TAO AT HAYOP
Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}
TAO AT HAYOP
Habang ako’y nakaupo sa aming hardin. ako’y napatingala sa langit, napatingin sa ibaba at napamasid sa kanan at kaliwang bahagi ng aking kinauupuan. Dito ko napag muni muni na ang ugali ng mga tao at gawa ay pwede natin maihambing sa isang uri ng hayop. Unang una kong napagmasdan ay ang mga …………….
MGA IBON na nag liliparan sa himpapawid na kung ating pag mamasdan sila’y nag hahanap ng lugar kung saan sila makakakuha ng kanilang makakain, na pwede nating ihambing sa lahat ng mga pilipinong OFW na lumilipad sa ibat ibang panig ng mundo upang maghanap buhay nang sa ganun ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya.
MGA PUGITA SA DAGAT sila’y maraming galamay sila ang mga malalaking maempluwensyang tao sa pilipinas na nag hahari harian sa ating bansa.
MGA ANAY – mga pilipinong sumisira sa imahen ng bansang Pilipinas katulad ng mga corrupt, Drug lord, mga magnanakaw, mga prostitute at mga adik na gumagamit ng ipinag babawal na gamot.
MGA DAGA – mga dayuhang kung saan - saan nanggaling na kumukotkot sa yaman ng bansang pilipinas, at mga magnanakaw sa gobyerno na kinukotkot ang kaban ng bayan.
MGA ASONG ASKAL – Mga ibang police na siga sa kalsada na nangongotong sa mga driver na namamasada at mga police na nag totolerate sa kaliwa’t kanang bentahan ng ipinag babawal na gamot.
MGA PAGONG Or TURTLE – mga taong tamad kaya walang asenso sa buhay, mga taong tutulog tulog na naghihintay lang ng grasya, mga tambay na puro inom at sugal ang inaatupag.
MGA LANGGAM – Sila ang mga taong nag titiyaga sa maliit na kinikita upang makapag impok para sa kanilang ikabubuhay , mga taong may marangal na trabaho katulad ng mga street vendors, sa kabila ng maliit na kita sila’y naniniwala na makakaraos din sila sa buhay.
MGA BUBUYOG – Mga pilipinong manunulsol, mga diktador, mga maiingay na puro salita wala namang gawa, mga taong puro pangako na lagging napapako.
MGA LANGAW – Mga pilipinong mahilig dumikit sa mga kilalang tao, sikat, maimpluwensya at makapangyarihan na kahit alam nilang mga mali na ang ginagawa Kung baga sa kasabihan kung nasan ang tae may langaw.
MGA BUWAYA – Sila ang mga buwaya ng lipunan , mga taong maempluwensya, maraming pera na kahit harap harapan na pumatay ay hindi parin nasesentensyahan dahil sa kanilang kayamanan at mga connections.
MGA PUSANG GALA – Sila ang mga bata sa lansangan na nag hahanap ng mga taong mag aaruga sa kanila at mag bibigay ng magandang bukas.
MGA IPIS – Sila ang mga taong nag kalat sa lansangan, mga prostitute, mga adik na walang kinabukasan.
MGA SNAKES O AHAS – Mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na kahit pakainin mo na sa palad mo ay aahasin ka pa rin. Mga taong makamandag.
MGA GAGAMBA – Sila ang mga taong kahit saan nag tatayo ng bahay kahit illegal, ibang mga squatters na kahit alam nilang delikado sege sege parin makapag patayo lang ng bahay na matatawag nilang tirahan.
MGA LINTA – Sila ang mga taong mahilig manipsip, mga taong walang iniisip kung hindi ang pansariling kapakanan, sumisipsip ng sumisipsip hanggang may makukuha at kung wala na sila’y bibitiw na.
MGA CRAB – Ito ang karamihan na ugali ng mga pinoy ang manghila pababa, pag umiral ang inggit wala ng sinisino basta mahila niya pababa, mapabagsak ka niya, Mga taong may mga makikitid na utak, mga taong gusto lagi sila ang nakakaangat, mga taong pinaiiral ay puro yabang, sila ang mga taong walang pakialam kahit makasira sila ng kinabukasan ng kapwa nila.
Ito lang ang mga bagay bagay na napag muni muni ko. Na ang buhay pala ng tao ay pwede natin ihalintulad sa mga hayop na nakikita natin sa ating kapaligiran, iba’t ibang klase ng hayop , may mga iba’t ibang pamamaraan din sila kung papano mabuhay, may mga hayop na may silbi, may mga hayop na pwedeng alagaan, may mga hayop din naman na ensekto na nakakasira sa ating kapaligiran, may mga hayop din na kinatatakutan, may mga hayop din na swerte at malas. Kaya parang sa tao din may mga kanya kanya tayong pamamaraan upang mabuhay, iba’t ibang ugali rin meron tayo, merong masama, merong mabuti, merong masipag, merong tamad, merong mahirap meron ding mayaman…Sa tingin ninyo anong klase ng hayop kayo nabibilang….???????


