Tanikala

| |

Isa kang kadenang pumipigil sa aking mga hakbang,

Hakbang papalayo sa nais ng takasan,

di-lang dahil sa pait na bunga nito

kundi na rin sa lamig na patuloy

na pinadarama sa kanlungan mo.

 

Isa kang yumayapos sa aking


Puso, pinipigil ang pagtibok nito.

Upang muling ipagunita

ang mga panahong lumipas na.

 


Isa kang pasanin sa aking dibdib,

Pinupuno ako ng dalamhati at pighati.

Subalit kailangang ako'y tumiwalag na

sa mahigpit mong pagkakahawak,

Upang ako nama'y makapagsimula na ...

E.Ruth B. Borromeo

freelance writer; writes essays, short stories, feature articles and other forms of writings.