Poetry

benjamin grajo pereyra's picture

"Walang Usapan"

|

Lucas: Pare bakit ka tulala? Ano na naman bang iniisip mo?
Ramon: Wala.
Lucas: Kilala kita. Di pwedeng wala lang yang pananahimik mo.
Ramon: Bakit mo naisipang magtanong?
Lucas: Dahil alam kong sasagot ka.
Ramon: Bakit sinagot na ba kita?
Lucas: Oo!
Ramon: Ano?
Lucas: Wala.

Ramon: Puta!

Lucas: Asan pare?
Ramon: May pera ka?
Lucas: Ayos ka ah! Tingin mo sa akin tumitira ng puta?
Ramon: Gago! Mangungutang ako.

Bahala ka na mag-isip... Lahat tayo binigyan ng ganyan at maaaring pansarili lamang.

Gabi sa Corregidor

| |

 

           Ssh....wag kang maingay.

           Sssh....wag kang maingay! Wag kang gumawa ng kahit ano mang tunog. Ssh... Hindi natutulog ang gabi. Mata lang ang iyong ipikit ngunit di ang mga pandinig. Ssh..

            Nasaan na ba tayo? Sa ilalim ng kagubatan? Ewan ko. Matamlay na ang aking mga kalamnan at masyadong madilim ang kalangitan. Siguro ay takot at nagtatago ang buwan.

Mariphosa Abines
benjamin grajo pereyra's picture

"Ang Aking Bayani"

|

Isang paghagilap ang aking binalikan,
Pagbabalik tanaw sa gitna ng tag-ulan.
Pabalik kong hinatak ang aking kaisipan,
Upang balikan ang aking nakaraan.

Ang pagbabalik sa aking nakalipas,
Wala akong kakayahang umiwas.
Mga salitang pilit kong pinipitas,
Isang gabay na maagang nagwakas.

Isang bayani na hindi nagdala ng itak,
Mga salita niya ang syang tumatak.
Isang kayamanang higit pa sa pilak,

Kung 'di ka marunong kumanta, sa PGT 'wag ka ng umasa.

RCantor's picture

Sa Pagiging Bayani ni Inay

| | | |
Overseas Filipino Worker kung ikaw ay tawagin
Aalis,Uuwi,heto palagi ang sitwasyon ng buhay natin
'Mahirap maghanap-buhay kung ikaw ay walang katuwang sa buhay',
yan palagi ang linya ni Inay sa akin
Kay hirap pala maging OFW,laging bitbit ang lungkot at listahan ng mga utang sa kanyang paglalakbay
"Domestic Helper" ang posisyon ni Inay,pagiging alipin sa mga banyaga pero

Written by RCantor

 Thank you very much for reading, and God bless you all.

Kanta ng Buwetre

| |

Magulo

Ang natatanging kinabukasan

Naghihintay

Na mabulid sa karimlang

Kasakiman

Ang lumalason sa kamalayang

Dalisay

Ngunit niyurakan at nadis- ilusyon.

 

Kawalang Pag- asa

Sa gitna ng dagok ng panahong

Kinurakot

Kailanma’y ‘di na maibabalik pa.

Isang sugat

Hihilom ma’y bubuka pa rin

Luluha

Ng dugong pinuhunan ng kasaysayan.

 

Kapangyarihan

Tawag ng laman, hindi nalalabanan

Pangarap

Ng sinumang mithiin ay kadakilaang

Hungkag

Gem Harvey Concha

Panggap na makata at kwentista.

benjamin grajo pereyra's picture

"Pila ng Putol na Kaisipan"

|

Parang tubig sa gitna ng kainitan

O ‘di naman kaya tuyong lupa sa gitna ng karagatan.

Parang kiliti sa kalaliman ng pagkabigo at pagkabagok

O ‘di naman kaya pagtahan ng tawa sa ‘di sinasadyang usok.

Parang pagsisid para sa mamahaling perlas na biyaya

O ‘di naman kaya pagtampisaw sa mga nakalutang na dikya.

 

Maaaninag ang liwanag ng kalawakan kahit nakapikit,

Ngunit ‘di makikita ang kagandahan ng langit.

"Pinipilit mo lang magpaka-wet look pero ang totoo tuyo naman ang utak mo."

5182EiDiDiFy's picture

Isang Mahabang Pag-idlip

| |

Inilapat ko ang aking katawan sa malawak na higaan

upang doon ay ipahinga ang pusong malaon ng pagal

matagal narin pala mula ng mahiga akong nag-iisa

subalit kailangan kong masanay…

Felmo R.

"akala ko kaya ko, akala ko pwede pa... akala ko lang pala!"

-Ryan-

 

 

please visit: eididify.blogspot.com

 

5182EiDiDiFy's picture

Lunes ng Gabi

| |

Maaga akong gumising tulad ng dati, tuwing Martes ng umaga…

Marahan akong tumayo mula sa kama… dahil ayaw kong maistorbo ang iyong pagtulog, dahil alam kong pagod ka at ito lamang ang tanging araw ng iyong pahinga.

Felmo R.

Ilang buwan ko na rin palang di nadalaw ang site na ito... Kamusta?

Asher's picture

blah

|

Gitna ng gabi at nag-iisip

Bakit sumabay sa maling ihip?

Maaari namang umpisahan

Nang hindi agad nawawakasan

Bagay na dapat inalagaan

Maliit na mitsang niliyaban

 

Unang bugso ng apoy sa dilim

Kaygandang tignan, gabi'y lumalim

Nagliliyab sa gitna ng lahat

Nagbabadya ng 'sang pagkamulat

Sa kabanatang isisiwalat

Munting liwanag na kumakalat

 

Unti-unting mitsa'y umiinit

Mumunting apoy nakapalipit

poem unfinished. work still in progress.

Si Juan na May Dalang Laruan

| |

 

Isang gabi, naglalakad si Juan sa ilalim ng buwan,

bitbit niya ang plastic na may laman na laruan.

At sa kanyang mukha, kitang-kitang may nakapinta,

ngiting dulot ng walang kapantay na saya.

 

Malamig at malakas ang hangin,

sa gabing walang ningning.

Sa langit nagtatago ang mga bituin,

at walang ibibigay na hiling.

Brian Ayson

Posted on Facebook, 7th September 2012

Syndicate content