Tanghalang Ateneo presents "Ang Aksidenteng Kamatayan ng Isang Anarkista"
Tanghalang Ateneo presents "Ang Aksidenteng Kamatayan ng Isang Anarkista"
Noong gabi ng Disyembre 12, 1969, isang bomba ang sumabog sa Bangko ng Agrikultura sa Milan na kumitil sa labing anim na katao. Inaresto ng mga pulis ang isang anarkista at pinaratangan siya sa krimeng ito. Sa isang punto ng pagtatanong sa kanya, lumipad ang anarkista palabas ng bintana ng himpilan ng pulis at namatay sa ibaba ng ikaapat na palapag. Isa ba itong pagtitiwakal, isang pagpatay, or katulad ng opisyal ng imbestigasyon ng mga pulis, isang "aksidenteng kamatayan?" Sa gitna ng pagsusumamo ng publiko para sa katotohanan, isang mamamayan ang sumulpot mula sa kawalan at kinanti ang katarungang hinihingi ng madla.
Inihahandog ng
Tanghalang Ateneo
28th Repertory Season
ang dulang
ANG AKSIDENTENG
KAMATAYAN NG
ISANG ANARKISTA
ni Dario Fo, 1997 Nobel Prize winner for Literature
salin ni Joseph de la Cruz mula sa mga bersiyong Ingles nina Simon Nye, Ed Emery at Richard Nelson
ISANG KATAWATAWANG ISTORYA NG PAGTATAKIP NG PULISYA
Tinatampok sina
Ronan Capinding
Joseph dela Cruz
Richard de Guzman
Jethro Tenorio
Missy Maramara
Rizzy Alejandro
Jesus Joseph Ignacio
at Paolo Apagalang.
Direskyon : Ricardo Abad
Disenyo ng produksyon : National Artist for Theater Design Salvador Bernal
Disenyo ng ilaw : JonJon Villareal
Disenyo ng tunog : Ruben Reyes
7PM:
Hulyo 20, 21, 22, 26, 27, 28, 29
Agosto 1, 2, 3, 4, 5
2 PM
Hulyo 22, 29
Agosto 5
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 09224312160 o sa Rizal Mini-Theater (RMT) sa 4266001 local 5121. For campus tours, contact Ms. Nora Adriano, ACTS Foundation, 4155386 or 09194716914


