Tatlong segundo ng luha
Sa sanga ng puno ako ay bumagsak,
Ang akala ko sa bisig mo ako'y lilipad,
Ngunit sa batong masungit rin pala ang lagapak,
Kaya ako ngayo'y sa sakit ay napapaliyad.
Ang pinangarap na ulap sa iyong mga kamay,
Ay tila isang tinik na sa akin ay sumusugat,
Ang akala ko sa hangin ako'y hihimlay,
Ngunit sa karayom din pala mamumulat.
Ang katawan sa bugbog ay manhid na,
Kahit kurutin pa'y wala nang maramdaman,
Ngunit ang puso ko'y tumitibok pa,
Hagupit ma'y balewala ako pa rin ay masasaktan.
Isang ngiti sa bawat paghampas,
Isang halik sa pagkurot ng 'yong dila,
Isang yakap para sa pag-ibig na wagas,
Alay sa'yo ang tatlong segundo ng aking luha.
salamat
hello, Sir Alexander, salamat sa impormasyon na ibinigay n'yo. Nabasa ko po 'yung link, ngayon ko lang nalaman 'yung mga 'tugmang dalisay' at iba't-ibang antas ng paggawa ng tula. Hindi pa po kasi ako nakakapagbasa ng aralin about sa mga tula. Salamat po, sa susunod, aayusin ko pa ang paggawa.
Muli, salamat sa pagbasa ng aking likha...
Mabuhay po kayo..
._.+'emopencil'+._.
...
Gusto ko 'to.
walang masyadong ligoy, diretso agad sa puso. ang ganda.
Ako ang pinakaromantikang sakyubus sa balat ng lupa...
Di ko 'to nagustuhan
Bakit di ko 'to nagustuhan?
Andaming 'ko' at 'ay'. Pwedeng bawasan?
'Bless God and bless the gays.' - Lady Gaga
HI Jack... 'yun nga din lagi
HI Jack... 'yun nga din lagi kong iniisip e. 'di ko lang mabawasan.. heheh.. Pareho tayo ng napuna.. salamat sa pagbasa.. Mabuhay ka!
isang patunay na Love, just
isang patunay na Love, just end in tears....





>
Maganda baga ang tugmaan:
bumagsak (mabilis ang bigkas, malakas ang tunog sa dulo)
lilipad (mabilis ang bigkas, malakas ang tunog sa dulo)
lagapak (mabilis ang bigkas, malakas ang tunog sa dulo)
napapaliyad (mabilis ang bigkas, malakas ang tunog sa dulo)
Ang antas ng tugmaan: Tugmang dalisay
At ang salitan ng tugma: abab
Pero bakit wala yatang tamang sukat?
Iyon lamang po.
Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino
Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)