mga twists... kasi ako mismo twisted... harhar... yung honest? yung idea lang ng twist ang gusto ko.

pero naapreciate ko yung pagkakalitrato ng mga scene.. pumupugak na aircon, busina ng mga sasakyan... mga yon.. mahinahon, pero merong panic na nagaganap na hindi mo malaman kung totoo o imahinasyon...hanggang sa totoo pala... tapos naiwan sya sa eksena, tska yung reader nya, na parehong me pagkabigla... 

haba ng sinabi ko... haha

I jUsT Don'T GeT It!

dIrTy LaNguAge, fOuL WorDs... OmIGoSh! WHatTa cRap!

ThIs iS JuSt a WaSTe oF tImE!

burst unto the heaven with my personal being

bawal mag-comment dito ang

bawal mag-comment dito ang bobo at naka-sticky caps

grrr,,

 hillygirl,,

have your own emotions,

and stop your pretentions! 

 

ei hillygirl,

i mean hellgirl!

ei hillygirl,

i mean, sillygirl!  Tongue out

 

 

 

sticky caps

HAHAHAHA

galatea hopkirk's picture

 ganda! may mga nakatagong

 ganda! may mga nakatagong mensahe. =)

"Malalason ka."

ang ganda nito. may ibang dating sa akin.

sulat ka pa.

ngiti lang.

PS. sino si hillygirl? hindi natin siya kabati kasi naka-sTiCkY cApS siya. haha. =))

 -Galatea Artemis

"An eye for an eye makes the whole world blind..."

-Mahatma Gandhi

HAhaha...

Nice nito, maikling kwento na nakakaaliw.

Sana makulong rin si, engkkKK.. sa kwartong pinu-fumigate  para...engkkkKK!!!! Don't say bad words Tongue out

Kasi sa tingin ko kailangan n'ya na nito para matuwid yong baluktot n'yang pag ta-type.

hahaha anong dating?

hahaha anong dating? at ano yung nakita mong mensahe?

journeyman's picture

Malalim...

 

Masarap magbasa ng ganitong mga kuwento... maikli lang pero ginagawang mag-isip ng mga makakabasa. Ito yung tipo na pagkatapos ng mga ilang oras saka lang magsi-sink in sa readers (na gaya ko) kung ano ba yung nais ipahiwatig ng kuwento... saka pa lang niya maa-appreciate.

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

Anong interpretasyon mo sa

Anong interpretasyon mo sa akda?

journeyman's picture

  Ang kuwento mo ba ay may

 

Ang kuwento mo ba ay may kinalaman sa spermicides?

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

Pwede kung yun ang

Pwede kung yun ang interpretasyon mo.

sinta isaac's picture

....

...

Panalo ka talagang magsulat kahit kailan, wala sa haba at iksi ang ikagaganda ng isang istorya, gusto ko iyong mga ganitong istilo, parang walang patutunguhan ngunit mayroon, parang panaginip ngunit totoo.

...Ya soshla s uma...                                                                   

Hindi ko ninais magsinungaling, nakatuwaan ko lang sumulat ng piksyon sa pahina ng aking bibig

thhhhhhhhhhhhhhanks

thhhhhhhhhhhhhhanks

j luna's picture

Yo Gi!

Buo pa ba ang banda mo? Tugtog kayo sa anivs ng store sa 27. Punta ka ha. 7pm hanggang umaga. Chibog at inuman.

Onga pala, dito ako sa store nakatira ngayon, dalaw ka naman minsan.

Gi, dehins na kailangan ng symbolic interpretation ang flash fic na ganito. Yung importante ay nahuli mo yung spur of the moment.

At yung role ng reader ay bigyan ng interpretation hindi ang symbols, pero yung what leads to what.

Yun ang pinaka-importante at challenge ng flash fic e, yung kung pano ikakahon sa istorya ang isang fragment ng istorya, kung saan ang reader ang magde-define ng cause at effect shit at kung anu-ano pa.

Buti nga sayo may plot pa at kaunting hint kung pano ito nangyari, yung ibang flash fic writer talagang walang climax at walang building up ng events.

Prof mo ba si Vlad ngayon? Pakikumusta nalang ako.

Yo Steve Vai! Don't forget the anivs ng store ha!

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Hindi ba kayo nag-uusap usap

Hindi ba kayo nag-uusap usap dyan? Hahahaha.