TANONG LANG PO!!!!
May isang magandang tanong ang nabasa ko sa blogosphere, at naisip kong bakit hindi ko ilagay ito dito para may mapag-usapan tayo kasi napakagandang topic nito. Sana nga lang maging mahinahon tayo kung sakaling may debateng magaganap, at subukan pa rin nating igalang ang komento ng bawat isa. May sagot na ako dito, pero tingnan ko yung magiging sagot nyo rin
***Ito po ay galing kay Joshmarie (pahiram po!)
Heto na po
“Paano kung ang mga terorista ay may kinidnap na isanlibong tao? Ang option lang ay ito. Para hindi mapugutan ng ulo ang mga biktima, hiniling ng kidnapper na ang presidente na lang ang pupugutan nila ng ulo kapalit ng kaligtasan ng isanlibong nakidnap. Ibibigay mo ba ang gusto nila para isalba ang buhay ng mas marami o isasalba mo ang presidente at isasakripisyo ang buhay ng isanlibong nakidnap?”
Antay ko ang mga sagot nyo.
Spike
opinyon kolang...
im watching old episodes of westwing rite now,how ironic?hihi, eto lang masasabi ko,kung ako ang presidente, papayag akong pugutin ulo ko kung....isusuko din nila ang pinaka leader ng mga terorista, dhil kung papayag ako sa hiling nila, what's next? Hihingin ang ulo ng pope? N then who's next in line? Hindi ba sa mga movies,sinusugal ng mga tao ang buhay nila pra i save ang buhay ng presidente?ilang libo ba ang namatay noong 9-11? Marami ng collateral damages, but i dont think na they'll asked for d president's head, kc alam nila imposibleng iaalay sya mismo ng mamamayan, habang ang pinaka pangulo ng mga terorista,nagtatago pa...buti pa siguro one-to-one nalang sila...
*sori sa spelling, celfone lang gmit ko,couch potato ako 2day*
may mga pagkakataon na
may mga pagkakataon na akala natin, dalawang options lang ang meron tayo kaya dun tayo nagfo-focus. nagiging close-minded kumbaga. wala na kayang ibang paraan para maligtas ang lahat ng buhay na involved? hindi naman siguro tama na mawalan ng pag-asa na magbago ang isip ng mga terorista, although nasa mentality na kasi na kapag terorista, masamang tao kaagad.
pero kung sa dalawang choices, siguro mas tama na yung presidente na lang. offer a soul to save a thousand. yun na lang ang maging drama. kasama nga naman sa responsibilidad ng presidente ang ipagtanggol ang nakararami, bagay na nalilimutan ng karamihan sa mga pulitiko, hindi man lahat.
P.S. sino bang presidente? kung yung presidente ngayon, kahit i-chop chop pa. ok lang talaga. promise! hehe.
-Galatea Artemis
"An eye for an eye makes the whole world blind..."
-Mahatma Gandhi
Depende sa time frame. Kung
Depende sa time frame. Kung may oras pa naman para makapagplano ng rescue, e di rescue na lang para masaya ang lahat. Kung ako naman yung presidente, ipapaaresto ko ung oposisyon dahil siguradong pakana nila yun. Wahahahaha! Joke lang. :D Saka imposible rin na makakidnap ng 1000 na tao. Hindi ata napag-isipan ni Joshmarie yung tanong. Hehe :D
Isa pa, kung pupugutan ng ulo yung isang libong tao, gaano katagal yun bago matapos? 48 hours? Unless, 1 is to 1 ang ratio ng kidnaper sa mga biktima.
* * *
Sa akin lang
Ang terorista ay terorista, ang gusto nila ay maghasik ng kaguluhan. Minsan kasi nagiging subjective ang paghuhusga natin, kasi ayaw natin sa presidente. Hindi naman si Gloria ang tinutukoy dito kundi yung posisyon nya.
Hindi ito isyu ng isang ulo kapalit ng 1,000 ulo. Kundi pang-aagaw yun sa kapangyarihan. Siguro nga maisasalba natin yung 1,000 ulo kapalit ng ulo ng presidente pero baka iyon pala ang magiging simula para isang malaking kaguluhan. Kaya sa huli ang ipinalit pala natin ay hindi isang ulo lang kundi pati pala mga ulo natin at ng milyon milyon pang ulo.
Wag tayong maging subjective, na kaya willing tayong isakripisyo ang ulo ng pinuno natin kasi ayaw lang natin sa kanya. Paano kaya kung yung presidente sa panahon na yun ay isa sa pinakamabuti at magaling na pinuno na tumulong sa pag-unlad ng bansa natin. Willing ka pa rin bang isakripisyo ang ulo nya?
Ito ay opinyon ko lang naman.
Salamat
Spike
My Personal Blogs:
Mga kahanginan ng utak ko:
http://utaknidrake.blogspot.com/
Kwentong nagbibigay inspirasyon:






hi!
hmmm.. sa tingin ko , yung buhay na lang ng presidente(???) kunin nila.
kasi kaya binoboto ng mga tao ang presidente kasi alam nilang karapat-dapat ito at gagawin lahat para sa bayan.. may attitude DAPAT sila ng pagiging BAYANI na handang mamatay para sa kaligtasan ng bansa at mga pilipino, katulad ng ating mga bayani..!!
hmmp, not against to anyone, no offense!! it is just my own opinion.
by the way, hello sayo!