Tapos Na Ang Pasko
Submitted by dodie58 on December 29, 2009 - 9:00pm.
ANO BA TALAGA ANG KAHULUGAN NG PASKO!
Tapos Na Ang Pasko
Danny Diaz
28 Dec., '09
Tapos na ang Pasko
ano'ng tinanggap Mo,
Natupad ba gusto
na inaasam mo.
Ang nanggaling Sa'yo
kulang man o husto,
Mga binigyan mo
natuwa ba sa'yo.
Mura man o mahal
tinanggap o bigay,
Lahat sana'y tunay
sa puso ay bukal.
Kahit kanino man
ang Pasko'ng nagdaan,
Mayro'ng kabuluhan
hindi nasasayang.
.. DcD/dodie
» dodie58's blog | login to post comments | 307 reads

