Tanaga ni Reya

Rhea Stone's picture
| |

 

 

 

 

 

 

 

 

Tanaga

 

 

(Tanaga para kay Reya)

Kay tahimik ng gabi,

Ang isang binibini

ay sumubok humabi

letra sa tabi-tabi:

 

(Tanaga na nagbibigay aral)

Mag-ipon sa'yong gusi

Nang ika'y may mahasi.

Pagdating ng tagbisi*

ay 'di ka magsisisi.

 

*tagbisi - tagtuyot

 

 

(Tanaga tungkol sa pananampalataya)

Ang taong bukas-palad

Ay madaling umunlad

Kamay ay nakalahad

Sa biyaya N'yang gawad.

 

 

(Tanaga tungkol sa kalikasan)

Sa tikatik na ambon

Umaawit ang dahon,

Sumisilong ang ibon,

Sumasayaw ang alon.

 

 

(Tanaga tungkol sa bayan)

'Pag palasyo'y pinasok

Ng buwayang niluklok

Sistema'y mabubulok

Baya'y maghihimutok.

 

 

reya piedra

 

Mga tanagang hinabi kagabi.


Amos Tarana's picture

napakalalim ng iyong

napakalalim ng iyong pagninilay.

ang tanaga mo tungkol sa bayan ay magandang paalala para sa sambayanan bilang paghahanda sa 2010 election.

lalo na't ang dalawang nangunguna sa survey sa pagkapangulo ay ang kasalukuyang bise presidente (na kailanman ay hindi nanindigan laban sa korupsyon) at ang kasalukyang mayor ng makati na naniniwalang siya raw ang obama ng pilipinas.

salamat sa pagbabahagi at mabuhay ka!

- amos Cool

 

----------------  

“Never doubt that a small group of thoughtful committed citizens can change the world.

Indeed it is the only thing that ever has.” 
                                        

Rhea Stone's picture

!

 

 

Sagot na tanaga para sa komento ni Ginoong Amos:

 

 

Paano na ang bayan

Kung ating hahayaan

Magkaron'g katungkulan

Ang dalawang kawatan?

 

 

http://reyastone.blogspot.com/

marco liwanag's picture

(Tanaga tungkol sa

(Tanaga tungkol sa bayan)

'Pag palasyo'y pinasok

Ng buwayang niluklok

Sistema'y mabubulok

Baya'y maghihimutok.

-----------------------------------

Ngunit ang pinakahigit na nakakahambal
kung ang palasyo'y napuno ng demonyong kawatan
ay naku! bakit nga ba? simulan mo ng umusal
baka itong langit maglawit ng kaligtasan

meme na lang kabayan magkakamuta pa tau

Rhea Stone's picture

!

 

Makatang Marco,

 

Bubuo muna ako ng tanaga para sagutin ang tulang kinomento mo...

 

Sandali lang po...

 

Salamat nga pala sa tula!

 

http://reyastone.blogspot.com/

Rhea Stone's picture

!

 

 

Sagot na tanaga para sa komento ni Ginoong Marco:

 

 

Palasyo'y gawing rehas

Ng demonyong pangahas

Nang 'di na makalabas

Ang taglay nilang malas.

 

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

 

marco liwanag's picture

galeng ng princesa ng lupa(bato)

napuspos na nga ng sangkaterbang maligno

palasyong dapat sana'y sa atin namumuno

at sa kanilang katakawan ay di na magkandatuto

napunong lubos na ng lisya buo nilang pagkatao

 

e ano kung hindi sila mabuti kung maminuno

ang mahalaga'y lumagay tayo sa wasto katoto

gawin ang mabuti't nararapat pilipino

balang araw magigising kang kaliwanaga'y matatamo!

 

 

--tara!tigil na nating magturo-turuan sa mantsang nasa puting mantel kaibigan

 

pumapalakpak ako sa husay ng iyong kataga

 

 

 

 

Rhea Stone's picture

!

 

 

 

Sagot na Tanaga para sa tula ni Ginoong Marco:

 

 

Ano nga bang gagawin?

Kung hindi ang pudpurin

Tuhod sa panalangin

Nawa sila’y pawiin.

 

 

Tanaga para kay Ginoong Marco Liwanag:

 

 

Hay, naku! Kelan nga ba?

Liwanag ay makita?

Marco, ika’y lampara

Ngayo’y umilaw ka na!

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

 

Rhea Stone's picture

!

 

Karagdagan:

 

Ang taong nagpapagal

Ay magiging maringal.

Ngunit batugang hangal,

Gutom sayo'y daratal.

 

 

Ang lumpeng mamamayan

Damo sa kabukiran.

Igagatong sa kalan,

Walang silbi sa bayan.

 

 

Ang panig ng daigdig

Na 'yong kinakaniig

S'ya mong magiging tinig

Himig na maririnig.

 

 

Pasensya na, walang magawa...

 

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

 

 

maaari na ba?

(tanaga sa tanong ko kay ms reya) 

 

ang tanong ko ay dito

pala ang kasagutan

paano humabi ng

tanaga, nasilayan.

 

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Rhea Stone's picture

!

 

Hi, Sani!

 

Dito ko po nailagay kung paano sumulat ng tanaga:

 

http://www.filipinowriter.com/tanaga-ulang-tikatik

 

Si Kislap ang nagbigay sa akin ng ideya kung paano sumulat ng tanaga. Sabi kasi niya kung kaya ko daw sumulat ng haiku, dapat ay marunong din ako sumulat ng tanaga - kayamanan ng ating panitikan. Kaya patuloy pa natin itong pagyamanin!

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

kislapalitaptap's picture

...

Sani Orange,

Tanaga- ito ang pinakaninuno ng panulaan sa ating bansa. ito ay sagisag ng ating pagiging Pilipino.  nito ay sariling atin, kaya nararapat lamang na ating paunlarin at pagyamanin.

simple lang bumuo nito.

ito ay may 

Apat na taludtod

ang bawat taludtod ay may Pitong pantig

at ito ay may Tugmaan.

  

---ang tamaan: SAPUL!

Kislap Alitaptap

www.kislapalitaptap.multiply.com

www.upalphasigma.org

 

k.

salamat

 

nagtatry na rin ako gumawa pero di pa ako nagpopost ngaun.

daan daan lang....

 

musta na!! naluluha ako sa libro na bigay mo.. basta!

 

salamat

 

araw dalandan

http://soundclick.com/share?songid=7575636

http://soundclick.com/share?songid=7553142

"hinahang

Alexander Dagrit's picture

  Congratulations,

 

Congratulations, reya!

Nalathala pala ang mga ito nitong Mayo 27, 2009 sa Normal 0

http://www.tinig.com

 

 

Ang galing!

Matagal yata ang malathala roon, lalo na kung maikling kuwento ang isa-submit mo.

 

The Best and the Worst In FW

 

Rhea Stone's picture

!

 

Medyo matagal nga po malathala ang isang akda sa site na iyon.  Kailangan ng tiyaga sa paghihintay.

 

Salamat sa pagbabasa!

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

Rhea Stone's picture

!

 

Mabilis po sila sa araw na ito. Naglathala po ulit ako ngayon, wala pa pong kalahating oras ay nalathala na.

 

http://reyastone.blogspot.com/

Alexander Dagrit's picture

  Nalathala ka na kasi,

 

Nalathala ka na kasi, kaya may tiwala na sa iyo as a good writer. hayun, the next time na nag-submit ka, hindi nag-atubili na ilathala ka agad. Nai-submit mo yata ang mga ito nitong May 22, tapos, after five days, published agad!

 

 

The Best and the Worst In FW

 

alunsina's picture

hello po!

Nag enjoy akong makibasa ng mga tanaga.Salamat sa link kung paano gumawa ng isa. Masubukan din.

 Hinggil sa *tagbisi, akala koy tagbusy sa tagalog. :)

Post your Online Classifieds at Mydivisoria.com.

Rhea Stone's picture

!

 

Hi, Miss Alunsina!

 

Welcome to FW po!

 

Masarap po gumawa ng tanaga, subukan n'yo po.

 

Tagbisi po ay kasingkahulugan ng tagtuyot sa Filipino.

Ang tag-busy po yata ay oras ng pagiging abala. :-D

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

Alexander Dagrit's picture

Primera klaseng Balagtasista!

 

Rhea, pasensiya ka na kung binubusisi ko itong mga tula mo. Masarap lang kasing dalirutin ang ganito kagagandang mga tula.

 

 

(Tanaga para kay Reya)

Kay tahimik ng gabi,

Ang isang binibini

ay sumubok humabi

letra sa tabi-tabi:

Ito ay nasa antas ng tugmang karaniwang patinig na walang impit ang tunog dahil ang mga salitang pantugmang gabí, binibíni, humábi, at tabi-tabí ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na i  at pare-parehong walang impit ang tunog. (Ala-Balagtas ito ah!)

 

 

(Tanaga na nagbibigay aral)

Mag-ipon sa'yong gusi

Nang ika'y may mahasi.

Pagdating ng tagbisi*

ay 'di ka magsisisi.

Ang mga salitang pantugmang gusì, mahasí, tagbisî, at magsisísi ay pare-parehong nagtatapos na katinig-patinig na si, iba-iba ang bigkas (malumi, mabilis, maragsa, at malumay, ayon sa pagkakasunod), at iba-iba rin tunog (may impit, walang impit, may impit, at walang impit, ayon sa pagkakasunod).

 

 

(Tanaga tungkol sa pananampalataya)

Ang taong bukas-palad

Ay madaling umunlad

Kamay ay nakalahad

Sa biyaya N'yang gawad.

Ang mga salitang pantugmang bukas-pálad, umunlád, nakaláhad, at gáwad ay pare-parehong nagtatapos sa patinig-katinig na ad; pare-parehong malakas ang tunog; at kamuntik nang maging pare-pareho ang bigkas: malumay ang bukas-pálad, nakaláhad, at gáwad, samantalang mabilis ang umunlád. Kung naging pare-pareho ang bigkas ng mga ito, nasa antas na tugmang pantigan na sana! Ang ganda!

 

 

(Tanaga tungkol sa kalikasan)

Sa tikatik na ambon

Umaawit ang dahon,

Sumisilong ang ibon,

Sumasayaw ang alon.

Ang mga salitang pantugmang ambón, dáhon, íbon, at álon ay pare-parehong nagtatapos sa patinig-katinig na on; pare-parehong mahina ang tunog; at kamuntik na ring maging pare-pareho ang bigkas: mabilis ang ambón, samantalang malumay ang dáhon, íbon, at álon. Pantigan na rin sana!

 

 

(Tanaga tungkol sa bayan)

'Pag palasyo'y pinasok

Ng buwayang niluklok

Sistema'y mabubulok

Baya'y maghihimutok.

Ang mga salitang pantugmang pinások, niluklók, mabubulók, at maghihimutók ay pare-parehong nagtatapos na patinig-katinig na ok, pare-parehong malakas ang tunog, at kamuntik na ring maging pare-pareho ang bigkas: malumay ang pinások, samantalang mabilis ang niluklók, mabubulók, at maghihimutók. Antas ng tugmang pantigan na rin sana ito.

 

 

Grabe ka, Reya! Naalala ko na may mga tula ka palang ginawa na sumusunod sa mga tradisyonal na panulaang Pilipino.

Grabe talaga!

ISA KANG PRIMERA KLASENG BALAGTASISTA!

 

 

 

Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino

 

Rhea Stone's picture

!

 

Ngiiii... Hindi po yata ako PRIMERA KLASENG BALAGTASISTA. Wala nga pong nakapasang tanaga ko sa mas mataas na antas ng tugmaan. Lahat sumemplang. Hahhahahhahhaha!!!

 

Kagabi at kaninang umaga habang nakasakay ako sa bus ay inaaral ko ang blog n'yo: Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino. At medyo nakukuha ko na ang mga uri ng bigkas. May dalawang uri pa po pala ng bigkas:

 

Mariin: A mariín or 'stressed' word can contain the stress pattern maragsa, malumi, mabilis, or malumay but with an extra stressed syllable. There are four types of mariín words:

 

Mariíng Malumay - álinlangan, líbangan 

Mariíng Malumì - máaarì, nakasísirà

Mariíng Mabilis - páaralán, ináanák

Mariíng Maragsâ - dálitâ, nagbíbirô

 

Malaw-aw: is a very rare type of pronounciation that was more common in the days before the Spanish language influenced Filipino speech. It is marked with a hypen or gitling instead of tuldík . The gitling represents a glottal stop before the vowel of the final syllable.

 

ig-ig (to shake up)

alíw-iw (babbling of water)

bag-ang (molar)

 

Sayang hindi ko po nakopya ang link kung saan ko nakita ito.

 

P.S.

Eto po ang link. Hinanap ko po ulit.

 

 

http://reyastone.blogspot.com/

 

Alexander Dagrit's picture

mariin, malaw-aw

 

Oo, may dalawa pang uri ng bigkas, pero hindi ko isinali noong una kasi wala naman sa dulo ng mga salita ang diin.

 

Mariin -- binibigkas nang may kabigatan sa ikatlo, ikaapat, o higit pang pantig buhat sa hulihan ng salita.

Pagdating na sa dulong pantig, maaaring maragsa, malumi, mabilis, o malumay na ang diin ng pantig.

kásundô

bálaná

 

Malaw-aw -- tinatandaan ng gitling (-), binibigkas nang pahakdaw sa huling patinig ng salita, na parang inihihiwalay ang huling katinig sa ikalawang pantig buhat sa huli sa huling pantig ng salita.

ab-ab, ig-ig

kapupun-an, pun-in

bag-ang, gab-i

 

Nawiwirduhan ako sa bigkas na ito. Kaya hindi ko rin isinali noong una.

 

Salamat sa pagkakabanggit mo. Naia-update ko ang blog ko para mairugtong ang mga ito.

 

Siya nga pala, Balagtasista in the making ka na! May malalim kang kabatiran tungkol sa tradisyon ng tula. Sana, ituloy-tuloy mo na iyan.

 

 

 

Ang Tradisyonal Na Panulaang Pilipino